You are on page 1of 40

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Nelson Mandela: Bayani ng
Africa (TALUMPATI)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jaquelyn A. Villasor
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug, Precioso M. Dahe
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: James Earl Campol
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD EPS-FILIPINO
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-manager
Jeny B. Timnal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Department of Education – Division of Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(TALUMPATI)

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador

sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga

rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

ii
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa Ikatlong Markahan hinggil sa Talumpat ni Nelson Mandela:
ayani ng Africa .

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:

Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman,
gawain, paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mga mag-aaral kahit sila ay nasa
kanilang sariling tahanan.

Para sa Mga Magulang:

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-
aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

iii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

iv
TALAAN NG NILALAMAN
TAKIP NG PAHINA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA
Aralin 1-Sanaysay
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 11
Aralin 2 - Talumpati
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 17
Pagyamanin 17
Isaisip 19
Isagawa 21
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 24
Aralin 3 – Talambuhay ni Nelson Mandela
Balikan 27
Tuklasin 27
Suriin 29
Pagyamanin 29
Isaisip 31
Isagawa 31
Tayahin 32
Karagdagang Gawain 34
Aralin 4- Gramatika: Tuwiran at di Tuwirang pahayag
Alamin 35
Subukin 35
Balikan 37
Tuklasin 37
Suriin 38
Pagyamanin 39
Isaisip 39
Isagawa 40
Tayahin 41
Karagdagang Gawain 43

v
Aralin 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain
Alamin 44
Balikan 44
Tayahin 45
Susi sa Pagwawasto 46
Sanggunian

vi
ii
Aralin
Sanaysay
1
Ngayong nasa huling baitang ka na ng sekondarya, tiyak marami ka ng dati alam
kung ano ang sanaysay na ibig mo pang mapayaman ngayong nasa huling antas
ka na ng iyong pag-aaral.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito.
Hangad namin na mahasa at madaragdagan ang inyong kaalaman sa
impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.

Balikan

Nang pamahalaan ng National Party ang Timog Africa noong 1948, ang gobyernong
binubuo ng mga puti ay naglunsad ng mga pilisiyang maghihiwalay sa mga puti at
hindi puti. Tinatawag nila itong Apartheid. Sa ilalim ng apartheid, ang mga hindi puti
ay kinakailangang tumira at gumamit ng mga pampublikong lugar na hiwalay sa mga
puti. Pinagbawalan din ang pag-iisang dibdib ng mga puti at hindi puti. Ipinatupad din
ang pass law system, kung saan hindi maaring magpunta sa mga lugar na nakatalaga
para sa mga puti ang mga itim na African kung wala silang dalang pass na ibinibigay
ng pamahalaan. Sa kabila ng mga protesta laban sa ganitong sistema ay nanaig pa
rin ang apartheid ng halos limang dekada.Ang mga namuno sa mga protesta at pag-
aaklas laban sa apartheid ay napatay o di kaya naman ay ikinulong, isa sa kanila ay
ang kilalang freedom fighter na si Nelson Mandela.

Noong 1990 ay inilabas si Mandela sa kulungan. Nakipagtulungan siya s

pamahalaan ni President F.W Klerk upang makapagtatag ng bagong konstitusyon sa
Timog Africa. Ito na ang hudyat ng pagkawala ng apartheid. Ang dalawang pinuno ay
pinarangalan ng Nobel Peace Prize noong 1993 para sa kanilang kahanga-hangang
hakbang sa pagbabago at kapayapaan.
Noong 1994, nahalal si Nelson Mandela bilang pangulo ng Timog Africa, isang
tanda na tapos na ang mahabang panahon ng racial discrimination.

1
Tuklasin

Nelson Mandela: Bayani ng Africa

Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga

kaibigan…
Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa
sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi
ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.Ang
ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng
sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at
magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.Ang
lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon. Sa
aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng
jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman
natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng
panahon.Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng
kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita
natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya
at pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay
nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo,
na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa
pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay
para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap
sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng
mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang
kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo,
tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan
ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa
pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon
at ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan
pa ring makakita ng liwanag.Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto

2
na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging
dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin
na.Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong
palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at
iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon
ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan,
at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa
sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng
lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay
maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa
pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of
National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang
isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw
na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na
nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang
kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw,
mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng
nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan para
sa kalayaan. Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.Kailangan
nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa
pagsilang ng bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa
lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.Magkaroon nawa ng
hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang
katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang
kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging
katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

Suriin

Sanaysay
Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa ang sanaysay. Maibibilang sa uring ito ng panitikan ang mga sulating
pampahayagang gaya ng artikulo, natatanging pitak o lathalain, at tudling. Kasama rin

3
sa uring ito ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, at diskurso;
gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik.
Ang sanaysay ay may sumusunod na katangian:
1. Makabuluhan ang paksa-maaaring panrelihiyon, panlipunan, pang-kaugalian,
pangkabuhayan, pang-edukasyon, at iba pang paksa.
2. May kaisahan- nauukol lamang sa isang paksa ang dapat talakayin at sunod-sunod
ang paghahanay ng kaisipan.
3. Tamang pananalita-tama ang salitang ginagamit ayon sa paksang inilalahad.
4. Makatawag-pansin ang pamamaraan- inilalahad sa paraang masining ang
simula, gitna at wakas.
Ang sumusunod ay uri ng sanaysay ayon sa pangkalahatang pang-uuri:
Ang pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng makatotohanang
impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat na tinalakay kaya’t
masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na nakatutulong sa
lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay
karaaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at
palakbayin ang guniguni. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at
moral ng mga mambabasa.
Ang pamilyar o di-pormal o tinatawag ding palagayang sanaysay ay
mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay
sa mga karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa. Binibigyang-diin
nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng
may-akda ay maaaring naranasan din ng mga mambabasa. Ang pananalita ay
paraang usapan lamang ng magkakaibigan kaya magaan, madaling
maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng may-akda. Malimit itong
nasusulat sa unang panauhan. Ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithing
mangganyak, magpatawa, o kaya ay manudyo o magsilbing salamin sa lahat
ng mga saloobin at kondisyong pansikkolohikal ng mg mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”Noong 1580,
isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay”. Ito ay tinawag nyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang paagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Elemento ng Sanaysay
1. Tema- ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng
akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
*2. Anyo at Estruktura- ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod ng ideya o
pangyayari ay nakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

4
*3. Kaisipan- ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
*4. Wika at Estilo- ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkagamit nito ay
nakaaapekto rin sap ag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.

Pagyamanin

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1.Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang

talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi at sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga Timog Africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kanyang talumpati?Ganito
rin baa ng katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga
pangyayaring nagpapatunay nito.
4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging
damdamin sa talumpati ni Mandela?
5. Sa ano-anong sitwasyon maitutuing na hindi malayaang isang tao? Lahi o bansa?
6. Ano ang katangian ng sanaysay?
7. Ano-anong panitikan ang nabibilang sa sanaysay?
8. Ano-ao ang dalawang uri ng sanaysay ayon sa pangkalahatang pag-uuri?
9. Paano maihahambing ang dalawang uri ng sanaysay?
10. Base sa personal mong pagsusuri, anong uri ng sanaysay ang binasa mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita sa mga gawaing

ito. Sana’y natulungan kita para madagdagan ang iyong kaalaman
sa sanaysay

Isaisip

Nasusuri ang pahayag kug Tama o Mali

Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad nito at ang
Mali kung hindi
_____1. Maaaring maging pormal o pamilyar ang isang sanaysay.
_____2. Mabibilang ang nobela sa uri ng sanaysay.
_____3. Layunin ng pamilyar o di-pormal na sanaysay ang makapag-aliw at
makapagbigay-aral.
_____4. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang tuluyan.

5
_____5. Mayroon itong sukat at tugma.
_____6.Subhektibo sa damdamin at paniniwala ng may akda ang Pormal na
sanaysay.

Isagawa

Alamin kung ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pormal at di pormal.

Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba.

Pamagat:_____________________________

Pagkakaiba ng
Pagkakaiba ng
kalagayang pantao
kalagayang
pantao

Pagkakapareho

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot .

1. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinion, kaisipan at ideyang binibigkas sa harap

ng maraming tao.
A. Balagtasan B. sanaysay
C. talumpati D. tula

2. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging

tuluyan.

6
A. anekdota B. epiko
C. mitolohiya D. sanaysay

3. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.

A. Espiritwal at pisikal na kaisahan B. Paghihiwalay ng mga tao sa mundo
C. Pagkalugmok ng sarili D. Pagtanggi sa rasismo

4. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang

A. Di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
B. Pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. Pagpapahirap sa mamamayan
D. Pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa

5. Sino ang kadalasang nakaranas ng rasismo?

A. .Amerikan B. Negro
C.Pilipino D. Tsino

6. Paano maiiwasan ang rasismo

A. Dapat isapuso ng lahat na tayo ay pantay pantay sa mata ng Diyos at tao
anuman ang ating panlabas na kaanyuan
B. . Maging mapagkumbaba at pahalagahan ang dignidad ng iba.
C. Magkaroon ng masinsinang edukasyon sa paggalang sa karapan ng bawat
lahi.
D.. Lahat ng nabanggit

7. Sino ang nakikipaglaban sa ating wikang pambansa?

A. Emilio Aguinaldo B. Graciano Lopez Jaina
C. Manuel L. Quezon D. Manuel Roxas

8. Ito ay mahalagang sangkap ng sanaysay sapagkat nakaaapekto ito sa

pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod ng ideya o
pangyayari ay nakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
A. Anyo at Estruktura B. Kaisipan
C. Tema D. Wika at Estilo

9. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.

A. Anyo at Estruktura B. Kaisipan
C. Tema D. Wika at Estilo

10. Ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

A. Anyo at Estruktura B. Kaisipan
C. Tema D.Wika at Estilo

B. Nasusuri ang pahayag kung tama o mali

Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad nito at
ang Mali kung hindi.
_____11. Maaaring maging pormal o pamilyar ang isang sanaysay.
_____12. Mabibilang ang nobela sa uri ng sanaysay.
_____13. Layunin ng pamilyar o di-pormal na sanaysay ang makapag-aliw at
makapagbigay-aral.

7
_____14. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang tuluyan.
_____15. Mayroon itong sukat at tugma.

Binabati kita at nasagutan mo nang maayos ang mga sumusunod na gawain

Aralin
Talambuhay ni Nelson Mandela
2
Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa Talumpati ni Nelson Mandela. Ang araling
iyong babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito.
Hangad namin na mahahasa at madadaragdagan ang inyong kaalaman sa
impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.

Balikan

Sa nakaraang leksyon ay tinalakay natin ang tungkol sa sanaysay at ang mga

elemento na napapaloob nito. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa
anyong tuluyan na ipinapahayag ang sariling kaisipan, kuru-kuro, saloobin at
damdamin na kapupulutan ng aral.

Mga Tala para sa Guro

Sa araling ito, sana ay mapabasa ninyo sa mga mag-aaral ang talumpati na
binigkas ni Nelson Mandela . Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga gawain.
Ipa intindi sa kanila kung anong dapat nilang gawain sa araling ito. Para sa
reperensiya ng sagot tingnan ang susi ng pagwawasto.

Tuklasin

Basahin at unawaing muli ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong
Mayo 10,1994 nang siya ay pasinayan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan

8
particular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahadng pagnanais ng kalayaan ng
kanilang bansa.Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa
kalayaan,karapatan at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng
kanilang kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga

kaibigan…
Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa
sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi
ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.Ang
ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng
sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at
magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.Ang
lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon. Sa
aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng
jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman
natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng
panahon.Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng
kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita
natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya
at pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay
nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo,
na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito
upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa
katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap
sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng
mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang
kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo,
tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan
ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa
pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon
at ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan
pa ring makakita ng liwanag.Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto
na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging
dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin

9
na.Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong
palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at
iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon
ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan,
at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa
sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng
lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay
maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa
pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of
National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang
isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw
na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na
nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang
kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw,
mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng
nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan para
sa kalayaan. Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.Kailangan
nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa
pagsilang ng bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa
lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.Magkaroon nawa ng
hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang
katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang
kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging
katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!Salamat.

Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng

impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghiikayat
din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin-ang magkaroon
ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng
mahahalagang impormasyon sa isang talumpati.

Suriin

Si Nelson Rolihlahla Mandela ay ang kauna-unahang Pangulo ng Aprika na may itim

na balat. Naglingkod siya sa Timog Aprika sa taong 1994 hanggang 1999. Kilala itong
anti-apartheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system o ang sistema
ng racial segregation noon sa Timog Aprika. Sa kaniya ring pag-upo bilang pangulo,
nilabanan ni Mandela ang kahirapan at deskriminasyon at isinulong ang rekonsilasyon

10
ng iba’t-ibang lahi. Nagsilbi si Mandela bilang presidente ng African National
Congress (1991-1997) na siyang ruling party pa rin ngayon sa nasabing bansa at
secretary general ng Non-Aligned Movement noong 1998-1999. Kinikilala rin itong
ama ng demokrasya ng Timog Aprika.Ipinanganak noong July 19, 1918 sa Mvezo,
Umatu na dating bahagi ng Cape Province. Dati itong tinaguriang Rolihlahla o
“troublemaker” pero ngayon ay kilala na sa kaniyang clan name na “Madiba.”Si
Mandela ay miyembro ng Thembu royal family na namumuno noon sa rehiyon ng
Transkei. Tatlong beses itong ikinasal at may anim na anak habang 17 ang mga apo.
Sinasabing istrikto si Mandela pagdating sa mga anak pero malambing daw ito sa
kaniyang mga apo. Bagama’t walang pinag-aralan ang mga magulang, si Mandela ay
nagsikap mag-aral at nagtapos sa Fort Hare University at University of Witwatersrand
kung saan siya nag-aral ng abogasya.Ngunit sa kaniyang paglipat sa Johannesburg,
naging bahagi ito ng anti-colonial politicsat naging founder ng Youth League ng ANC.
Nang simulang ipatupad ang apartheid system, nakilala naman si Mandela dahil sa
“Defiance Campaign” ng ANC noong 1952. Ilang beses itong inaresto sa akusasyon
ng sedition at nilitis sa Treason Trial noong 1956-1961 pero napawalang sala. Si
Mandela ay co-founder ng grupo ng militante na Umkhonto we Sizwe (MK) na
nanguna sa bombing campaign laban sa gobyerno.Taong 1962 inaresto muli si
Mandela at sa pagkakataong ito ay nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo
sa pananabotahe at pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang gobyerno. Nakulong
ng 27 taon si Mandela, una ay sa Robben Island bago nalipat sa Pollsmoor
Prison at Victor Verster Prison. Dahil sa international campaign para sa kaniyang
paglaya, nakalabas ng kulungan si Mandela noong 1990.Nakipagnegosasyon ito sa
pamahalaan para sa pag-abolish ng partheid system at matapos mahalal bilang ANC
president, pinangunahan ang tagumpay ng partido sa halalan. Kaniyang binuo ang
bagong konstitusyon at nanguna sa Truth and Reconciliation Commission upang
imbestigahan ang mga human rights abuses habang nagpakilala ng mga bagong
polisiya para sa land reform at healthcare services.Umakto itong mediator noon sa
pagitan ng Libya at Gran Britanya sa trial ng Pan Am Flight 103 bombing o mas
kilalang Lockerbie bombing. Pinamahalaan din ni Mandela ang military intervention sa
Lesotho.Tumanggi na si Mandela na tumakbo sa kaniyang ikalawang termino sa halip
ay naging statesman na lang at itinuon ang atensyon sa charity lalo na sa kampanya
laban sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng kaniyang Nelson Mandela
Foundation.Hanggang ngayon nagsisilbi itong “uniting force” ng Timog Aprika at
patuloy na nirerespeto bilang “Father of the Nation.”Dahil sa kaniyang anti-
colonial at anti-apartheid na panindigan ay naging kilala si Mandela sa buong mundo
at nakatanggap ng 250 mga pagkilala kabilang na ang Nobel Peace Prize noong
1993, US Presidential Medal of Freedom at Soviet Order of Lenin.Sa South Africa at
United Kingdom, ilang estatwa at monumento ni Mandela ang itinayo habang
ginawaran din ng “freedom of the city” sa Johannesburg at Leeds sa UK.Ilang
mangangawit din ang gumawa ng kanta para kay Mandela, isa na rito ang “Free
Nelson Mandela” ng The Special AKA na ginawan din ng version ni Elvis Costello.Alay
din ni Stevie Wonder kay Mandela ang kaniyang 1985 Oscar song na “I Just Called
To Say I Love You.”Ang bawat kaarawan nito ay ipinagdiriwang ng buong South Africa
habang ang July 18 ay idineklara ng United Nations na Nelson Mandela
International Day kasabay ng kaniyang kaarawan, bilang pagkilala sa kaniyang

11
legacy.Napag-alaman na sa 27 taon niyang pagkakakulong ay kinapitan ng
tuberculosis ang Nobel Peace laureate. Taong 2010 pa huling nakita sa publiko si
Mandela, nang mag-host ng World Cup ang Timog Aprika. Pumanaw ang dating
pangulo ng Timog Aprika sa edad na 95-anyos. Ito ay inanunsyo ng Pangulo ng Timog
Aprikang si Jacob Zuma.Ayon kay Zuma, namatay si Mandela na napapalibutan ng
kaniyang pamilya, sa tahanan nito sa Johannesburg dahil sa kaniyang lung infection.

Pagyamanin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pinakamagandang katangian na ipinapakita ni Nelson Mandela sa kanyang
nasasakupan?
_________________________________________________________________________

2. Kung may isang katangian ang nais mong mabago sa kanya, ano kaya ito? Bakit nais mo
itong mabago sa kanya?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang naging impluwensiya ni Mandela sa buhay ng mga tao sa Aprika?Paano nila
ito pinapahalagahan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Isaisip

Gumawa ng isang poster na magpapakita ng resulta ng diskriminasyon.

12
Isagawa

Ilarawan si Nelson Mandela bilang isang ama sa kanyang pamilya at bilang ama sa
Timog Aprika.Gamitin ang graphic organizer sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong ukol rito.

Bilang Ama sa Pamilya N Bilang Pangulo sa Aprika

_____________________________
E
_________________________________
_____________________________ L _________________________________
_____________________________ S _________________________________
_____________________________ O _________________________________
_____________________________ N _________________________________
_____________________________ M _________________________________
_____________________________ _________________________________
A
_____________________________ _________________________________
N
_____________________________ _________________________________
_____________________________ D _________________________________
E _________________________________
_____________________________ L _________________________________
_____________________________
A _________________________________
_____________________________

Tayahin

1. Kailan inaresto muli si Mandela at sa pagkakataong ito ay nahatulan ng habang

buhay na pagkakabilanggo sa pananabotahe at pakikipagsabwatan upang
pabagsakin ang gobyerno.
A. Taong 1961 B. Taong 1962
C. Taong 1963 D. Taong 1964

2. Idineklara ng United Nations na Nelson Mandela International Day kasabay ng

kaniyang kaarawan noong
A.April 18 B. Mayo 18
C. Hunyo 18 D. Hulyo 18

3. Pumanaw ang dating pangulo ng Timog Aprika sa edad na

A. 95-anyos B. 96-anyos
C. 97-anyos D. 98-anyos

13
4. Ano ang ikinamatay ni Mandela?
A. lung infection. B. bone Cancer
C. nabaril D. nadisgrsya

5. Nakilala naman si Mandela dahil sa “Defiance Campaign” ng ANC noong

A. 1949 B. 1950
C. 1951 D. 1952

6. Kailan huling nakita sa publiko si Mandela, nang mag-host ng World Cup ang
Timog Aprika.
A. 2010 B. 2011
C. 2012 D. 2013

7. Pinanganak siya noong

A. Hulyo 19, 1918 B. Hulyo 19, 1919
C. Hulyo 19, 1920 D. Hulyo 19, 1921

8. Kailan naglingkod si Nelson Mndela sa Timog Aprika?

A. Taon 1994 B. Taon 1995
C. Taon 1996 D. Taon 1997

9. Ikinasal si Mnadela nang

A. limang beses B. isang beses
C. tatlong beses D. dalawang beses

10. Nagsilbi si Mandela bilang presidente ng African National Congress noong

A. (1991-1997) B. (1981-1987)
C. (1971-1977) D. (1961-1967)

11. Ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong

A. Mayo 10, 1994 B. Mayo 11, 1994
C. Mayo 12, 1994 D. Mayo 13, 1994

12. Isinalin niya sa Filipino ang talumpati ni Nelson Mandela.

A. Roselyn Salem B. Roselyn Salum
C. Raselyn Salum D. Roselyn Rosvelt

13. Bakit tinatawag si Mandela na “Father of the nation”?

A.Dahil isinusulong niya ang karapatang pntao B. dahil sa kanyang angking talino
C. dahil sa kanyang kabaitan D. dahil sa kanyang pagiging ama

14.Ano ang hindi nabanggit ni Mandela sa kanyang talumpati?

A. Kalayaan B. Katarungan
C.Hanapbuhay D. Karangyaan

15. Ang talumpati ni ni Mandela ay isang halimbawa ng sanaysay na

A. Pormal B. Impormal
C. Kolokyal D. Balbal

14
Aralin
Talumpati
3
Ngayong maliwanag na sa inyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa
Talambuhay ni Nelson Mnadela, maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

Balikan

Si Nelson Rolihlahla Mandela ay ang kauna-unahang Pangulo ng Aprika na may itim

na balat. Naglingkod siya sa Timog Aprika sa taong 1994 hanggang 1999. Kilala itong
anti-apartheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system o ang sistema
ng racial segregation noon sa Timog Aprika.

Tuklasin

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao
tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko
o grupo ng mga tao. Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon,
humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng
komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at
binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.

Uri ng Talumpati

1. Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling

kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

2. Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na
kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga
tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.

15
3. Talumpating Pangkabatiran-Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga
pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa
iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Talumpating Nagbibigay-galang-Ginagamit ito sa pagbibigay galang at

pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.

5. Talumpating Nagpaparangal-Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya

magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga
sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan

 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

6. Talumpating Pampasigla-Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga

tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:

 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro

 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan

Dagli- Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.

Maluwag- May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati

bago ang kanyang pagsasalita.

Pinaghandaan- Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa

paksa.

Bahagi ng Talumpati

Simula- Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang
makuha sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.

Katawan o Gitna- Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

Katapusan o Wakas- Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati.

Nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para
makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

16
Suriin

Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

 Pumili ng magandang paksa.

 Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa
napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga
babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
 Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula,
katawan at katapusan.
 Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa
sarili at pansariling kapakinabangan.
 Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay
magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang
iyong tagapakinig.

Pagyamanin

Isipin mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at kailangan mong sumulat
ng iyong talumpating tatalakay sa isang uri ng diskriminasyong makikita sa
kasalukuyang sistema. Ang iyong isinulat na talumpati ay tatayain gamit ang rubric
sa ibaba.
4 3 2 1

Lohikal at Magkakaugnay Di gaanong lohikal Magulo at di

magkakaugnay ang nilalaman ng at magkakaugnay magkakaugnay
ang nilalaman ng talumpati. ang nilalaman ng ang nilalaman ng
talumpati. talumpati. talumpati.

Epektibong May kalinawan Di gaanong Malabo ang

naipapaliwanag ang mensahe ng malinaw ang mensahe ng
ang mensahe ng talumpati. mensahe ng talumpati.
talumpati. talumpati.

17
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang Halatang hindi
pinaghandaang pinaghandaan ang impormasyon na pinag-isipan at
mabuti ang isinulat isinulat na hindi pinag-isipan hindi
na talumpati talumpati. sa talumpati. pinaghandaan ang
Kulang ang talumpati.
paghahanda sa
talumpati.

Simulan mo na ang iyong sariling talumpating pang-SONA.

___________________________________________________________________

Panuto: Isulat kung anong uri ng talumpati ang nasa ibaba..

__________________1. Ang ganitong uri ay hindi nangangailangan ng paghahanda.

___________________2. _Sa ingles ang katumbas nito ay extemporaneous sa

patimpalak sa talumpatian sa mga paaralan ay higit na nakalulugod na panuorin ang
maliwag na pagtatalumpati.

___________________3. Ang katumbas nito sa ingles ay prepared. Ilang buwan o

lunggi pa lamang bago dumalting ang itinakdang petsa at oras ng programa ay naisulat
na at nabasa na ng mananalumpatu ang kanyang talumpati.

18
___________________4. Ito ang katumbas ng improntu sa Ingles.

___________________5. Ang mga kalahok ay pabubunutin ng isang nakarolyong papel

na kinasusulatan ng paksang kanilang lilinangin na may kaugnayan sa paksa ng isang
programa. Binibigyan ng ilang minute ang kalahok upang linangin ang paksa.

Isagawa

1. Kahalagahan ng Edukasyon
2. Ang isang mabuting mag-aaral
3. Ang pangingibabaw ng katotohanan

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik
lamang sa iyong kwaderno.

. 1. Ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang

pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos
mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.
A. gitna B. simula
C. wakas D. dagli

2. Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

A. gitna B. simula
C. wakas D. dagli

3. Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang

makuha sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
A. gitna B. simula
C. wakas D. dagli

19
4. Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.
A. dagli B. maluwag
C. pinaghandaan D. simula

5. May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang
kanyang pagsasalita.
A. dagli B. maluwag
C. pinaghandaan D. simula

6. Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.

A. dagli B. maluwag
C. pinaghandaan C. simula

7. Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan

kalimitang binibigkas.
A. Talumpating Pampasigla B. Talumpating Nagbibigay-galang
C. Talumpating Pampalibang D. Talumpating Nagpapakilala

8. Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati

A. Talumpating Pampasigla B. Talumpating Nagbibigay-galang

C. Talumpating Nagpaparangal D. Talumpating Nagpapakilala

9. Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap

sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

A. Talumpating Pampasigla B. Talumpating Nagbibigay-galan

C. Talumpating Nagpaparangal D. Talumpating Nagpapakilala

10. Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko,
diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.

A. Talumpating Pangkabatiran B. Talumpating Nagbibigay-galang

C. Talumpating Nagpaparangal D. Talumpating Nagpapakilala

11. Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo
na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na

A. Talumpating Pampasigla B. Talumpating Nagbibigay-galang

C. Talumpating Pampalibang D. Talumpating Nagpapakilala

20
12. Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kwento.

A. Talumpating Pampasigla B. Talumpating Nagbibigay-galang

C. Talumpating Pampalibang D. Talumpating Nagpapakilala

13. Ano-ano ang layunin ng talumpati.

A. manghikayat B. Magpatawa

C. magbigay kaalaman D. lahat ng nabanggit

14. Si Mike ay nakapagtalumpti ng biglaan ito ay tinatawag na

A. imprumpto B. dagli

C. inaaral D. kabisado

15. Tiinawag na komunikasyong pampubliko.

A. di- berbal C. sanaysay

C. tula D. talumpati

21
Aralin
Tuwiran at Di tuwirang pahayag
4
Mahal kong estudyante, maligayang bati! Nandito na tayo sa ikaapat na Aralin. Tiyak
na mas marami kang dating alam na ibig mong mapayaman pa.
Bilang tagagabay, hangad ko na mahasa at madagdagan pa ang inyong kaalaman
sa impormasyong ibinahagi sa araling na ito.

Balikan

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao

tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko
o grupo ng mga tao. Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon,
humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga panulong para sa karagdagang kaalaman sa
parabula. Ninanais naming madadaragdag din ang mga ideya ninyo
tungkolsa araling ito. Sana’y makatulong ito sa inyo para mahasa ang
kaalaman ng mag-aaral.

Tuklasin

Ako ay Ikaw
Ni: Hanas Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay
sa wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa,
ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting iyan ni Florante.
Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin
simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang
pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako

22
ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, Ako ay
ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang
aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito sa paglipas
ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong
kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay
hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay
ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa
makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga
jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May
magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan,
ang totoo ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at
ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng
komunikasyon.Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong
wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang
aking patuloy na pag-unlad

Suriin

TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG

Kadalasan ay kailangan nating magbigay ng mensahe o impormasyon mula sa ibang
tao. Bilang tagapahatid ng mensahe ay maari tayong gumamit ng tuwirang pahayag
o di-tuwirang pahayag.
Ang tuwirang pahayag ay ang eksaktong sinaabi ng nagbigay ng pahayag, walang
labis walang kulang. Ginagamitan ito ng panipi.
Sa di tuwirang pahayag walang paniping ginagamit.Isinasalaysay lamang ang sinabi
ng nagbigay ng pahayag.
Tuwirang Pahayag Di-tuwirang Pahayag
Mariing sinabi ng pangulo, “Walang Mariing sinabi ng pangulo na walang
wangwang sa ating administrasyon.” wangwang sa kanyang administrasyon.
“Kayo po ba gusto ninyong makulong Tinanong ng pangulo kung gusto nilang
ang lahat ng tiwali?” tanong ng pangulo. makulong ang lahat ng tiwali.

Mapapansing may pagbabago sa mga panghalip na ginamit. Kung sa tuwirang

pahayag ay ginamit ang mga panghalip na nasa una at ikalawang panauhan, sa di
tuwirang pahayag ay gumamit ng panghalip na nasa ikatlong panauhan.
Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop
na mga tuwiran at di tuwirang pahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga
impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/
talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy ang
mga ito ang katotohanan o opinyon.

23
Pagyamanin

Gawain 1: Buoin ang analohiya sa bawat bilang. Piliin ang tamang salita sa loob ng
kahon.
Nakapanlalambot Hinanap Nalaman pinuri itinaas Prutas
Kagubatan Karagatan Silid- katawan tinapay Gulay
aklatan

1. nakasusuklam: nakagagalit:: nakapanlulumo:__________________________

2. paglabag : pagsunod:: kinutya :______________________________
3. inaresto : hinuli :: tinugis :___________________________________
4. kumitil : bumuhay :: minaliit :_______________________________
5. nagtipon : nagsama-sama :: napagtanto :______________________________
6. bulaklak: hardin:: aklat:_______________________________________
7. berde:kapaligiran:: asul:_______________________________________
8. espiritwal: kaluluwa:: pisikal:_________________________________________
9. puso: katawan:: _______________________: puno
10. ___________________________: gutom:: tubi

Isaisip

Gawain 2: Tukuyin ang mga pahayag ay tuwiran o di-tuwiran. Pagkatapos, isulat ang
kanyang kabaliktaran

1. “Karamihan sa mga kapalpakan na nararanasan sa ating buhay ay ang mga taong

hindi naiisip kung gaano sila kalapit sa pagkamit ng kanilang kinakamtan noong
sila’y bumigay na”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. “Ang talino ay isang porsiyentong inspirasyon at siyamnapu’t-siyam na

pagsisikap.”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ayon kay Confucius na ang ating buhay ay talagang simple, pero tayo ang siyang
nagpakomplikado rito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

24
Isagawa

Gawain 3: Sumulat ng sariling pangugusap na may mga tuwiran at di-tuwirang

pahayag tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay
makapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang mga sumusunod
na transitional device.

sa sa totoo ang totoo bilang isang patunay ebidensiya

katunayan lang patunay katotohanan nito ng

1.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
7.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Piliin ang tiik ng tamang sagot, isulat sa kwaderno.

1. Ito ay tinatawag sa Ingles na direct speech.

A. sanaysay B. talumpati
C. tuwairan na pahayag D. tula

2. Ito naman ay tinatawag na indirect speech.

A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula
3. Tawag sa pahayag na mismong ang nagsasalita ang nagsambit ng nasabing
pahayag.
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

25
4. Ito ang tawag sa pahayag na may ibang taong nagsabi ng sinabi ng nagsasalita.
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

5. “Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi nawalan ng pag-asa.”

A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

6. “Kapag ang tao ay determinado, sila’y may kakayahan na malampasan ang lahat.”
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

7. Makakayanan ko ang lahat ng bagay sa tulong ng Panginoon

A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

8. Ikinuwento mo ‘yung sinabi kung sinuman ‘yung nagsalita.

A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

9.Sinigaw ng paru-paro ang saklolo, tulungan daw siya.

A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula
10. Ang tugon ni gagamba ay gusto raw nitong tumulong ngunit pagagandahin pa nito
ang kanyang pakpak.
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula

11. Kasingkahulugan nang kinutya.

A.pinuri B.hinanap
C. pinagtatawanan D. binastos
12. espirituwal: kaluluwa:: pisikal____________
A.katawan B. karagatan
C. itinaas D.tinapay
13. nakasusuklam: nakagagalit:: nakapanlulumo_______
A.kagubatan B. nakapanlalambot
C. nalaman D. pinuri
14. bulaklak: hardin:: aklat__________
A. nalaman B. pinuri
C. itinaas D. silid-aklatan
15. berde: kapaligiran:: asul____________
A. karagatan B. kagubatan C. lawa D. batis

26
Aralin
Lingguhang Pangwakas na Gawain
5

Balikan

Ika’y binabati ko sapagkat nalampasan mo na at nasagutan mo nang maayos ang

mga gawain. Sa pangwakas na gawain, makikita natin kung may natutunan ka sa
lingguhang modyul na ito.

Sa unang araw ng modyul ay tinalakay natin ang sanaysay kung saan ang sanaysay.
Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa ang sanaysay.
Sa ikalawang araw ay tinalakay din ang talambuhay ng unang itim na naging
president sa Aprika na naging tanyag sa kanilang lugar dahil sa angking kabaitan ika
nga niya “Kahit sino ka man o anuman ang iyong ginagawa, huwag magsawa sa
paggawa ng tama, hanggang ang bayan nati’y maging payapa.”
Sa ikatlong araw tinalakay din sa modyul na ito ang mga dapat isaalang-alang sa
paggawa ng isang talumpati.

Sa ikaapat na araw naman ay natalakay natin ang isang sanaysay na pinamagatang

“Ako ay Ikaw” na kung saan ito ay nagpapakita ng mga salitang tuwiran at di
tuwirang pahayag na mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais
bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/ talumpati dahil sa mga
tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy ang mga ito ang
katotohanan o opinyon.

Tayahin

Gumawa ng isag talumpati na may tuwiran at di-tuwirang pahayag.

27
Susi sa Pagwawasto

28
29
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by

Florentina S. Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015

http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

30
Liham na Nagbibigay Pahintulot

Hulyo 2, 2020

Binigyan ko ng pahintulot si Bb. Jaquelyn A. Villasor ng Mataas na Paaralang

Pambansa ng Impasugong, Poblacion, Impasugong, Bukidnon na gamitin ang aking
guhit sa kanyang Alternative Delivery Mode sa Ikatlong Markahan; Nelson
Mandela:Bayani ng Africa(TALUMPATI)

JAMES EARL C. CAMPOL

31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

32

You might also like