You are on page 1of 25

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 3


Ang Tunay na Kalayaan

(design your own cover page)


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 3: Ang Tunay na Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marianne P. Hinayas
Editor: Marlon V. Marco
Tagasuri: Lucrecio Y. Oliver and Maricel P. Sulasula
Tagaguhit: Jonel C. Murillo
Tagalapat: Marianne P. Hinayas
Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD. CESO III (Regional Director)
Co-Chairpersons: Victor G. De Gracia Jr. PhD. CESO V (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola, PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman, PhD.(ASDS-Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng


Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

10
Edukasyon
sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 3


Ang Tunay na Kalayaan

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin: Ang Tunay na Kalayaan

Alamin 1

Subukin 1-3

Balikan 4

Tuklasin 4-6

Suriin 6-7

Pagyamanin 7

Isaisip 8

Isagawa 8-9

Tayahin 9-11

Karagdagang gawain 12-13

Susi sa Pagwawasto 14

Sanggunian 15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Naipaliliwanag ang Tunay na
Kahulugan ng Kalayaan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral at magulang:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Malugod na pagbati para sa inyo po bilang mga magulang, kung maaari po lamang
ay gabayan ninyo ang inyong anak sa pagbabaybay nitong mga aralin sa modyul na ito. Isa
itong hamon sa kasalukuyang hinaharap nating pandemya, ngunit ito ay isa ring pagpapala
sa ating bawat pamilya na kung saan ay kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa
loob ng ating tahanan. Maraming salamat po.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong iiwan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong puso’t isipan na hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka nang makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
8
Alamin

Magandang buhay! Ang sarap pakinggan diba? Lalo na kung nadarama mo ang
iyong kalayaan. Tama ba ang nabasa mo, tungkol sa kalayaan?”. Sa totoo lang ito ang
nilalaman nitong modyul. Maraming magagawa ang tao dahil dito, kahit pa nga sa panahon
ngayon na sinusubukan tayo nitong pandemyang COVID-19. Nalilimitahan man ang
paglabas natin ng bahay ngunit malaking tulong naman ito upang patuloy mong matamasa
ang pagiging ligtas at malaya. Ang ibig kung sabihin malaya ka sa banta ng virus, at malaya
ka parin sa buhay. Kaya, ipagpatuloy natin ang pagtuklas ng bagong kaalaman.

Ang modyul na ito ay may isang aralin. ito ay ang:


 Naipaliliwanag ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan. (EsP10MP-Id-3)

Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagsusuri ng mga larawan na nagpapakita ng kalayaan


2. Nalalaman ang tunay na kahulugan ng kalayaan
3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan
4. Nakapagninilay sa isang awiting may kaugnayan sa kahulugan ng kalayaan

Subukin

Simulan mo na! Dahil nandito lang ako aalalay sayo.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik
ng pinakatamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag. Isulat ang napiling
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na___________.


a. Responsibilidad c. Dignidad
b. Karapatan d. Konsensiya
2. Anong uri ng kalayaan na ang totoong kaalaman ng tao ay nakahahadlang sa
kanyang sarili mismo?
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa
3. Sinamahan ni Lydia ang kanyang kapatid sa hospital kahit na may pangamba sa
pandemya ng Covid – 19. Ito ay ang responsibilidad niyang kakayahang
tumugon sa tawag ng pangangailangan. Ano ang ipinahihiwatig sa pahayag na
ito?
a. Tama, dahil ang tunay na responsibleng kalayaan ay ang pagtulong sa
kapwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na
ginawa.
1
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos
na ginawa.
4. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
5. Ano ang batayan ng kalayaan?
a. Isip c. batas moral
b. Konsensiya d. dignidad
6. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay
nangangahulugan sa uri ng:
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat
7. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng
kalayaan, maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
8. Saan nagmula ang pinakamalaking hadlang ng kalayaan?
a. Sa kapwa c. Sa sarili
b. Antas ng pamumuhay d. sa pagiging Malaya
9. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Andrew mamasyal kahit limitado ang oras
b. Kahit pagod pag-uwi ang ama nasi Jonel ay nagagawa niyang tulungan ang
anak sa mga takdang aralin.
c. Inamin ni Clavel ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa
ginawa.
d. Hindi mahiyain si Luz kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang
tao.
10. Higit na malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Ano ang mensahe
nito?
a. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
b. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
c. Ikaw ay Malaya kapag may ginawa ka.
d. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti
11. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng
kalayaan, maliban sa:
a. Nagsusumikap makatapos si Jay sa pag-aaral para kinabukasan.
b. Nagsisinungaling sa Mae para hindi masaktan ang ina sa kanyang
kasalanang nagawa.
c. Saksi si Jimboy sa ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa mga
magulang pero hindi siya nagsabi dahil baka patigilin ito sa pag-aral.
d. Alam ni Jun na may katiwalian sa pinapasukang trabaho ngunit hindi niya
masabi sa may-ari dahil anak nito ang manager niya.
2
12. Si Ana ay mahigpit sa kanyang nag-iisang anak na babae. Anong uri ito na
paglabag ng kalayaan?
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

13. Paano maipakikita ang tunay na kalayaan?


a. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. Ang kakayahang pumili sa gustong gawin.
d. Ang magamit sa inasahan ng tao.

Para sa bilang 14 -15.


Nitong kasalukuyang taon kasabay sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan
may mga taong nagpoprotesta parin laban sa pamahalaan . Ito ay isang paglabag sa
kautosang “Social Distancing”. Dahil dito, hinuli sila at pansamantalang ikinulong.

14. Sa sitwasyon ito, nawala ang_________________________________________


a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat
15. Ang pagprotesta ng grupo ay pagpapakita ng bawat isa bilang malayang
mamamayan. Dahil ito sa uri ng kalayaan na:
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

Balikan

Tayo ay magbabalik-aral sa nagdaang modyul, napapaalahanan ka nito sa


paghubog ng konsensiya batay sa likas na batas moral. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasiya at pagkilos ng tao. Hindi ba natututunan mo na ang konsensiya ay tinig
ng budhi na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na pagpapasya?
Kaya inaasahan sa iyo ang isang maikling sanaysay iyong journal tungkol sa nagdaang
aralin.

Tuklasin

Kaya, habang ikaw ay nagpapatuloy sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman,


siguradong may marami ka pang kang mapag-aralan o ‘di kaya’y mapapatunayan sa aralin.
Makulay ito! Bakit? Tunghayan ang mga larawan para sa susunod na gawain.

3
Gawain 1. Panuto: Gamit ang pagsusuri ng larawan sundin lamang ito. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at bilugan ang larawan kung ito ay
nagpapakita ng KALAYAAN at lagyan ng ekis kung ito ay hindi.
2. Kopyahin ang pantig na nakapaloob sa larawan na nagpapakita ng kalayaan sa
patlang at bumuo ng dalawang salita.
3. Ipaliwanag ang nabuong dalawang salita at ang kaugnayan nito sa kahulugan ng
kalayaan. Gamiting gabay ang mga larawan na iyong natuklasan.

LING

LI

PAG
8
TA

4
KAD KOD
\

SA

MA

MA KIS

5
PAG

HAL

Mahusay ang ipinakita mong galing upang masuri ang mga larawan na ipinakita sa
gawain 1. Kaya, bilang karagdagang pagsubok sa iyong pag-unawa, sagutan ang Mga
Pokus na Tanong.

Gawain 2. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ibigay ang dalawang salita na nabuo sa pagsusuri ng mga larawan:


___________________________________at_________________________________
Ipaliwanag kung ano ang tunay na kahulugan ng KALAYAAN batay sa dalawang salita sa
pagsusuri ng mga larawan:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na krayterya.
Krayterya 15 puntos 10 puntos 5 puntos

Pagpapalinag sa Kung naipaliwanag na May paliwang pero hindi Kung hindi


pagsusuri ng ang tunay na nabanggit na ang tunay naipaliwanag ang
larawan kahulugan ng kalayaan na kalayaan ay ang tunay na
ay ang kakayahang kakayahang tumugon kahulugan ng
tumugon sa sa pagmamahal sa kalayaan.
pagmamahal at kapwa at paglilingkod
paglilingkod sa kapwa. sa kapwa.

Suriin

6
Feel mo ba ang iyong kalayaan? Sana naman, kasi ako feel na feel ko ito. Tingnan
mo ang larawan. Kaya, kaway-kaway naman d’yan dahil alam kong ramdam mo ang iyong
kalayaan. Tunghayan natin ito:

Whooo!
Ang sarap
maging
malaya!

Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Narinig mo na ba ang katagang ito? O ‘di kaya’y nasambit mo narin ito? “walang
basagan ng trip”. Nanganahulugan ba ito ng paggamit ng kalayaan? Ang kagustuhan nating
gawin ang mga bagay-bagay ang may limitasyon. Ngunit ang paggawa ng mabuti sa sarili at
para sa kapwa ay walang limitasyon. Kaya habang lumalaki ang tao kailangan niyang
malaman ang totoong kahulugan ng kalayaan.

Ang tunay na kalayaan ay isang determinasyong gumawa ng mabuti na may


kaakibat na responsibilidad. Halimbawa, pangarap ni Jess ang pagiging isang doktor kaya
sa kanyang propesyon naglilingkod siya ng mabuti lalong-lalo na sa mga mahihirap na
pasyente. Isa ito na nagpapakita ng totoong paggamit ng kalayaan. Dahil nga nilikha ang tao
na mabuti kaya dito natin makukuha ang tamang gabay na magtuturo sa atin ng tamang
kahulugan ng kalayaan na may kasamang responsibildad.

Mga Tala para sa Guro


Ang responsibilidad ay hindi
lamang pananagutan kundi ito ay
kakayahan o abilidad na magbigay
paliwanag.

Uri ng Kalayaan
 Kalayaan mula sa (freedom from). Habang nagkaka-isip ang tao nagkakaroon ang
tao ng kamalayan sa ibig sabihin ng kalayaan. Ang kalayaan na ito ay ang kaalaman
ng tao na ang totoong nakahahadlang sa kanyang mga kilos ay hindi iba kundi
nagsisimula sa kanyang sarili. Halimbawa, si Samantha ay humingi ng payo sa
kanyang kaibigan ngunit sa bandang huli ang tunay na nararamdaman ng kanyang
puso at isipan parin ang kanyang susundin.
 Kalayaan para sa (freedom for). Bilang lipunang nilalang ang kaugnayan sa
kalayaan na ito ay ang gawin una ang kapwa bago ang sarili. Dahil sa ating mga
karanasan nagkakaroon ang tao ng malayang pagpili. Ang kakakayahang pumili sa
mga pagpipilian ay walang alinlangan na galing sa kalayaan. Samakatuwid,
kailangan maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging
malaya sa pagtugon dahil sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Halimbawa, si
Sam ay mahilig maglaro pero sa tuwing inuutusan siya ng kanyang mga magulang
upang alagaan ang bunsong kapatid ay ginagawa niya.
7
Pagyamanin

Yan ang “millennial” masigasig matuto at dahil naging matiyaga ka sa pagbabasa


ng aralin ay binabati kita! Kung kaya, inaanyayahan kitang muling magpatuloy at
pagyamanin ang iyong kaisipan. Sundin lamang ang panuto: Upang masubok ang lalim
ng iyong nalalaman sa tunay na kahulugan ng kalayaan, sagutin mo ang sumusunod na
tanong sa iyong journal.

1. Ano ang tinatawag na tunay ng kalayaan? Ipaliwanag.


2. Paano nauugnay ang kalayaan sa responsibilidad?
3. Ipaliwanag ang dalawang uri ng kalayaan.
4. Tunay ka bang malaya? Pangatwiranan
5. Sa iyong palagay, bakit inaasahang gamitin ang pagiging malaya sa paggawa ng
mabuti? Ipaliwanag.

Isaisip

Kayang-kaya diba! Siguro naman ay mas malawak na ang iyong


pagkakaintindi sa ating aralin. Kung kaya pamamagitan ng pagninilay balikan mo ang
iyong mga isinagawang kilos o gawain sa pagiging malaya noong nakaraang linggo. Batay
sa mga karanasan mo na may kaugnayan sa pag-aaral mo ng modyul na ito, sana ay
matukoy mo ang iyong mga naging reyalisasyon. Isulat ang iyong pagninilay sa journal.

Isagawa

Malapit na nating matapos ang aralin sa modyul na ito. Kung kaya mas
napapahanga ako sa iyo dahil masusi ang iyong pagsasagawa ng bawat gawaing inilaan
para sa iyo sa modyul na ito. Okay ka lang ba?
Sa pagkakataong ito magbigay ng ginawang angkop na kilos na nagsasabuhay sa
paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin lamang ang panuto:
1. Balikan mo naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong nagdaang araw.
2. Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na naging hadlang sa
paggamit ng tunay na KALAYAAN.
3. Ibigay ang ginawang angkop na kilos na nagsasabuhay sa paggamit ng tunay na
kalayaan
4. Gamiting gabay ang nasa ibaba.
5. Isulat ang iyong sagot sa journal.

8
MGA MGA SITWASYON ANO ANG GINAWANG ANGKOP
NEGATIBONG NA NAIPAKITA KO NAGING EPEKTO NA KILOS NA
KATANGIAN NA ITO SA AKIN AT SA NAGSASABUHAY SA
NAGING AKING KAPUWA? PAGGAMIT NG TUNAY
HADLANG SA NA KALAYAAN
AKING
PAGGAMIT SA Ako ang unang
TUNAY NA nakipagbati sa kanya
KALAYAAN Nagkatampuhan Isang lingo dahil ayokong
kami ng kaibigan ko, kaming hindi maapektuhan ang
Halimbawa: hindi ko siya binabati magkabati, nag- kanyang pag-aaral. Ang
at hindi ako hihingi iiwasan, at hindi pagpapakumbaba hindi
Pagiging ng paumanhin kasi komportable sa kabawasan sa aking
mapagmataas para sa akin siya presensiya ng isa’t- pagkatao kundi
(pride) ang may kasalanan isa. Naapektuhan nagpapakita ito ng aking
kaya siya ang dapat ang kanyang pag- katapangan sa
maunang gumawa aaral dahil hindi pagharap sa hamon ng
ng hakbang para siya pumasok sa buhay.
magbati kami. klase.

Ikaw
naman:
1. 1. 1.
1.
2. 2. 2.
2.
3. 3. 3.
3.
4. 4. 4.
4.
5. 5. 5.
5.

Krayterya sa Paggawa
HAKBANG PARA MAITAMA ANG NEGATIBONG KATANGIAN NAGAWA
25 Puntos -Nakapaglalahad ng totoong epekto sa negatibong katangian
nagawa.

20 Puntos -Nakapagbigay ng epekto sa negatibong katangian nagawa.

15 Puntos -Naipakita epekto ng negatibong katangian nagawa.

10 Puntos -Ang mga kilos na naipakita ay hindi masyadong epekto sa


negatibong katangian nagawa.

5 Puntos -Hindi masyadong angkop ang epekto sa negatibong katangian


nagawa.

9
Tayahin

O, ayan nandito kana sa paggawa ng halos panghuling gawain, na malalaman


mo na ganap na ang iyong kaalaman at karunugan sa pagkakataong ito. Kung
kaya ay sundin ang panuto nitong huling bahagi ng pag-aaral mo ng modyul na
ito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na___________.


a. Responsibilidad c. Dignidad
b. Karapatan d. Konsensiya

2. Anong uri ng kalayaan na ang totoong kaalaman ng tao ay nakahahadlang sa


kanyang sarili mismo?
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa
3. Sinamahan ni Lydia ang kanyang kapatid sa hospital kahit na mag pangamba sa
pandemya ng covid – 19. Ito ay ang responsibilidad niyang kakayahang tumugon sa
tawag ng pangangailangan. Ano ang ipinahiwatig sa pahayag na ito?
a. Tama, dahil ang tunay na responsibleng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit
ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na
ginawa.

4. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan?


a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

5. Ano ang batayan ng kalayaan?


a. sip c. batas moral
b. Konsensiya d. dignidad

6. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugan


sa uri na:
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

10
7. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan,
maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

8. Saan nagmula ang pinakamalaking hadlang ng kalayaan?


a. Sa kapwa c. Sa sarili
b. Antas ng pamumuhay d. sa pagiging Malaya

9. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Nagagawa ni Andrew mamasyal kahit limitado ang oras
b. Kahit pagod pag-uwi ang ama nasi Jonel ay nagagawa niyang tulungan ang anak
sa mga takdang aralin.
c. Inamin ni Clavel ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
d. Hindi mahiyain si Luz kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.

10. Higit na malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Ano ang mensahe nito?
a. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
b. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
c. Ikaw ay Malaya kapag may ginawa ka.
d. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti

11. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng


kalayaan, maliban sa:
a. Nagsusumikap makatapos si Jay sa pag-aaral para kinabukasan.
b. Nagsisinungaling sa Mae para hindi masaktan ang ina sa kanyang kasalanang
nagawa.
c. Saksi si Jimboy sa ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa mga magulang
pero hindi siya nagsabi dahil baka patigilin ito sa pag-aral.
d. Alam ni Jun na may katiwalian sa pinapasukang trabaho ngunit hindi niya masabi
sa may-ari dahil anak nito ang manager niya.

12. Si Ana ay mahigpit sa kanyang nag-isang anak na babae. Anong uri ito na paglabag
ng kalayaan?
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

13. Paano maipakikita ang tunay na kalayaan?


a. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. Ang kakayahang pumili sa gustong gawin.
d. Ang magamit sa inasahan ng tao.

11
Para sa bilang 14 -15.
Nitong kasalukuyang taon kasabay ng pagdiriwang sa araw ng kalayaan
may mga taong nagpoprotesta parin laban sa pamahalaan. Ito ay isang paglabag sa
kautusang “Social Distancing”. Dahil dito, hinuli sila at pansamantalang ikinulong.

14. Sa sitwasyon ito, nawala ang ___________________________________________


a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa
c.
15. Ang pagprotesta ng grupo ay pagpapakita ng pagpapakita ng bawat isa bilang
malayang mamamayan. Ito dahil sa uri ng kalayaan na:
a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa
b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

Karagdagang Gawain

Yehey! Matatapos mo na ang modyul at dahil naging matiyaga ka sa iyong pag-


aaral, ito ay handog ko sa iyo. Tunghayan ang isang awitin at matapos itong mapakinggan
ay gawin ang gawain sa ibaba bilang pabaon na magagamit mo sa susunod na aralin.

ANAK
Inawit ni:Freddie Aguilar
Video ni: yson uzumaki

Nung isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo


Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay


Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga naman kalong k any iyong
Amang tuwang-tuwa sa yo’

Ngayon nga ay Malaki ka na

12
Nais mong maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga biglang nagbago


Nagging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y
Sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang


Kanilang ginagawa’y para sa yo’
Pagka’t ang nais mo’y masunod
Ang laya mo di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong
Sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan


Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba’t ka nagkaganyan

At ang iyong mata’y biglang lumuha


Ng di mo napapansin
Pagsisi at sa isip mo’t nalaman
Mong ika’y nagkamali

Pagsisi at sa isip mo’t nalaman


Mong ika’y nagkamali
Pagsisi at sa isip mo’t nalaman
Mong ika’y nagkamali

Ops! Dahil matatapos mo na ang modyul na ito, sana ay patuloy na pagyamanin ang
iyong kaalaman. Huwag kalimutang sagutan ang Mga Pokus na Tanong:

1. Tungkol saan ang awiting iyong napakinggan?


___________________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng awit at sa tunay na kahulugan ng kalayaan?


___________________________________________________________________

3. Anong pagninilay ang nabuo sa iyong isipan matapos mong mapakinggan itong
napakagandang awitin?
___________________________________________________________________
13
Susi sa Pagwawasto

Sana nag enjoy ka? At masisyahan ka na malalaman mo na sa bahaging ito ang


mga sagot sa mga gawain, aralin at subukin. Dahil sa bahaging ito ay masusubok mo ang
iyong pagiging tapat hindi lang sa iyong guro, sa iyong sarili, kundi lalo’t higit sa ating Diyos
na Maykapal na hindi nalulugod na makita ang bawat isa satin na lumalabag sa batas na
magbibigay sa atin ng pagkakataon o oportunidad na maging tunay na makatao at maka-
Diyos.
Karagdagan pa ay ang kaligayahang iyong mararamdaman dahil sa iyong katapatan
at dahil diyan ay tunay kami na mga tagapag-padaloy ng karungan ay lubos din na
masisiyahan at makakaramdam ng tunay na kaganapan.

tama ang pagmamarka


B
pagpapasya kung Nakadepende sa guro
A
B
Nasa guro ang Gawain
Gawain 1 at 2 Karagdagang
A
A Pagyamanin
D
B Krarterya ng Paggawa
C Krarterya ng Paggawa Nakadepende sa
A Nakadepende sa Tuklasin
A Gawain 2 Isagawa
C
D Paglilingkod
A at
B Pagmamahal tama
A Gawain 1 pagpapasya kung
Nasa guro ang
Subukin Tuklasin Isaisip

14
Sanggunian

De Torre, Joseph M. Christian Philosophy. Manila: Sinag-tala Publisher (1980).

Dy, Manuel Jr. B. Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha
Publishing co., Inc. (2012)

Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila: Sinag-
tala Publishers, Inc. (1990).

Philip, J. I Choose to be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-tala
Publishers (2006)

Lipio, Felicidad C. Konsensiya para sa mga Katolikong Pilipino. NB. Manila. (2004)

Quito, Emerita S. Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. (2008)

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010 Gabay sa


Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City: Awtor

Philosophy of Freedom (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from


http:en.wikipedia.org/wiki/Philosophy of Freedom

Freedom (philosophy) (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from


http:en.wikipedia.org/wiki/Freedom

Dy, Manuel Jr. Liberation and Values. Chapter VIII. Retrieved October 16, 2014, from
www.books.google.com.ph/books?d=GT7KOQ

McKay B & K. (2012/. A Man’s Life, On Manhood, Personal Development. Retrieved


October 14, 2014, from http://www.artofmanliness.com/2012/02/21freedom-
from-freedom-to/

Anak ni Freddie Aguilar; music video by Yson Uzumaki www.youtube.com


https//brainly.ph.responsibilidad.com

15
Para sa mga Tanong at Puna, maaari na sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

16

You might also like