You are on page 1of 16

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pagmamahal sa Bayan
(Linggo: Ikalima )

Pamagat

Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagmamahal sa Bayan

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jade T. Francisco
Editor: Luz Marie S. Pantoja Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr. Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: . Luz Marie S. Pantoja
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagmamahal sa Bayan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagmamahal sa Bayan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Pagmamahal sa Bayan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. (EsP10PB-IIle-
11.1)

Natutukoy ang paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa


lipunan. (EsP10PB-IIle-11.2)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.


2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipakita ang pagmamahal sa bayan.
3. Napahahalagahan ang tunay na pagmamahal sa bayan.

1 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kasipagan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
D. Pinagmulan o pinanggalingan

(para sa bilang 2, 3, at 4)

Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang


pagmamahal nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro
ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mo naririnig ang salitang “puso” sa tuwing
kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang
ipanalo ang kanilang koponan?

2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?


A. Pagmamahal sa laro
B. Pagmamahal sa koponan
C. Pagmamahal sa bayan
D. Pagmamahal sa kapuwa

3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?


A. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para
sa mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.
B. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang
maiwasan ang tunggalian at sakitan.
C. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa
laro ay mahalaga para makamit ang tagumpay.
D. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng
malusog na pangangatawan at isipan.

4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?


A. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking
pananagutan sa tagumpay ng koponan o bayan.
B. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga
manlalaro o mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
C. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap
ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
D. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at
paggabay ng coach ng koponan o ng pinuno ng pamahalaan.

Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
2
5. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
A. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga
pangangailangan ng taong bayan.
B. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad
ng sarili at kapuwa-Pilipino.
C. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna
at kalamidad.
D. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang
turismo ng bansa.

6. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.
B. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan.
C. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
D. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog
sa kaniyang bayang sinilangan.

7. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?


A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng
bayan.
B. Gumagamit ang medya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan, at magdamayan.
D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mabuting pamumuno.

8. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng


isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
D. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

9. Ano ang pambansang sayaw ng Pilipinas?


A. Itik-itik
B. Cariṅosa
C. Pandanggo sa Ilaw
D. Tinikling

10. Ano ang pambansang dahon ng Pilipinas?


A. Anahaw
B. Mangga
C. Narra
D. Kalabaw

3 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Balikan

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga salita sa loob ng kahon. Ano ang iyong
saloobin rito?

She is 10 years old.


Raped.
Pregnant.
Needs Access
To Safe Abortion.
Save her life.

Tuklasin

Si Mang Ben ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay


mula ikapito ng gabi hanggang ikalabindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa
trabaho sa kabilang bayan ay mula ikawalo ng umaga hanggang ikaapat ng hapon.

Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi nagrereklamo


ang kaniyang asawa dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang matulungin at
masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang simbahan. Maganda
ang bonding nila ng kaniyang apat na anak. Isang araw, napili siya ng kanilang
munisipalidad bilang natatanging mamamayan ng kanilang bayan. Nang tanungin ng
mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa, walang pag-
alinlangan na sinagot niya na ”ito ay bunga ng pagmamahal.” Hindi nagtatapos sa
pamilya ang pagpapakita ng pagmamahal kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa
pamayanan. Sa pagsisiyasat at pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at
hindi gaanong kilala si Mang Ben, lumitaw na siya ang huwaran bilang mamamayan.

1. May pagmamahal ba sa bayan si Mang Ben?


2. Sa anong paraan niya isinasabuhay ang pagmamahal sa bayan?

4 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Suriin
n
Ano ba ang pagmamahal sa bayan?
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng
bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang
pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan
(native land). Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa
ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong interes ng mayorya o kabutihang panlahat,
pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral (Institute for Development
Education Center for Research and Communication). Kadalasang iniuugnay ang
patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan ang dalawang ito.
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming
bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga
kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang
kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na
kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon na


may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa iyong kwaderno.
I IV
Ako’y isang mabuting Pilipino ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay
Minamahal ko ang bayan ko Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
II V
Tumatawid ako sa tamang tawiran ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
Sumasakay ako sa tamang sakayan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
III VI
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
sakayan Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
(Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot
“Di nakahambalang parang walang pakialam O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di
Pinagbibigyan kong tumatawid sa kalsada pumapasok
Humihinto ako ’pag ang ilaw ay pula VII
CHORUS Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
Minamahal ko ang bayan ko ‘Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
(Repeat Chorus)

5 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
VIII
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko binubulsa ang pera ng bayan

IX
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapuwa tao
Ipinalalaban ko ang dangal ng bayan ko

(Repeat Chorus twice)

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino


‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Ako’y isang Mabuting Pilipino


Nilikha ni: Noel Cabangon

1. Anong mensahe ang gustong iparating ng awitin?


2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito?
a. Oo, bakit? Ipaliwanag.
b. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
a. Oo, bakit? Ipaliwanag.
b. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal
sa bayan? Pangatuwiranan ang sagot.

Isaisip

Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa


pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at
sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa
mundo kasama ang ating kapuwa. Upang maunawaan mo kung gaano kahalaga
ang pagmamahal sa bayan, pagnilayan ang mga ideya sa loob ng mga kahon.
Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang
makamit ang layunin.

Pinagbubuklod ng pagmamahal ng bayan ang mga tao sa


lipunan.

Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan


ang karapatan at dignidad ng tao.

6 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan.

Isagawa
Panuto:
1. Balikan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”.
2. Mula sa liriko ng awit punan ang loob ng kahon ng pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan.
3. Magbigay din ng mga halimbawa ng paglabag sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan.

Mga Angkop na Kilos na Mga Kilos na Nagsasaad ng


Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Paglabag sa Pagsasabuhay ng
Bayan Pagmamahal sa Bayan

Tayahin

Ano-ano ang paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan ang nagawa


mo? Paano mo ito maitatama?
Paglabag ng Pagsasabuhay ng Mga Dapat Gawin Upang Maitama ang
Pagmamahal sa Bayan Kilos

7 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Karagdagang
Gawain
Panuto: Gumupit ng hugis puso na papel. Isulat sa loob ng ginupit na papel
ang iyong sariling paraan sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

8 Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
Susi sa
Pagwawasto

Subukin:
Tuklasin
1. d
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
2. c
Pagyamanin
3. a
1. Pagmamahal sa bayan
4. a 2. Oo, higit kailanman, dapat isaalang-alang ang
5. b pagmamahal sa bayan.
3-5. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
6. a

7. c Isagawa

8. c Lahat ng sagot ay matatagpuan sa liriko ng awit.

9. d Tayahin

10. a Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.

Sanggunian

et.al, M. J. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang. 5th Floor


Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600.

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Negros_Q3_EsP10_Modyul5_v2
9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like