You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pangangalaga sa Kalikasan
(Linggo: ikawalo)

Pamagat

Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pangangalaga sa Kalikasan

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christine T. Villa
Editor: Luz Marie S. Pantoja Amancio M. Gainsan Jr
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Luz Marie S. Pantoja
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pangangalaga sa Kalikasan
!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Pangangalaga sa Kalikasan !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Pangangalaga sa Kalikasan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nangangatwiran na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay
may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang
kalikasan ( Mother Nature).
Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
Binubuhay tayo ng kalikasan. (EsP10PB-IIIh-12.3)

Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng


kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan. (EsP10PB-IIIh-12.4)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan.
2. Nasusuri ang mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Naisabuhay ng mag-aaral ang tamang pangangalaga ng kalikasan .

1 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Habang namamasyal sa isang parke, nakita mo ang isang gripo na bukas kahit
wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lamang na bukas ito
B. Maghihintay ng “Kuya” o “Ate” na magsasara ng gripo
C. Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin
D. Tumawag ng kinauukulan.

2. Pagkakain mo ng paborito mong kendi, napansin mong walang basurahan sa


paligid. Ano ang dapat mong gawin sa balot ng kendi?
A. Itago muna sa bulsa o kaya sa bag.
B. Itapon ng walang ibang nakakakita.
C. Humanap ng kanal at doon itapon.
D. Ilalagay sa lalagyan ng inuming tubig.

3. Aling bahagi ng ating katawan ang masisira dahil sa paglanghap ng usok mula
sa sasakyan?
A. Baga ( Lungs)
B. Bato ( Kidney)
C. Tiyan ( Stomach)
D. Atay ( Liver)

4. Sa kuwento ng paglikha, sino ang binigyan ng Diyos ng kapangyarihan na


alagaan ang kalikasan?
A. Tao
B. Hayop
C. Hangin
D. Dagat

5. Ito ay tumutukoy sa hindi mabuting paggamit sa kalikasan at hindi tumutugon


sa kabutihang panlahat.
A. Pagmaltrato
B. Pangangalaga
C. Paggamit
D. Pagdomina

6. Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis


na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga material
na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.
A. komersiyalismo
B. ubanisasyon
C. sosyalismo
D. komunismo
2 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
7. Ito ay tumutukoy sa tungkulin natin para sa kalikasan sapagkat tayo ay
nabubuhay sa iisang kalikasan.
A. Pangangalaga
B. Pagmamahal
C. Pagbibigay- pugay
D. Pagsisira

8. Ito ay ilan lamang sa mga batas na napalolooban ng pagbabawal sa hindi


tamang pagputol ng mga puno maliban sa isa.
A. Republic Act 3571
B. Republic Act 10593
C. Executive Order No. 23, s. 2011
D. Republic Act 2096

9. Siya ay tumuturing sa tao bilang kamanlilikha at tagapangalaga ng lahat ng


kanyang nilikha
A. Ama
B. Ina
C. Anak
D. Diyos

10. Paano natin ipahahayag ang ating pagiging kamanlilikha ng Diyos?


A. Pagtapon ng basura kahit saan.
B. Pagmaltrato sa mga hayop.
C. Pagsisira ng halaman.
D. Pagtatanim ng mga halaman sa isang bukirin at pag-aalaga ng mga ito.

Balikan

Pamilyar ka ba sa kuwento ng paglikha o paglalang? Marahil ay oo o hindi.


Samakatuwid ang kuwento ng paglikha ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang
kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan na kaniyang nilikha. Ang pagtitiwalang
ito ay isang patunay na minamahal tayo ng Diyos kung kaya’t ibinigay niya sa atin ang
kalikasan. Dahil dito, kung kaya’t binigyan niya tayong lahat ng tungkulin at
pananagutang ito’y igalang at pangalagaan.
Kung mapapansin natin ang kasalukuyang panahon, may pagkakaiba- iba ito
sa nakaraan? Marahil, pareho ang magiging sagot natin, Oo, napakalaki ng
pagkakaiba.Napakainit ng panahon, hindi na mawari kung kailan ang tag- init at tag-
ulan, kabi-kabilang trahedyang hindi inaasahang mangyayari. Naitanong mo na ba
kung bakit may mga nakagugulat na pangyayaring ganito ngayong mga panahon?
Ano kaya ang dahilan ng mga nakagugulat na pangyayaring ito? Anong mga gawain
kaya ang nagawa ng tao upang ang mga ito ay maganap? Sa karamihan ng mga
trahedyang pagkalikasan, malinaw na may kinalaman ang mga gawain ng tao.

3 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awit na Kalikasan (song writing composition
2006 – youtube) na isinaayos nina Cesar Nebril Jr. at Necei L. Nebril. Maaari mo itong
pakinggan gamit ang internet at sundan ang url na
http://www.youtube.com/watch?v=b6357-fsc3g ( Retrieved March 2, 2014).

Nasiyahan ka ba sa himig ng awit? Ngayon naman, sagutin mo ang sumusunod na


tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang mensahe na gustong iparating ng awitin?
2. Napapanahon ba ang mensaheng ito? Pangatwiranan.
3. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pangangalaga
sa kalikasan? Pangatuwiranan.

4 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Suriin
n
Sa kuwento ng paglikha na ating nabanggit, binigyan tayo ng Diyos ng
kapangyarihan na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito. Bilang
natatangi sa lahat Niyang nilikha, pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang
gawin ang nararapat sa kalikasan ngunit nabigyan ito ng ibang pakahulugan. Ang
kapangyarihang ipinagkaloob sa tao ay nakita niya bilang isang karapatang gamitin
ang kalikasan nang walang pakundangan at naaayon sa kaniyang kagustuhan. Hindi
kailanman isinaalang-alang ng tao na ang kapangyarihan niya na gamitin ang
kalikasan ay may kaakibat na pananagutan.
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa
kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang
kalikasan. Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang
na ang tao ay magkakaugnay. Kung kaya’t anuman ang mangyari sa isa ay maaari
ding maganap sa iba o kaya naman makaapekto sa iba. Ang pangangalaga sa
kapaligiran at sa kalikasan ay isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito
ay nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang epektong
ginagawa natin sa kalikasan.

Nagkaroon tayo ng kaisipan na tayo ang sentro ng mundo, na ang lahat ng


bagay na nakapalibot sa atin ay para sa ating pansariling kapakanan lamang. Para
bang ang kalikasakan ay “at our own disposal.”

Upang tayo’y magkaroon ng gabay kung paano pangangalagaan ang ka-


likasang kaloob sa atin ng Diyos, tunghayan natin at unawain ang Sampung Utos para
sa Kapaligiran (Ten Commandments for the Environment) na ginawa ni Obispo
Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace. Ang sam-
pung utos na ito ay mga prinsipyo ng makakalikasang etika (environmental ethics) na
kaniyang ginawa hango sa Compendium. Ang sampung utos para sa kalikasan ay
hindi listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, kundi mga prinsipyong gagabay
(guiding principles) sa pangangalaga ng kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito.
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng
lahat ng Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at
pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
Ang pangangalaga sa mga puno at pagtatanim nito ay isa sa mga konkretong
paraan upang tayo’y maging tagapagligtas ng kalikasan. Maaari lamang itong
putulin kung may karampatang pahintulot mula sa mga awtoridad kagaya ng
DENR. Ang mga batas katulad ng Republic Act 3571, 10593, at Executive
Order No 23, s. 2011 ay ilan lamang sa mga batas na napapalooban ng
pagbabawal sa hindi tamang pagputol ng mga puno, hindi lamang sa mga
kagubatan kundi maging sa iba pang mga lugar.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na
maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad
ng tao. Ang tao at ang kalikasang nilikha ng Diyos ay hindi pangkaraniwan,
hindi ordinaryo o kaya’y walang saysay na bunga ng ebolusyon.

5 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang pag-
galang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon
ngayon at ng sa hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang
muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
Maraming mga bagong tuklas bunga ng teknolohiya ang talaga namang
nakatutulong sa tao. Ginagawa ng mga modernong imbensiyon na ito na
maging mas madali ang buhay gayundin maging mas ligtas.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
Ang paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung
ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa
kapaligiran o ecosystem
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya.
Ang halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat
na bigyang-pansin at timbangin nang maayos. Nakapaloob sa utos na ito na
nararapat pagtuunan ng pansin o kaya ay isaalang-alang ng tao ang integridad
at ritmo ng kalikasan sa bawat pagpapaunlad na gusto natin dito.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na
yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-
pantay. Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay nangangahulugan na ang bawat
isa sa atin ay marapat na aktibong gumawa para sa pangkalahatang pag-
unlad ng mga tao lalo na sa pinakamahihirap na rehiyon o bahagi ng mundo.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang
protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
Ang pagtutulungan o kolaborasyon ng bawat isang lahi sa pamamagitan ng
pangmundong kasunduan na itinataguyod ng internasyonal na mga batas ay
mahalaga upang mapangalagaan ang kapaligiran.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri
ng pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at
pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang
konsyumerismo. Ang uri ng pamumuhay ng bawat isang tao ay kinakailangang
sang-ayon sa mga prinsipyo ng pagtitimpi, pag-aalay, at disiplina hindi lamang
sa sarili kundi maging sa panlipunang lebel.
10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon
bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung
saan mayroon tayong responsibilidad. Sa ganitong paraan ay magagamit na may
pagmamahal. Ang ating pagtingin at saloobin para sa kalikasan ay nararapat na
mag-ugat sa pasasalamat at paggalang sa Diyos na siyang lumikha at patuloy na
sumusuporta rito. At dapat nating pakatandaan kapag kinalimutan ng tao ang
Diyos, ang kalikasan ay mawawalan ng kahulugan at mauuwi sa kahirapan.

Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
6
Pagyamanin

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano-anong mga kaalaman ang nahinuha mo sa sanaysay na binasa? Isa-isahin at
ipaliwanag ang mga ito.
2. Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan? Ipaliwanag.
3. May kakayahan ka bang isabuhay ito? Patunayan.
4. Makatutulong ba ang kaalamang iyong binasa sa pagkakamit ng kabutihang
panlahat? Ipaliwanag.
5. Ano-anong maling pangangatwiran ang makahahadlang sa pagsasabuhay ng
Sampung Utos para sa kalikasan?

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

7 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Isagawa

Panuto: Gamit ang konseptong iyong natutuhan, ipaliwanag ang mensahe ng


larawang nakikita mo sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Pamatayan sa Pagmamarka:
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

https://tinyurl.com/27tz3c35, December 15, 2021

Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
8
Tayahin

I. Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong dyornal ang naging


reyalisasyon o pag-unawa:

Pamatayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Ako’y mapalad sa biyayang kaloob ng kalikasan.


2. Ang aking buhay ay karugtong ng Inang Kalikasan.
3. Paano ko pananatilihin ang magandang ugnayang sa kalikasan?

Karagdagang
Gawain

Gamit ang isang short bond paper, iguhit at ipaliwanag ang sagot sa tanong na:
Paano mo patitibayin ang ugnayan mo sa Inang Kalikasan?

9 Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2 10
Tuklasin
1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. Subukin
2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
1. c
Pagyamanin
2. a
1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 3. a
3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
4. a
4. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
5. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 5. a
Isagawa: Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 6. a
Tayahin: 7. a
1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 8. c
2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
9. d
3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
10.d
Karagdagang Gawain:
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian

et.al, Mary Jean B. Brinzuela. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang. 5th


Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600.

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated


https://tinyurl.com/27tz3c35, December 15, 2021
http://www.youtube.com/watch?v=b6357-fsc3g , March 2, 2014

11

Negros_Q3_EsP10_Modyul8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like