You are on page 1of 18

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
(Linggo: Una)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungang Panlipunan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kathleen B. Emia
Editor: Anna Mae I. Tejada Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Trisha Arella
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katarungang Panlipunan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Katarungang Panlipunan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Katarungang Panlipunan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.( EsP9KP-IIIc-9.1)

Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at


mamamayan. (EsP9KP-IIIc-9.2)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:
Kaalaman: Nakatutukoy sa mga palatandaan ng makatarungan at di- makatarungang
lipunan

Saykomotor: Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang lipunan ng mga


tagapamahala at mamamayan.

Apektiv: Napagtitimbang ng buong puso ang mga paraan sa pagiging makatarungang


tao.

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang isang makatarungang tao?


A. Isa kang makatarungang tao kung patas ang pagtingin mo sa iba
B. Kapag mayroon kang makatarungang ugnayan sa iyong kapitbahay.
C. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang
sa batas at sa karapatan ng kapuwa.
D. Kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng ibang tao.
2. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na
pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
3. “Walang iwanan.” Sa anong-anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang pahayag
na ito?
A. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa,
lalo na sa mga kritikal na sitwasyon sa buhay.
B. Tayo ay umiiral na kasama ang ibang tao
C. No man is an island
D. Magtulungan at walang iwanan sa panahon ng kalamidad
4. Ano ang katarungan?
A. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya
B. Ito ay panloob na kalayaan
C. Isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang
D. Ang mabuting ugnayan sa kapuwa
5. Ano ang mangyayari kung nilalabag ang karapatan ng tao?
A. Mabuhay ng malungkot
B. Mawalan ng katarungan
C. Magbunga ng gulo
D. Hindi nila ito magustuhan
6. Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng
katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo
para sa iyong sarili.
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa
hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
7. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng
iba.

2 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga
kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa
karapatan ng iba.
8. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na
batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng
tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod
sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng
katarungang sa lipunan.
9. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay
nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin
lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya
ang mga itinakda na batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi
upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
10. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.

Balikan

Sa bahaging ito ay tutuklasin mo ang iyong kaalaman tungkol sa katarungang lipunan.

Panuto: Batay sa balita sa telebisyon, radio, pahayagan, o internet, ano ang


pagkaunawa mo sa Katarungang Panlipunan. Magdrawing ng train at ilagay sa
illustrasyon ng bakanteng train ang iyong sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

3 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Ano-ano ang iyong mga nararamdaman pagkatapos maisulat ang mga
palatandaan ng katarungang lipunan? Ipawanag?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________

Tuklasin

Sa bahaging ito ay susuriin mo ang bagong aralin sa sumunod na gawain.


Panuto:
1. Gamit ang talaan ng bakanteng bahay, isulat ang tatlong palatandaan ng
Katarungang panlipunan. Punan ang sumusunod na talaan sa
iyong kuwaderno.

2. Isulat ang tatlong dahilan kung bakit itinuturing na palatandaan ng Katarungang


Panlipunan ang isinulat mo sa illustration. Punan ang sumusunod na talaan sa
iyong kuwaderno.

Dahilan kung bakit itinuturing


na palatandaan ang isinulat
Palatandaan ng Katarungang mo.
Panlipunan Hal. Hinaan ko ang volume
Hal. Isinasaalang-alang ko ang mga ng aming radio tuwing
karapatan ng tao sa aking paligid. pinapatugtog ko ito upang
hindi makaistorbo sa aming
1. __________________________ mga kapitbahay.
2. __________________________ 1. __________
3. _____________________________ 2. __________
3. __________

Suriin

4 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Suriin

Katarungang Panlipunan

Mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at pagpapanatili ng


kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga nararapat pagsikapan upang makamit ito
ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan.
Pangunahin sa mga moral na pagpapahalaga

Ang Katarungang Panlipunan.

Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng


kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti- unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
maunawaan kung ano ang katarungan. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong
pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong
konsensiya, natutuhan mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi
nakadepende kung nahuhuli ka ng iyong mga magulang o ng iyong mga kapatid sa
iyong mga nagawang pagkakamali. Hindi rin ito nakabatay sa mga patakaran na
sinasabi ng iyong mga magulang o ng sino pa man.Nauunawaan mo sa tulong ng
iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga
karapatan ng iba at isinasaalang- alang mo ang kabutihang panlahat.

Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte-Sponville(2003),


isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapuwa. Isinaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat
ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng napakaraming hindi patas
na sitwasyon na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan ay ikaw rin mismo
ang may gawa. Samakatuwid, kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili,
ang ibang tao, at ang mundo sa hindi pagiging patas ng mga ito. Ang pakikibaka para
sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa katotohanang mahirap
kalabanin ang mismong sarili.

Ano- ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa


kapuwa?

Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkakapitbahay,


magkakaklase, o magka-opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o hindi
nang-aagrabyado sa isa’t isa. Maaaring hindi makatarungan ang kanilang ugnayan
kung ang isang panig ay nagbibigay-hadlang sa pamumuhay at buhay ng kabilang
panig. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang karapatang ito,
mawawalan ng katarungan. Hindi nila ito magugustuhan at maaring magbunga ng
gulo sa buhay ng mga nasasangkot.

NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
5
Kung mayroong kinikilalang katarungan at karapatang pantao, mayroon ding
mga katarungang panlipunan o ang mga karapatan ng mga mamamayan sa kabuuan
upang mapangalagaan ang kanilang maayos na pamumuhay.May mga paglabag sa
katarungang panlipunan na nagaganap saanmang sulok ng mundo. Ito ay mga pang-
aabuso ng pamahalaan o mga tao na nasa kapangyarihan. Ilan sa mga ito ang
sumusunod:

1. Pagpataw ng parusa sa isang kasong di nalilitis. Tanyag ngayon ang operasyon


laban sa ipinagbabawal na droga na hindi umano dumaan sa paglilitis at basta na
lamang kinikitil ang mga suspek. Labag ito sa katarungang panlipunan dahil ayon sa
batas, hangga’t di napatutunayang maysala sa korte ay inosente pa ang isang tao.

2. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest. Hindi basta-basta maaaring
hulihin ang isang tao nang walang utos mula sa korte o hukuman. Kailangan muna ng
matibay na ebidensya para mahuli.

3. Pagkitil sa isang tao. Mayroong ilang nasa kapangyarihan na ginagamit ang


impluwensiya at salapi upang ilagay sa kamay ang batas. Kinikitil nila ang mga tao
ayon sa kanilang paniniwala at hindi na dumaraan sa wastong proseso.

4. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan. May ilang mga binubusalan ang
bibig gamit ang pera o pananakot kapalit ng pananahimik ng tao para sa katotohanan.
Paglabag ito sa Saligang Batas.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay pagtitibayin mo pa ang iyong kasanayan sa paksa.

Panuto:

1. Pagnilayan mo ang iyong ugnayan sa iyong kapatid, kamag-aral, o kaibigan.

2. Suriin ang ugnayan ng iyong kapwa gamit ang sumusunod na gabay na tanong:
a. Ano sa palagay mo ang iyong gagawin kung panghimasukan o dominahin nila
ang buhay mo?
b. Ano sa palagay mo ang maaaring naging sanhi nito?
c. Namamalayan mo ba na ginagawa mo rin ang dominahan o panghimasukan
ang buhay ng kapatid, kamag-aral, o kaibigan. Ipaliwanag
d. Ano ang maaaring maging bunga nito?
e. Ano ang papel ng katarungan sa ganitong sitwasyon?

6 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Isaisip

Panuto: Magbigay ng limang iba’t ibang mga paglabag sa Katarungang Panlipunan.


Mag drawing ng aklat at Isulat sa loob ng aklat. Gawin sa kuwaderno.

Isagawa

Panuto: Sa bahaging ito ay bubuo ka ng isang sanaysay na magbabahagi ng iyong


sariling karanasan tungkol sa hindi makatarungan sa iyong mga kapatid, kamag-aral
o kaibigan nakatatanda at may awtoridad. Ibahagi mo kung ano ang naging resulta sa
paglabag na ito at aral na natutunan mula rito.

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

7 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Rubric para sa pagsulat ng sanaysay

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa pagbuo. angkop at wasto hindi wasto ang
mga salitang
ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay. mensahe ng sanaysay.
sanaysay.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa
palagay mo ay makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito
nagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa


trabaho, sa aming barangay, o sa bansa.
2. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa
katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.
3. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba.
4. Ang taong masipag ay umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaaatang
sa kaniya.
5. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan .
6. Kahit alam mo kung ano ang nararapat para sa iyo ay maaari kang magparaya
alang-alang sa mas nangangailangan.
7. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapuwa.
8. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest.
9. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal
sa buhay.
10. Magiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba.

NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
8
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito ay mas palalawakin pa natin ang iyong kaalaman.

Ngayong naunawaan mo na ang kalagayan ng pagpapairal ng


Katarungang panlipunan at ang bahagi mo rito, panahon na upang harapin na makiisa
rito.

Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagtugon sa isang


pangangailangan ng kapuwa pumili ng kahit anong sitwasyon.Lagyan ng kulay ang
larawan. Gawin ito sa short bondpaper at idikit sa kuwaderno.

Rubric para sa larawan

Kraytirya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka


Pangkaraniwan hanga tanggap
4 2 1
3
Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at iilang hindi tiyak ang
at kagamitan na kagamitan na kaugnayan
may kaugnayan may
sa paksa kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa ng Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga-hanga ngunit di- marumi
ang pagkagawa marumi

9 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
Susi sa
Pagwawasto

Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.

Karagdagang Gawain
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba

Pagyamanin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
Tuklasin
10. Tama 5. Mali 10. A 5. B
9. Tama 4. Mali 9. C 4. A
8. Mali 3. Tama 8. B 3. A
7. Tama 2. Tama 7. D 2. D
6. Tama 1. Tama 6. C 1. C
Tayahin Subukin

Sanggunian

Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,


Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

10 NegOr_Q3_EsP9_Modyul1_v2
1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like