You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2a:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Dignidad at Sekswalidad
Ikatlong Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2a: Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at
Sekswalidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Irene Jane F. Zalun
Editor: Luz Marie S. Pantoja
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr. Cita J. Bulangis
Tagaguhit:
Tagalapat: Luz Marie S. Pantoja
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel
#: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –Modyul 2a:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Dignidad at Sekswalidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyu sa Kawalan
ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at
Sekswalidad.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

i
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

i
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad. EsP10PI-IVa-13.1
2.Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad
at sekswalidad. EsP10PI-IVa-13. 2

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at


pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at


sekwalidad.
2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad.
3. Nakagagawa ng isang organizer sa mga isyu ng sekswalidad.
4. Nakapaglalahad ng damdamin sa apat na isyu sa kawalan ng paggalang sa
sekswalidad at dignidad.

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ito ay pagbebenta ng katawan. Nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera.


Maaaring babae o lalaki ang sangkot nito.
A. Pornograpiya
B. Prostitusyon
C. Pre-marital sex
D. Sexual harassment

2. Lumalaganap ito sa lipunan at karamihan sa mga nasasangkot ay mga teenagers. Ang mga
babaeng nasasangkot dito ay maagang nagiging ina na siyang dahilan na hindi sila
makapagtapos ng pag-aaral.
A. Phone sex
B. Pre-marital sex
C. Cybersex
D. Sexting

3. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung sekswal?


A. Si Jessica ay araw-araw na hinihipuan ng kanyang amain sa maseselang bahagi
ng kanyang katawan.
B. Matagal nang magkasintahan sina Lino at Ailen kaya niyaya na ni Lino si Ailen
na magpakasal para bumuo ng pamilya.
C. Isang linggo pa lamang na magkasintahan sina Bing at Leni. Niyaya ni Bing si
Leni na pumasok sa isang motel para patunayan nito ang pagmamahal.
D. Magbabarkadang nanonood nag bold movies sa bahay ng isa nilang
kaibigan.

4. Taong nahuhumaling sa maliliit na bata o mga menor de edad.


A.Pedophiles
B. Pediafiles
C. Homosexuals
D. Heterosexuals

5. Tamang panahon kung saan maaaring magtalik ang isang babae at lalaki.
A. Kapag nagustuhan nila ang isa’t-isa
B. Pagtapos ng unang halik
C. Kapag sexually-active na
D. Pagkatapos ng kasal

2
6. Siya ang nagkaloob sa sekswal na damdamin. Ibinigay Niya ito para sa mabuti at
magandang paraan at iyon ay pagiging isa ng babae at lalaki sa pamamagitan ng
Sakramento ng Kasal upang makabuo ng pamilya.
A. Diyos
B. Pamilya
C. Tao
D. Pari

7. Ang mga sumusunod ay mga uri ng pang-aabusong sekswal, maliban sa isa


A. pambubuso
B. sekswal na pananalita
C. pagpapakita ng porn sa isang bata
D. pagsasabi ng masasakit na salita.

8. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ibat-ibang uri ng pang-aabusong sekswal, maliban


sa isa.
A. Isang empleyadang nahuli sa trabaho dahil may nangyaring hindi kanais- nais sa
kanilang bahay. Sinabi ng amo na matatanggal siya sa trabaho. Lumapit ang amo
at inalok ang empleyada na makipagtalik kapalit ng hindi pagkakatanggal sa
trabaho.
B. Isang batang lalaki ang nilapitan ng isang lalaking may edad na at binigyan ito
ng pera pambili ng kendi sabay hawak sa maseselang parte ng katawan ng bata.
C. Isang gabi naglalakad si Sandy sa eskinita na may nakatambay na lalaki sa
gilid. Nang papalapit na si Sandy ay biglang hinaplos ng lalaki ang kanyang
likuran hanggang sa hita.
D. Sinita at pinauwi ng may-ari ng computer shop ang mga binatilyong nag
log-in para manood ng porn.

9. May dalawang layunin ang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal.


A. magkaroon ng anak at mapag-isa
B. makaranas ng kasiyahan at kaayusan.
C. makapagmana at makapagmay-ari sa mga ari-arian ng mga magulang
D. para paglingkuran ng babae ang lalaki dahil pagmamay- ari nya ito

10. Ang mga sumusunod ay mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa mga
nagbebenta ng panandaliang –aliw, maliban sa isa.
A. sexually transmitted disease
B. AIDS
C. liver cirrhosis
D. skin disease

3
Balikan

Bilang kamanlikha ng Diyos, ipinagkaloob Niya sa atin ang pamamahala sa lahat ng


nandito sa mundo– ito’y ingatan at pangalagaan. Tayo ay nakatira sa iisang mundo at bawat
kilos na ating ginagawa ay may epekto sa kapwa-tao at sa ating kapaligiran hindi lamang sa
kasakukuyan kundi pati na rin sa darating na panahon at sa mga susunod na henerasyon.
Samakatwid, wala tayo kung wala ang kalikasan.

Tuklasin

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang hinihingi sa bawat numero.


Bilugan ang mga salita. Gawin sa kuwaderno.

C Y B E R S E X O A K M N K
H O T M A M A Y G I W O L A
I U W A P A M P A D Y L L S
L T A T E R A O U S I L P A
D U G R R T E L U I I O E L
A B U T M E N T O P S I D E
B A B O R T I O N Y I J O S
U N R R O T J Y Y Y U K P A
S T A S S A K E N Y G M H F
E O R O S V E N U S G E I V
P O R N O G R A P I Y A L X
T P R E M A R I T A L S E X

1. Pagtingin o pagbabasa ng malalaswang panoorin at babasahin.


2. Pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera.
3. Mga taong nahuhumaling sa maliliit na bata.
4. Paglalaglag sa fetus mula sa sinapupunan ng isang ina.
5. Pagtatalik na ginagawa na walang basbas ng Diyos.
6. Pakikipagtalalik sa pamamagitan ng internet.
7. Sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa taong nagbebenta ng aliw.
8. Salitang Ingles ng panggagahasa.
9. Isang manunulsol o tagapangalakal ng patutot o prostitute.
10. Pag-iisang dibdib ng babae at lalaki. Basbas ng Diyos.

4
Suriin

Cybersex den, Timbog!!! Casa, ni-raid ng otoridad!!!


Katulong, pinagsamantalahan!!!
Lalaking sabog, nanghipo ng menor de edad!

Marahil ay narinig nyo na sa radyo at telebisyon ang mga balitang iyan. Ngayon ay
ating alamin ang mga isyu tungkol sa sekswalidad na nakakaapekto sa dignidad ng tao.
Una, ang pakikipagtalik na walang kasal o pre-marital sex. Maraming mga
kabataan ang nasasangkot sa isyung ito lalo na sa panahon ngayon. Isa ito sa dahilan ng
maagang pagbubuntis (teenage pregnancy). Maaari ding humantong sa ideya ng abortion
ang mga kababaihang sangkot dito dahil sa unwanted pregnancy. Nariyan din ang
pornograpiya na nanggagaling sa salitang Greyego na porne at graphos.
*porne-taong nagbebenta ng panandaliang-aliw
*graphos-pagsusulat o larawan

Sa pagsulpot ng mga makabagong gadgets ay nagiging madaling makita ang mga


malalaswang mga panoorin o babasahin. Ang mga ito ay nakapupukaw ng sekswal na
damdamin. Sa palagiang panonood at pagbabasa nito ay maaaring mag-iba ang isip ng tao at
magiging kakaiba ang kanyang mga ikikilos. Ang pinakamalala ay iyong panggagahasa.
Taliwas ito sa kaisipang ang katawan ng tao ay sagrado. Tandaan natin na ang damdaming
sekswal ay ibinigay ng Diyos. Ito ay maganda at para sa mabuti.

Hindi lahat ng nakahubad ay nag-uudyok ng pagnanasa, gaya na lamang ng mga guhit,


painting, iskultura at iba pa. Nasa tao ang kapangyarihang magbigay ng pananaw, kung siya
ba ay mahuhumaling at tumugon sa tawag ng makamundong damdamin o magbigay ng
respeto sa kanyang mga nakikita. Gaya ng nabanggit sa itaas, ang sekswal na damdamin ay
ipinagkaloob ng Diyos. Gamitin sa mabuting paraan.

Ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na aksyon ng isang tao sa iba o
sexual abuse. Maaaring ito ay paghawak o paglaro sa maseselang bahagi ng katawan.
Karamihan sa mga nabibiktima ay kabataan. May hinipuan, pinahuhubad, o kaya’y
pinapanood ng malalaswang panoorin. May mga tinatawag ding pedophile
o yung mga taong ang gusto ay mga maliliit na bata. May iba namang sitwasyon, kung saan
ginagawa nila sa iba kung ano ang kanilang naranasan. Marami rin ang napabalitang mga
kabataang inaaabuso ng kanilang sariling kapamilya.

Ang pagbebenta ng aliw kapalit ang pera o prostitusyon.Maaaring babae o lalaki, ngunit
karamihan sa napapasok sa ganitong gawain ay mga kababaihan. May iba’t ibang dahilan
kung bakit napapasok sa ganitong gawin. Maaaring kahirapan, hindi nakapag-aral, at
maaaring ang pagiging walang muwang. Mayroon ding mga

5
nakakagulantang na balita patungkol sa ganitong gawain, kung saan ay mismong mga
kapamilya nila ang natutulak sa kanila para gawin ito. Tama bang gawing hanapbuhay ang
pagpapagamit sa katawan?

Bugaw- ang tagapangalakal sa prostitute o mga nagbebenta ng aliw.

Ang mga sekswal na faculdad o kakayahan ng tao may dalawang layunin: Ito ay ang
magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive).

Pagyamanin

Sagutin ang sumusunod. Ilagay sa kalahating papel.

1. Ano iyong reaksyon sa mga sumusunod:


a. OFW na pinagsamantalahan ng amo
b. Batang ginamit para sa cyber porn.
2. Sa tingin mo, ano kaya ang buhay nila pagkatapos ng pangyayaring iyon?
3. Paano ka makatutulong sa ganitong mga pangyayari?

Isaisip

Napag-alaman ko na.

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

6
Isagawa
Panuto: Tukuyin kung sa anong isyu ang mga ito nabibilang at ilagay ang
inyong sagot sa kahon na makikita sa huli. Gawin sa 1 buong papel. (2pts. sa
bawat pagtukoy; 3pts. sa bawat komento)

Sitwasyon A Sitwasyon B
Si Miaka ay isang fresh graduate ng Si Tama ay batang lalaking mahilig
college, Matalino, at maganda. magcomputer. May nag-chat na hindi
Nagpunta siya sa isang kompanya para nya kakilala. Sa simula ay nagpakilala
mag-apply. Nandoon ang isang lalaking nang maayos ang tao. Ito nama’y
tagatanggap ng application. Sinabi nya sinagot ni Tama nang maayos. Naging
kay Miaka na magbalik sa opisina nila kampante sila sa pag cha-chat.
ng alas 10 ng gabi dahil pagkabukas Habang lumilipas ang mga araw ay
umano’y matatanggap na siya agad. naging agresibo ang tao at hiniling
Nagbalik si Miaka sa nasabing nyang ipakita ni Tama ang kanyang
kompanya. paa hanggang hita papunta sa
Nagulat siya nang makita nyang maseselang bahagi ng kanyang
walang ibang tao dito. Lumapit ang katawan. Lingid sa kaalaman ni Tama
lalaki at ibinulong kay Miaka na na sini-save ng lalaki ang kanyang
matatanggap agad siya kapag larawan at ibinibenta ang mga ito.
pumayag siya sa gusto nito.

Sitwasyon C Sitwasyon D
May mga taong magagara ang Si Lea at Noel ay parehong nasa ika-
pananamit na umakyat sa bundok 10 baitang. Nanligaw si Noel kay
kung saan nakatira ang pamilya ni Lea. Sinagot naman ito ng dalaga.
Susan. Kahit nasa bundok ay nakapag- Lumipas ang 3 buwan at parang
aral si Susan, hanggang grade 6 nga nababagot na si Noel sa kanilang
lang. Nagpunta sa bahay nila ang mga relasyon. Tinanong ni Lea si Noel
iyon. Hinikayat nila ang magulang ni kung ano ang nangyayari, at sumagot
Susan na papuntahin sa malaking ito na wala daw excitement ang
ciudad ang dalaga para maghanap- kanilang relasyon. Kung gusto daw ni
buhay bilang assistant ng mga artista. Lea ng matatag na relasyon ay
Pumayag ang magulang. Dumating patunayan ito.
sila sa ciudad. Pinapasok si Susan sa Ayaw ni Lea na magkatampuhan sila.
isang bahay na may mga babaeng Alam ni Lea na pagagalitan siya ng
magaganda. Iyon pala ay mga babaeng kanyang mga magulang sa magiging
nagbebenta ng sarili para magkapera. desisyon. Sumama si Lea kay Noel at
sila’y nagtanan.

7
Sitwasyon Komento sa Pangyayari

Sitwasyon A=
Sitwasyon B=
Sitwasyon C=
Sitwasyon D=

Tayahin

PANGWAKAS na PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ang sumusunod ay mga isyu sa kawalan mg paggalang sa sekswalidad at


dignidad ng tao. Alin ang hindi?
A. Pornograpiya
B. Postitusyon
C. Pang-aabusong sekswal
D. Pag-aasawa

2. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung sekswal?


A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kanyang amain sa maseselang bahagi
ng kanyang katawan.
B. Matagal nang magkasintahan sina Lino at Ailen kaya niyaya na ni Lino si Ailen
na magpakasal para bumuo ng pamilya.
C. Isang linggo pa lamang na magkasintahan sina Bing at Leni. Niyaya ni Bing
si Leni na pumasok sa isang motel para patunayan nito ang pagmamahal.
D. Nagkayayaan ang magbabarkada na manood nag bold movies sa bahay ng isa
nilang kaibigan.

3. Ang mga sumusunod na inilalahad sa bawat sitwasyon ay mga maaaring


kadahilan ng pagkakasangkot sa pre-marital sex, maliban sa isa.
A. Matalik na magkaibigan sina Jana at Alfred. Sila’y nagkayayaang mag
inuman tapos nalasing at nakalimutan ang kanilang mga sarili.
B. Ang mga kaibigang babae ni Trisha ay may kanya-kanyang boyfriend.
C. Malimit na manood ng porn si Leo. Inanyayahan niya ang kanyang
girlfriend na manood.
D. Katatapos pa lamang ng kolehiyo ni Rusvy at Chinie. Sila’y magkasintahan sa
loob ng dalawang taon. Malaki ang respeto ni Rusvy kay Chinie. Siya ay
namanhikan at silay nagpakasal.

8
4. Tamang panahon kung saan maaaring magtalik ang isang babae at lalaki.
A. Kapag nagustuhan ang isa’t-isa
B. Pagtapos ng unang halik
C. Kapag sexually-active na
D. Pagkatapos ng kasal

5. Ang sekswal na gawain ay ginagawa ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal


para sa dalawang layunin.
A. magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive)
B. makaranas ng kasiyahan at kaayusan.
C. makapagmana at makapagmay-ari sa mga ari-arian ng mga magulang
D. para paglingkuran ng babae ang lalaki dahil pagmamay-ari nya ito.

6. Uri ng sekswal na pang-aabuso, maliban sa isa


A. panghihipo
B. pangmomolestiya
C. panliligalig (sexual harassment)
D. pagsasalita ng masasakit

7. Ang mga sumusunod ay mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa mga


nagbebenta ng panandaliang –aliw, maliban sa isa.
A. sexually transmitted disease
B. AIDS
C. skin disease
D. liver cirrhosis

8. Mga dahilan kung bakit napapasok sa pagbenta ng katawan. Alin ang hindi?
A. kahirapan
B. walang muwang
C. nakapagtapos ng pag-aaral
D. human trafficking

9. Siya ang nagkaloob sa sekswal na damdamin.


A. Diyos
B. Pamilya
C. Tao
D. Pari

10. Mga isyu sa kawalang ng paggalang sa sekswalidad


A. premarital sex, pornograpiya, pagpapatiwakal, abortion
B. premarital sex, prostitusyon, pornograpiya, sexual abuse
C. euthanasia, plagiarism, prostitution, drug addiction
D. terorismo, alkoholismo, nepotism, sexual harassment

9
Karagdagang
Gawain

Panuto: Isulat ang mga isyu ng sekswalidad sa loob ng kahon. Ilagay ang inyong
pahayag sa bawat isyu kung bakit ito nakaaapekto sa dignidad ng tao. Gawin ito sa
kuwaderno.

Nilalaman------------------10 pts
Organisasyon----------------5 pts
Dating sa mambabasa------5pts
Kabuuan---------------------20 pts

1. 3.

Isyu ng Sekswalidad

2.
4.

1
Susi sa
Pagwawasto

TuklasinPagyamanin
PORNOGRAPIYA1. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
PROSTITUSYON2. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
PEDOPHILE3. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
ABORTION
PREMARITAL SEX
CYBERSEX
Subukin AIDS
RAPE
BUGAW
KASAL
b
b
b Isagawa:
a Sitwasyon Komento sa Pangyayari
d A. Sexual harassment Maaaring iba-iba ang sagot
a B. Pornograpiya Maaaring iba-iba ang sagot
d C. Prostitusyon Maaaring iba-iba ang sagot
d D. Premarital sex Maaaring iba-iba ang sagot
a .
c Tayahin
d
b d
d d
d c
a a
b

Karagdagang Gawain
pornograpiya
pang-aabusong sekswal
prostitusyon
premarital sex
Nilalaman10 pts
Organisasyon5 pts
Dating sa mambabasa5pts
Kabuuan20 pts

Sanggunian
Aklat

Brizuela, Mary Jean B. et al., 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral-
Ikasampung Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig
City, Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP-DLP Initiated

Internet
Google
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bugaw
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-aabusong_seksuwal

1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Du


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: Website: lrmds.depednodis.net

You might also like