You are on page 1of 22

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –
Modyul 1: Katapatan sa Salita at
sa Gawa: Sandigan ng
Pakikipagkapwa

1
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Katapatan sa Salita at sa Gawa: Sandigan ng
Pakikipagkapwa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Evelyn P. Cruz

Tagalimbag: Rose Marie C. Baranda


Elma T. De Guzman
Tagasuri: Melanie G. Rosales, OIC Guro III, Aral Pan & EsP Dept.
Ma. Theresa S. Aquino, Punong Guro III
Tagamasid Pampurok: Catherine B. Operaña, EdD
Tagalapat: Jonalyn M. Casipit
Denielle Alexis C. Maron
Tagaguhit: Joan G. Tiangson
Maricris D. Trinidad
Stephanie Joy F. Cruz

Pansangay na Tagapamahala:
Pansangay na Tagapamanihala, OIC: Ely S. Ubaldo, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Punong Tagamasid Pansanay, CID: Carmina C. Gutierrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS: Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Edukasyon sa Pagpapakatao: Lalaine C. Rosario, EdD
Cielito Fe Angeles, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075)522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

2
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –
Modyul 1: Katapatan sa Salita at
sa Gawa: Sandigan ng
Pakikipagkapwa

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Katapatan sa Salita at sa Gawa: Sandigan ng
Pakikipagkapwa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang mga gawain sa modyul na ito ay nangangailangan ng harapang pagwawasto ng
guro pagkatapos na sagutin ng mag-aaral para maipaliwanag sa kanya ang
kahalagahan ng bawat konsepto ng aralin.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Katapatan sa Salita at sa Gawa: Sandigan ng Pakikipagkapwa
Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga
magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Magkagayunpaman, sa pagpipili o
paghuhusgang ginagawa mo bilang mag-aaral, may kailangan kang pag- ukulan ng pansin,
ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na iyong gagawin.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamani n pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay

5
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahi n ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
Gawain kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

6
Alamin

Nakaranas ka na ba ng pagtatalo ang iyong isip at kilos? Iyon bang ayaw naman talaga
ng isip mo ngunit ginawa mo pa rin. Maraming mga pagkakataon sa buhay ng tao na nangyayari
ang ganito at marahil hindi natin maikakaila na sa usapin ng katapatan, ganito rin ang madalas
na sitwasyon. Alam natin na dapat lamang na maging matapat tayo sa salita at gawa ngunit para
bang hindi sumusunod ang ating katawan at ang ating bibig. Sa Modyul na ito, palalawakin ang
iyong pag-unawa sa katapatan sa salita at gawa - isang birtud na nangangailangan ng
kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nakikilala ang:
a. kahalagahan ng katapatan
b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan (EsP8PBIIIg-12.1)
2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan.
(EsP8PBIIIg-12.2)

3. Naipaliliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng


pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May
layunin itong maibibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya, gabay ang diwa ng
pagmamahal.(EsP8PBIIIh-12.3)
4. Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa
salita at gawa. (EsP8PBIIIh-12.3)

7
Aralin
Katapatan sa
Pakikipagkaibigan
1 at Pakikipagkapwa

Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat
ang titik ng napiling sagot sa iyong kuwaderno.

Para sa bilang 1-4. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi
o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

____ 1. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit
kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

____ 2. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa
paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap
na magulang niya.

____ 3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya
ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala
ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay
lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

____ 4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya
na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na
ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit
na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na
ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw
mong mapahamak ang iyong kaibigan.

Para sa bilang 5-8. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Pag-iwas

8
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

____ 5. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung
nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

____ 6. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi
niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan
ng mga ito.

____ 7. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim
at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.

____ 8. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa
kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas
ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na
sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.
____ 9. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan
nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano
ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling
na mag-aaral?

a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.


b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling mag-aaral.
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d. Hindi na siya kakaibaganin ng mga mag-aaral
____10. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa isang tao hindi upang
masisi, maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
Hango sa: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner’s Material (Units 3) Paunang Pagtataya pp – 315-31

Balikan

Sa nakaraang Modyul ay napag-usapan natin ang tungkol sa paggawa ng mabuti sa


kapwa bilang tanda ng Kabutihang-Loob. Naunawaan mo na dahil sa paglalayong gawing
kaaya-aya ang buhay para sa kapwa, at makapagbigay ng inspirasyon na tularan ang iba, ang
paggawa ng maganda sa kapwa ay ginagawa nang buong puso, tumutugon sa kagustuhan ng
Diyos na maglingkod sa kapwa nang walang kapalit at may pagsasakripisyo para sa kapakanan
ng iba.

9
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na
nagpapakita ng Kabutihang-Loob sa kapwa.

____1. Pakainin ang mga nagugutom.

____2. Pagbibigay ng donasyon gaya ng damit sa mga nasunugan o nasalanta ng kalamidad.

____3. Bigyan lamang ng proteksyon ang mga kakilala at kaibigan.

____4. Bisitahin at alagaan ang mga matatanda lalo na ang mga may sakit.

____5. Iwasan at huwag kanlungin ang mga galing sa bilangguan.

Tuklasin

Gawain 1. Pagsusuri ng Sitwasyon


PANUTO: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang pagsusuring ginawa sa
angkop na bahagi ng matrix. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Makatwiran ba
ang Ipaliwanag ang dahilan ng
Pagsisinungaling pagsisinungaling na ginawa sa
Sitwasyon sitwasyon?
na ginawa?
(Oo / Hindi)
1. Sumama ang iyong kapatid
na si Nelia sa iyong pinsan
upang pumasyal sa kanilang
bahay sa kabilang distrito.
Pinayuhan mo siya na
magpaalam muna sa inyong
mga magulang dahil
napagkasunduan ninyo sa
pamilya na agad kayong
umuwi sa bahay pagkatapos
ng klase. Hindi ka niya
sinunod at sinabing hindi
naman siya papayagan. Nag-
aalala na ang iyong mga
magulang sapagkat madilim
na at hindi pa siya umuuwi.
Pinagtakpan mo siya sa
pagsasabing kasama niya ang
mga kamag-aral upang
ipagpatuloy ang isang
proyektong kailangang
tapusin.
2. Madalas na nasasangkot
ang kapatid mong si Ricky sa

10
pakikipag – away sa paaralan.
Tulad ngayon, ipinatatawag na
naman ng kaniyang guro ang
inyong nanay dahil daw sa
sobrang pagbibiruan na nauwi
sa panununtok sa isang
kaklase. Ikaw ang inatasan ng
inyong mga magulang na
makipag usap sa guro ni Ricky.
Pinagtakpan mo ang iyong
nanay at sinabing may sakit
siya kaya’t ikaw ang kaniyang
pinapunta.
3.Halos magkatapat ang mga
silya ninyo ng kaklase mong si
Paolo. Sobra siyang mapagbiro
at kinakaya-kaya ang mga
tahimik ninyong kaklaseng tulad
ni Oscar. Habang nagsusulat
ang guro at nakaharap sa
pisara, hinila ni Paolo ang
kuwelyo ng polo ni Oscar.
Napasigaw si Oscar dahil siya
ay nagulat at nasaktan. Nang
magtanong ang guro kung sino
ang gumawa noon, kaagad na
itinuro ni Paolo si Gene na
nakaupo sa likuran ni Oscar.
4. May galit si Marlon sa isang
kapitbahay dahil pakiramdam
niya ay hindi ito marunong
makisama. Minsan kasi ay
napahiya sila nang hindi sila nito
muling pinautang ng kaniyang
ina. Alam naman ni Marlon na
malaki-laki na ang utang na
kailangan nilang bayaran dito.
Minsan ay narinig niya ang
isang kapwa kapitbahay na
pinupuri ang nasabing pamilya.
Agad sinabi ni Marlon na iyon ay
hindi totoo dahil naranasan na
nila ang pagiging maramot at
masamang pag-uugali ng
kapitbahay nilang ito.

11
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 1

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisi-


(10) (8) (6) mula (4)

Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap ang Kailangang


Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag pagpapaliwanag isaayos (malaki
pagpapaliwanag (katamtamang (may kaunting ang kakulagan,
(buo at pagpapa- kamalian ang nagpapakita ng
maliwanag) liwanag) pagpapa- kaunting
liwanag) kaalaman)

Suriin

Katapatan sa Pakikipagkaibigan at Pakikipagkapwa

Likas sa mga kabataan ang magnais magkaroon ng mga tapat na kaibigan. Higit na
magiging masaya ang buhay sa panahon ng kabataan kung may mga kaibigan na
nagmamahalan at naggagalangan sa isa’t isa. Ngunit hindi madali ang pagkakaroon ng tapat
na mga kaibigan. Kailangan ng talino at pagsasabuhay ng mga kinakailangang
pagpapahalaga upang matupad ang hangarin na magkaroon ng katapatan sa pagkakaibigan.
Marahil ay may kakilala kang nagkukuwento ng hindi totoo upang maging katanggap-
tanggap siya sa barkada. Nasisiyahan siya sapagkat nakukuha niya ang kanilang atensiyon o
panghanga sa mga di-totoong kuwento. Hindi wasto ang palagiang pagkukuwento tulad nito
sapagkat nagiging gawi na ang panloloko at pagsisinungaling. Sa katagalan, mahirap nang alisin
o baguhin ang kinasanayang pagsisinungaling sapagkat naging bahagi na ito ng iyong pagkatao.
Ang katapatan ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga
totoong pangyayari, tama, mabuti, at angkop para sa mga sitwasyon. Makikita ang mabuting
pagkatao sa katapatan sa mga salita at gawa. Sa kabilang dako, ang hindi pagiging matapat sa
salita at gawa ay makikita sa panloloko at pagsisinungaling.

Katapatan sa Salita

Naipakikita ang katapatan sa pamamagitan ng paggamit ng matatapat na mga salita.


Ang katapatan ay makikita sa pagsasabi at pagsasabuhay ng mga ugali na naaayon sa kung
ano ang tinatanggap na totoo, tama, mabuti, angkop at moral para sa mga sitwasyon. Ang
matatapat na salita ay nagbibigay ng mga totoo at tamang impormasyon sa sitwasyong
kailangang ipahayag ang katotohanan. Ang tuwirang pagtatago ng tamang impormasyon upang
baluktutin ang katotohanan ay isang panloloko at pagsisinungaling. Bakit nga ba
nagsisinungaling ang isang tao? Anu-ano ang mga uri ng pagsisinungaling?

12
Apat na Uri ng Pagsisinungaling
Ayon kay Gamble (2000), may apat na uri ng pagsisinungaling ng tao:

1. Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao (Prosocial Lying)


Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa
upang protektahan ang isang tao nang sa gayon ay hindi mapahamak o
maparusahan ang kapwa.
Hal. Pagpayag na magsinungaling sa magulang ng kaibigan upang hindi ito
pagalitan o parusahan.

2. Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya o maparusahan


(Self-Enhancement Lying)
Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay ginagawa upang iligtas ang sarili sa
maaaring maramdamang kahihiyan.
Hal. Pakikiusap sa ibang tao na magpanggap bilang magulang upang isalba ang
sarili sa anumang kahihinatnan ng kaniyang pagkakamali.

3. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasasama sa ibang


tao (Selfish Lying)
Ang ikatlong uri ng pagsisinungaling ay itinuturing na masama sapagkat
ang pansariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan dito.
Hal. Pagbibintang sa ibang tao sa kasalanang ginawa upang hindi tanggapin
ang kaparusahan.

4. Pagsisinungaling na sinasadya ang intensiyon na sumira o makasakit sa


kapuwa (Antisocial Lying)
Ang ikaapat na uri ng pagsisinungaling ay nagpapakita ng sinasadyang
intensiyon na masira o makasakit sa kapuwa.
Hal. Paglikha at pagkakalat ng maling kuwento sa isang tao upang sirain ito sa
paningin ng iba.

13
Anu-ano ang mabubuting bunga ng katapatan sa salita?

May pitong bunga o benepisyo na tinukoy mula sa artikulong “Seven Benefits of Telling the Truth”
mula sa ekhoz.com na kinuha noong Hunyo 20, 2011.

1. Sa pagsasabi ng totoo, hindi mo kailangang tandan pa ang impormasyong sinabi o


sasabihin sapagkat ang mga salitang iyong ipahahayag ay pawang mga katotohanan lamang.

2. Makukuha mo ang tiwala at paggalang ng kapuwa bilang isang matapat na tao. Pipiliin ka
nilang kaibigan o kasama sa mga gawain dahil mayroon kang isang salita.

3. Pamamarisan ka ng iyong kapuwa sapagkat para sa kanila ay isa kang magandang halimbawa
ng pagiging matapat sa salita at gawa.

4. Karaniwang mababa ang iyong stress level sapagkat malinis ang iyong konsensiya at
kumikilos nang ayon sa wastong pagpapahalaga sa bawat sitwasyong kinakaharap.

5. Makahaharap ka sa salamin na may maganda at mabuting pakiramdam

6. Higit kang paniniwalaan at makahihikayat ng kapuwa.

7. Nagiging madali na makuha ang kanilang suporta at tulong sa mga panahon ng kagipitan.
Ngunit may mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang
katotohanan. Ito ay bunga ng isang seryosong dahilan o obligasyon na kapag nilabag ay
mas lalong magdudulot ng pinsala hindi lamang para sa sarili kundi maging sa ibang tao.Ang
pagtatago ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan. Ayon sa aklat ni
Vitaliano Gorospe (1974), may apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan:

1. Pananahimik (Silence)
Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na
maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. Pag-iwas (Evasion)
Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa
pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.

14
1. 3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (Equivocation)
 Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang
kahulugan o interpretasyon.

4. Pagtitimping pandiwa (Mental Reservation)


Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon.

Mahalagang tandaan na ang ganitong mga pamamaraan ng pagtatakip o pagtatago ng


katotohanan ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na anong dahilan. Ang hindi
mapanagutang paggamit nito ay maituturing na rin na pagsisinungaling na maaaring
makasira ng panlipunang kaayusan at ng tiwala ng kapwa.

Katapatan sa Gawa

Nasabi o narinig mo na ba ang kasabihang “Labis sa salita ngunit kulang


sa gawa?” Ipinahihiwatig ng kasabihang ito na higit na kapani-paniwala ang pagkatao mula
sa nakikitang pagkilos at pag-uugali kaysa sa kaniyang mga sinasabi. Ang katapatan sa
gawa ay pagganap ng kinakailangan para sa mga taong dapat makinabang sa mga ito. Sa
kasalukuyan, labis na inaasahan ang katapatan sa gawa mula sa mga opisyal ng pamahalaan
na itinakda ng batas na magsilbi sa mamamayan at sa bayan. Masisimulan ang
katapatan sa gawa mula sa kabataan na may ideyalismo sa pagpapabuti ng
kanilang pagkatao at pagkamamamayan.

Ano-ano ang katangian ng taong may katapatan sa gawa?


1. Hindi siya manloloko, manlilinlang, o magsisinungaling upang makuha lamang ang kaniyang
gusto sa kapuwa.
2. Hindi siya nabubulag ng pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong ikahihirap ng
nakararami.
3. Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga taong kaniyang
nasasakupan.
4. Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon siyang gawin ito
para sa sariling kapakanan.
5. Sisikapin niyang gawin ang kaniyang mga sinabi o ipinangako bilang patunay ng kaniyang
katapatan.
6. Tatanggapin niya, magpapaliwanag, at hihingi ng paumanhin sa pagkakataong nabigo siya
o di nakumpleto o di nagampanan nang husto ang pangakong binitawan.

Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay nagpapatunay ng pagkakaroon


ng komitment sa katotohanan at ng mabuti at metatag na konsensiya. May layunin itong
maibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya gabay ang diwa ng pagmamahal. Ating sikapin
na mabuhay na may katapatan sa ating pakikisama sa kapuwa sa iba’t ibang sitwasyon sa tunay
na buhay.

Laging tandaan na ang katotohanan ay hindi nilikha ng tao, nag-iisa lamang ito at
hindi kailanman mababago ng panahon o lugar, upang mahubog ang karangalan, katapatan at
integridad, kailangang mamuhay sa katotohanan at ipanig mo ang iyong sarili sa kung ano ang
tama.

Ito ay isang hamon na hindi madaling harapin kung hindi taos sa iyong puso ang pagnanais
na makamit ito. Ngunit ang pangako nito para sa patuloy na paglago ng iyong pagkatao bilang tao
ay hindi matutumbasan ng anumang yaman o kasikatan. Ikaw, tinatanggap mo ba ang hamon na
ito?
15
Pagyamanin

Gawain 2. Pagpapasya
PANUTO: Patunayan na may katapatan sa salita at gawa ang iyong pagkatao. Ipaliwanag kung
bakit mahalaga na magkaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti at matatag na
konsensiya. Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa angkop na
bahagi ng matrix. Gawin ito sa kuwaderno.

Ano ang iyong


Ano ang
sasabihin o Ano ang mabuting gawi o
pagpapahalagang
Sitwasyon gagawin kung birtud na iyong pinalalakas
iyong isinaalang-
totoong nangyari ito sa iyong pagkatao?
alang?
sa iyo?

1. Madalas kang
kantiyawan dahil
ikaw lamang
ang walang
cellphone sa
inyong
magkakaklase.
Mahalaga na
magkaroon ka
nito.
Hindi ito binili ng
iyong mga
magulang.
2. Halos araw-araw
kang
pinakokopya ng
iyong kaklase
ng kaniyang
takdang-aralin.
Lagi kang
napupuri ng
iyong guro sa
magaling niyang
mga sagot.
3. Magkapitbahay
kayo ng kaklase
mong si Lucio.
Nagtataka ang
kaniyang nanay
dahil lagi kang
unang nakauuwi
sa inyong bahay
kaysa sa kaniya.
Alam mo na
nagbibilyar si
Lucio kasama
ng kaniyang
mga kabarkada
sa likod ng
paaralan.

16
4. Pangatlong ulit
nang pumunta si
Aling Celing sa
inyong bahay
upang singilin
ang iyong nanay
sa perang
inutang niya.
5. Nakita mo na
naman na nag-
ipit ng chocolate
bar ang iyong
kuya sa
kaniyang bulsa.

Isaisip

Gawain 3. Natutunan mo, ibahagi mo


A. Pagnilayan at buuin ang mga kaugnay na kaisipan upang mabuo ang Batayang
Konsepto sa aralin. Isama sa pagpapaliwanag ang mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng komitment na maibigay sa kapuwa ang nararapat sa kanila gabay ang
katotohanang diwa ng pagmamahal sa Diyos. Sagutin ang mahalagang tanong
matapos pagnilayan ang batayang konsepto.

Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng


komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya. May layunin
itong maibigay sa kapuwa ang nararapat para sa kaniya gabay ang diwa ng
pagmamahal.

Paano maisasabay ang pagiging tapat sa salita at sa gawa sa mga tunay na


sitwasyon sa iyong buhay?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

B. Pagnilayan at bumuo ng sariling pananaw.

“Ang bawat katotohanan ay nararapat samahan ng karampatang pagkilos.”


- George MacDonald
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

17
Isagawa

Gawain 4. Buuin mo

PANUTO: Buuin ang Batayang Konsepto sa tulong ng graphic organizer na nasa ibaba.

Batayang Konsepto:

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na
ito?

Tayahin

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag
at MALI kung hindi.
___ 1. Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay nagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa

katotohanan at ng mabuti at matatag na konsensiya.

18
___ 2. Hindi manloloko, manlilinglang, o nagsisinungaling upang makuha lamang ang kanyang gusto
sa kapuwa ay isa sa mga katangian ng taong may katapatan sa gawa.
___ 3. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.
___ 4. Ang hindi pagdedeklara ng totoong kita ng mga magulang at palabasing mula sa mahirap na
pamilya upang makuha ang iskolarsyip ay makatarungan.
___ 5. Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa kaniyang
sarili at maging tapat sa kanyang salita at gawa.
___ 6. Katanggap-tanggap ang pagsisinungaling kung ang layon ay protektahan ang sarili at mga
mahal sa buhay.
___ 7. Karaniwang may makasariling layunin ang taong nagsisinungaling.
___ 8. Kapag naging madalas ang pagsisinungaling, ito ay nagiging masamang bisyo na sisira sa
mabuting pagkatao.
___ 9. Ang hindi tuwirang pagtatago ng tamang impormasyon at pagsasabi lamang ng “half truth” ay
hindi maituturing na pagsisinungaling.
___ 10. Ang pagsisinungaling ay nakapagpapagaan ng kalooban kung maililigtas nito ang reputasyon
ng isang tao.

Karagdagang Gawain

A. Bumuo ng iyong “ Truth Log.” Subaybayan ang iyong katapatan sa salita at sa gawa sa
pagsasagawa ng angkop na kilos at gawa na may katapatan sa loob ng isang linggo. Isulat ito
sa kuwaderno.

I II III IV
Araw / Petsa Tiyak na sitwasyong Mga tiyak na salita o Mga positibong
nangyari aksiyong ginawa pagpapahalaga na
ipinakita
1. Lunes Pinuna na naman ng Nangako ako sa a. Nadidisiplina ko
aking nanay ang aking nanay na lagi ang aking sarili
magulong higaan na ko nang aayusin ang b. Nagiging maayos
aking iniwan aking higaan ang aking silid-
pagkagising. pagkagising. tulugan
2.
3.
4.
5.

19
B. Tayain ang binuong “ Truth Log” sa pamamagitan ng sumusunod na rubric sa ibaba.

Pagsasabuhay ng mga Tiyak/Tuwiran Nararapat Angkop


birtud (2 puntos bawat (1 puntos bawat (1 puntos bawat
tiyak at tuwirang paraan na nararapat) paraan na angkop)
sagot)

Mga Sitwasyong
nangyari
Mga salita o aksiyong
ginawa
Mga positibong
pagpapahalaga na
ipinakita
Pinakamataas na 20 puntos 10 puntos 10 puntos
puntos

20
21
Subukin
1. c 6. c
2. b 7. d.
3. d 8. a.
4. a 9. c.
5. b 10. c.
Balikan
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Tuklasin
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Pagyamanin
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Isaisip
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Isagawa
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Tayahin
1. TAMA 6. MALI
2. TAMA 7. TAMA
3. TAMA 8. TAMA
4. MALI 9. MALI
5. TAMA 10. MALI
Karagdagang Gawain
(Maaring magkakaiba-iba ang kasagutan. Isinasaalang-alang ang
rubriks sa pagbibigay ng marka.)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral pahina 314-334, Grade 8 Learner’s


Material (Yunit III)

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral pahina 195-209, Grade 8 Learner’s


Material (Yunit III)

Pagpapakatao 8: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao pahina, 195-209 (Yunit


IV)

22

You might also like