You are on page 1of 21

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –
Modyul 3:
Karahasan sa Paaralan

1
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Karahasan sa Paaralan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elma T. De Guzman

Tagalimbag: Rose Marie C. Baranda


Evelyn P. Cruz
Tagasuri: Melanie G. Rosales, OIC Guro III, Aral Pan & EsP Dept.
Ma. Theresa S. Aquino, Punong Guro III
Tagamasid Pampurok: Catherine B. Operaña, EdD
Tagalapat: Jonalyn M. Casipit
Denielle Alexis C. Maron
Tagaguhit: Joan G. Tiangson
Maricris D. Trinidad
Stephanie Joy F. Cruz

Pansangay na Tagapamahala:
Pansangay na Tagapamanihala, OIC: Ely S. Ubaldo, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Punong Tagamasid Pansanay, CID: Carmina C. Gutierrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS: Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Edukasyon sa Pagpapakatao: Lalaine C. Rosario, EdD
Cielito Fe Angeles, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075)522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

2
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –
Modyul 3:
Karahasan sa Paaralan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Karahasan sa Paaralan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang mga gawain sa modyul na ito ay nangangailangan ng harapang pagwawasto ng
guro pagkatapos na sagutin ng mag-aaral para maipaliwanag sa kanya ang
kahalagahan ng bawat konsepto ng aralin.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Karahasan sa Paaralan.

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga
magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Magkagayunpaman, sa pagpipili o
paghuhusgang ginagawa mo bilang mag-aaral, may kailangan kang pag- ukulan ng
pansin, ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na iyong gagawin.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamani n pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay

5
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahi n ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
Gawain kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito

6
Alamin

Alam mo ba na ang pambubulas o bullying ay isang isyu na nakaaapekto sa


nakararaming tao, pamilya, paaralan, at pamayanan? Ito ay isang uri ng karahasan na
naglalayon na paulit-ulit na takutin o saktan ang kapuwa. Maraming anyo at pamamaraan
ang bullying. Kadalasang matagal, malalim, at masakit ang epekto na dulot nito.

Nakaranas ka na ba ng bullying? Ikaw ba ang nam-bully o naging biktima nito?


Kailan at saan mo ito naranasan? Ano ang iyong ginawa? Alam mo ba na maaari ring
maganap ang bullying sa mga lugar na dapat ay ligtas o walang panganib tulad
ng paaralan? Ang modyul na ito ay naglalayon na lubos mong maunawaan ang isyu
ng bullying upang maitalaga ang sarili sa pagsugpo nito saan man at kailan man
ito nagaganap. Ang pagsisikap na iwasan at ihinto ang bullying ay tanda ng pagkilala
sa kahalagahan ng buhay at paggalang sa dignidad ng kapuwa.

Ang modyul na ito ay may apat na Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
(EsP8IPIVc-14.1)

2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa kapwa na


kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan (EsP8IPIVc-14.2)

3. Naipaliliwanag na:

a. Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa


fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay
patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang
pagmamahal na ito sa kapuwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay
sa kapuwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang tao).

b. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay-ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas
sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya o panganib. Kung minamahal niya
ang kanyang kapwa tulad ng sarili, ingatan din niya ang buhay nito. (EsP8IPIVd-14.3)

4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga
karahasan sa kaniyang paaralan. (EsP8IPIVd-14.4)

7
Karahasan sa Paaralan
Aralin

1
Subukin

PANUTO: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin ang pinakaangkop na
sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:


a. Pambubulas
b. Pandaraya
c. Fraternity
d. Gang
2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase

3. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?


a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa
paaralan.
4. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
a. Pagsunod sa payo ng mga magulang
b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
c. Pag-aaral nang mabuti
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
5. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa maliban sa
a. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay

8
b. Pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa buhay
c. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan

6. Sa harap ng maraming tao, pinagbintangan ni Alice ang isang mas maliit niyang kamag-
anak na kumuha ng kaniyang aklat. Bukod dito, nilalayuan at iniiwasan nila ng kaniyang
barkada ang kaklaseng ito. Anong uri ng bullying ang ginagawa ni Alice at ng kaniyang
barkada?
a. Pasalitang Bullying
b. Pisikal na Bullying
c. Panlipunang Bullying
d. Cyber o Electronic Bullying
7. Ang pinakamainam na paraan upang supilin ang bullying ay ang:
a. Pagganti sa nambu-bully
b. Paghinto sa pag-aaral ng taong binu-bully
c. Pagsusumbong sa awtoridad ng insidente ng bullying
d. Makipagkaibigan lamang sa mga tao na walang kakayanang mam-bully
8. “Ang mga saksi sa bullying na walang ginagawa ukol dito ay maituturing na kasabwat ng
bully.” Ang pangungusap na ito ay nangangahulugan na:

a. Ang mga saksi sa bullying ay dapat na mabilis na lumayo sa pinangyayarihan ng


insidente.
b. May pananagutan ang mga saksi sa bullying na tumulong upang mapigil ang
nasaksihang pambu-bully
c. Dapat umiwas ang mga saksi sa bullying na madawit sila sa nagaganap na
karahasan.
d. Ang mga nakasaksi sa bullying ay dapat parusahan ng batas.
9. Ang samahan at kapatiran ay binuo para sa layuning mapaunlad ang pagkatao,
kasanayan, at kaalaman ng mga kasapi nito. Ibig sabihin nito na:
a. Ang kapakanan at kabutihan ng mga kasapi ang dapat na pokus ng mga gawain
ng samahan at kapatiran.
b. Tungkulin ng samahan at kapatiran na ipagtanggol ang mga kasapi nito laban sa
ibang samahan o kapatiran.
c. Mahalagang masubukan ang katapatan sa samahan ng mga kasapi upang
maging karapat-dapat sila sa mga benepisyong makukuha mula sa samahan.
d. Lahat ng gawain, marahas man o hindi ng mga samahan at kapatiran ay para sa
interes at ikabubuti ng mga kasapi nito.
10. Dahil alam ni Jerry na makabubuti para sa kanya na maging miyembro ng isang
samahan, plano niya na sumali sa isang grupo na nag-iimbita sa kaniya. Upang

9
makapagpasya nang mahusay si Jerry ukol sa pagpili ng makabuluhan at magandang
samahan, dapat niyang gawin ang mga sumusunod maliban sa:
a. Pagtatanong ukol sa mga gawain at layunin ng samahang nais salihan
b. Pag-alam sa imahin o reputasyon ng samahan na sasalihan
c. Pagkilala sa pagkatao ng mga kasapi at namumuno sa samahan
d. Pagsapi sa samahan upang makilala ito nang lubusan

Balikan

PANUTO: Basahin at suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong isyu tungkol sa
sa Seksuwalidad ang tinutukoy. Pumili sa loob ng kahon.

Teenage Pregnancy Aborsyon Premarital Sex


Pornograpiya Masturbation

___________________1. Pakikipagtalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad


at hindi pa kasal.
___________________2. Paglalaro sa maselang bahagi ng katawan ng babae o lalaki.
Itinuturing itong pang-aabuso sa sarili kung palagian na itong
ginagawa
___________________3. Ito ay naglalaman ng mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan, o palabas) na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa
ng nanonood o nagbabasa.
___________________4. Ito ay isyung napapanahon sa mga kabataang babae na nagsisilang
ng sanggol ng wala pa sa tamang edad. Tatlumpung porsyento (30%)
ang ipinapanganak sa bansa ay isinilang ng grupong ito.
___________________5. Sinadyang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng ina.

Tuklasin

Gawain 1. Ikaw ba ito?


Ituon naman natin ang iyong pansin sa mga makatotohanang kuwento na
katulad na karanasan sa iyong sariling paaralan.
1. Magsagawa ng isang survey sa paaralan na tataya sa dalawang bagay:
a. Ikaw ba ay nabubulas?
b. Ikaw ba ay nambubulas?
2. Maaaring gamitin ang katulad na nilalaman o di kaya naman ay maaaring magsaliksik
upang makagawa ng sariling survey sheet, tiyakin lamang na ito ay ipakikita sa guro
bago isagawa ang survey.

10
Ikaw ba ay nabubulas?
1. Mayroon bang mga tao na sumisimangot sa iyo o nagpapakita ng hindi magandang
senyales ng kamay?
2. Mayroon bang nagkalat ng tismis o nagsabi ng masasamang salita tungkol sa iyo?
3. Madalas ka bang tinutukso ng ibang mga mag-aaral?
4. Madalas ka bang pinagbubulungan ng ibang mag-aaral?
5. Hindi ba isinasali sa mga laro o gawain o isinasabay sa pagkain?
6. Iniiwan ka ba ng mga barkada o maraming barkada ang hindi ka nais isali?
7. Pinagkakatuwaan ka ba ng ibang mag-aaral dahil sa iyong pananamit, buhok, salamin
sa mata, o kulay ng balat?
8. Naranasan mo na bang dumaan sa isang “hazing” bago isali sa isang pangkat o
samahan?
9. May nagbabanta ba sa iyo na ikaw ay sasaktan?
10. Naranasan mo na ba ang maitulak, itaboy, o kaya ay saktan ng ibang mag-aaral?

Kapag ang nakuhang marka sa survey na “Ikaw ba ay NABUBULAS?” ay:

1 hanggang 10 sagot na OO, ito ay nangangahulugan na ang mag-aaral ay nakaranas


na ng pambubulas

Ngunit kung ang marka ay 6 pataas, agaran ang tulong na kailangan ng mag-aaral
upang malampasan ang kaniyang pinagdaraanan.

Ikaw ba ay nambubulas?
1. Natutuwa ka bang pagtuunan ng pansin ang mga taong mas maliit sa iyo o maging sa
mga hayop?
2. Gusto mo bang manukso o manghamak ng ibang tao?
3. Kapag nanunukso ka ng ibang tao, natutuwa ka bang makita na sila ay napipikon o
nagagalit?
4. Natutuwa ka ba sa pagkakamali ng ibang tao?
5. Gustong-gusto mo bang kumuha at sumira ng gawain ng iba?
6. Gusto mo bang isipin ng ibang mag-aaral na ikaw ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa buong paaralan?
7. Madalas ka bang magalit?
8. Matagal ba bago mapawi ang iyong galit?
9. Isinisisi mo ba sa ibang tao ang mga maling nangyayari sa iyong buhay?
10. Gusto mo bang gumanti sa mga taong nakasakit sa iyo?
11. Kapag ikaw ay nasa isang laro, nais mo bang lagging ikaw ang panalo?
12. Kapag ikaw ay natatalo, lagi mo bang inaalala kung ano ang sasabihin ng ibang tao
tungkol sa iyo?
13. Ikaw ba ng nagseselos o naiinggit kapag nagtatagumpay ang ibang tao?

Ka
Pag ang nakuhang marka sa survey na “Ikaw ba ay NAMBUBULAS?” ay:

1 hanggang 2 – may potensiyal na maging mambubulas sa hinaharap

Mahigit sa dalawa – isang mambubulas at nangangailangan ng tulong upang maisaayos


ang mga gawi

11
Suriin

Nakababahala ang mga balita at kuwento ng karahasan lalo na kapag ito ay nangyayari
sa lugar kung saan dapat ay ligtas sa panganib tulad ng paaralan. Laman ng maraming pahayagan
at telebisyon ang mga balita tungkol sa iba’t ibang uri ng karahasang nararanasan sa loob at labas
ng paaralan. Ang karahasan sa paaralan ay anumang kilos na lumalabag sa paggalang sa
ugnayan at kapuwa. Ang mga kilos o asal na nagpapakita ng di magandang pag-uugali sa kapuwa
ay maituturing na karahasan sa paaralan. Kung pagninilayan, ang karahasan sa paaralan ay ang
uri ng mga gawain na hindi nagpapamalas ng paggalang, pagmamalasakit at pagmamahal sa
kapuwa, sa kaniyang dignidad at buhay.

Anu-ano nga ba ang mga karahasan na maaaring nagaganap sa paaralan? Ang ilan
sa mga pangunahing kategorya ng karahasan sa paaralan ay pambubulas o bullying, labanan,
pag-aaway o pagsasakitan sa loob man o labas ng paaralan, pagdadala ng droga, sexual
harassment, vandalism, pagnanakaw, pagdadala ng mga nakasasakit na bagay at marami pang
iba.

Ang Pambubulas o Bullying


Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan. Ito ang
nagaganap dahil sa hindi pantay na kapangyarihan o lakas sa pagitan
ng mga tao.
Ang mga batang nambubulas ay ginagamit ang kaniyang
kapangyarihan na nakahihigit sa kanyang binubulas – pisikal na
lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang
impormasyon tungkol sa binubulas o kaya naman ay popularidad
– upang kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa. Matatawag
lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o
may potensyal na maulit sa takdang panahon.

11
Mga Uri ng Pambubulas

1. Pisikal na bullying – Ang uri ng bullying na ito ay ginagawa


sa pamamagitan ng pananakit sa katawan. Ito na marahil
ang pinakamarahas na uri sapagkat nakapaloob dito ang
panunulak, pandudura, paninipa, panununtok, at pambubugbog.
Kasama rin ang paninira at pagnanakaw ng mga gamit ng biktima.

2. Pasalitang bullying – Ang pasalitang paraan ng bullying


ay maaaring maisalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
masasakit na pananalita. Ilang halimbawa ay ang panunukso,
panunuya, pambabansag, pagtsitsismis, pagbabanta, pamimilit,
pangingikil at panlilibak ng lahi, relihiyon at pagkatao.

3. Panlipunan na bullying – Ang paraan ng bullying


na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pamamahiya at
tahasang pagbibintang sa harap ng maraming tao. Nakapaloob dito
ang hindi pamamansin, pag-iwas at paglayo sa biktima o
pagkokontrol at pagmamanipula ng kapwa.

4. Cyber o electronic na pambubulas – Sa paraan ng paggamit


ng mga makabagong teknolohiya at media tulad ng Internet, e-mail,
text messaging, video gaming, chat rooms o websites, ay
nagagawang takutin, saktan, ipahiya at siraan kapwa.

Mga Pangunahing Epekto ng Pambubulas


1. May mga pag-aaral na makapagpapatunay na ang biktima ng pambubulas ay may
posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog ( sleep
difficulties ) ,mababang tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang
tensiyon kumpara sa mga kabataan na hindi nagiging biktima ng pambubulas. Ang
pambubulas na ito ay magdudulot ng stress sa biktima na malaon ay magdudulot ng
mahinang pangangatawan laban sa sakit at impeksyon kung kaya mas marami sa
nakararanas ng ganito ay nagiging sakitin.

2. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti ang kaibigan o maaaring walang


kaibigan. Dahil sa kanilang mababang pagtingin sa kanilang sarili, masyadong mahirap para
sa kanila ang humanap at magkaroon ng kaibigan. Maari itong magdulot ng pag-iisa at
pagiging malayo sa nakakarami at magkakaroon sila ng paniniwala na hindi sila karapat-
dapat na magkaroon ng kaibigan.. Bukod pa rito, ayaw ding makipagkaibigan ng ibang
mga mag-aaral sa mga biktima ng pambubulas dahil sa takot na maging sila ay maging
biktima rin at hindi rin sila magustuhan ng ibang mag-aaral kapag nakitang sila ay
nakikihalubilo sa mga binubulas.
3. Isa pa sa posibleng epekto sa biktima ng pambubulas ay ang posibilidad na sila mismo ay
maging marahas, maaaring sa panahon ng pambubulas o sa hinaharap. Ang karahasan

12
na ito ay maaari nilang gawin sa kanilang sarili, sa paaralan o maaaring sa taong nambubulas
sa kanila. Maaaring makagawa sila ng mas marahas na bagay lalo pa at nagiging malabis
ang sakit na kanilang naranasan mula sa mga nambubulas. Sila ay napipilitang
gumanti at makapanakit.

Kung inaakala ng marami na ang pambubulas ay tanging sa binubulas lamang


nakaapekto ito ay isang pagkakamali. Maging ang pambubulas ay mayroon ding epekto sa
taong gumagawa nito. Mayroong panandalian at pangmatagalang epekto ang kanilang
gawing pambubulas. Sila ay mas malamang na masangkot sa mga panganib na gawain
bilang bata at maging sa kanilang pagtanda. Sa kanilang kabataan, mas mataas ang
posibilidad na sila ay masangkot sa pagnanakaw, magsimulang makasama sa mga pisikal
na away, masaktan sa pakikipag- away, lumiban sa klase, magdala ng mga armas upang
magdulot ng takot sa ibang mag-aaral, gumamit ng alcohol at droga at marami pang iba.

Maaari silang magsimulang magkaroon ng di kanais-nais na asal sa pakikipag-


ugnayan sa kapwa, di katanggap-tanggap na kakayahan sa pakikipagkapwa, at maaaring
masangkot pa sa mas maraming gulo sa hinaharap.

Paglahok sa Fraternity o Gang

Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin ang pagnanais na mapabilang


(belongingness). Naghahanap tayo ng pangkat kung saan tayo mapabilang maliban sa ating
pamilya. Ang usapin na lamang ay kung anong uri ba ng pangkat ang iyong ninanais na
kabilang o sa kasalukuyan ay kinabibilangan.

Sa kasalukuyan, ang gang ay mas bata, mas marahas, walang takot at higit sa lahat
mayroon ng mga kababaihan. Pabata na nang pabata ang hinihinging edad at ang bilang ng
babae at lalaki na nagkakaroon ng interes ay palaki nang palaki.

Ano nga ba ang gang? Ano nga ba ng fraternity? Magkapareho ba ito? Walang
unibersal na kahulugan ang gang. Ayon sa Kagawaran ng Estados Unidos ito ay:

1. Pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal.

2. Ang mga miyembro nito ay kolektibong kinikilala ang kanilang pangkat sa


pamamagitan ng paggamit ng pangkatang pagkakakilanlan (group identity) na kanilang
ginagamit upang makalikha ng takot o intimidation, madalas ay ginagamit nila ang
isa o mahigit pa sa sumusunod gaya ng iisang pangalan o pagkakakilanlan,paggamit ng
islogan at simbolo o palatandaan, paglalagay ng tattoo, pagkakapareho ng kulay ng damit
at ayos ng buhok at paggamit ng senyales ng kamay o tinatawag na graffiti.

3. Ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o mga krimen at


gumagamit ng karahasan o intimidation upang maisagawa ang mga ito.

4. Ang mga kasapi ay sumasali sa masasamang gawain o krimen na kung ang gagawa
ay may nakatatanda, ay mga krimen na may layuning mas palakasin ang kapangyarihan
ng pangkat, reputasyon at pinansyal na panustos sa kanilang mga pangangailangan.

5. Ang samahan ay maari ding magtaglay ng mga katangian gaya ng pagkakaroon ng


panuntunan sa paglahok, pagkikita ng regular ng mga miyembro, pagbibigay ng
proteksiyong pisikal sa mga kasapi mula sa mga kapwa gang at pagkakaroon ng tinatawag
na "teritoryo".

13
Ang fraternity naman sa kabilang dako ay isang panlipunan o akademikong
organisasyon o samahan na ginagamit ang alapabetong Griyego na batayan sa kanilang
mga pangalan. Ito ay isang pagkakapatiran (latin: frater na nangangahulugang “ brother “)
na pinag isa ng layuning mapalago ang aspektong intelektwal, pisikal, at sosyal ng mga
kasapi. Malaya ang lahat ng mga kasapi nito na makilahok o makisama na hindi tinitingnan
ang katayuan sa lipunan patungo sa makabuluhang layunin. Ito ay binubuo dahil sa
maraming layunin, kasama rito ang edukasyon lalo na sa mga pamantasan, kakayahan sa
paggawa etika, relihiyon, politika, pagtulong sa kapwa, o maging paggawa ng krimen at
marami pang iba.Palaging ginagabayan ang mga kasapi nito ng kahalagahan ng
pagbibigayan ng suporta sa isa’t isa.

Mga Masasamang Epekto ng Pagsali sa Gang

a. Itinuturing na nangungunang dahilan sa pagdami ng karahasan o krimen sa


kasalukuyan sa loob man o labas ng paaralan.

b. Upang maging kasapi ng isang gang, isang inisasyon ang kailangang maipasa.
Ito ay kadalasang naglalaman ng mga marahas na gawain katulad ng pananakit na
pisikal, pananamantala, o pagpatay.

c. Ang pagiging kalahok ng isang gang ay maaring magdulot ng kapahamakan,


maaaring maging dahilan ng pagkakakulong o kaya naman ay kamatayan.

d. Ang paglahok sa isang gang ay halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng


alcohol at droga.

e. Inilalagay nito sa kapahamakan maging ang sariling pamilya na siyang maaaring


pagbalingan ng mga kalabang gang bilang paghihiganti.

f. Karamihan sa miyembro ng gang ay nadadala ang pagiging marahas


hanggang sa kanilang pagtanda, mas madalas na labas pasok sa kulungan kung
humaba man ang kanilang buhay.

g. Karamihan sa miyembro ng gang ay humihinto sa pag-aaral o di kaya naman ay


natatanggal sa paaralan.

h. Ang mga miyembro ng gang ay mas madalas na nasa kalye at kung minsan ay
humahawak ng baril o iba pang mga armas na nakakasakit at nakakamatay

Mahalaga ang kaalaman na ito tungkol sa fraternity at gang upang mas maging
madali para sa iyo ang magpasiya sa pag-iwas na mapabilang sa ganitong pangkat.
Marami silang ipinangangako ngunit kailangan ay maging mulat ang lahat sa
pangmadalian at pangmatagalang epekto ng pagsapi rito.

Mga paraan upang iwasan ang karahasan sa loob ng paaralan

Sa kasalukuyan, ang karahasan sa paaralan ay isang malaking isyu na dapat tugunan.


Hindi lamang ito lumilikha ng problema para sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro kundi
ito rin ay nakaaapekto sa pangkalahatan at pamayanan. Ang karahasan ay dapat agad na
tugunan at pagtulungan ng paaralan, lipunan, tahanan, at indibidwal. Ang magkasanib na
pagsusumikap ng mga nabanggit ay makatutulong para maiwasan ang karahasang
nagaganap sa mga paaralan.

14
Sa publikasyon ng World Health Organization na Violence Prevention: The Evidence
(2010), nagbigay ng mga mungkahing paraan upang matugunan at maiwasan ang problema
ng karahasan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

1. Kinakailangan ng pang-sosyal at kultural na pagbabago upang mabawasan ang


karahasan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paghubog ng mga pamatanyang
panlipunan na pipigil sa karahasan. Halimbawa ay ang regulasyon sa media. Dapat ay
mabawasan ang pagpapalabas at paglalathala ng karahasan upang hindi na ito
makaimpluwensya lalo na sa mga kabataan.
2. Malaki ang magagawa ng paaralan upang mapigilan ang kultura ng karahasan.
Dapat ay matuto kayo mula sa pamamatnubay ng inyong mga guro at opisyal ng
paaralan.

3. Ang paglahok sa mga gawain kung saan kayo ay inaasahang magsasama at


magtutulungan sa pagtuklas ng bagong kaalaman ay mas mabuti kaysa sa
pagtutunggalian o paligsahan. Mahalaga rin ang maunawaan at maisabuhay mo ang
empathy o pag-unawa sa nadarama ng iba. Ito ay makatutulong upang mabawasan
ang karahasan at masugpo ang pambubulas sa loob ng paaralan.

4. Pagsikapan at panatilihin na ang inyong pamilya ay maging mabuting modelo


ng kapayapaan. Gawin mo ang iyong makakaya upang hindi magkaroon ng puwang
ang pananakit at panunuya sa loob ng tahanan. Igalang at pahalagahan ang lahat ng
kasapi ng pamilya. Ang pagrespeto at pagpapahalaga sa kapwa ay nagsisimula sa
pamilya.

Bilang isang kabataan at mag-aaral, may malaki kang maiaambag upang bigyang
kalutasan ang isyu ng karahasan sa paaralan.
Una, tungkulin mong pahalagahan at mahalin ang iyong kapuwa tulad ng
pagpapahalaga mo sa sarili. Huwag kang gumawa ng anumang bagay na makasasakit sa iba.
Iwasan ang anumang kilos o gawain na lalabag sa paggalang sa iyong kapuwa. Italaga ang
sarili sa pagtataguyod ng dignidad at buhay.
Pangalawa, maging maingat at kilatising mabuti kung ang samahan na nais mong
salihan ay may mabuti at makabuluhang layunin. Tandaan na ang totoong samahan na may
pagmamalasakit sa iyong kapakanan ay kailanman hindi gagamit ng karahasan.
Pangatlo, alamin ang tamang pamamahala ng alitan o hindi pagkakaunawaan. Ang
mga tamang kasanayan sa pagharap at pagresolba sa sigalot ay magdudulot ng kapayapaan.
Pamahalaan ang iyong emosyon at maging bukas sa pakikipag-usap tungo sa kalutasan ng
hidwaan.
Pang-apat, lumahok sa mga organisasyon at gawaing pampaaralan na tutulong
masugpo ang paglaganap ng karahasan. Sabihin sa mga guro o kinauukulan ang anumang
uri ng karahasan na nagaganap o nakikita sa paaralan. Makisangkot sa mga gawain na
magpapatibay ng kapayapaan tulad ng anti-violence campaign at paggawa ng mga poster o
sanaysay na tatalakay sa kung bakit dapat wakasan ang karahasan sa paaralan.

15
Pagyamanin

Gawain 2. Natutunan mo, ibahagi mo


PANUTO: Pagnilayan ang Batayang Konsepto sa ibaba at sagutin ang kasunod na mahalagang
tanong.
Tungkulin ng tao ang ingatan ang kaniyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong
maglalagay sa kaniya sa panganib. Kung minamahal niya ang kaniyang kapuwa tulad ng sarili,
iingatan din nya ang buhay nito. Ang bullying na nararanasan sa loob at labas ng paaralan ay
sadyang nakakasakit at nagdadala ng takot sa kaninuman. Ito ay paglabag sa kaligtasan at buhay ng
kapuwa. Ang pagtutol at pagsupil sa anumang uri ng bullying ay pagpapatunay ng paggalang sa
dignidad at pagmamahal sa kapuwa.

Bakit suliranin sa pakikipagkapuwa ang karahasan tulad ng bullying sa paaralan?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagnilayan at bigyang-kahulugan ang pahayag sa ibaba.

“ Walang sinuman ang maaaring makasakit sa akin nang wala akong pahintulot.”

- Mohandas Gandhi

Isaisip

Gawain 3. Buuin mo
PANUTO: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, sagutin ang mahalagang tanong: Bakit
mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito?

Ang pag-iwas sa
anumang uri ng
karahasan sa na may
paaralan ay patunay kaakibat na
ng _____________

Ang aktibong
pakikisangkot sa
pagsupil nito

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul
na ito?

16
Isagawa

Gawain 4. Islogan mo, i-flex mo

PANUTO: Gumawa ng islogan ng pagkilala sa kahalagahan ng buhay at paggalang sa


dignidad ng kapuwa bilang pagtutol sa karahasan sa paaralan. Gawin ito sa
malinis na coupon bond at i-post sa facebook account.

Rubrik para sa Islogan

Tayahin
PANUTO: Para sa unang bahagi, ihanay ang kolum A sa kolum B. isulat lamang ang letra ng
tamang sagot.

_____1. Pisikal na Bullying a. Paggamit ng masasakit na pananalita


na makakasira sa pagkatao ng kapuwa
_____2. Pasalitang Bullying
b. Ginagamitan ng makabagong teknolohiya
_____3. Panlipunan na Bullying at media upang makapanakit ng paulit-ulit

_____4. Cyber o Electronic na Pambubulas c. Karahasan na naglalayong maging


makapangyarihan sa pamamagitan ng
_____5. Pambubulas o Bullying pananakot at pananakit ng paulit-ulit sa
kapuwa

d. Pinakamarahas na uri ng pambubulas


na may pisikal na pananakit

e. Pamamahiya at tahasang pagbibintang sa


harap ng maraming tao.

17
PANUTO: Para sa pangalawang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.

___________6. Ang gang ay pagsasamahan ng tatlo o higit pang indibidwal.

___________7. Bilang panlipunang nilalang, likas sa tao ang pagnanais na mapabilang sa


isang pangkat maliban sa ating pamilya.

___________8. Ang tanging layunin ng fraternity ay makilahok o sumali sa masasamang


gawain o krimen at gumagamit ng karahasan o intimidation upang maisagawa ang mga ito.

___________9. Ang fraternity ay isang panlipunan o akademikong organisasyon o


samahan na ginagamit ang alpabetong Griyego na batayan sa kanilang mga pangalan.

___________10. May mga programa sa paaralan na tuwirang tumutuligsa sa mga


karahasan na maaring maganap sa loob ng paaralan.

Karagdagang Gawain

PANUTO: Pagnilayan kung paano matutugunan ang isyu ng bullying sa paaralan. Gumawa
ng plano ng pagkilos gamit ang gabay na nasa ibaba.

Rubrik sa gawain
Pamantayan 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Makabuluhang Makabuluhan ang Hindi gaanong Hindi makabuluhan
pagkilos upang paraan ng pagkilos makabuluhan ang ang paraan ng
matugunan upang matugunan paraan ng pagkilos pagkilos upang
ang isyu ng ang isyu ng bullying upang matugunan matugunan ang isyu
bullying sa sa paaralan ang isyu ng bullying ng bullying sa
paaralan sa paaralan paaralan
Mga tiyak na Nagpakita ng iba’t Nagpakita ng Nagpakita ng isang
hakbangin ibang tiyak na mangilan-ngilang tiyak na hakbangin
upang hakbangin upang tiyak na hakbangin upang matugunan ang
matugunan ang matugunan ang isyu upang matugunan isyu ng bullying sa
isyu ng bullying ng bullying sa ang isyu ng bullying paaralan
sa paaralan paaralan sa paaralan

18
19
Subukin
1. B
2. D
3. D
4. D
5. B
6. C
7. C
8. B
9. A
10. D
Balikan
1. Pre-Marital Sex
2. Masturbation
3. Pornograpiya
4. Teenage Pregnancy
5. Aborsyon
Tuklasin
Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan.
Pagyamanin
Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan.
Isagawa
Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan.
Isaisip
Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan.
Tayahin
1. D
2. A
3. E
4. B
5. C
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Aklat

EdukasyonsaPagpapakataoModyul para sa Mag-aaralpahina 367-400, Grade 8 Learner’s


Material (Yunit 4)

EdukasyonsaPagpapakataoModyul para sa Mag-aaralpahina 248-261, Grade 8 Learner’s


Material (Yunit 4)

EdukasyonsaPagpapakataoGabaysaPagtuturopahina179-188, Grade 8 Teacher’s Guide


(Yunit3)

EdukasyonsaPagpapakataoGabaysaPagtuturopahina 196-205, Grade 8 Teacher’s Guide


(Yunit4)

20

You might also like