You are on page 1of 36

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Araling Panlipunan – Ika-walong Baitang
Araling Panlipunan – Ika-walong Baitang
Ikaapat Markahan Modyul 2: Ang Ikalawaang Digmaang Pandaigdig

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Merlyn Labrador Jose
Tagasuri: Flordelisa S. Icasiano
Tagalapat: Jhona Mae L. Jabajab, Marnel D. Gealon
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul - Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay- Chief in Curriculum Instruction Division
Leila L. Ibita - Education Program Supervisor-AP
Lorna Ragos - Education Program Supervisor in LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI – Division of Tagum City
Office Address: Energy Park Apokon , Tagum City, Davao del Norte
E-mail Address: tagumcity@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Modyul 2
Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.
.
.

ii
Aralin
Ikalawang Digmaang
1 Pandaigdig

Alamin Natin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan at masusuri


ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sadyang


inayos upang madaling maintindihan ang pag-aaral.

Ang mga gawaing inihanda dito ay makabuluhan para sa iyong


pag-aaral kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga Gawain
sa modyul. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot.

And modyul na ito ay nakasentro sa pagsusuri tungkol sa


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto

• Naipapaliwanag ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVb-2)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang Modyul, inaasahang iyong:

• Nasusuri ang mga dahilan, pangyayaring naganap ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig
• Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1
Subukin Natin
Panuto: Gawain 1- I-PICTURE MO AKO!

Mula sa mga larawang ito, magbigay ng limang dahilan kung bakit


may digmaang nagaganap.

Rennett Stowe,WWll Battle Tank, April 30,2021,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:World_War_II_ Fank Wolfe, VietnamWarProtest,April 30, 2021,https://commons.wikimedia.org/wiki/
Battle_Tank_(3209469547).jpg, Creative Commons Attribution 2.0 Generic File:Vietnam_War_Protest_in_DC,_1967.gif, Creative Commons Attribution-Share
Alike 2.0 Generic

1. ____________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

3. ____________________________________________________________

4. ____________________________________________________________

5. ____________________________________________________________

2
Gawain 2: Batay sa nakalipas, alamin natin kung natatandaan mo pa ang

nakaraang aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________ 1. Isang lugar sa Japan na binomba ng Amerika sa pamamagitan

ng bomba atomika.
Tokyo , Hiroshima

_________ 2. Tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

United States, United Nations

__________ 3. Bansa na magbigay ng kagamitang pandigma sa lahat na


lalaban o papanig ng Axis Powers.
Amerika , Britanya

__________ 4. Bansa na inagaw ng Japan noong 1931.


Ethiopia , Manchuria

__________ 5. Heneral na nangako sa mga Pilipino noon na “I Shall Return.”


Winston Churchill , Douglas MacArthur

3
Aralin Natin

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Carlos Moreno Rekondo, V2 suziria Missile,May 7,2021, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:V2_suziria.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International

Dahil sa ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy


ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang nasasakupan o teritoryo,
muling sumiklab na naman ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa.
Narito ang mga naganap at simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

MGA DAHILAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG:


1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria 1931. Inalis ang Japan sa Liga ng
mga bansa sa dahilang paglusob at pag-aaw nito sa Manchuria (Region
of Northeastern China) na labag sa kasunduan at layunin ng Liga ng
mga Bansa kung saan kaanib ito.
2. Pagtiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa . Noong 1933 tumiwalag
ang Germany sa Liga ng mga bansa dahil sa pagbabawal ng Liga na
magkaroon ng sandatahan ang mga bansang kasangkot sa Unang
Digmaang Pandaigdig na ayon sa mga Aleman isang paraan ito sa pag-
alis ng karapatang mag-armas.
Sinimulan ni Adolf Hitler, pinuno ng Nazi ang muling pagtatag
ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Adolf Hitler labagin ang
kasunduan sa Versailles na ayon sa kanya kahiya-hiyang kondisyon
ito sa panig ng bansang Germany ang walang sandatahang lakas.

4
Upang makabangon muli sa pagkasawi sa Unang Digmaang
Pandaigdig, pinag-isipang mabuti ni Adolf Hitler ang muling
panananakop.
Ang France ay nakipag-alyansa sa Russia laban sa Germany,
matapos ang paghahanda ng Germany.
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia. Noong 1935 nilabag ni Benito Mussolini
ang pangulo ng Italy ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League)
sa kadahilanang pagsakop nito sa Ethiopia.
4. Digmaang Sibil sa Spain. Noong 1936 ang Spain ay nagkaroon ng
hidwaan sa Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army.
Nanalo ang mga Nationalis na grupo rason upang magkaroon ng
digmaang sibil at dahilan rin ng pakikialam ng ibang bansa.

Unknown author,Spanish Civil War,April 30,2021, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:L3-Lf_in_the_Spanish_Civil_War.jpg, Creative Commons CC0 1.0 Universal Public Domain Dedication

5. Ang Pagsanib ng Austria at Germany. Kagustuhan ng Austria na

mapabilang sa bansang Germany, sinalungat ito ng mga Allied Powers

(France, Great Britain, at U.S). Agad itong tinutulan ni Mussolini at

nawalan ito ng bias noong 1938.

6. Paglusob sa Czechoslovakia. Si Adolf Hitler ang pinuno ng bansang

Germany ang humikayat na matamo ang Awtonomiya para sa Sudeten

(historical German name for the northern, southern, and western areas

of former Czechoslovakia ) at noong 1939 nasakop niya ito.


5
7. Paglusob ng Germany sa Poland. Noong 1939 muling sumiklab ang

Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagpasok ng Germany sa bansang

Poland. Paglabag sa Kasunduang Ribben Trop-Malotov isang

kasunduang hindi pakikidigma.

Mga Pangyayari Sa Panahon Ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

World War ll Bond rally,April 30, 2021, https://snappygoat.com/free-public-domain-images-world_war_ii_bond/roWdop6NYFCcn4Pv0hg1NSL2bIOdKclZDrX6bbNCcds.html#,0,56.,


commons.wikimedia.org

Noong 1939 sinalakay ang Austria at Czechoslovakia sa hukbo nina


Adolf Hitler para gawing teritoryo, sakop din nila ang Baltic Port (northeastern
region of Europe containing the countries of Estonia,Latvia, and Lituania, on
the eastern shores of the Baltic Sea) at ang Polish Corridor sa Poland.
Tumanggi ang Poland at nakipaglaban ang mga ito. Setyembre 1939
sinalakay nila ang Poland na walang kalaban-laban agad naman itong
sinupurtahan ng Great Britain at France. Noong Setyembre 17,1939 lihim na
nakipagsundo ang Russia sa Germany at agad sinalakay ang Silangang
bahagi ng Poland.

6
Ang Digmaan sa Europe

Julius Jääskeläinen,April 30, 2021,End of WWll,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:American_and_Soviet_troops_in_the_German_village_of_Griebo,_Saxony,_after_the_the_end_of_World

_War_II_in_Europe,_May_1945._(32105157337).jpg, Creative Commons Attribution 2.0 Generic

Naghanda ang grupong Pranses at Engles sa paglusob ng mga Aleman


ngunit hindi agad sumalakay ang mga Aleman. Noong Abril, 1940 sinimulan
ni Adolf Hitler ang paglusob na walang babala (blitzkrieg). Sinalakay nila ang
mga low countries (Belgium ,Holland, at Luxembourg) binomba, at sinira ang
mga paliparan, pahatiran, at tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk (coastal city in the northern
France) ang hukbong Pranses, kagitingang dala ng mga sundalong Aleman at
itinuring ito na Epiko ng Dunkirk. Noong Hunyo10, 1940 biglaang dumating
ang hukbo ng mga Aleman sa pintuan ng Paris. Bumagsak ang Paris at ang
pamahalaan.

7
Ang United States at ang Digmaan

Lyder Kvantoland, Group of three German soldiers in Sørfold during World War II,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Group_of_three_German_soldiers_in_S%C3%B8rfold_during_World_
War_II.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International

Ang grupo ng Nazi sa Europe sa pamumuno ni Adolf Hitler ay nagdulot


ng pagkabalisa sa Amerikano, nabahala sila kaligtasan ng England pati na
ang layuning demokrasya, agad pinagtibay ng kongreso ang batas na “Lend
Lease” laman nito ang pagbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng
lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers (Germany, Italy, at Japan). Nagkaroon
ng pagpupulong sina Pangulong Roosevelt ng United States of Amerika at
Winston Punong Ministro ng England noong Agosto 1941. Nagkaroon ng
kasunduan sa tawag na Atlantic Charter, naglalaman ito na pagkatapos was
akin ang Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, Malaya sa
takot, at di na muling gagamit ng pwers

8
Ang Digmaan sa Pasipiko

Tompot,Pacific War, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Pacific-War---tile-picyture.png, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

Sa pagnanais ng Japan na tanghaling pinakamakapangyarihan sa


buong Asya, naghanda ito upang salakayin ang pasipiko kung saan dito
matagpuan ang base military ng Amerika ang Pearl Harbor ng Hawaii. Upang
maiwasan ito pinatigil ng Amerika ang pagpapadala ng langis sa Japan mula
sa Amerika.

Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, naghahanda sa digmaan ang


Japan, tumulong ang Italy at Germany sa pakikipaglaban laban sa Amerika.
Noong December 07,1941 patalikod na sinalakay ang Pearl Harbor ang
pinakamalaking himpilan ng hukbong-dagat ng Amerika sa Hawaii, sinalakay
ang Pilipinas at winasak ang Clark Field, Pampanga, dumaong ang Japan sa
Hilagang Luzon. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila January 2, 1942,
nakuha din nila ang Bataan at Corregidor

Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay ng mga Hapon sa


Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Island. Nagtagumpay
ang Japan sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag sila ng Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere.
Mula sa pagkatalo ng America, pagkatalo sa Pearl Harbor at Pilipinas
gumawa agad ng mga kagamitang armas pandigma, kapalit sa mga nawasak

9
at nasira ng Japan. Tinipon ang pwersang alyado sa pamumuno ni Heneral
Douglas MacArthur na nakatakas noon mula sa Corregidor at nangako sa
mga Pilipino sa saalitang “I Shall Return.”

Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa

Pixabay, Normandy World War ll,April 30,2021, https://pixabay.com/photos/war-dropship-normandy-world-war-ii-63137/

Taong 1943 nagsimulang namamayagpag ang Allied Powers nanalo ang


mga Alyadong ito ng lumapag sa Normandy, France at sa Silangang Europe
naman tinalo ng mga Russian ang hukbong Nazi at sinakop ang Berlin,
nanalo din ang Allied Powers sa Hilagang Africa, May 13,1945.
Noong May 13, 1945 napasakamay ng mga Alyadong bansa ang
Morocco at Algeria, napabagsak din ang hukbo ng Italy sa pamumuno ni
Mussolini. Noong ika-7 ng Mayo, sumuko ang mga Aleman sa Rheims, at
Berlin, sa wakas dumating din ang tinatawag na V-E Day (Victory in
Europe Day) May 8,1945.

10
Ang Pagbagsak ng Germany

Ruuhinen, Brewster B-239 (BW-372) K-SIM 02, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Brewster_B-239_(BW-372)_K-SIM_02.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

Noong Hunyo 6,1944, lumapag ang pwersa ni Heneral Eisenhower sa


Normandy, France,lumipas ang ilang linggong paglalaban, natalo nila ang
grupo ng Nazi, Abril 1945, bumagsak ng Germany dahil sa pag-atake ng mga
Alyado sa Kanluran at mga Russian sa Silangan. Sa pagkakataong ito napag-
isipan ni Hitler ang lider ng Nazi na hirangin si Admiral Karl Doenitz bilang
kahalili niya at sa hapon ding iyon nagpakamatay si Adolf Hitler kasama ang
babaeng si Eva Brown ang kinakasama niya.

11
Ang Tagumpay sa Pasipiko

Sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur binalikan niya ang Leyte


Oktubre 20,1944 pagkatapos sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa Hapones, napasuko ni MacArthur ang mga hapones at naibigay sa
Pilipino ang Kalayaan nito.
Noong 6,1945 binomba ang Hiroshima, Japan ng bomba atomika,
sobrang pinsala ang dulot nito. Noong Agosto 9, 1945 muling nagbagsak ng
bomba atomika ang Amerika sa Nagasaki, Japan natakot at nabahala ang
Japan kaya sumuko na ito sa mga Alyado noong Agosto 15, 1945. Noong
Setyembre 2, 1945 nilagdaan ng Japan mga tadhana pagsuko sa sasakyang
US Missouri sa Tokyo Bay.

Pixabay, USS MISSOURI,https://pixabay.com/photos/uss-missouri-battleship-ship-5754191/

12
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Nanalo ang Demokrasya laban sa mapanakop ng pamahalaan.


Nawasak ang Germany, Italy, at Japan.

Brian Glanz,Democracy, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Democracy_Is_Best_Taught_by_Example_Not_by_War.jpg, Creative Commons Attribution 2.0 Generic

2. Pagkawala ng maraming buhay at pagkasira ng mga ari-arian,


tinatayang may 60 bansa ang naapektuhan.

Pixabay, Graveyard WWll, April 30,2021, https://pixabay.com/photos/graveyard-war-ww2-world-war-2-art-5817848/

13
3. Nahinto ang pandaigdigan ekonomiya dahil sa kapinsalaan sa
agrikuktura, industriya, transportasyon, at panalapi ng daigdig.

Pixabay, Bomb destruction,April 30,2021, https://pixabay.com/photos/bombing-bomb-destruction-italy63144/?fbclid=IwAR3oVIyT0b4RC6TT


mQWND012iG1c6K_eI6tcfWbWeeV8Qj6IYbtZImJUiMk

4. Lumaya ang maraming bansa, tulad ng Germany, China, Pilipinas,


Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at
iba pa.

5. Itinatag ang United Nations upang mapangalagaan ang

pandaigdigang kapayapaan at Kalayaan ng mga bansa.

Pixabay, United Nations, April 30,2021, https://pixabay.com/photos/un-united-nations4984799/?fbclid=IwAR0JJHUq78AxBLWAizBR6BPSQcJp63oPKjAN_d7GbWVgsxqAVZuXv-


Cbp0Y

14
Gawin Natin

Gawain 1: Basahin ang mga salitang nasa kahon at kopyahin ang Graphic

Organizer.

• Paglaya ng mga bansa


• Pagsuko ng Italy
• Pagbawi sa Hilagang sa Hikagang Africa
• Pagkasira ng ekonomiya
• Pagbagsak ng Pasismo
• Pagtatag ng United Nations
• Pagwagi ng Demokrasya
• Paglaya ng Paris
• Pagkawala ng buhay
• Paglaya ng Belgium
• Pagkawasak ng Nazismo

PAGWASAK NG IKALAWANG DIGMAANG


PANDAIGDIG

TAGUMPAY NG MGA
BUNGA ALLIES
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

15
Sanayin Natin
Gawain 2:

Pagsunod-sunurin ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Isulat ang numero 1-5 sa sagutang papel.

_______ 1. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga bansa

_______ 2. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria

_______ 3. Digmaang sibil ng Spain

_______ 4. Pagsanib pwersa ng Germany at Austria

_______ 5. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia

Tandaan Natin

TAYAHIN: Basahin at alamin ang tamang sagot. Titik lamang ang


isulat sa sagutang papel.

1. Anong batas ng United States na nagbigay suporta at mga


kagamitang pandigma sa mga bansa na tutulong sa panig ng Allies?
a. Lend Act c. Brand-Kelly Pact
b. Lend-Lease Act d. U.S Act
2. Ang basi-militar ng mga Amerikano na pinasabog noong December
8,1941.
a. Nagasaki c. Subic
b. b. Pearl Harbor d. Okinawa
3. Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay patakaran ng
bansang _____________?
a. China c. India
b. Japan d. Singapore
4. Ang Normandy ay matatagpuan sa bansang________________ ?
a. England c. Poland

16
b. France d. Russia
5. Si Admiral Karl Doenitz ay mula sa bansang _______?
a. Belgium c. Great Britain
b. Germany d. Sweden

6. Winika niya ang linyang ito sa mga Pilipino na “I Shall Return.”


a. Heneral Dwight Eisenhower c. Heneral Montgomery
b. Heneral Douglas MacArthur d. Admiral Karl Doenitz
7. Ang unang bomba atomika ay ibinagsak ng United States sa lungsod
ng _____________.
a. Hiroshima c. Nagasaki
b. Hokkaido d. Tokyo
8. Ang ikalawang bomba atomika ay ibinagsak ng United States sa
lungsod ng _____________.
a. Hiroshima c. Nagasaki
b. Hokkaido d. Tokyo
9. Nilagdaan ang pagsuko ng Japan sa barkong pandigma ng ______
a. US Tokyo c. US Lusitania
b. US Missouri d. US Washington
10. Lahat ng pangyayari ay nabuo pagkalipas ng Ikalawang Digmaan
Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang dito?
a. Naitatag ang United States
b. Nagkaroon ng World War III
c. Nawala ang Fascism at Nazism
d. Nagkaroon ng labanan ng ideolohiya
11. Anu-anong mga bansa ang kabilang sa Allied Powers.MALIBAN sa
isa?
a. France c. United States
b. Great Britain d. Austria

12. Ano ang tawag sa samahan ngmga bansa na itinatag pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Fascism c. League of Nations
b. United Nations d. United Federation
13. Anong bansa sa Asya na inagaw ng Japan noong 1931?
a. Germany c. Manchuria
b. Holland d. Mongolia
14. Sino ang pinuno ng grupong Nazi?
a. Adolf Hitler c. Douglas MacArthur
b. Benito Mussolini d. Admiral Kichisaburi
15. Ano ang tawag sa biglaang paglusob ng Germany na walang babala?
a. Atomika c. Bomba
b. Digamaan d. Blitzkrieg

17
Suriin Natin

Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa mga dahilan sa


ikalawang digmaang pandaigdig. Lagyan ng bilang 1-5.

_____ Pag-alis ng Gemany sa Liga ng Mga Bansa

_____ Pag-agaw ng Japan sa Manchuria

_____ Digmaang Sibil sa Spain

_____ Pagsanib pwersa ng Germany at Austria

_____ Pagsakop ng Italy sa Ethopia

Payabungin Natin

Suriin kung ang tinutukoy ng paksa ay totoo o hindi. Kung totoo

isulat ang TT at DT naman sa hindi o mali.

_________ 1. Winasak ng digmaan ang ekonomiya ng daigdig.

_________ 2. Nagtagumpay ang demokrasya sa Ikalawang


Digmaang Pandaidig.
__________3. Natamo ang pandaigdigang kapayapaan dahil sa
pakakatatag ng United Nations.
__________4. Ang unang bomba atomika ay binumba sa lungsod
ng Hiroshima, Japan
__________5. Nawasak ang digmaan ng kapangyarihan ng
bansang diktadorya.

18
Pagnilayan Natin

Gawain 5: Ibigay ang iyong opinyon sa katanungan gamit ang graphic


organizer.

Paano maiwasan ang


pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang
Pandaigdig?

OO Hindi
Dahilan Dahilan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Kongklusyon
1.
2.
3.
4.
5.

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian

AKLAT
De Leon, Zenaida M., Discipulo, Neiva J., Rillo, Priscila H., Vivar, Teofista L. Ed.D.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon.pp446-464, G.
Araneta Ave. Col Ma. Clara Street 5197, Quezon City Philippines: SD Publication,
Inc., 2000

Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al pp.308
,2012

(WikiImages, war-dropship-normandy-world-war-ii-63137 Dec. 21, 2012)


(McElspeth Oct. 18, 2020)
(TMteaching Dec. 9, 2020)
(WikiImages Dec. 21, 2012)

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City

E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte

Telefax:

Email Address: tagumcity@deped.gov.ph


1

You might also like