You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikaapat na Markahan – MELC 2
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang
pangyayaring naganap at bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

REGION VI-WESTERN VISAYAS

1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay inilimbag upang magamit


ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng Gawaing Pagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Hope P. Demasu-ay


Editors: Junal M. Marcon
Milka H. Gepulle
Tagasuri: Nescel P. Panes
Tagalapat: Sunny Grace P. Libo-on

Regional Management Team: Division of Passi City Management Team: Ramir B.


Uytico Jesse M. Gomez Pedro T. Escobarte, Jr. Ernesto F. Servillon Jr. Elena P. Gonzaga
Ma. Nilma E. Casamayor Donald T. Genine Nescel P. Panes
Mary Hazel Vivien P. Pineda Junal M. Marcon

Milka H. Gepulle

2
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor,
layout artist, tagasuri, at Quality Assurance Team ng Sangay ng Passi City, Rehiyon
6 Kanlurang Visayas at ng Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging
gabay ng mga learning facilitators upang matulungan ang mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng Gawaing Pagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral
na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitators


Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka
ngayon sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ka
ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

Araling Panlipunan 8 Ikaapat na Markahan – MELC 2

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon:


____________ Petsa: ________________________________ Iskor:
_______________________

GAWAING PAGKATUTO
ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA

PANAHON I. Kasanayang Pagkatuto at Koda

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag


ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
• Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (APAKD-IVf-6)

II.Panimula (Susing Konsepto)


“War does not determine who is right – only who is left” – Bertrand
Russell
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing na pinakamapanirang
digmaan sa kasaysayan. Kung ang mga operasyong militar sa panahon ng Unang
Digmaang Pandaigdig ay pangunahing naganap sa kontinente ng Europa, ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kinasangkutan hindi lamang ng Europa bagkus
ay nakasama sa digmaan ang Asya, Africa at maging ang mga isla sa Pasipiko.

Sa Gawaing Pagkatuto na ito ay tatalakayin at susuriin ang mga konseptong


may kinalaman sa mga pangyayari, dahilan, at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Inaasahang sa pagtatapos ng aralin ay matalino mong masasagot ang
tanong na: Paano nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ano-ano
ang mga naging epekto nito sa larangan ng kabuhayan, politika at kultura ng
mga bansang nasangkot?

Handa ka na ba? Basahin ang teksto at sagutan ang mga

gawain. III. Mga Sanggunian


• Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig
Pahina 470-484
• Daigdig (Kasaysayan) pahina 412-424

• https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1265

• https://images.search.yahoo.com/search/images;

• Project EASE module (ph. 31-37)

• Elements/Icons (www.canva.com)

IV. Mga Gawain

Gawain 1: I – KONEK MO!


Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan sa Hanay A sa pamamagitan ng
pagpili ng sagot sa Hanay B at i-konek kung saang bansa siya namuno na nasa
Hanay C. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B Hanay C

1 A. Benito A.
. Mussolini

Japan
https://images.search.yahoo.com
/search/images

2 B. Adolf Hitler B.

Italy

https://images.search.yahoo.com
/search/images;

3 C. Hideki Tojo C.
. C.
..
Germany
https://images.search.yahoo.com
/search/images;

Pamprosesong mga Tanong

1. Sino – sino ang mga nasa larawan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. May kaugnayan ba sila sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig? Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
Magbasa at Matuto

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig

Hindi pa man lubusang nakababangon sa


mga pinsala ng digmaan ang mga bansa
sa daigdig, muling umigting ang mga
hidwaan sa pagitan ng mga
bansa. Dala na rin ito ng
nasimulang ambisyon ng mga
makapangyarihang bansa na
maipagpatuloy ang pananakop
at
pagpapalawak ng kanilang
teritoryo. Ang mga pangyayarig
naganap at nagpasiklab ng
ikalawang Digmaang Pandaigdig
ay ang mga sumusunod:

1. Pag-agaw ng Japan sa
Manchuria

Noong 1931, inagaw ng Japan


ang
lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga
https://www.google.com/search?
ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang
ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng
q=japan+invades+manchuria&sxsrf

Sanggunian:
pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang
Japan.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong


1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-
aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng
karapatang mag-aarmas. Matapos tumiwalag,
pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang
muling pagtatatag ng
sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na mulng pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa
labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay paghahanda ng Germany, ang France ay nakipag-
sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon upang alyansa sa Rusya laban sa Germany.
makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang
Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang http://www.thejc.com/news/on-day/ 39302/on-day-nazi-germany-
pulls-out league-nations

6
Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang 3. Pagsakop ng Italya sa
o laki ng puwersa ng Germany.Ngunit sa Ethiopia
kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa sa
SONA ang Germany. Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng
Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang
nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga hinikayat ni Hitler ang mgAleman sa
(Covenant of the League) Sudeten na
pagsikapan na matamo ng kanilang
4. Digmaang Sibil sa Spain awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng
Inglatera si Hitler na magdaos ng isang
Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler
noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang Sudeten at noong 1939, ang mga
ang pasistang Nationalist Front at ang natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay
sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga napunta na rin sa Germany.
Nasyonalista. Marami ang nadamay sa
digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng 7. Paglusob ng Germany sa Poland
ibang bansa.
Huling pangyayari na
5. Pagsasanib ng Austria at Germany nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang
(Anschluss) Pandaigdig ang pagpasok ng mga
Aleman sa Poland noong 1939. Ang
Nais ng mga mamamayang Austriano na pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany
maisama ang kanilang bansa sa Germany. sa Russia na kapwa pumirma sa
Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang
mga bansang kasapi sa Allied Powers kasunduan ng hindi pakikidigma. Ang
(Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na
Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya at pangyayari:
Germany na kinalabasan ng Rome -Berlin Axis
noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa 1.Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon
nasabing unyon ng Austria at Germany ay tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.
nawalan ng bisa noong 1938. 2.Pagkainis ng Russia sa Inglatera nang
6. Paglusob sa Czechoslovakia ang ipinadalang negosyador ng Inglatera sa
Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual
Noong Setyembre 1938, Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.

7
GAWAIN 2: PUNAN MO!

Panuto: Punan ang CONNECTION DIAGRAM, Ibigay ang PITONG DAHILAN ng


pagsiklab at pagsimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa iba’t ibang panig
ng mundo.
Pamprosesong mga Tanong

1. Ano - anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa mga nabanggit na sanhi, ano sa palagay mo ang pinakamabigat na


dahilan? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

8
Magbasa at Matuto

Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang


hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo
ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang
Baltic Port at ang Polish Corridor. Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis. Unang
araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid
ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang
kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng
pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim
na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan.
Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng
Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan.

https://cdn.quotesgram.com/img/59/54/18989387-
Adolf-Hitler-quote-on-disarming-citizens.jpg

Ang Digmaan sa Europe

Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong


Pranses
at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot
Line.
Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman
pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong
Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos
sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg
(biglaang paglusob na walang babala)
.
Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang
ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940,
biglang
sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at

Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na

kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at


tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong
gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston
Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga
sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng
Dunkirk.

Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line


bilang kanilang tanggulan ay nabigla nang dumating na
lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong
ika-10ng Hunyo,1940. Bumagsak ang Paris at ang
pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.

https://garahanhistory.files.wordpress.com/2019/03/100-6-1.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e3/American_soldiers_at_the_Magi
Maginot Line not_Line_-_NARA_-_292568.jpg

9
Ang United States at ang Digmaan

Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga


Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning
demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing
ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa
mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United
States noong 1941.
Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong
sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng
Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na
Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng
Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di
na muling gagamit ng puwersa.”

Ang Digmaan sa Pasipiko

Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay


naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito
ay masugpo, pinatigil ng United States ang
pagpapadala ng langis sa Japan mula United
States.

Ang Punong Ministro ng Japan na si


Hideki Tojo ay
nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang
tulungan si
Admiral Kichisaburu Nomura sa
pakikipagtalastasan nang sa
gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan. Habang
pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Japan ay
https://cdn.britannica.com/45/100945-050- 481B494A/Tojo-Hideki.jpg
naghahanda sa digmaan.
Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng
pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang
oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay
sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark
Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni
Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas
MacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan ang
Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng
demokrasya ang Bataan at Corregidor.

Noong ika-7 ng
Disyembre 1941,
biglang sinalakay ng Japan ang
Pearl Harbor,
isa sa mga himpilan ng hukbong
dagat ng
United States sa Hawaii. Ang
pataksil na
pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Day of Infamy
Infamy.”
ht
tps://vistapointe.net/images/pearl-harbor-10.jpg
Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan ang United
States, gayon din ang Britanya. Ang Germany at Italy ay
sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa
United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Samantala, nakapaghanda
ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.
10
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang
pagsalakay at
pagsakop ng mga Hapones sa Thailand,
British Malaya,
Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating
ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa
pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere. history.army.mil
Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa Pearl
Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang
pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon nila ang mga
puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur na
nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.”

Halaw sa: Project EASE module (ph. 31-37)

GAWAIN 3: ITALA MO!


Panuto: Itala sa EVENT DIAGRAM ang mga impormasyon tungkol sa mga
mahahalagang pangyayari na naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Si Hitler at ang Nazi Ang Amerika at ang Pasipiko


Ang Digmaan sa Digmaan
Europa Digmaan sa Asya

11
Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?


__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Ano ang naging dahilan ng Estados Unidos sa pagsali sa digmaan?
_________________________________________________________
_ ______________________________________________________

3. Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong iyon, sasali ka rin ba sa


digmaan? Pangatwiran.
_________________________________________________________
_ ______________________________________________________

Magbasa at Matuto

ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT


ANG MGA PAGBABAGONG DULOT NITO

• Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa

Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa


Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay
lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay
nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin.
Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong
ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng
Hunyo, at ang pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre.

Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang


mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mga puwersang
Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight
Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng
matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang
Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa
Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong
Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis
siya ni Pietro Badoglio.

Dwight Eisenhower

Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa Hilagang


Italya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng
mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na
si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945.

https://www.rutherford.or g/files_images/general/Ol dSpeak_Ike.jpg

12

Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ang Pagbagsak ng Germany


Ruso ang Berlin. Noong ika-7 ng
Mayo, tinanggap ang walang
pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa
Rheims at nang sumunod na araw sa Berlin, sa
wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E Day
(Victory in Europe).

http://latesthdwallpaper.co m/wp E-Day-New-HD


labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.
Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa
Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral
Eisenhower.

Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila


ang mga Nazi.

Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang


Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang
mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 http://pacificparatrooper.file s.wordpress.com/2013/06/a
ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang

Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany


dahil sa pag-atake ng mga Alyado sa kanluran at ng mga
Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa
pinagtataguan ang kanyang kakampi at noong umaga ng ika-30 ng Abril,
hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya
at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.

Ang Tagumpay sa Pasipiko


Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa
Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi
ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa
ilang buwang
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
Hapones, idineklara ni
Heneral McArthur ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa mga
Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang
unang bomba
atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng
Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. atomika sa
Noong ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng bomba https://i.pinimg.com/originals/cf/d7/cf/cfd7cf 0ba0f59c3e32d705dce4108352.jpg
Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon, kaya tinanggap nito ang
ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluyan
nang sumuko.

Noong huling araw ng Agosto nang


lumapag sa bansang Hapon si Heneral
MacArthur bilang SCAP o Supreme
Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng
Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang
Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa
kipedia/commons/5/54/Atomi c_bombing_of_Japan.jpg
sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.

13
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


kasaysayan ng daigdig.

1. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos


60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa
Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa. 3.
Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at
Imperyong Hapon ni Hirohito.
4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar. 5. Naging daan ito ng
pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany,
Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India,
Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.

GAWAIN 4: PAGSUNUD-SUNURIN MO!


Panuto: Ayusin ang mga pangyayaring naging hudyat sa pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ayon sa tamang pagkasunud-sunod. Lagyan ng
bilang 1 – 5.

_____ Pagbomba ng Estados Unidos sa mga Lungsod ng Hiroshima at Nagasaki


sa Japan.
_____ Pagkamatay ni Adolf Hitler
_____ Paglagda ng bansang Japan ng pagsuko sa USS Missouri sa Tokyo Bay.
_____ Paglusob ng hukbo ni Heneral Dwight Eisenhower sa Normandy, France.
_____ Pagbabalik ni Heneral Douglas Mc Arthur sa Pilipinas.

Pamprosesong mga Tanong


1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa
iyong isipan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Para sa iyo, anong aral ang natutunan sa naganap na Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

14
GAWAIN 5: ITUTULA KO! (PERFORMANCE TASK)
Panuto: Sumulat ng isang maikling TULA tungkol sa mga naging bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagdulot ng malaking pagbabago sa
ating kasaysayan.
Mamarkahan ang iyong ginawa batay sa rubric sa paggawa ng tula.
KATEGORYA NAPAKAGALI MAGALING KATAMTAM PUNTOS
NG (10) (8) AN (6)

Nilalaman Napakalalim at Malalim at Bahagyang


makahulugan makahulugan may lalim ang
ang kabuuan ang kabuuan kabuuan ng tula
ng tula ng tula
Pagpili ng Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng
ginamit na simbolismo/ simbolismo/ 1-2
salita pahiwatig na pahiwatig na simbolismo na
bahagyang bahagyang nakalilito sa
nagpaisip sa mga nagpaisip sa mga mga
mambabasa. mambabasa. mambabasa.
Piling pili ang May ilang piling Ang mga
salita at salita at salita ay di
pariralang ginamit. pariralang gaanong
ginamit napili.

Sukat at Gumamit ng May mga sukat May


tugma napakahusay at at tugma ngunit pagtangkang
angkop na hindi pare- gumamit ng
angkop na pareho sukat at
sukat at tugma tugma
ngunit halos
lahat ay hindi
pare-pareho

KABUUANG PUNTOS

15

VI. Susi sa Pagwawasto

A, B 3.
C, A 2.
C B, 1.

KONEK MO! - GAWAIN 1: I


sa Manchuria
alis ng Germany - Pagsa Liga ng mga bansa
agaw ng Japan - Pag

sa Poland
Paglusob Germany
sa Ethiopia
Pagsakop ng Italy

Spain

Czechoslovakia Paglusob sa Austria at Germany ng Pagsasanib Digmaang Sibil sa

GAWAIN 2: PUNAN MO!


16
Islands Altlantic Charter ang Belhika,Holland
Nagkaroon ng • Naging
Guam at Wake na tinawag na Sinalakay ng Nazi •
Malaya,HongKong, Inglatera at Amerika
ritish ang Thailand,B kasunduan ang Denmark
at nasakop ang
Sinakop ng Japan •
miyembro ng •
Britain
Japan ang US at
Great
pakikipagdigma
sa
Nagpahayag ng sa mga Aleman
Amerika
pwersang Bumagsak ang Paris •
• alyado ang ngles Pranses at I
Pilipinas
ng Japan ang
ang Norway Natalo •

ang hukbong
dagat ng Dunkirk
- Umurong sa tabing • at
Luxembourg

Lease
Sinalakay ng US ang Lend
at sinakop ang Poland
sinakop ng Nazi t

Sinalakay a • at
Czechoslovakia
Asya Pasipiko sa Europe
agtibay ng Kongreso Pin • Ang Digmaan
ng England hukbo ang Austria at ng
Unidos sa kaligtasan Nabahala kanyang
of Japan ang ang Estados
Infamy sinalakay ng • Sinalakay ni Hitler •
na Day •
Pearl

Nazi
at ang Digmaan
Pasipiko - Ang United States Si Hitler at
Asya na walang babala
Digmaan sa biglaang paglusob ang
blitzkrieg o
Harbor na tinawag Biglang Digmaan sa
Sinimulan ni Hitler •

TALA MO! - GAWAIN 3: I


Douglas Mc
Arthur sa
Pilipinas.
Pagbabalik ni
Heneral __
__2

Paglusob ng hukbo ni Heneral Dwight Eisenhower sa Normandy, France. __


__1 Paglagda ng bansang Japan ng pagsuko sa USS Missouri sa Tokyo Bay.
__ 5 __ Pagkamatay ni Adolf Hitler _ 3_ __
sa Japan. Nagasaki
ng Hiroshima at Unidos sa mga Lungsod Pagbomba ng Estados __ __4

SUNURIN MO! - GAWAIN 4: PAGSUNUD

17

You might also like