You are on page 1of 15

BRILLIANT MIND INTERNATIONAL

SCHOOL
Fajardocorner Arguelles Sts., Jaro, Iloilo City, 5000, Philippines
Telephone No. (33) 508-5442/ email: brilliantmindis@yahoo.com

NAME: ______________________________________________ GRADE LEVEL: 6

DATE: ________________________________ SUBJECT: Aral Pan

MODULE 6

Ang Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Amerikano

Target Goals

Sa Araling ito, Inaasahan na:

Matutunan ang pananakop ng amerikano at pagtamoi ng demokrasya sa bansa.

Extension: Read and Learn

Ang Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng mga Amerikano

Ang edukasyon ay isang paraan na makatulong sa pagbabago ng pamumuhay ng mga mamamayan ng isang
bansa. Kaya naman noong napagtibay na ang Kasunduan sa Paris, agad na binigyang pansin ng Pamahalaang
Amerikano ang edukasyon, layunin nito ang sumusunod:

1. turuan ang lahat na maging mabuting mamamayan ng isang demokratikong bansa;


2. bigyan ng ganap na edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong gulang;
3. ituro ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano;
4. turuan ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang pamumuhay;
5. malinang sa mga Pilipino ang damdaming makabayan; at
6. magkaroon ng lupang sakahan ang mahihirap na magsasaka.

Noong una, mga sundalong Amerikano ang nagsisilbing guro sa mga paaralan. Dahil sa panukala ng
Komisyong Taft, ipinagtibay ng Batas Blg. 74 na nagtatakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang bayan.
Prepared by: Nicanor John Baranda Page |1
Ipinairal ang patakarang edukasyon para sa lahat. Walang bayad ang pag-aaral at libre ang mga aklat, lapis at
kwaderno. Nag-utos din ang batas na ito na magpadala ang Estados Unidos ng mahuhusay na gurong
Amerikano sa Pilipinas.

Noong Agosto 23, 1901 dumating ang may 600 tunay na mga gurong Amerikano na kilala sa katawagang
Thomasites dahil sa lulan sila sa barkong USS Thomas. Sila ang pumalit sa mga sundalong guro. Itinalaga sila
sa iba’t-ibang pambublikong paaralan upang magturo sa mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at aritmetika.

Itinakda din sa Batas Blg. 74 ang pagpapatayo ng mga paaralan para sa mga may gustong maging guro. Ito ay
tinatawag na paaralang normal tulad ng Phil Normal School. Dahil dito, napunan ang kakulangan ng mga guro
sa paaralan. Nagpatayo ng mga espesyal na paaralan tulad ng bokasyunal, pang-agrikultura at pangkalakal.

May mga pinatayo ring paaralang pangkolehiyo. Isa na dito ang Pamantasan ng Pilipinas na ipinatayo noong
Hunyo 18, 1908.

Ginamit sa mga paaralan ang mga aklat na isinulat at nilimbag sa Amerika. Binigyan diin ang pagtuturo ng
demokratikong paraan ng pamumuhay. Kung ang simbahan Katoliko ang simbolo ng Espanya ang paaralan
naman ang simbolo ng pananakop ng Amerikano.

Exercises # 1: Let’s Try This

A.Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel:

Hanay A Hanay B

1. mga gurong Amerikano A. Ingles

2. wikang panturo B. paaralan

3. simbolo ng pananakop Amerikano C. relihiyon

4. paralan para sa gustong maging guro D. pambayan

5. paaralang itinatag E. Thomasites

F. Paaralang Normal

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong at isulat sa sagutang papel.

1. Alin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano?


A. ituro ang wikang Español
B. ipalaganap ang Kristyanismo
C. pagiging mabuting Kristiyano
Prepared by: Nicanor John Baranda Page |2
D. pagiging mabuting mamamayan

2. Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?


A. dahil sila ay mga sundalo
B. dahil nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. Tomas
C. dahil marami sa kanila ang pangalan ay Thomas
D. dahil sakay sila sa barkong USS Thomas
3. Alin sa sumusunod ang simbolo ng pananakop Amerikano?

A. krus
B. espada
C. paaralan
D. simbahan

4. Kailan dumating ang may 600 tunay na mga gurong Amerikano na


kilala sa katawagang Thomasites?
A. Agosto 23, 1901
B. Agosto 23, 1908
C. Hunyo 18, 1908
D. Hunyo 12, 1901

5. Ang sumusunod ay ipinapatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.


A. Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog.
B. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan.
C. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika.
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.

Exercises # 2: Let’s Try This

Panuto: Isulat ang PE kung ito ay patakarang Pang-Edukasyon at PK kung Patakarang Pangkalusugan.

________ 1. Nagpatayo ng paaralan.


_

________ 2. Nagpatayo ng mga klinika, pagamutan at sentrong pagamutan.

Prepared by: Nicanor John Baranda Page |3


_

________ 3. Pagbigay ng libreng gamit pampaaralan.


_

________ 4. Binibigyang pansin sa pagtuturo ang demokrasya.


_

________ 5. Nagpatupad ng mga paraan ng pagsugpo sa epidemya tulad ng kolera.


_

________ 6. Itinayo ang Unibersidad ng Pilipinas para sa pag-aaral ng ibang kurso sa


_ kolehiyo.

________ 7. Itinalaga ang mga Thomasites sa iba’t–ibang pampublikong paaralan


_ upang magturo ng pagbasa, pagsulat at aritmetika.

________ 8. Paglilinis ng mga kalye at kanal at iba pang pook pampubliko.


_

________ 9. Paggamit ng Ingles sa pagtuturo.


_

________ 10. Nagpalabas ng mga impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat
_ ng mga sakit.

BRILLIANT MIND INTERNATIONAL


SCHOOL
Fajardocorner Arguelles Sts., Jaro, Iloilo City, 5000, Philippines
Telephone No. (33) 508-5442/ email: brilliantmindis@yahoo.com

NAME: ______________________________________________ GRADE LEVEL: 6

DATE: ________________________________ SUBJECT: Aral Pan

Prepared by: Nicanor7 John Baranda


MODULE Page |4
Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa
Pananakop ng mga Hapones

Target Goals

Sa Araling ito, Inaasahan na:

Matutunan ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga hapones

Extension: Read and Learn

Sa maraming taong pakikipaglaban, unti-unti nang nakararanas ng kaunlaran at malasariling kalayaan ang
Pilipinas sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt. Sa panahong ito inihanda ng pamahalaan ang Pilipinas sa
pagsasarili. Naudlot ang paghahanda ng kasarinlan ng Pilipinas nang biglang dumating ang sigwa ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at muli itong naligalig. Pinangambahan ang maraming Pilipino sa pangunguna na rin ni
Pangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider, ang maaaring pagsabog ng digmaan at
pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon.

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1, 1939 nang simulang lusubin ng Alemanya
o Germany ang Warsaw, Poland bahagi ng Europe sa pamumuno ni Adolf Hitler ang pinuno ng Germany.
Isinunod ni Hitler na sakupin ang Norway, Denmark, Netherlands at Belgium. Noong Hunyo 22, 1940 nasakop
nila ang France at binomba nila ang Britain. Ngunit lumaban ang mga sundalo ng British Royal Air Force at
nailigtas ang Britain sa mga Nazi.

Habang sumisiklab ang digmaan sa Europa noong 1939 ay nakipagkasundo ang Hapon sa Alemanya at Italya.
Ang tatlong bansang ito’y tinawag na Axis Powers o Lakas Axis.

Sa simula, walang balak ang Estados Unidos na sumali sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang plano ni
Pangulong Roosevelt ay tulungan lamang ang Ingglatera sa pakikihamok sa Europa, ayon sa kasunduang
Europe First Policy, at bilang miyembro ng Allied Powers.

Mula noong magkaroon ng digmaang Tsina at Hapon na nagsimula noong 1930, nangamba ang mga bansa sa
Asya na ang Hapon ay may layong manakop ng mga bansa sa dulong silangan. Ang mga kolonya ng Alemanya
sa Karagatang Pasipiko ay naisalin na sa kamay ng Hapon kayat may pangamba ang mga Amerikano na
sasakupin din ng Hapon ang Pilipinas sa sandaling masangkot sa digmaan ang Estados Unidos.
Prepared by: Nicanor John Baranda Page |5
Sa pagsakop ng Japan sa Tsina ang naging sanhi ng pagkasangkot ng Estados Unidos sa digmaan. Pinutol ng
Estados Unidos ang kasunduang pangkalakalan sa Japan, kaya nawalan ng magamit na metal sa paggawa ng
mga kagamitang pandigmaan ang mga Hapones.

Nangunguna sa Asya ang Japan sa pagpapalawak ng teritoryo, kilala ang Japan bilang “Energetic People”.
Noong 1931 sinakop ng Japan ang Manchuria. Pagkatapos ng anim na taon sinunod niya ang bahagi ng China at
French Indochina o Indotsinang Pranses (binubuo ito ng Myanmar, Laos, Cambodia, Thailand, at Vietnam).

Nang masakop ng Hapon ang Indochina, pinutol ng Estados Unidos ang pagtutustos ng langis sa Japan. Dahil
dito nagpasya ang Japan na makipagdigma sa Estados Unidos.

Iminungkahi ng Estados Unidos na ayusin ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng patakarang dapat igalang
ang kasarinlan ng lahat ng bansa. Hindi tinanggap ng Hapon ang mungkahi.

Dahil sa mga naganap na tension sa pagitan ng Japan at Estados Unidos, pinag-ibayo ng Estados Unidos ang
paghahandang militar sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Timog-Silangan Asya. Itinatag ang United State Armed
Forces in the Far East o USAFFE sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Sa Pilipinas, binuo din ni
Pangulong Quezon ang Civilian Emergency Administration sa bawat bayan at nagsagawa ng mga pagsasanay
militar para sa mga kabataan.

Simula ng Digmaan sa Pilipinas

Nang sa gitna ng mga negosasyon sa pagkakasundo, walang kaabog-abog na binomba ng Hapon ang Pearl
Harbor sa Hawaii na isang kolonya ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko, noong Disyembre 7, 1941, araw ng
Linggo, 7:44 ng umaga (sa Pipinas ay 2:30 ng madaling -araw, Disyembre 8). Ito ang pinakamalaking baseng
pandagat ng Estados Unidos sa Pasipiko na nasa Hawaii.

Nabigla at nasindak ang mga Amerikano, sa pagkawasak ng base militar sa Hawaii, at kulang-kulang sa 5,000
Amerikanong opisyal at marino ang napinsala (namatay, nasugatan at nawawala).

Sa ginawang pataksil na pagbomba sa Pearl Harbor sa Hawaii, kinabukasan nito, ipinahayag ni Franklin D.
Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos ang pakikidigma sa Hapon. Sumagot ang Hapon ng pakikidigma rin sa
Estados Unidos at ang Ingglatera nagpahayag na rin ng pakikidigma sa Hapon.

Pagkaraang ng apat na oras mula sa pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor, sumalakay ang mga Hapon sa
Pilipinas. Binomba ng mga Hapon ang lungsod ng Davao, Clark Air Field, Baguio, Aparri, Nichols Air Base, at
Sangley Point sa Cavite. Nawasak ang maraming eroplanong Amerikano, kaya’t namayani ang mga Hapon sa
himpapawid. Naging malaya sila sa pagbomba sa maraming lugar sa kapuluan na ikinabigla at ikinagimbal ng
lahat. Pinasabog maging ang mga imbakan ng gasolina ng Shell at Caltex.

Unang dumaong ang Hukbong Pandagat ng Hapon sa Aparri at Vigan, sa Hilagang Luzon noong Disyembre 10,
1941. Sumunod na dalawang araw, lumunsad naman sa Legaspi ang iban pang pwersang Hapones. Noong
Disyembre 20 linusob nila ang Davao at ang pinakapunong puwersang panakop ng mga Hapones ay dumaong
sa Lingayen, Leyte noong Disyembre 22 sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma.

Prepared by: Nicanor John Baranda Page |6


Nang sumunod na mga araw, patuloy na dumadating ang mga Hapon sa iba’t ibang lugar ng bansa. Noong
Disyembre 24 ang Atimonan, at Mauban sa Tayabas (Quezon na ngayon) ang kanilang binomba. Sinunod
nilang wasakin ang mga barko ng Hukbong Pandagat ng USAFFE at eroplano sa mga base militar.

Nakagigimbal ang malawakang pambobomba at pagdating ng mga Hapones, ngunit buong tapang na
nakipaglaban ang mga kawal na Pilipinong kabilang sa USAFFE, kabalikat ang hukbong Amerikano. Habang
dumadaong ang mga puwersang Japan, binomba at dinurog ng mga eroplano nito ang US Navy Yard sa Cavite,
ang Nichols Air Base, Fort Mckinley at ang Kampo Delgado sa Iloilo. Sa Batangas Airfield, naipakita ng mga
Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus Villamor, Tinyente Cesar Basa at Tinyente Geronimo Aclan ang
kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa himpapawid at pagpapabagsak ng mga eroplano ng
mga Hapones.

Pagdedeklarang Open City sa Maynila

Habang umaatras ang mga hukbong USAFFE, patungo naman sa Maynila ang puwersa ni Hen. Homma
pagkaraang umahon ang mga ito sa Aparri at Lingayen. Naiwan sa Maynila bilang tagapamahala sina Kalihim
Jose B. Vargas, Hukom Jose P. Laurel at iba pang mataas na opisyal upang pangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan doon sa sandaling masakop ng Hapones ang kamaynilaan. Dahil sa kawalan ng pwersang
panghimpapawid at pangdagat, tuluyang nawalan ng paraang ipagtanggol maging ng mga sibilyang
tagapamahala ang siyudad.

Upang mailigtas ang Maynila sa malaking pinsala ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur ang Maynila bilang
Open City noong Disyembre 26, 1941. Ibig sabihin ay maaari nang sakupin ito nang walang paglalaban upang
maiwasan na ang pambobomba at tuluyang pagkasira ng lungsod. Ngunit hindi ito iginalang ng mga Hapones at
binomba pa rin ang Maynila noong Disyembre 27. Dahil dito marami ang nasawing sibilyan at nasirang mga
ari-arian.

Sa gitna ng ganitong kalagayan at kaguluhan, nagpalabas ng isang mensahe kay Hen. MacArthur si Pangulong
Roosevelt ng Amerika, “Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaan at ang
kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”

Mula sa hilaga at timog, malayang nakapasok ang mga tropang Hapones at nilikop ang Maynila. Tuluyan nilang
napasok ang loob ng Maynila noong Enero 2, 1942. Sa kanilang pagdating, nanalanta ang mga Hapones,
pinaslang pati ang mga sibilyan at dinakip ang maraming kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa Fort
Santiago at iba’t iba pang malalaking gusali na ginawa nilang mga garison o kulungan.

Nang masakop na ng mga Hapon ang Maynila, hinirang nila si Jose Vargas bilang Tagapangulo ng Komisyong
Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang komisyong ito ang siyang tumayong pamahalaang sentral na ang gawain
ay ipahayag sa sambayanan sa pamamagitan ng radyo ang mga patakaran ng mga Hapones. Sinasabing
naghasik ng lagim ang mga Hapones sa Maynila gayundin sa iba pang bahagi ng kapuluan. Pinahirapan nila ng
todo ang mga Pilipino, iba’t ibang paraan ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa mga ito. Dahilan sa
digmaan at sa paninikil ng mga Hapones, nagkaubos ang mga pagkain, maraming nagutom at namatay, at ang
mga pamilya ay nagkahiwa-hiwalay. Mangyari pa, ang mga sundalong USAFFE ay nahiwalay sa kanilang mga
pamilya sa kanilang pag-atras patungong Corregidor at Bataan.

Prepared by: Nicanor John Baranda Page |7


Upang masagip ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas hinimok ni Pangulong Franklin Roosevelt ng
Estados Unidos na umalis sina Pangulong Manuel L. Quezon sa Pilipinas at tumungo ng Australia. Marso 26,
1942 umalis si Pangulong Quezon kasama ang kanyang pamilya at si pangalawang Pangulong Sergio Osmeña
Sr. lulan ng Flying Fortress na ipinadala ni MacArthur, ng lihim na nagtungo sa Australia noong Pebrero 20,
1942.

Si Hen. Douglas MacArthur ay inutusang umalis ng Pilipinas upang pamunuan ang Southwestern Pacific.
Noong Marso 17, 1942 mula Corrigedor pumunta si MacArthur kasama ang kanyang pamilya at mga opisyal sa
Australia. Ipinahayag niya sa kanyang pag-alis na “I shall return.”

Layunin ng Japan sa Pananakop

Sa pagsakop ng Japan sa Maynila, naging dahilan upang maantala ang pagkamit ng Pilipinas ng kasarinlan. Sa
hangad ng Japan na mapalawak ang kanyang teritoryo, nagsimula siyang manakop ng mga bansa sa Asya.

Naghanap ito ng mapagdadalhan ng kanilang produkto at mapagkukunan ng mga hilaw na materyales. Ngunit
ang pangunahing layunin nito ay ang magtatag ng bagong kaayusan sa Asya na tinatawag na Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere.

Gusto nilang mapasunod ang mga bansa sa Asya sa kanilang pamamaraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamagitan ng pagtutulungan ng mga bansa sa Asya. Dahil nais nilang sila ang kikilalaning lider ng mga
Asyano at papaniwalain ang mga Asyano na ang Asya ay para sa mga Asyano.

Exercises # 1: Let’s Try This

A. Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat sa sagutang
papel ang buong salita.

1. Anong lugar ang ipinahayag ni Douglas MacArthur na Open City?

Y A

2. Sino ang pinuno ng USAFFE o United States of Armed Forced in the Far East?

D S
R
M C A

3. Sino ang Pangulo ng Pilipinas ng sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Prepared by: Nicanor John Baranda Page |8


4. Sino ang pinuno ng hukbo ng
M U Z
mga Hapones na lumusob sa
bansa?

S H U O M
5. Saang mga bansa ang nais pag-isahin ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?

A A

B. Pagtapat-tapatin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Dumaong sa Lingayen, Leyte ang mga A. Disyembre 26, 1941


Hapones

2. Pagtungo ni Pangulong Quezon at kanyang B. Marso 17, 1942


pamilya sa Australia

3. Ipinahayag na Open City ang Maynila C. Disyembre 22, 1941

4. Paglisan ni MacArthur sa Pilipnas patungong D. Marso 26, 1942


Australia

5. Lubos na sinakop ng mga Hapones ang E. Enero 2, 1942


Maynila

Exercises # 2: Let’s Try This

Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita o sagot upang mabuo ang pangungusap o pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Hinimok ni Pangulong ____________________ng Estados Unidos na umalis sina Pangulong Manuel L.


Quezon sa Pilipinas at tumungo ng Australia.

2. Upang mailigtas ang Maynila sa malaking pinsala ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur ang Maynila
bilang ____________________ noong Disyembre 1941.

Prepared by: Nicanor John Baranda Page |9


3. Nangunguna sa Asya ang Japan sa pagpapalawak ng teritoryo, kilala ang Japan bilang
“____________________”.

4. Ipinahayag ni ____________________ sa kanyang pag-alis na “I shall return.”

5. Sa pagsakop ng Japan sa Maynila, naging dahilan upang maantala ang pagkamit ng Pilipinas ng
____________________.

BRILLIANT MIND INTERNATIONAL


SCHOOL
Fajardocorner Arguelles Sts., Jaro, Iloilo City, 5000, Philippines
Telephone No. (33) 508-5442/ email: brilliantmindis@yahoo.com
Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 10
NAME: ______________________________________________ GRADE LEVEL: 3

DATE: ________________________________ SUBJECT: FILIPINO

MODULE
13ww

Pagbabago ng Dating Kaalaman Base sa mga


Natuklasang Kaalaman sa Binasang Teksto

Target Goals

Sa Araling ito, Inaasahan na:

Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto

Extension: Read and Learn

Lubos na matamo ang pagbabago sa iskema o dating kaalaman kung ang bawat isa ay magiging bukas-
isip at handang tumanggap, palawakin at gamitin ang mga impormasyon o kaalaman na napapaloob sa mga
tekstong binabasa o napakikinggan.

Exercises # 1: Let’s Try This

Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 11


Panuto: Basahin at unawain ang kuwento sa pahina 83 ng inyong aklat sa Filipino 3 na may pamagat na
“Hindi Basura”. Pagkatapos, iguhit ang iyong mga bagong kaalaman tungkol sa binasang paksa.
Gawing batayan ang “Rubriks” sa pagguhit.

RUBRIK SA PAGGUHIT
5 4 3 2 1
Ang iginuhit ay kaakit-akit at nagpapakita nang malinaw
na paksa tungkol sa binasa
Ang iginuhit ay kaakit-akit nagpapakita ng kaunting
mensahe tungkol sa paksa
Ang iginuhit ay kaakit-akit ngunit malayo sa paksa ang
mensaheng ipinapakita nito
Ang iginuhit ay makulay lamang at kabaligtaran ng paksa
ang mensaheng ipinapakita nito
Ang iginuhit ay hindi makulay at walang mensaheng
inilahad tungkol sa paksa

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa

4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga

3 – Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay


Exercises # 2: Let’s Try This

Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 12


A. Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong
sa ilalim.
Alis, Mikrobyong Nakakainis!
Sariling katha ni: MESIEL L. AREVALO

Mahilig maglaro sa labas ng bahay si Tes kasama


ang kaniyang mga kaibigan bago pa sumapit ang
pandemya. Sa loob ng dalawang buwan na
pamamalagi sa bahay ay nakaramdam na siya ng
pagka-inip. Gustong-gusto niya ng lumabas at
makipaglaro sa mga kapwa bata.

“Tes, sasaglit muna ako sa palengke ha, bibili lamang ako ng gulay.” bilin ni Aling Lita
sa anak. “Opo, Inay!” tugon ni Tes sa kaniyang ina.

Ngunit, pagka-alis pa lamang ng kaniyang ina ay lumabas kaagad ng bahay si


Tes. Isa-isa niyang tinawag ang kaniyang mga kaibigan upang maglaro.

“Letlet! Rosie! Lucy! Hali kayo, maglalaro naman tayo! Bilisan niyo at wala pa ang
ating mga magulang!

Tuwang-tuwa na nakipaglaro ng tagu-taguan si Tes kasama ang kaniyang


mga kaibigan. Ngunit hindi pa sila natapos, dumating na si Aling Lita at kitang-kita nito
si Tes na nakikipaghabulan kay Lucy.

“Naku! Bakit kayo lumabas at naglaro pa dito sa daan? Alam niyo bang
ipinagbabawal ang mga gawaing tulad nito dahil sa kumakalat na COVID-19? pangaral
ni Aling Lita sa mga bata. “Sige, magsipag-uwi na kayo! Talagang mapagagalitan kayo
ng mga magulang ninyo,” dagdag pa niya.

Kaagad namang umuwi ang mga bata. Pagdating ng bahay nina Aling Lita
ay inutusan niyang maligo si Tes.

“Kailangan bang maligo Nanay? Sandali lang naman kaming naglaro sa labas
Mga tanong:
ah!” parang naiinis na sabi ni Tes sa kanyang ina.

Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 13


1. Ang pamagat ng kuwento ay “Alis, Mikrobyong Nakaiinis!”. Ano ang ibig sabihin ng salitang mikrobyo
ayon sa kuwento?

a. Nagpapaputi ng balat
b. Nagpapatalas ng talino
c. Nagbibigay lakas ng katawan
d. Nagdudulot ng sakit sa katawan

2. Bakit nag-aatubiling sundin ni Tes ang payo ng Ina na maligo pagkatapos maglaro?

a. Dahil sa sobrang pagod


b. Dahil giniginaw siya
c. Dahil hindi niya batid ang masamang epekto ng mikrobyo sa katawan
d. Dahil alam niyang walang mabuting maidudulot ang pagligo kapag kakatapos lamang maglaro

3. Bakit kailangang manatili muna si Tes at maging ng ibang bata sa loob ng bahay sa panahon ng
pandemya?

a. Upang di mahawaan ng sakit


b. Upang di masikatan ng araw
c. Upang di masagasaan sa daan
d. Upang di makasakit ng kapwa

4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang di dapat gawin upang makaiwas sa sakit?

a. Uminom ng maraming tubig bawat araw


b. Kumain ng masustansiyang pagkain
c. Panatilihing marumi ang katawan
d. Maghugas ng kamay palagi

5. Paano makatutulong ang pagligo, palaging paghugas ng kamay at pananatili sa bahay sa panahon ng
pandemya lalong-lalo na sa mga bata gaya mo?

a. Mapapalago nito ang kaalaman sa mga makabagong kagamitan


b. Mapapanitili nitong malakas at malusog ang pangangatawan
c. Magiging sakitin ang isang tao
d. Wala sa mga nabanggit

Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 14


Prepared by: Nicanor John Baranda P a g e | 15

You might also like