You are on page 1of 2

PRE-TEST

Araling Panlipunan 10 (Kontemporaryong Isyu)


SY 2022 - 2023

Pangalan:_____________________________ Taon at Seksyon:_________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___1. Batay sa kuwento ng buhay ni Christian, ano ang pinakamahalagang regalo ng kanyang magulang sa kanya?
A. Laruan B. Edukasyon K. Pera D. Sasakyan
___2. Ano ang natapos na kurso ni Christian sa kolehiyo at nagtapos din siya sa kursong ito bilang cum laude?
A. BS Accountancy B. BS Nursing K. BS Political Science D. BS Social Work
___3. Saang unibersidad nagtapos ng pag-aaral si Christian?
A. University of Northern Philippines K. University of Philippines
B. Mariano Marcos State University D. Far Eastern University
___4. Ano ang pangunahing motibasyon ni Christian upang pagbutihin niya ang kanyang pag-aaral at matapos ang
nasimulang kurso?
A. Gusto niyang pumunta sa ibang bansa.
B. Gusto niyang tulungan ang mga nagangailangan
K. Gusto niyang iahon sa hirap ang kanyang pamilya
D. Gusto niyang maghiganti sa mga taong nakaaway niya.
___5. Ano ang trabaho ng kanyang ama?
A. Mangingisda B. Barker sa Jeep K. Konduktor D. Magsasaka
___6. Batay sa panayam kay Christian, ano ang gusto niyang gawin pagkatapos makapasa sa kanyang Board Exam?
A. Mag-abroad K. Magpahinga muna
B. Magsilbi sa Diyos D. Maghanap ng trabaho
___7. Kailan sinimulan ang pagtatatag ng pampuiblikong paaralan sa Pilipinas?
A. Abril 1898 B. Abril 1899 K. Mayo 1898 D. Mayo 1899
___8. Anong batas ang nagtatag ng Kagawaran ng Pampublikong Instruksiyon o Department of Public Instruction?
A. Batas Blg. 74 B. Batas Blg. 75 K. Batas Blg. 76 D. Batas Blg. 77
___9. Kailan nagsimula ang pagtatatag ng pormal na edukasyon sa bansang Pilipinas?
A. Panahon ng mga Espanyol K. Panahon ng mga Hapon
B. Panahon ng mga Amerikano D. Panahon ng mga Briton
___10. Anong taon dumating ang unang pangkat ng mga guro sa Pilipinas?
A. 1900 B. 1901 K. 1902 D. 1903
___11. Ano ang pangalan ng Philippine School and Trade sa kasalukuyan?
A. Philippine Trade School K. Technological University of the East
B. Technological University of the Philippines D. Technological Arts of the Philippines
___12. Anong taon nagpadala ang pamahalaang kolonyal ng mg Pilipinong iskolar sa Amerika?
A. 1904 B. 1905 K. 1906 D. 1907
___13. Ano ang tawag sa mga iskolar na tinutustusan ng gobyerno ang pag-aaral?
A. Insulares B. Indio K. Peninsulares D. Pensionado
___14. Ano ang wikang gamit sa pagtuturo noong panahon ng mga Amerikano?
A. Filipino B. Ilokano K. Ingles D. Espanyol
___15. Sino ang mambabatas na tinaguriang Father of Philippine Public Education?
A. Mateo Mabini B. Isauro Gabaldon K. Lucio Mabini D. Pinefredo De Guzman
___16. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagtatag ng mas marami pang paaralan sa Pilipinas at sa batas na ito
ay naisulong ang pagpapatayo ng dalawang pampublikong paaralan sa bawat lalawigan?
A. Batas Rizal B. Batas Mabini K. Batas De Guzman D. Batas Gabaldon
___17. Isa sa mga programang edukasyong pampubliko ng mga Amerikano ay ang libreng edukasyon, ano ang
maaaring parusa sa mga magulang na ayaw papasukin sa eskwelahan ang kanilang mga anak?
A. Bitay B. Pagkakulong K. Pagmumulta D. Paglilinis sa paligid
___18. Paano nakatutulong ang edukasyon sa buhay ng mga bata?
A. Upang malaman ng mga bata ang tama at mali
B. Upang makapaghiganti sa mga nanlalait sa kanila
K. Upang mapaunlad ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat
D. Upang magkaroon ng kaalaman na labanan ang gobyerno
___19. Sa panahon ng mga Amerikano, sila ay nagtatag ng mga pampublikong pamantasan. Alin sa mga
sumusunod na pamantasan ang naging sentro ng edukasyong sekular at hindi pinatatakbo ng Simbahang
Katoliko?
A. University of Northern Philippines K. University of Philippines
B. Mariano Marcos State University D. Far Eastern University
___20. Alin sa mga sumusunod na pamantasan ang nagbigay daan sa pag-usbong sa mga kababaihang propesyunal
sa larangan ng medisina, abogasiya, at edukasyon?
A. Siliman University K. Centro Escolar University
B. Philippine Normal School D. Far Eatern University
___21. Noong 1901, ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas lulan ng barkong Thomas.
Ano ang tawag sa mga gurong ito?
A. Thomasites B. Thomasians K. Thomasins D. Thomas-teachers
___22. Ang mga sumusunod ay epekto ng programang edukasyong pmapubliko ng mga Amerikano maliban sa isa.
Ano ito?
A. Libre ang mga aklat, lapis at papel.
B. Ingles ang pangunahing wika sa edukasyon
K. Nagtatag ng mga pabpublikong pamantasan
D. Kinuha ang mga ari-arian ng bawat pamilyang Pilipino
___23. Anong uri ng karapatang pantao nabibilang ang karapatan sa edukasyon?
A. Political Rights B. Natural Rights K. Constitutional Rights D. Statutory Rights
___24. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
K. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
D. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Edukasyon Muna
___25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang
kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung
pangkapaligiran.
K. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap
ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa
paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.

You might also like