You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II

DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN
Grade 6
Pangalan: ____________________________________________________________
Baitang: _________________________________________________ Iskor: _______
Panuto: Basahin, unawain at isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng tamang sagot.
1. Alin Sa mga sumusunod ang tawag sa tatlong paring martir na ginarote sa Bagumbayan
noong Pebrero 17, 1872?
A. Gobernador B. GomBurZa C. Padre D. Prayle
2. Sino ang unang hinirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?
A. Jose P. Laurel C. Hen. Antonio Luna
B. Manuel Quezon D. Hen. Emilio Aguinaldo
3. Alin sa sumusunod ang isang patakaran na may layuning supilin ang damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino na patuloy na nakikipaglaban para sa ganap na kalayaan
na bansa?
A. Batas Watawat C. Patakarang Manunupil
B. Patakarang Sedisyon D. Patakarang Pasipikasyon
4. Kilala bilang Batas Pilipinas ng 1902.
A. Jones Law C. Tydings-McDuffie Act
B. Cooper Act D. Hare-Hawes-Cutting Act
5. Ang mga sumusunod ay naging pagtugon ng pamahalaan sa suliranin ng bansa sa
hanapbuhay pagkatapos ng pananakop ng mga Hapon sa ating bansa, MALIBAN sa
isa.
A. Pamamahagi ng lupa sa mga maliliit na magsasaka.
B. Magpatupad ng mga patakaran at programa sa mga mamamayan.
C. Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng mga kursong bokasyonal at teknikal.
D. Wala sa nabanggit.
6. Paano nilutas ang suliranin sa kalakalan, ekonomiya at pangkapayapaan sa bansa at
sa karatig bansa nito sa Asya?
A. Pakikipagkapwa C. Pagtatayo ng tulay
B. Pagsali sa ASEAN D. Programang Pilipino Muna
7. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkadeklara ng Martial Law ni Pang. Ferdinand
Marcos, MALIBAN sa isa.
A. Pagsilang ng aktibismo
B. Paalisin sa bansa ang mga dayuhan
C. Suliranin sa pambansang kapayapaan at kaayusan
D. Pagsilang ng MNLF o ang Moro National Liberation Front
8. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ilalim ng Batas Militar.
I. Pagsiklab ng Edsa Revolution
II. Asasinasyon Kay Senador Benigno Aquino
III. Pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus
IV. Panunumpa ni Corazon Aquino bilang pangulo
V. Pagdaraos ng Snap Election
A. I , II, III, IV, V B. III, II, V, I, IV C. V, IV, III, II, I D. I, III, IV, II, V

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
9. Kailan naganap ang People Power Revolution I?
A. Oktubre 11-12, 2015 C. Setyembre 21-22, 1973
B. Pebrero 22-25, 1986 D. Disyembre 25-26, 1932
10. Sa iyong palagay, anong katangian ng isang rebolusyon ang ipinakita ng Edsa Revolution I
na siyang hinahangaan sa buong mundo?
A. Angry Revolution C. Bloodless Revolution
B. Bloody Revolution D. Brotherhood Revolution
11. Ang mga sumusunod ay mga gawain na nakatulong sa pagpapatatag, pagkamit ng
kalayaan at demokrasya sa bansa maliban sa isa.
A. Binigyan ng karapatang bumoto ang mga mamamayan.
B. Nagpatuloy ang mga rebelde sa paglaban sa pamahalaan.
C. Naging pangulo si Gng. Corazon Aquino ng Ikalimang Republika
D. Ipinagpatuloy ang pagpapatupad sa mga patakarang nakapaloob sa Konstitusyong
1973.
12. Bakit pamahalaang militar ang unang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
A. Gawing alipin ang mga Pilipino.
B. Ubusin ang kalaban ng mga Amerikano.
C. Mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas
D. Takutin ang mga gerilya sa kayang gawin ng mga sundalong Amerikano.
13. Paano lalong pinatatag ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas?
A. Ang mga naiwang pasilidad ay ibinenta sa mga negosyante.
B. Nagsilbing pamana sa Pilipinas ang mga napaunlad nilang mga pasilidad.
C. Isinabatas ang Cooper Act na naglagay ng maraming Pilipino sa pamahalaan.
D. Wala sa nabanggit.
14. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”
A. Harry Hawes C. John McDuffie
B. Manuel Quezon D. Franklin Roosevelt
15. Alin sa sumusunod ang naramdaman ng mga Pilipino nang waging umuwi si Manuel
Quezon sa Pilipinas nang mapagtibay ang Batas Tyding-McDuffie?
A. Masaya B. Nalungkot C. Natakot D. walang pakiramdam
16. Paano naging mahalaga ang Batas Jones o Philippine Autonomy Act of 1916 sa unti-unting
pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili?
A. Pinatibay ang paniniwalang magagaling ang mga Pilipino.
B. Pinahina ang loob ng mga Pilipino na magsarili sa pamamahala.
C. Inihanda ang mga Pilipino sa demokrasiya at sa paggawa ng mga batas.
D. Tumaas ang tingin sa sarili ng mga Pilipino dahil sa kahandaang magsarili.
17. Mahalaga ba sa isang bansa ang pagkakaroon ng sariling Saligang Batas?
A. Oo, dahil sa pamamagitan nito, ang mga mamamayan ay malayang gawin ang
anumang nais.
B. Hindi, dahil hindi ito sapat para masabing malaya ang isang bansa katulad ng isang
kolonya.
C. Oo, dahil mabibigyan ng pantay na mga karapatan ang mga mamamayan.
D. Hindi, dahil iilan lamang ang makikinabang rito.
18. Ano ang magandang naidulot ng pagpapatupad sa mga patakarang pangkalusugan ng
mga Amerikano?
A. Natutong magpahalaga sa kalinisan ang mga Pilipino.
B. Nalunasan ang mga sakit tulad ng malaria, beriberi, at kolera.
C. Bumaba ang bilang ng mga sanggol na namamatay pagkapanganak.
D. Lahat ng nabanggit

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
19. Sa kasalukuyan, ano ang mga hakbang na dapat gawin ng mga Pilipino para malunasan
ang isang epidemya?
A. Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran.
B. Isagawa nang maayos ang social distancing.
C. Panatilihin ang kalinisan ng katawan at kumain ng masusustansiya.
D. Lahat ng nabanggit
20. Sa kasalukuyang panahon, ano ang maari mong maiambag sa ating pamahalaan upang
mapabuti ang kalagayan nito?
A. Pagtitipid sa Enerhiya
B. Pangangalaga sa kapaligiran at wastong paggamit ng likas na yaman
C. Pagkilala sa mga paraan ng wastong paggamit ng mga kalakal at paglilingkod
D. Lahat ng nabanggit
21. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog Silangang Asya
22. Bakit tinawag na ARCHIPELAGO ang bansang Pilipinas?
A. Dahil ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Dahil ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo
C. Dahil ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Dahil ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o
dagat.
23. Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin
dito?
A. India B. Indonesia C. Saudi Arabia D. Tsina
24. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng
kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat ng mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
25. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas?
A. Jose Rizal C. Manuel Roxas
B. Claro M. Recto D. Manuel L. Quezon
26. Ang mga sumusunod ay ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas,
maliban sa isa. Ano ito?
A. Kahirapan C. Pagkawasak ng mga pag-aari
B. Kagutuman D. Magandang kabuhayan sa mga Pilipino
27. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga taga-Pangasinan dahil sa hindi wastong
pasahod sa mga katutubong nagtratrabaho sa pagawaan ng barko?
A. Agustin Sumuroy C. Francisco Maniag
B. Andres Malong D. Jose dela Cruz Palaris
28. Saan binuo ng mga kawal na Pilipino ang Cavite Mutiny?
A. Binondo, Maynila C. Fort San Felipe, Arsenal Cavite
B. Guagua, Pampanga D. wala sa nabanggit
29. Sinong Gobernador Heneral na naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ng mahusay
na pakikitungo sa mga Pilipino?
A. Carlos Ma. dela Torre C. Narciso Claveria
B. Izquierdo D. William Draper
30. Sino ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. Marcelo H. del Pilar C. Antonio Luna
B. Jose Rizal D. Graciano Lopez-Jaena Antonio Luna

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
31. Alin ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino?
A. yumaman ang mga Espanyol
B. nagkaroon ng monopoly ng tabako
C. lumaganap ang kalakalan ng tabako
D. humirap ang pamumuhay ng mga magsasaka
32. Alin sa mga pag-aalsa ang maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang
Pangrelihiyon?
A. Pag-aalsa ni Hermano Pule C. Pag-aalsa ni Diego Silang
B. Pag-aalsa ni Datu Bancao D. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy
33. Paano kaya napigilan ang mga pag-aalsang ekonomiko sa kolonya?
A. Pagpapataw ng mataas na buwis sa mga produkto
B. Pagpaparusa sa mga ayaw sumali sa polo y servicios
C. Pagbabawal sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling negosyo
D.Pagpapatupad ng mga maayos na patakarang pangkabuhayan para sa mga
Pilipino
34. Ano ang naging bunga ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas?
A. nakapagpasigla sa mga Pilipino
B. walang epekto sa buhay ng mga Pilipino
C. malungkot na karanasan para sa Pilipino
D. isang mabuting karanasan para sa Pilipino
35. Ano ang katangiang ipinapakita ng mga Pilipino sa paggawa ng tanyag na Bamboo Organ
sa Simbahan ng St. Joseph sa Lungsod ng Las Piñas?
A. Pagkamatapat C. Pagiging Magalang
B. Pagkamalikhain D.Pagiging mapanaliksik
36. Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo?
A. Pangingibang-bansa ng mga mahistrado
B. Pagsibol ng kaisipang liberal ng Pilipinas
C. Pagpatay sa tatlong paring martir o GOMBURZA
D. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaidigang kalakalan
37. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang kilusang
propaganda?
A. Kakulangan ng mga lider
B. Katamaran ng mga Pilipino
C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat
D. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa Pagsusulong ng reporma
38. Alin sa susmusunod ang kalayaang ninais makamit ng mga Pilipino ngunit di pinahintulutan
ng mga Kastila?
A. Maging Katoliko C. Mamahala sa sariling bansa
B. Magsuot ng damit ng Europa D. Matutong bumasa at sumulat
39.Ano ang pinaka-kailangang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas
ang iba’t-ibang suliranin ng bansa
A. Maging disiplinado.
B. Ang pamahalaan at mamamayan ay kailangang magtulungan at magkaisa.
C. Nararapat na gumawa ng programa ang pamahalaan ukol sa suliranin ng bansa.
D. Ang mga mamamayan ay kinakailangang sumuporta sa programang
makatutulong sa paglutas ng mga suliranin.
40. Sa iyong palagay, ano ang mabuting naidulot ng pag-aalsa sa bawat rehiyon?
A. Nagkawatak-watak ang bawat rehiyon
B. Nagkasundo ang mga Espanyol at Pilipino
C. Nagkaroon ng mga bagong armas sa pakikipaglaban
D. Namulat ang mga Pilipino na kung may pagkakaisa maaari silang
magtagumpay

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph

You might also like