You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OF PILILLA

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALIN PANLIPUNAN 6


SY. 2017 – 2018

Pangalan: _________________________________________ Petsa: __________


Paarlan: _________________________________________ Iskor: __________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang


sagot sa bawat bilang.

1. Noong Agosto 23, 1901, dumating ang naunang grupong gurong Amerikano. May
bilang na 600 ang sakay ng barkong Thomas, kung kaya’t tinawag silang ____
A. Thomas Teachers C. Thomasites
B. Thomas School D. Thomas

2. Sa Panahon ng Amerikano, pinairal ang patakarang edukasyon para sa lahat.


Walang bayad ang pag-aaral at libre ang mga aklat, lapis at kwaderno. Kaya ang
mga mag-aaral ay _____.
A. tinatamad pumasok C. naakit pumasok
B. natatakot pumasok D. nalulungkot pumasok

3. Dalawang pamantasan ang nabuksan para sa kababaihan, ito ay Escuela de


Seňoritas na itinatag ni Librada Avelino at _______ na itinatag ni Francisco Benitez
noong 1933.
A. Philippine Women’s University C. University of the Philippines
B. Paaralan para sa Kababaihan D. Women’s University

4. Lumikha ng isang Lupon ng Publikong Kalusugan ang mga Amerikano sa


kadahilanang upang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino.
Alin dito ang hindi kasama sa mga hakbang.
A. Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit at mapabuti ang kalusugan ng mga
tao.
B. Upang dumami ang magkasakit at mamatay na Pilipino
C. Upang bumaba ang namamatay at nagkakasakit na tao.
D. Upang matuto at mapahalagan ng mga tao ang kalusugan ay importante.

5. Isa sa mahalagang kontibusyon ang naiambag ng mga Amerikano sa


pangkabuhayan ng mga Pilipino. Ito ay ang _____
A. Industriyalisasyon C. Komerlisasyon
B. Konsentrasasyon D. Produksyon

6. Sa Batas Payne - Aldrich, nagsimulang pumasok ang mga kalakal ng Pilipinas sa


Amerika nang walang buwis. Pinagtibay ng patakaran ito ang libreng
pakikipagkalakalan o tinatawag na ______.
A. Trade Policy C. Policy Trade
B. Free Trade Policy D. No Free Trade Policy

7. Ang batas na ito ang nagtatadhana ng pagkakaroon ng halalan at ipagpatuloy ang


kampanya para sa kalayaan.
A. Batas Jones 1916 C. Batas Tydings-McDuffie 1934
B. Asamblea ng Pilipinas D. Batas ng Pilipinas 1902
8. Ang batas na ito ang tumutukoy na pagkilala sa kalayaan ng Pilipinas at inalisan
ang Amerika ng kapangyarihan at mamuno sa Pilipinas.
A. Batas Jones 1916 C. Batas Tydings-McDuffie 1934
B. Asamblea ng Pilipinas D. Batas ng Pilipinas 1902

9. Ang batas na ito ay pinagtibay upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas at


pagiging neutralisado o walang kinikilingang bansa.
A. Batas Tydings – McDuffie C. Saligang Batas
B. Batas Hare – Hawes – Cutting D. Misyong Os – Rox

10.Ang batas na ito ang lalong nagpatibay na magkapagsarili at maging malaya na


ang Pilipinas sa kadahilanan na idinagdag ang salitang complete o ganap sa
kasulatan.
A. Misyong Os – Rox C. Batas Jones
B. Batas Hare – Hawes – Cutting D. Batas Tyding – McDuffie

11. Isa sa pamahalaan itinatag ng Amerika sa Pilipinas ay ang _____________. Ito


ay naglalayon na pamumuno sa bansa na nasa ilalim ng mga military.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Pulitikal
B. Pamahalaang Panlipunan D. Pamahalaaang Militar

12. Alin sa mga ito ang hindi kasali sa mga patakarang pinatupad ng United States
sa Pilipinas.
A. Patakarang Militar C. Patakarang Pulitikal
B. Patakarang Pang-ekonomiya D. Patakarang Panlipunan

13. Ang Saligang Batas ng 1935 ang nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na
magkakahiwalay subalit magkaka-pantay ang mga tungkulin at pananagutan. Ito ay
pinamunuan ni ______.
A. Manuel Luis M. Quezon C. Claro M. Recto
B. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo

14. Ang Pambansang halalan noong Setyembre 17, 1935, nabuo muli ang Partido
Nacionalista dahil sa pagkapanalo ng karamihang dito. Nahalal bilang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas sa Pamahalaaang Komonwelt ay si ________.
A. Sergio Osmeňa C. Andres Bonifacio
B. Manuel Luis M. Quezon D. Claro M. Recto

15. Sa panahon ito ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamamahala ni


Pangulong Manuel Quezon na nagtatag ng ibat ibang kagawaran sa Pilipinas.
A. Pamahalaang Pagbabago C. Pamahalaang Komonwelt
B. Pamahalaang Pagkaka-isa D. Pamahalaang Komon
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi programa ni Quezon sa Panahon ng
Komonwelt?
A. Itinatag ang National Rice and Corn Corporation
B. Naitatag ang National Power Corporation
C. Naitatag ang National Economic Council
D. Naitatag ang Edsa Revolution

17. Dumating sa Pilipinas ang Unang Komisyon noong Marso 1899. Ito ay
pangunguna ni _______.
A. Schurman Komisyon C. Taft Komisyon
B. McKinley Komisyon D. Dewey Komisyon

18. Noong Disyembre 10, 1898 naganap ang kasunduan na ibibigay ng mga Kastila
ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang _____________.
A. $ 10,000,000 C. $ 15,000,000
B. $ 25,000,000 D. $ 20,000,000
19. Sa kasunduan ito, ang naging dahilan ng pagtatapos ng digmaang Espanyol –
Amerikano. Itong kasunduan ay tinatawag na _______
A. Treaty of Paris C. Treaty of Philippines
B. Treaty of US D. Treaty of US – Paris

20. Noong Marso 31, 1899, bumagsak sa kamay ni Heneral Arthur MacArthur ang
______, ang Kapital ng Republika.

A. Malolos C. Manila
B. Bataan D. Cavite

21. Sa panahon ng Hapon, noong Disyembre 8, 1941, pagkatapos bombahin ng mga


Hapones ang Pearl Harbor sa Amerika, pagkaraan ng apat na oras, binomba naman
ng Hapones ang Lungsod ng __________ sa Pilipinas.
A. Pampanga C. Davao
B. Cavite D. Vigan

22. Dumaong ang pangunahing hukbong Hapones sa Lingayen, Pangasinan sa


pumumuno ni ______.
A. Heneral Masaharu Homma C. Heneral MacArthur
B. Heneral Adolf Hitler D. Heneral Emilio Aguinaldo

23. Upang mailigtas ang Maynila sa ganap na pagkasira, ipinahayag ni Heneral Mac
Arthur ang Maynila ay bilang _______ noong Disyembre 26, 1941.
A. Open City C. Closed City
B. City Open D. Manila City

24. Ilan taong nagtagal o nasakop ng mga Hapones ang Pilipinas?


A. dalawang taon C. apat na taon
B. isang taon D. tatlong taon

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa layunin ng Japan sa pananakop sa
Pilipinas.
A. Pagpapalawak ng teritoryo sa mga bansa sa Asia
B. Pagpapanap ng mapagdadalhan ng mga produkto nito
C. Paghahangad na makilalang lider ng mga Asyano
D. Pagtatag na maging isang bansa sa buong mundo

26. Sa pananakop ng mga Hapones noong Pebrero 20, 1942, umalis ang pamilyang
Quezon sa utos ng Pangulong Roosevelt ng Amerika, na lihim na nagtungo sa _____.
A. Canada C. Amerika
B. Australia D. China

27. Sinong Heneral ng Amerika ang nagsabi na “I shall return” sa mga Pilipino noong
Marso 11, 1942.
A. Heneral Arthur MacArthur C. Heneral Masaharu Homma
B. Heneral Douglas MacArthur D. Heneral Edward King

28. Sa kadahilanan na walang humpay na pag-atake ng hukbong paghihimpawid ng


Japan, ang siyang nagging dahilan ng pagbagsak ng depensa ng USAFFE. Ano ang
ibig sabihin ng USAFFE?
A. United States Armed Forces
B. United States Armed Forces in the Far East
C. United States of America Forces
D. United States Armed Forces in the Far Eastern
29. Ang kauna-unahang depensa sa Bataan na lumaban sa mga Hapones.
A. Abucay Line C. Abulkan Line
B. Abucay Linya D. Abu Line

30. Sa pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones, sa dahilan wala nang lakas
lumaban ang mga sundalong Amerikano at Pilipino, kusang sumuko ang kumander
ng USAFFE na si ______.
A. Heneral Douglas MacArthur C. Heneral Edward P. King
B. Heneral Jonathan Wainwright D. Heneral Vicente Lim

31. Nabihag ng hukbong Hapones ang may 70,000 kawal na Amerikano at Pilipino.
Pinuwersa ng mga Hapones na pagmartsahin ang kanilang bihag mula Bataan
hanggang San Fernando. Ito ay tinawag na __________

A. Death March C. Pagbagsak ng Bataan


B. Marshang Nakakamatay D. Pagbagsak ng Corregidor

32. Alin sa mga dahilan ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga kawal na
Amerikano at Pilipino habang nagmamartsa patungong San Fernando?
A. palagiang pahinga sa bawat bayan C. gutom, pagod at sakit
B. nasobrahan ng kain D. sobrang tulog

33. Ang Death March ay isang napakahirap na parusa na naranasan ng mga kawal
ng Amerikano at Pilipino. Ang mga kawal ay nagsimula lumakad ____ patungong
____, na halos ikamatay ng libo-libong kawal.
A. Nueva Ecija – San Fernando C. San Fernando – Bataan
B. Pampanga – San Fernando D. Bataan – San Fernando

34. Sa pagbagsak ng Bataan, ang Corregidor na lamang ang natitirang kuta ng


USAFFE, ngunit sa lakas ng puwersa ng mga Hapon nakuha rin nila ang Corregidor
noong ____
A. Mayo 7, 1942 C. Mayo 6, 1942
B. Mayo 4, 1942 D. Mayo 5, 1942

35. Ang pamahalaang militar ng Hapon ay itinatag noong Enero 3, 1942 na


pinamunuan ng isang director heneral na si _______.
A. Heneral Takaej Wachi C. Heneral Homma
B. Heneral Misami Maeda D. Heneral Jonathan Wainwright

36. Sa loob ng tatlong taon na pamamahala ng mga Hapon sa Pilipinas marami ang
ipinagbawal. Alin sa mga ito ang hindi kasama?
A. pagpapatupad ng curfew
B. pagbawal ng pag awit ng pambansang awit ng Pilipinas
C. isinara ang paaralan, tanggapan ng telegrapo at iba pa
D. naging masayahin ang mga Pilipino

37. Gumawa ng salaping papel ang mga Hapones na ikinalat sa Pilipinas at halos
walang halaga. Ito ay tinawag na ______
A. Mickey Mouse Club C. Mickey Mouse Money
B. Mickey Mouse Dollars D. Mickey Mouse Fans

38. Noong Oktubre 14, 1943, nahalal ng Pangulo ng Pilipinas si Jose P. Laurel sa
pamahalaan ng Hapon. Ngunit tinawag si Pangulong Laurel na ________, sa dahilan
na sunud-sunuran lamang sa kapangyarihan ng mga Hapones.
A. Pamahalaang Puppet C. Pamahalaang Doll
B. Pamahalaang Tagapagligtas D. Pamahalaang Corrupt
39. Ang pangkat ng mga gerilya sa Luzon ang makapagpayarihan ay ang
HUKBALAHAP. Ano ang ibig sabihin ng HUKBALAHAP?
A. Hukbo ng Bayan Laban sa Amerika
B. Hukbo ng Bayan Laban sa Kastila
C. Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
D. Hukbo ng Bayan Laban sa Pilipino

40. Ang HUKBALAHAP ay pinamunuan ni ______.


A. Jesus Lava C. Luis Taruc
B. Macario Pelarta D. Ruperto Kangleon

II. Pagtapatin. Hanapin sa Hanay B at isulat sa Hanay A ang tamag titik.

Hanay A Hanay B

_____ 41. Nabihag si Pangulong Aguinaldo na A. Pebrero 4, 1899


naging daan upang magwakas ang unang
Republika ng Pilipinas.

______ 42. Pinaslang si Heneral Antonio Luna B. Marso 23, 1901


ng kanyang kapwa Pilipino

______ 43. Bumagsak sa kamay ni Heneral C. Pebrero 5, 1899


MacArthur ang Malolos

______ 44. Hudyat ng simula ng digmaang D. Marso 31, 1899


Pilipino-Amerikano

______ 45. Ipinag-utos ni Heneral MacArthur E. Hunyo 5, 1899


na umatake at ipagtabuyan ang
mga Pilipino

III. ( 46 – 50 ) Pag-isipan: Ano ang ipinakitang kadakilaan ng mga Pilipino –


Amerikano na nahirapan, nagutom, at namatay sa Death March? Isalaysay ang
inyong sagot.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OF PILILLA

TALAAN NG ESPISIPIKASYON
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUBOK
ARALIN PANLIPUNAN 6

LAYUNIN Code BLG NG KINALA


AYTEM LAGYAN
Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas
A. Natatalakay ang sistema ng edukasyong 3 1-3
ipinatupad ng mga Amerikano at ang
epekto nito
B. Natatalakay ang kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon AP6KDP-IIa-1 1 4
ng mga Amerikano
C. Natatalakay ang pag-unlad ng
transportasyon at komunikasyon at epekto 1 5
nito sa pamumuhay ng mga Pilipino
D. Nasusuri ang mga patakaran ng malayang
kalakalan ( free trade ) na pinairal ng mga AP6KDP-IIb-2 1 6
Amerikano
E. Natutukoy ang mahalagang pangyayaring
may kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng AP6KDP-IId-3 6 7- 12
kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa
pagsasarili
F. Nasusuri ang kontribusyon ng
pamahalaang Komonwelt AP6KDP-IId-4 4 13 – 16
G. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng
mga Amerikano AP6KDP-IIb-2 4 17 - 20

Pamamahala ng mga Hapon sa Pilipinas


H. Natatalakay ang mga mahalagang
pangyayari sa pananakop ng mga Hapones
Hal.: Labanan sa Bataan AP6KDP-IIe-5 14 21- 34
Death March
Labanan sa Corregidor
I. Nailalarawan ang Sistema at balangkas ng
pamahalaaang kolonyal ng mga Hapones 4 35 - 38
J. Naipapaliwanag ang kontribusyon ng AP6KDP-IIf-g-
pagtatag ng Ikalawang Republika ng 7 2 39 – 40
Pilipinas at mga patakarang may kinalaman
sa pagsasarili

KEY TO CORRECTION

1. C 11. D 21. C 31. A 41. B


2. C 12. A 22. A 32. C 42. E
3. A 13. C 23. A 33. D 43. D
4. A 14. B 24. D 34. C 44. A
5. A 15. C 25. D 35. B 45. C
6. B 16. D 26. B 36. D 46.
7. D 17. A 27. B 37. C 47.
8. A 18. D 28. B 38. A 48.
9. A 19. A 29. A 39. C 49.
10. B 20. A 30. C 40. C 50.

You might also like