You are on page 1of 2

ikalawang Lagumang Pagsusulit

sa Araling Panlipunan 6
Ikatlong Markahan

I - Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang .Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay ganap na kapangyarihan upang mapasunod at magpakilos sa lahat ng mga tao at ari-ariang sakop ng teritoryo ng
bansa.
A. pamahalaan B. estado C. soberanya
2. Ito ay uri ng soberanya na umiiral sa Pilipinas.
A. Batay sa Saligang Batas B. Politkal C. Popular
3. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong nanininirahan sa teritoryong nasasakupan
nito.
A. Politikal na soberanya B. Panloob na soberanya C. Panlabas na soberanya

4. Ito ay ang kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng gawain at naisin ng bansa tungkol sa ekonomiya, edukasyon,
buwis, hanapbuhay at iba pang bagay na nagbibigay ng suliranin o tinatayang mag-aambag sa kagalingan ng bansang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.
A. Politikal na soberanya B. Panloob na soberanya C. Panlabasl na soberanya
5. Sino ang may tungkulin sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa ?
A. Pamahalaan at mamamayan B. Pamahalaa C. Sundalo
6. Tumutukoy sa pagsakop at pagsalakay ng ibang bansa sa ating bansa.
A. Panloob na panganib
B. Panlabas na panganib
C. Digmaan

7. Sila ang tagapangalaga at tagapagtanggol ng sambayanan at estado.


A. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
B. New Peoples Army
C. HUKBALAHAP
8. Tagapagtanggol ng bansa sa digmaan o anumang uri ng rebelyon o paghihimagsik na may layuning pabagsakin ang
pamahalaan.
A. Philippine Army
B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force
9. Sila ang nagpaptrolya sa ating mga karagatan araw at gabi upang walang makapasok na iligal na dayuhan sa bansa.
A. Philippine Army
B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force
10. Pinapangalaagan nila ang katahimikan sa ating papawirin.
A. Philippine Army
B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force
11. Sila ang nakikipag-ugnayan sa ibat-ibang estado para masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo gayundin ang ating
kapangyarihan at karapatang pambansa.
A. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
B. Department of Foreign Affairs
C. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
II. Tukuyin ang uri ng Karapatang tinatamasa ng isang bansang Malaya sa inilalarawan sa bawat bilang. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

A. Karapatan sa Kalayaan
B. Karapatan sa Pantay na Pribilehiyo
C. Karapatan sa Saklaw na Kapangyarihan
D. Karapatan sa Pagmamay-ari
E. Karapatan sa Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

12. Ito ay karapatan ng estadong gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan.
13. Hindi maaaring magamit ng ibang mga bansa ang mga ito ng walang pahintulot.
14. Walang ibang bansa ang maaaring manghimasok, makialam at pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa.
15. Ang malalakas na bansa o kabilang sa mauunlad ay walang karapatang makialam sa mga papaunlad na bansa.

16. Kasama sa patakarang ito ang ipagtanggol ang mga mamamayang naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.
17. Karapatang magpadala at tumanggap ng mga pambansang kinatawan sa ibang bansa gaya ng mga diplomat o
konsul.
18. Karapatan ng pamahalaan na magpadala ng tulong na legal sa mga mamamayan nito sa mga mamamayan nito na
nagkakaproblema sa ibang bansa.

III. Itala ang dalawang paraan ng pangangalaga sa teritoryo ng bansa.

19. _________________________________________________________

20. _________________________________________________________

You might also like