You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN VI

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: _______


PANUTO: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______ 1. Sila ang nakikipag-ugnayan sa ibang estado para masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo
gayundin ang ating kapangyarihan at karapatang Pambansa.
a. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
b. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
c. Department of Foreign Affairs
_______ 2. Pinangalagaan nila ang katahimikan sa ating papawirin.
a. Philippine Army b. Philippine Navy c. Philippine Air Force
_______ 3. Sila ay nagpapatrolya sa ating mga karagatan araw at gabi upang walang makapasok na iligal
na dayuhan sa bansa.
a. Philippine Army b. Philippine Navy c. Philippine Air Force
_______ 4. Tagapagtanggol ng bansa sa digmaan o anumang uri ng rebelyon o paghihimagsik na may
pabahsakin ng pamahalaan.
a. Philippine Army b. Philippine Navy c. Philippine Air Force
_______ 5. Sila ang tagapangalaga ng sambayanan at estado.
a. Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas b. New Peoples Army c. HUKBALAHAP
_______ 6. Tumutukoy sa pagsakop at pagsalakay ng ibang bansa sa ating bansa.
a. Panloob ng panganib b. Panlabas na panganib c. Digmaan
_______ 7. Sino ang may tungkulin sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa?
a. Pamahalaan at mamamayaan b. Pamahalaan c. Mga sundalo
_______ 8. Ito ay ang Kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng gawain at naisin ng bansa tungkol sa
ekonomiya, edukasyon, buwis, hanapbuhay, at iba pang bagay na nagbibigay ng suliranin o
tinatayang mag-aambag sa kagalingan ng bansang hindo pinakikialaman ng ibang bansa.
a. Politikal na soberanya b. Panloob na soberanya c. Panlabas na soberanya
_______ 9. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong naninirahan sa
teritoryong nasasakupan nito.
a. Politikal na soberanya b. Panloob na soberanya c. Panlabas na soberanya
_______ 10. Ito ang uri ng soberanya na umiiral sa Pilipinas.
a. Batay sa saligang batas b. Politikal c. Popular
_______ 11. Ito ay ganap na kapangyarihan upang magpasunod at magpakilos sa lahat ng mga tao at ari-
arian sakop ng teritoryo ng bansa.
a. pamahalaan b. estado c. soberanya
_______ 12. Kaninong administrasyon nagalit ang nga Pilipino dahil sa pagiging pro American nito?
a. Administrative Roxas b. Administrative Magsaysay c. Administrative Macapagal
_______ 13. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng malalakas at makapangyarihang mga bansa sa
pamamagitan ng paggamit ng panggigipit sa ekonomiya, political, at iba pa para makontrol o
impluwensiyahan ang mga bagong tatag na estado.
a. Colonial mentality b. Neo- colonialism c. Mac- colonialism
_______ 14.Ito ay ipinagkaloob sa mga Amerikano kung saan magkaroon ng pantay na Karapatan gaya ng
tinatamasa ng mga Pilipino ang mga Amerikano na magnenegosyo sa bansa at gamitin at
pakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
a. Parity Rights b.Bell Trade Act c. Military
_______ 15. Pinagtitibay nito ang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas sa loob ng
walong taon mula 1946-1954.
a. Bell trade Act b. Saligang Batas 1954 c. Parity Rights
_______ 16. Ayon dito, pinahihintulan na manatili sa Pilipinas ang 23 base -militar ng Amerika sa iba’t ibang
sulok ng bansa.
a. Filipino- American Agreement
b. Military Bases Agreement
c. Military Assistance Agreement

II. Panuto: Tukuyin ang pangulo na naglunsad ng mga sumusunod na programa. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
a. Manuel Roxas b. Elpidio Quirino c. Ramon Magsaysay
d. Carlos P. Garcia e. Diosdado Macapagal f. Ferdinand Marcos
_______ 17. Pagtatag ng President’s Action Committee on Social Amelioration
_______ 18. Pinairal ang Filipino First Policy
_______ 19. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor
_______ 20. Pagsasaayos ng elektripikasyon
_______ 21. Nabuo ang Association of Southeast Asia
_______ 22. Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
_______ 23. Pagtatag ng MAPHILINDO
_______ 24. Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
_______ 25. Pagpapatayo ng mga poso at patubig
_______ 26. Paglulunsad ng Green Revolution
_______ 27. Pinatibay ang Land Tenure Reform Law
_______ 28. Pinagtibay niya ang Agricultural Land Reform Code
_______ 29. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
_______ 30. Pagtatag ng National Coconut Corporation
_______ 31. Pagbaba ng Katiwalian sa pamahalaan
_______ 32. Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa

III. Panuto: Itala ang hinihingi sa bawat letra.

A. Apat na Elemento ng Estado


33. __________________________________________
34. __________________________________________
35. __________________________________________
36. __________________________________________

B. Dalawang Uri ng Soberanya


37. __________________________________________
38. _________________________________________
IV.
39-40. Bakit kailangan sumunod sa batas ang nga mamamayan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________
IKATATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
MGA KASANAYAN BILANG NG KINALALAGYAN
AYTEM NG AYTEM
1. Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa 1 16
Konteksto ng Kasunduang Militar ng EU sa
Pilipinas
2. Natatalakay ang “ Parity Rights” at ang ugnayang 2 15,14
kalakalan sa E.U.
3. Nasusuri ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipino 2 13,12
sa mga epekto sa pagsasarili ng bansa na
ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan
tulad ng Philippine Rehabilitation act, Parity
RIghts at Kasunduang Base Militar
4. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon 2 11,10
ng soberanya sa pagpapanatili ng Kalayaan ng
isang bansa
5. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng panloob at 2 9,8
panlabas na soberanya ng bansa.
6. Nabibigyang katwiran ang pagtanggol ng mga 7 7,6,5.4.3,2,1
mamamayan sa Kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansa.
7. Nasusuri ang mga patakaran at programa ng 4 17,18,19,20
pamahalaan upang matugunan ang mga suliranin
at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga
Pilipino.
8. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat 12 21,22,23,24,25,26,
27,28,29,30,31,32
pangulo na nakapapagdudulot ng kaunlaran sa
lipunan at bansa.
9. Nakikilala ang apat na elemento ng estado 4 33,34,35,36
10. Natutukoy ang dalawang uri ng soberanya 2 37,38
11. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod 2 39,40
ng mga mamamayan sa batas.
KABUUAN 40 40

You might also like