You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE

SAN FERNANDO DISTRICT I


IKATLONG LAGUMANG PASULIT SA ARALING PANLIPUNAN – VI
SY: 2019 – 2020
Pangalan: _______________________________________ Iskor: _____________
Paaralan:________________________________________ Petsa: _____________

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang nagdeklara ng kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya?


a. Manuel L. Quezon c. Sergio Osmeña
b. Emilio Aguinaldo d. Jose P. Laurel
2.Sino ang pangulong namuno ng pamahalaang kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika
ng Pilipinas? a. Jose P. Laurel b. Sergio Osmeña
c. Manuel L. Quezon d. Emilio Aguinaldo
3. Bakit tinawag na Puppet Government ang Ikalawang Republika sa ilalim ni Pangulong Laurel?
a. Dahil ito ay nasa ilalim ng pagsubaybay ng mga Amerikano.
b. Dahil ito ay sumunod at naibalik ang kabisera ng Komonwelt sa Pilipinas.
c. Dahil ito ay mapagkunwaring pamahalaan na sa katunayan ay nasa ilalim ng mga Hapones.
d. Dahil ito ay naging sunod-sunoran kay Heneral MacArthur na siyang nakapagtatag muli ng
pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas.
4. Bakit naging mabigat ang tungkulin ni Pangulong Osmeña?
a. Dahil ito ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Hapon.
b. Dahil sa napakaraming pinsala na idinulot ng digmaan.
c. Dahil inalis na ng mga Amerikano ang kanilang tulong sa bansa.
d. Dahil kinailangan niya na muling itatag ang mga pamahalaang panlalawigan.

5. Alin ang hindi naging pamamaraan ni Pangulong Osmeña sa pagtataguyod ng bansa?


a. Pagbalik sa mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan.
b. Pagtatag muli ng gabinete, Counsil of State, at Kataas-taasang Hukuman.
c. Pagpapaayos ng mga gusali, daan, imprastrukturang nasira ng digmaan.
d. Pagtanggap ng tulong mula kina Pangulong Franklin Roosevelt at Heneral MacArthur.

6.Bakit sinabing may colonial mentality ang mga Pilipino?


a. Naging Katoliko ang karamihan sa atin.
b. Nasanay sila sa paggamit ng mga kagamitan ng mga sinaunang Pilipino.
c. Sinusunod nila ang mga gawain at kaugalian ng mga katutubong Pilipino?
d. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Amerika.
7. Ano ang ginawa ni Pangulong Quirino para mabawasan ang paghihikahos sa buhay o kahirapan
ng taong-bayan?
a. Ipinag-utos niya ang pagtaas ng sahod ng mga guro.
b. Ipinag-utos niya ang pagsasaka sa mga bakanteng lote.
c. Ipinag-utos niya ang pagbawas sa mga kawani ng pamahalaan.
d. Ipinag-utos niya ang pagtuturo ng Ingles upang mapadali ang pakikipagkalakalan kahit
kanino.
8. Ano ang dahilan ng pamahalaang Roxas sa pakikipag-ugnayan sa bansang Japan?
a. Upang makautang ng pera sa mga Hapones.
b. Upang humingi ng bayad-pinsala sa mga nasira ng digmaan.
c. Upang matiyak ang suporta ng mga Hapones sa ating bansa.
d. Upang masiguro na hindi makikialam ang mga Nasyonalistang Tsina.

9. Bakit itinadhana ang Bell Trade Relations Act?


a. Para mag-angkat ng mga produkto sa Estados Unidos.
b. Para magpapadala ng mga manggagawa sa Estados Unidos.
c. Para makabili ang mga Amerikano ng mga produkto sa ating bansa.
d. Para makakolekta ng buwis sa mga produktong nagmumula sa Pilipinas.
10. Ano ang dahilan kung bakit naging malapit ang Pilipinas sa Estados Unidos noong panunungkulan
ni Pangulong Roxas?
a. Hindi kaya ng ating bansa maging malaya.
b. Upang mapabilang tayo sa Mga Nagkakkaisang Bansa.
c. Naniniwala si Pangulong Roxas na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay
sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
d. Napatunayan ni Pangulong Roxas na tanging Estados Unidos lamang ang may sapat na
salapi at kapangyarihan upang tulungan tayo.

11. Paano tinulungan ni Pangulong Elpidio Quirino ang mga guro at kawani ng pamahalaan?
a. Itinaas ang mga sahod c. Nilutas ang suliranin sa Huk
b. Nakipag-ugnayan sa kanila d. Binigyan sila ng libreng pabahay
12.Bakit itinakda ang pagkakaroon ng pinakamababang sahod?
a. Upang makatulong sa suliraning pangkabuhayan ng ating bansa.
b. Upang makatipid sa mga sahod na ibibigay sa mga manggagawa.
c. Upang magkaroon ng mas maraming manggagawa at kawani ng pamahalaan.
d. Upang makatulong sa pagkakaroon ng makatarungang paghahatian sa salapi ng pamahalaan.

13. Bakit patuloy na nanggulo noon ang samahang HukBaLaHap bagama’t wala na ang mga Hapon sa
bansa? a. Nagtatag sila ng sariling pamahalaan.
b. Hindi makatarungan ang mga ginagawa ng pamahalan.
c. Kinilala ng pamahalaan ang mga HUK bilang mga beterano ng digmaan.
d. Inalok ni Pangulong Quirino ng malawakang amnestiya ang halos lahat ng kasapi ng Huk.

14. Ayon kay Luis Taruc, bakit dumami ang kasapi ng HUK?
a. Ayaw nilang isuko ang kanilang mga sandata.
b. Hindi makatarungan ang mga ginagawa ng pamahalaan.
c. Kinilala ng pamahalaan ang mga HUK bilang mga beterano ng digmaan.
d. Inalok ni Pangulong Quirino ng malawakang amnestiya ang halos lahat ng kasapi ng Huk.
15. Aling element ang taglay ng ating bansa bilang isang estado?
a. serbisyo b. kalayaan c. soberanya d. likas na yaman.
16.Alin sa sumusunod ang lubos na nagbibigay-kahulugan sa salitang estado?
a. Ito ay binubuo ng mamamayang may kapangyarihan at soberanya na magbigay pahintulot at
magpatupad ng mga batas sa mga naninirahan dito.
b. Ito ay binubuo ng katutubong mamamayan o kaya mga pamahalaan at ahensiyang may
soberanyang nagpapatupad ng mga batas at kalayaang nagpapahayag ng mithiin.
c. Ito ay binubuo ng mga naninirahan sa isang teritoryo na may soberanya at nagpatupad ng
sarili nilang mga batas.
d., Ito ay binubuo ng mga mamamayang naninirahan sa isang nakatakdang teritoryo, may
pamahalaang kinikilala ng karamihan ng mga mamamayan nito, at nakatatamas ng soberanya.
17. Alin ang hindi katangian ng isang soberanyang bansa?
a. may awtonomiya b. may hangganan c. komprehensibo d. permanente
18. Bakit pinakamahirap makamit ang soberanya ng isang estado?
a. Dahil para sa maunlad at mayamang bansang ito.
b. Dahil kailangan muna maging permanente ang awtoridad ng estado.
c. Dahil wala pa namang bansa na naging tunay na Malaya sa buong daigdig.
d. Dahil kailangan munang kilalanin ng ibang mga estadong may soberanya sa daigdig.
19. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng soberanya?
a. Walang ibang estado o tao ang maaaring magkaroon ng hurisdiksyon dito.
b. Sakop ng awtoridad ng estado ang mga naninirahan sa labas ng teritoryo nito.
c. Hindi nakabatay sa panahon ang soberanya sapagkat ito at nagpapatuloy habang ito ay
nananatili.
d., Ang kapangyarihan ng estado ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong naninirahan
sa loob ng teritoryo nito.
20. Bakit mayroong iba’t ibang kagawaran at mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa
Katahimikan, kaayusan, at kalayaan ng ating bansa?
a. Dahil kinakailangan protektahan ang teritoryo ng bansa.
b. Dahil ito ay isang pagpapatunay na umuunlad na ang ekonomiya ng bansa.
c. Dahil ito ay kailangan ng mga mamamayan kapalit ng buwis na kanilang ibinabayad.
d. Dahil tungkulin at pananagutan ng pamahalaan at ng sambayanang Pilipino ang pangangalaga
sa bansa.
21.Pagkatapos ng isang malakas na bagyo, bakit ang Office of the Civil Defense ang maraming gawain?
a. Tungkulin nito ang pangalagaan ang buhay at ari-arian tuwing panahon ng kalamidad.
b. May malaking pondo ito upang makatulong sa mga mamamayan na nasa kanyang teritoryo.
c. Nagbibigay ito ng intensibong pag-aaral kung papaano mabibigyan ng lunas ang mga pagbaha.
d. Nangangasiwa ito sa pagluwas ng mga produkto na kakailanganin sa pagsagip ng mga nasalanta.

22. Paano nakatutulong ang Philippine Coast Guard sa ekonomiya ng bansa?


a. Ito ang ahensiyang nangangalaga sa mga yamang-dagat.
b. Ito ang ahensiyang nagdadala at nagbebenta ng mga produkto galing Pilipinas papunta sa
ibang bansa.
c. Nagpapatupad ang lahat ng mga batas at ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol ng buhay
at ari-arian.
d.,Ito ang ahensiyang nagbibigay proteksiyon sa teritoryong pandagat kung saaan nagdadaan
nagdadaan ang lokal na kalakalan.
23. Paano kinilala ng mga Pilipino si Pangulong Ramon Magsaysay?
a. Bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
b. Bilang tagapagligtas ng mga mahihirap?
c. Bilang “Idolo ng mga Masa”
d. Bilang isang diktador
24. Ano ang naging bunga ng mabuting pakikipag-usap at pakikitungo ni Kalihim Magsaysay sa Huk?
a. Nawalan ng tirahan ang mga kasapi ng Huk.
b. Unti-unting sumuko ang mga Huk sa pamahalaan.
c. Hindi siya napakinggan at marami ang nagalit sa kanya.
d. Napalawak ang operasyong military ng pamahalaan laban sa kanila.

25. Bakit itinatag ang Commission on National Integration?


a. Upang magkaroon ng higit na pagkakaisa ang mga Pilipino.
b. Upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
c. Upang makarating sa ibang bansa ang mga Pilipino.
d. Upang makapag-aral ang mga Pilipino.
26. Ano ang pinaniniwalaan ni Pangulong Magsaysay kaya niya itinatag ang Presidential Complaints
and Action Committee?
a. Mas medaling makakapagpatayo ng mga daan, tulay, patubig at elektrisidad.
b. Mabibigyan ng pagkakataon ang manggagawa na magtatag ng union laban sa pamahalaan.
c. Magkakaroon ng hgit na pagkakaisa ang mga Pilipino, kasama ang mga pangkat ng mga
Katutubo.
d. Mabibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na ipahayag ang kanilang pangangailangan
At higit silang makikipagtulungan sa mga proyekto ng pamahalaan.
27. Bakit pinairal ni Pangulong Garcia ang Programang Pilipino Muna?
a. Para mapabilis ang mga dayuhang naninirahan sa bansa?
b. Matulungan ang mga Pilipinong mag-aaral bago ang mga dayuhan.
c. Para matulungan ang mga Pilipino bago ang mga dayuhang mangangalakal.
d. Para bumalik sa Pilipinas ang maraming Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
28. Bakit itinaguyod ni Pangulong Carlos P. Garcia ang Austerity Program?
a. Para magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
b. Para sa libreng pagpapaaral ng mga kabataan.
c. Para makatipid sa paggasta ang pamahalaan.
d. Para mapalaya ang mga nakakulong.
29. Paano matutulungan ng programang National Marketing Corporation Act ni Pangulong Garcia
ang mga Pilipino?
a. Ito ang programang nagpautang sa mga Pilipino.
b. Ito ang programang nagtutustos sa mga maliliit na Pilipinong mangangalakal.
c. Ito ang programang nagbigay bayad sa mga Pilipino ng napinsala ng mga Hapones noong
panahon ng digmaan.
d. Ito ang programang nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang
kabuhayan bago ang mga dayuhan.
30.Paano tinulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka?
a. Binigyan ng lupang sasakahin.
b. Binigyan ng perang pampuhunan sa pangangalakal.
c. Binigyan ng pagkakataong mabili ang lupang sinasaka.
d. Binigyan ng pera para sa pag-aaral ng agrikultura sa kolehiyo.
31. Bakit mahalaga para sa bansa ang ASEAN?
a. Pinaunlad nito ang negosyo ng mga bansang kasapi.
b. Pinatatag nito ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi.
c. Itinaguyod nito ang kaligtasan ng mga bansang kasapi.
d. Pinatatag nito ang mga programang pangkapayapaan para sa lahat ng bansa.

32. Bakit nanatili ang mga base military ng Estados Unidos sa Pilipinas?
a. Sinaklaw ng mga Amerikano sa Olongapo
b. 99 taon ang kasunduan sa mga base militar.
c. Nagtrabaho ang mga Pilipino sa mga base.
d. Makabago ang mga armas ng mga Amerikano sa mga base militar.

33. Alin ang pangunahing layunin ng administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal?


a. Pagtaas ng antas ng edukasyon ng lahat.
b. Pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
c. Pagpapabuti ng kalagayan ng mga magsasaka.
d. Pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

34. Paano napalapit si Pangulong Magsaysay sa mga taong-bayan?


a. Pinasikat niya ang pagsuot ng Barong Tagalog.
b. Napadami niya ang pumapasok na kalakal mula sa Amerika.
c. Binuksan niya ang Malacañang at pinakinggan ang hinaing ng taong-bayan.
d. Natanggalan ng buwis ang anumang produkto na nanggagaling sa Pilipinas patungo sa Amerika.

35. Nakabuti ba ang malayang pakikipagkalakalan sa Amerika para sa Pilipinas?


a. Oo, dahil dumami ang mga produkto sa Pilipinas.
b. Oo, dahil mas maganda ang produkto ng Amerika.
c. Hindi, dahil kakaunti ang bumili sa produkto ng Pilipinas.
d. Hindi, dahil hindi nakapagluluwas ng maraming kalakal ang Pilipinas.

36. Alin ang nakapagpalala sa suliraning pangkabuhayan o pang-ekonomiya ng Pilipinas?


a. Agrarian Reform Program b. Parity Rights c. Pilipino Muna Policy d. Austerity Program

37. Paano sinikap ni Pangulong Macapagal na malutas ang paghihirap ng bansa?


a. Pagbibigay sa mga may lupa ng lupaing pag-aari ng pamahalaan.
b. Ibinaba sa 10% ng kabuuang ani ang ibabayad ng kasama sa may-ari ng lupa.
c. Sa pamamagitan ng pag-alis ng sistema ng pangungupahan sa mga lupang pansakahan.
d. Pagpapanatili ng mga patakaran sa paghahati ng sakahang lupa sa pagitan ng kasama
at may-ari.

38. Bakit naputol ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Malaysia?


a. Dahil sa hindi pagkakasundo ng samahang MAPHILINDO
b. Dahil sa pagsanib ngmga mamamayan ng Sabah sa Malaysia.
c. Dahil sa pagsanib ng mga mamamayan ng Sabah sa Pilipinas.
d.Dahil sa pagdulog ni Pangulong Macapagal sa usapin tungkol sa Sabah.

39. Paano pinadali ng pamahalaan ni Pangulong Marcos ang pagpapadala ng mga produktong pansakahan
sa pamilihan.
a. Nagpatayo ng mga paaralan c. Nagsanay ng mga manggagawa
b. Nagpatayo ng pamilihang bayan d. Nagpagawa ng mga daan at tulay

40. Ano ang naging hudyat ng pagwawakas ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?


a. Pagpadala ng Philippine Civic Action Group sa digmaan sa Vietnam.
b. Pagsugpo sa paglaganap ng Komunismo sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.
c. Pagdeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar o Martial Law.
d. Pakikipag-ugnayan sa mga bansang Asyano.
IKATLONG LAGUMANG PASULIT SA ARALING PANLIPUNAN – VI
SY: 2019 – 2020

ANSWER KEY

1. B 21. A
2. D 22. D
3. D 23. C
4. B 24. B
5. D 25. A
6. D 26. D
7. B 27. C
8. B 28. B
9. D 29. D
10.C 30. C
11.A 31. C
12.A 32. B
13.B 33. C
14.B 34. C
15.C 35. D
16.D 36. B
17.B 37. B
18.D 38. D
19.B 39. D
20.D 40. C

You might also like