Professional Documents
Culture Documents
SY 2017-2018
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______1.Ang mga sumusunod ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, maliban sa isa. Ano
ito?
A. Kahirapan C. Pagkawasak ng mga pag-aari
B. Kagutuman D. Magandang kabuhayan sa mga Pilipino
_______2. Kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika na nagpahintulot sa pagtayo ng base –militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas.
A. Military–Base Agreement C. Parity Rights
B. Military Assistance Agreement D. Philippine Trade Act
_______3. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng Base-Militar
ng Amerika sa Pilipinas?
I. Nakapag-asawa ang mga Pilipina ng mga sundalong Amerikano
II. Naging mayaman ang mga mamayang Pilipino dahil sa dolyar na dinadala dito.
III. Napaunlad ang kakayahan sa pakikipaglaban ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
IV.Karamihan sa mga Pilipinong nakatira sa malapit sa base ay nagkaroon ng hanapbuhay.
A. I ay tama B. III at IV C. I, II, at III D. I at IV
______4. Alin sa mga sumusunod ang di- magandang epekto ng pagkakaroon ng Military
Agreement sa Amerika?
A. Lumakas ang sandatahang pwersa ng Pilipinas.
B. Nabigyan ng maraming sandata ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
C. Maraming Pilipinong sundalo ang naiangat ang kaalaman sa pakikipaglaban
D. Nasasali tayo sa mga usaping panseguridad sa loob at labas ng bansa na may
kaugnayansa Amerikano
_______5. Layunin ng batas na ito na maiangat ang ekonomiya ng bansa pagkatapos digmaan
A. War Damage Payments C. Parity Rights
B. Philippine Rehabilitation Act D. Bell Trade Act
_______6.Ano ang nilalaman ng Bell Trade Act na pinagtibay ng kongreso ng Pilipinas?
A.Pangangasiwa sa sistemang political ng bansa
B. Paglinang ng mga Amerikano sa ating mga likas na yaman
C.Malayang makakapagpasok ng mga kalakal ang mga Amerikano sa Pilipinas.
D. Pangangasiwa ng Estados Unidos sa ugnayang panlabas ng Pilipinas.
_______7. Ito ang karapatang ibinigay sa mga Amerikano na linangin ang mga likas na yaman
ng bansa at pagtatag ng mga negosyo sa bansa.
A.Bell Trade Act C. Parity Rights
B.Payne Aldrich Act D. Philippine Rehabilitation Act
________8. Bakit hindi naging makatarungan sa mga Pilipino ang ugnayang kalakalan ng
Pilipinas sa Estados Unidos?
A. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos.
B. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Estados Unidos sa Pilipinas.
C.Dahil sa Amerika lang pwedeng magluwas ng kalakal ang Pilipinas kaya’ binabarat
nila ito.
D. Dahil mababa ang sinasahod ng mga Pilipino kumpara sa sahod ng mga Amerikano
sa bansa.
________9. Ito ay isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa ukol sa kultura nito.
A.Parity Rights C. Colonial Mentality
B.Soberanya D. Ne-Kolonyalismo
_______10. Alin ang walang katotohanan sa mga sumusunod na epekto ng colonial mentality sa ating bansa?
A. Napapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang
bansa.
B. Nagbago ang pag-uugali at ilang kultura ng mga Pilipino.
C. Mas kinahiligan ng mga Pilipino ang mga produktong Amerikano.
D. Pinapaunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kapag tinatangkilik natin ang produkto nito.
_______11. Magandang epekto ng colonial mentality na nagdudulot ng pagkukumpara ng kultura ng mga bansa
na maaring magamit para sa ikakabuti ng ating bansa.
A. Pagkakaroon ng bukas na isip C. Pakikipagugnayan sa ibang bansa
B. Relihiyon D. Pagpapahalaga sa produkto ng ibang bansa
_______12. . Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Parity Rights maliban sa isa.Ano ito?
A. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya
B. Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano
C. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan
D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya
_______13. Siya ang nagpanukala ng Philippine Rehabilitation Act of 1946.
A. Sen. Millard Tydings C. Cong. Jasper Bell
B. Pang. Manuel Quezon D.Pang. Manuel Roxas
_______14. Ang pagkakaloob ng halagang 620 milyong dolyar ay ipinanukala ng __________.
A. Batas Militar C. Philippine Rehabilitation Act of 1946
B. Bell Trade Act D.Pang. Manuel Roxas
_______15.Bakit nagkaroon ng Kasunduang Base Militar sa pagitan ng Amerika at Pilipinas?
A. Upang maging malaya sa mga mananakop
B. Ito ang magpapalakas sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
C. Upang magkaroon ng malayang kalakalan sa dalawang bansa.
D. Upang mapangalagaan ang kapayapaan at teritoryo ng bawat isa laban sa mga
mananakop.
_______16. Sino ang ambassador na kasama ni Pang. Manuel Roxas na lumagda sa Kasunduang
Base Militar?
A. Paul Mcnutt C. Millard Tydings
B. Jasper Bell D. Manuel L. Quezon
_______17. Kailan inaprubahan ang Parity Rights?
A. Marso 14, 1947 C. Oktubre 1945
B. Marso 11, 1947 D. Abril 30, 1946
_______18. Tumutukoy sa lubos na pagkamalaya at pagkamakapangyarihan ng isang bansa.
A. Soberanyang panloob C. Soberanya
B. Soberanyang panlabas D. Kapayapaan
_______19. Paano maipapakita ng Pilipinas ang pagkakaroon ng panloob na Soberanya?
A. Limitado ang kapangyarihan
B. Nagpapatupad ng sariling batas
C. Sumusunod sa batas ng ibang bansa
D.Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang bansa sa impluwensya ng ibang
bansa
_______20. Alin ang nagpapakita ngkahalagahan ng Panlabas na Soberanya?
A. Nakalilikha ng sariling batas.
B. Pagtatanggol sa bansang Pilipinas
C. Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang sariling bansa.
D.Walang kapangyarihan ang ibang bansa na ipilit sa Pilipinas ang kanyang patakaran.
_______21. Bakit mahalagang maging isang soberanong bansa?
A.Dahil napapamunuan ng lider ng ibang bansa.
B..Dahil nakakasunod sa batas ng makapangyarihang bansa.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga karapatang makabubuti sa bansa
D. Dahil nagkakaroon ng kakayahan na magpatupad ng batas sa ibang bansa.
_______22. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang hindi tinatamasa ng soberanong bansa?
A. makapagsarili C. mag-angkin ng ari-arian
B. mamuno sa ibang bansa D. pantay na pagkilala
_______23. Anong karapatan ang tinatamasa kung nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o embahador
sa ibang bansa?
A. makapagsarili C. makipag-ugnayan
B. mamuno sa nasasakupan D. pantay na pagkilala
_______24. Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan?
A. mga piling mamamayan C. mga pinuno sa pamahalaan
B. lahat ng Pilipino D. mga mamamayang may 21 taong gulang
_______25. Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa?
A. ROTC C. Hukbong Katihan ng Pilipinas
B. Kagawarang Panlakas D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
_______26. Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
A. mga estudyante C. mga kalalakihan
B. mga sundalo D. mga mamamayan
_______27. Ang sumusunod ay pakinabang ng Pilipinas sa teritoryo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Dito tayo kumukuha ng mga pangangailangan.
B. Sa ating teritoryo tayo gumagawa at nagtatrabaho.
C. Kung gusto nating maglibang, maraming pook na maaaring sirain at dumihan.
D. Dito rin tayo nakatira at nagkakaroon ng katahimikan ng kalooban dahil ating sariling
bansa ito.
Panuto: Tukuyin kung sinong Pangulo ang nasalarawan. Piliin at isulat ang letra ng sagot sa
patlang.(28-34)
_______38. Ang mga sumusunod ay programa ni Pang. Elpidio Quirino maliban sa isa. Ano ito?
A. Pagharap ng suliranin sa mgaHuk
B. Pagpapakalat ng Wikang Pambansa
C. Pagsugpo sa paglaganap ng Komunismo
D. Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
_______39. Siya ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas?
A. Diosdado Macapagal C. Carlos Garcia
B. Ferdinand Marcos D. Ramon Magsaysay
_______40. Kailan inilunsad ni Pang. Garcia ang patakarang “Pilipino Muna”?
A. Agosto 12, 1958 C. Agosto 21, 1958
B. Hunyo 19, 1971 D. Hulyo 19, 1971