You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education

AP 3 QUARTER TEST
rd

PANGALAN: _______________________________________________ PETSA: ___________


Panuto: Basahing Mabuti ang mga pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang patlang.

____1. Siya ang pangulong nagpatupad ng “Pilipino Muna o First Filipino Policy”.
A. Manuel Roxas C. Carlos Garcia
B. Ferdinand E. Marcos D. Diosdado Macapagal
____2. Sa kanyang panunungkulan, tinawag siyang “Tagapagligtas ng Demokrasya”.
A. Sergio Osmeńa Sr. C. Diosdado Macapagal
B. Manuel Roxas D. Ramon Magsaysay
____3. Sa kanyang termino nakapagpagawa ng mga tulay, kalsada at mga gusali ng pamahalaan.
A. Ferdinand E. Marcos C. Carlos Garcia
B. Manuel Roxas D. Ramon Magsaysay
____4. Siya ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan.
A. Sergio Osmeńa Sr. C. Diosdado Macapagal
B. Manuel Roxas D. Jose P. Laurel
____5. Kinaharap ng kanyang administrasyon ang malubhang banta ng Kilusang HUKBALAHAP.
A. A. Diosdado Macapagal C. Elpidio Quirino
1. B. Ferdinand E. Marcos D. Ramon Magsaysay
____6. Binigyang pansin niya ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting
pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa. Sino ang pangulong ito?
A. Ramon Mgasaysay C. Manuel Roxas
B. Carlos P. Garcia D. Diosdado Macapagal
____7. Kabilang sa mga ginawa niya ang pagsasagawa ng mga batas upang maisaayos ang sector ng agrikultura
sa bansa katulad ng Agricultural Land Reform Code. Sino ang pangulong ito?
A. Diosdado Macapagal C. Carlos Garcia
B. Manuel Roxas D. Elpidio Quirino
_____8. Ano ang ibig sabihin ng MAPILINDO?
A. A. Malaysia,Pilipinas, Indonesia C. Malaysia, Pilipinas, India
B. B. Myanmar, Pilipinas, Indonesia D. Myanmar, Pilipinas, Indian
_____9. Pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon ang industriyalisasyon ng Pilipinas, at ang
pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos.
A. A. Elpidio Quirino C. Manuel Roxas
B. B. Ferdinand Marcos D. Ramon Magsaysay
_____10. Sa kanyang panunungkulan naidaos ang matagumpay na Manila Summit Conference na dinaluhan ng
mga maraming pinuno ng estado.
A. A. Elpidio Quirino C. Ramon Magsaysay
B. B. Ferdinand Marcos D. Manuel Roxas
_____11. Alin sa sumusunod ang hindi pangunahing suliranin ng Ikatlong Republika?
A. Pagbagsak ng ekonomiya C. paglaganap ng mga sakit
B. Paglobo ng populasyon D. pagtigil ng paggawa
_____12. Ano ang pamahalaang unang itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?
A. militar C. makasarili
B. sibil D. demodkratiko
_____13. Kailan natamo ang ating kalayaang at ganap na kinikilala ng mga bansa?
A. Disyembre 10, 1898 C. Hunyo 12, 1898
B. Hulyo 4, 1946 D. Setyembre 21, 1972
_____14. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging isang bansang malaya ang Pilipinas sa
pamumuno ni Pangulong Manuel L. Roxas. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang pinakamalubhang
kinaharap ng ating bansa kung saan ang mga mamamayan ang higit na naapektuhan dulot ng digmaan?
A. Kalagayang Pampolitika C. Kalagayang Pangkabuhayan
B. Kalagayang Pangkultura D. Kalagayang Pangkapayapaan
_____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi programa ni Pang.Manuel Roxas?
A. Pagsapi sa mga Nagkakaisang Bansa o United Nation
B. Pagpapasuko sa mga Huk.
C. Pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation (DBP ngayon)
D. Pakikipag-ugnayan sa bansang Hapon para sa bayad pinsala sa mga nasirang digmaan.
_____16. Ang Bell Trade Act ang naging dahilan upang maibangong muli ang Pilipinas bunga ng pinsalang
dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga
B. Pagpapahintulot sa mga Amerikano at Pilipino sa pantay na paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.
C. Pagbibigay ng takdang dami o “quota” ng produktong iluluwas sa Estados Unidos.
D. Pagpapatupad ng batas na na naglalatag ng mga kondisyon para sa kaugnayang pang-ekonomiya sa
pagitan ng Estados Unidos
_____17. Alin ang di-mabuting epekto ng parity rights sa mga Pilipino?
A. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipinong magsasaka
B. Nakilala ang mga produktong agrikultural sa ibang bansa.
C. Higit na tinangkilik ng mga Pilipino ang produkto ng Estados Unidos.
D. Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.
_____18. Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot ng Parity Rights?
A. Nagustuhan ng mga Pilipino ang mga produkto ng Estados Unidos.
B. Pantay ang paggamit at paglinang ng mga likas na yaman sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.
C. Amerikano ang higit na nakinabang sa malayang kalakalan at sa Likas na yaman ng bansa.
D. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino at umunlad ang produktong agrikultura.
_____19. Kasama sa probisyon ng batas Bell ang pantay na paggamit ng likas na yaman ng bansa bansa sa
pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Anong probisyon ito?
A. Batas Bell C. Parity Rights
B. Malayang Kalakalan D. Rehabilitation Act
_____20. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Nakita ang malawak na pinsala nito sa kabuhayan ng
mga Pilipino. Ano ang kailangan ng ating bansa?
A. Rekonstruksyon at rehabilitasyon
B. Pagpapatibay ng batas
C. Pagpapatupad ng parity rights at buwis
D. Matibay na ugnayan sa pagitan ng Amerikano at Pilipino
_____21. Alin sa mga sumusunod ang malaki ang epekto sa kabuhayan ng bansa?
A. Dumagsa ang produktong lokal sa pamilihan ng Pilipinas.
B . Inidolo ng mga Pilipino ang mga naggagandahang kasuotan ng mga Koreano.
C. Naakit sa paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap sa mga kapwa Pilipino.
D. Mahilig ang mga mayayamang Pilipino sa mga mamahaling pagkaing galing sa ibang bansa.
_____22. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng kaisipang kolonyal?
A. Si Leni ay madalas bumili ng mga produktong galing ibang bansa kapag siya ay nagpupunta sa mall.
B. Kumakain sa mg Korean restaurant ang barkada ni Allen sa tuwing sila ay lalabas.
C. Mahilig magsuot si Marina ng mga magagarang damit galing sa Amerika upang maging sikat sa mga kaibigan.
D. Nais bumili ni Diana ng murang sapatos na yari sa Marikina dahil matibay ang gawa ng mga sapatero rito.
_____23. Ano ang kahulugan ng kaisipang kolonyal?
A. Ugaling mahilig sa mga local na produkto ng mga Pilipino at dayuhan.
B. Pagtangkilik sa kagustuhan ng mga Amerikano at iba pang dayuhan.
C. Ang pag-uugali ng isang Pilipino na tumatangkilik sa kultura ng banyaga o dayuhan.
D. Pagkahilig sa paglalakbay, pagkain ng mga dayuhan at sariling bansa.

_____24. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng ugaling isip kolonyal sa mga Pilipino?
A. Matagal na sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas.
B. Ang mga Pilipino ay mas nasisiyahan at nagmamalaki kapag ang biniling produkto ay galing sa ibang bansa.
C. Iniisip nila na mas matibay at may kalidad ang mga gawang Amerikano.
D. Hinangaan ng mga Pilipino ang kultura ng dayuhan dahil sa ito ay magara.
______25. Anong pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Mas maganda at matibay ang produktong Amerikano kaysa local.
B. Nabago ang ating orihinal na kultura, tradisyon at paniniwala dahil sa Kolonyalismo.
C. Umunlad nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga poduktong dayuhan na dumagsa sa Pilipinas.
D. Hindi na aasa ang mga Pilipino ng mga produktong galing sa sariling
______26. Ano ang kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?
A. Dumami ang nawalan ng trabaho at nagtiis sa hirap at gutom
B. Nawasak ang mga gusali at mga imprastraktura
C. Namatay at nasira ang mga sakahan at mga pananim
D. Lahat ng nabanggit ay tama
______27. Ano ang ginawa ng pamahalaan upang maibsan ang gutom ng mga mamamayan?
A. Hinikayat ang mga mamamayan na magtanim sa bakuran, mga bakanteng lote at pati mga parke ay tinamnan.
B. Pinabayaan ang mga mamamayan na magutom at mahirapan
C. Namigay sila ng voucher para sa relief goods
D. Naghanap sila ng donors para mamigay ng relief goods
______28. Ano ang itinayo ng pamahalaan upang magkaroon ng maayos na pama mahagi o pagbebenta ng bigas?
A. Samahan ng mga Nagtitinda ng Bigas
B. Bigasang Bayan (BIBA)
C. Bigasan ni Aling Puring
D. Bigasan ni Lolo Domeng
______29. Bakit lubos na naghirap at nagtiis sa gutom ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?
A. Ang kanilang mga ari-arian,bahay at pananim ay nasira sa naganap na digmaan.
B. Ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nagsitaasan.
C. Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama
______30. Dahil sa walang sapat na suplay ng pagkain, bumuo ang pamahalaan ng ahensya para sa tamang
pagrasyon ng pagkain,ano ito?
A. Philippine Sweepstakes Office
B. Bureau of Food and Drugs
C. Philippine Commodities Distribution Control
D. Department of Social Welfare and Development
______31. Ano ang mararamdaman mo kung mayroong digmaan na magaganap sa bansa?
A. Matutuwa dahil masasaksihan ang totoong labanan na napapanood lang sa mga palabas.
B. Magtatalukbong at maiiyak sa takot
C. Malulungkot dahil sa maaaring masamang epekto nito sa bansa.
D. Ang sagot sa titik B at C ay tama.
______32. Anu-ano sa iyong palagay ang maaaring idudulot ng digmaan sa isang bansa?
A. Maraming buhay ang mawawala maging hayop man ito o tao
B. Lahat ng mga imprastraktura,gusali at pamamahay ay masisira
C. Marami ang magugutom
D. Lahat ng nabanggit ay tama
______33. Bilang mag-aaral,ano ang gagawin mo kung ang inyong lugar ay salat na sa pagkain dahil sa
naganap na digmaan?
A. Ako ay mamamalimos na lang sa lansangan
B. Ako ay magtatanim ng mga gulay sa aming bakuran
C. Ako ay hihingi ng tulong sa aming mga kapitbahay
D. Ako ay uupo na lang at maghihintay kung kalian darating ang tulong.

______34. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahinto sa pag-aaral dahil winasak ng digmaan ang inyong
silid-aralan?
A. Maglalaro nalang ako ng mobile legend.
B. Maghahanap ako ng libangan sa aming mga kapitbahay.
C. Mag-aaral pa rin ako ng aking mga aralin at magpatulong sa mga
magulang kung may hindi nauunawaan.
D. Maghahamon ako ng karera sa aking mga kalaro.
_______35. Sa ating panahon ngayon,tayo ay nakikipaglaban sa hindi natin nakiki tang kalaban,ang corona
virus, bilang isang bata,ano ang iyong maaaring gawin upang malabanan ang sakit na ito?
A. Panatilihin kong malinis ang kapaligiran at ang aking katawan
B. Ako ay palaging gagamit ng facemask at maglalagay ng alcohol
C. Hindi ako lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
_______36. Anong mabisang sistema ang ginamit ng mga Amerikano na higit naka-apekto sa kaisipan -
kolonyal ng mga Pilipino?
A. sistema ng edukasyon B. pamamaraan ng pananmit
C. sitema ng pakikipaglaban D. pamamaraan sa pagkaing banyaga
______37. Paano ipinakikita ng mga Amerikano sa mga Pilipino na higit silang nakalalamang sa ibang bansa?
A. Magaling silang magsalita ng Ingles.
B. Ipinakikita nila ang mga bagong tuklas na bagay o teknolohiya.
C. Mahusay silang mag-aral ng Heograpiya.
D. Ipinakikita nila na mataas at matangkad sila.
_____38. Alin ang nagpabago ng pagkunsumo ng mga Pilipino sa mga bagay –bagay?
A. Ang pakikitungo nila sa mga banyaga.
B. Ang pagtuturo ng mga gurong Thomasites.
C. Ang pagmememorya ng mga banyagang salita.
D. Ang pagbili ng abot-kayang mga PX goods at duty-free products.
______39. Bakit ginamit ang Ingles bilang pangunahing wika sa sistemang edukasyon?
A. Ginamit ang wikang Ingles upang paghiwalayin ang Pilipino sa kaugaliang tradisyunal.
B. Ginamit ang wikang Inles upang maging angat ang Pilipno sa ibang bansa.
C. Ginamit ang wikang Ingles upang makarating tayo sa bansang Amerika.
D. Ginamit ang wikang Ingles upang makipag –usap sa mga Amerikano.
______40. Naka-apekto ang kaisipang kolonyal sa pamumuhay ng mga Pilipino ng masakop ng mga Kastila at
Amerikano,sa anong pamamaraan nagkakahalintulad ang dalawang mananakop?
A. A. Sa pamamaraang pakikitungo
B. B. Sa pamamaraang panrelihiyon
C. C. Sa pamamaraang pakikipagdigmaan
D. D. Titik A at titik B
ITEM ANALYSIS

Competencies No. of Placing of


Item Item
10 1-10

A. A. Masusuri ang mga naging suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng


digmaan; at
B. B. Matatalakay ang mga naging tugon sa mga suliranin mula 1946-1972

Natatalakay mo ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa Konteksto ng Kasunduang 5 11-15


Militar.
Natatalakay ang Parity Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos 5 16-20

Natutukoy ang Epekto ng Colonial Mentality Pagkatapos ng Ikalawang 5 20-25


Digmaang Pandaigdig
Natatalakay ang Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Pilipino Pagkatapos ng 10 25-35
Digmaan.
Natutukoy ang epekto ng kaisipang kolonyal sa pamumuhay ng mga Pilipino. 5 35-40

TOTAL 40

Prepared by: Noted:

GENER T. ANTONIO SIGRID I. BALLESTEROS


Grade 6 Adviser Teacher In-Charge

You might also like