You are on page 1of 7

Department of Education

National Capital Region

Schools Division Office - VALENZUELA CITY

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

Pangalan:______________________________________________Iskor_________________

Baitang/Pangkat:_____________________________ Guro:_________________________

PANUTO: Basahing mabuti at unawain ang bawat tanong bago magsagot. Isulat sa patlang sa
unahan ng bawat bilang ang titik o letra ng tamang sagot.

______ 1. Malaking pinsala ang dinulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Lumaganap ang
kahirapan dahil sa ______.
A. malakas na bagyong dumating
B. dami ng produktong iniluwas sa ibang bansa
C. maraming bahay ang sinunog
D. kawalan ng mga hanapbuhay

______ 2. Upang mapigilan ang pamamayani ng mga dayuhan sa pagpapatakbo ng kalakalan at


kabuhayan sa Pilipinas ay pinagtibay ang ______.
A. Land Reform Code C. Retail Trade
B. Resolusyon Blg. 204 D. Batas Militar

______ 3. Ang sektor na mas nabigyan ng pansin ng pamahalaan sa bisa ng Land Reform Code, pagtatayo
ng mga kooperatiba at pagpapaigting ng irigasyon ay ang _____.
A. kalakalan C. paghahayupan
B. pagsasaka D. kalusugan

______ 4. Ito naman ang sektor na nilinang nang maitayo ang mga paaralang pampamayanan o
community schools.
A. pagsasaka C. relihiyon
B. pananalapi D. edukasyon

______ 5. Noong ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng mga Amerikano, ang mga Pilipino
noong una ay ______.
A. natuwa dahil mas mabait sila kumpara sa mga Kastila.
B. nalungkot dahil umalis na ang mga malulupit na Kastila.
C. nalilito kung sino ba ang kanilang gusto sa dalawang bansa
D. hindi natuwa dahil matataas, mapuputi at matatalino ang mga Amerikano.

______ 6. Ito'y isang kapangyarihan ng isang estado na magpatupad ng mga batas sa kanyang
nasasakupan.
A. Kataas-taasang Hukuman C. Soberanya
B. Pinunong Supremo D. Kalayaan

______ 7. Ito ang kapangyarihan ng isang estdo na magpairal at magpatupad ng mga batas o patakaran
upang mapamahalaan ang lahat ng mga nasa teritoryo nito.
A. Soberanyang Pandaigdig C. Soberanyang Panlabas
B. Soberanyang Panloob D. Soberanya

______ 8. Sa pamamahala ni Pang. Manuel Roxas ay binigyan ang mga magsasaka ng 70% ng kabuoang
kinitang ani nila samantalang si Pang. Elpidio Quirino naman ay lumikha o nagtayo ng ______ katulad
ng Agricultural Credit Corporation Financing Administration (ACCFA) upang tulungan ang mga
magsasaka.
A. action committee C. bangko
B. kooperatiba D. advisory board

______ 9. Ang mga programa at patakaran ni Pang. Elpidio Quirino ay nakatulong sa mga mamamayan
na makabangon sa kahirapan. Alin sa mga sumusunod na programa ang hindi programa ni Pang. Elpidio
Quirino?
A. PACSA C. Labor Management Advisory Board
B. ACCFA D. Industriyalisasyon

______ 10. Ito ang mga itinawag kay Pang. Ramon Magsaysay dahil sa kanyang pagiging makamasa.
1. Tagapagligtas ng Demokrasya
2. Kampeon ng mga Masa
3. Anak ng Masa
4. Pangulong Makatao
A. 1 at 2 C. 1 at 3
B. 3 at 4 D. 2 at 4

______ 11. Alin sa mga sumusunod ang nagpabuti ng pamantayan ng pamumuhay ng mga Pilipino noong
ang pangulo ng bansa ay si Pang. Ramon Magsaysay?
A. paggawa ng mga sistemang patubig, tulay, balon at kalsada
B. pagsasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog
C. pagtatatag ng Southeast Asia Treat Organization (SEATO)
D. lahat ng mga nabanggit

______ 12. Inihain niya ang opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa Sabah noong Hunyo 22, 1962.
A. Pang. Carlos Garcia C. Pang. Elpidio Quirino
B. Pang. Diosdado Macapagal D. Pang. Ferdinand E. Marcos

______ 13. Maraming naging pangulo ng Pilipinas ang gumawa ng mga programang pangsakahan upang
mapabuti ang pamumuhay ng mga magsasaka. Sino ang pangulo noon nang maipasa sa Kongreso ang
Agricultural Land Reform Code noong 1963?
A. Pang Ferdinand E. Marcos C. Pang. Diosdado Macapagal
B. Pang. Ramon Magsaysay D. Pang. Elpidio Quirino

______ 14. Alin sa mga sumusunod ang hindi naipagawa ni Pang. Ferdinand E. Marcos sa kanyang unang
termino?
A. tulay at kalsada C. paaralan
B. pamilihan D. gusali ng pamahalaan

______ 15. Noong ideklara ni Pang Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar ay maraming tao ang ______.
A. natakot dahil sa dami ng nakikita nilang pulis at sundalo
B . natuwa dahil maraming tao na nasa kalsada ang hinuhuli at ikinukulong
C. nabigla, nagulat, nasaktan o nasugatan at dinala sa ospital
D. laging nasa labas ng bahay kahit hatinggabi dahil may curfew hours

______ 16. Ipinatayo ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang mga gusali tulad ng Folk Arts Theater, Philippine
Heart Center, Cultural Center of the Philippones at iba pa. Paano natin mapahahalagahan ang mga ito?
A. Kung nasa loob tayo ng mga gusaling ito ay mag-usap nang malakas at maglaro kung may
pagkakataon.
B. Gumuhit ng isang sining sa pader o dingding ng mga gusling ito bilang alaala.
C. Kung tayo ay mapasyal o makarating sa mga gusaling ito ay iwasan nating magkalat at maging sanhi
ng pagkasira ng mga ito.
D. Ipagkalat sa mga tao na ang mga gusaling ito ay luma na at delikadong puntahan o pasyalan.

______ 17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pambansang interes?


A. pagkampi sa mga Intsik na nagtataboy sa mga mangingisdang Pilipino
B. pakikipagkaibigan sa mga bansang hindi gumagalang sa ating karapatan
C. pagbili ng malalaking ari-arian sa mga kilalang lugar sa ibang bansa
D. paggiit na ipatupad ang panalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea

______ 18. Sa kasalukuyang panahon, alin kaya sa mga sumusunod ang isang hamon sa kasarinlan ng
ating bansa?
A. usapin sa West Philippine Sea C. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. pag-angkin sa Sabah D. pag-alis ng mg Filipno para maging OFW

______ 19. Anong uri ng suliranin ang tinutukoy sa "pagkasira ng patubig, sakahan at napabayaan ang
pagluluwas ng mga produkto"?
A. kapayapaan at kaayusan C. pang-ekonomiya
B. panglipunan D. pananalapi

______ 20. Ito ang kabutihang naidulot ng Patakarang Pilipino Muna.


A. Pinayagan ang mga dayuhang mangibabaw sa kalakalan sa ating bansa.
B. Inakit ang mga Filipino sa ibang bansa na umuwi dito at magnegosyo.
C. Nagbigay karapatan sa mga Filipino na magbukas ng kalakalan bago ang mga dayuhan.
D. Binigyan ng malaking bahagi o parte ang mga dayuhan sa pagmimina sa ating bansa.

______ 21. Noong dekada 60 ang Pilipinas ay pumangalawa na sa bansang ______ sa pangkaunlarang
kalagayan ng ekonomiya dahil tumaas ang produksyon at umunlad ang pagsasaka sa ating bansa.
A. Hapon C. Estados Unidos ng Amerika
B. Tsina D. Sabah

______ 22. Sa kasunduang Pilipino - Amerikano ay may mga Pilipinong hindi natuwa dahil ayaw nilang
sumailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhan. Sino kaya sila?
A. Pilipinong may kaisipang kolonyal
B. Pilipinong makabayan
C. Pilipinong makadayuhan
D. Pilipinong walang pakialam

______ 23. Kung sa kasalukuyang panahon tayo ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng ibang bansa, tayo
ba ay may soberanya?
A. mayroon C. Hindi ko tiyak
B. maaari D. wala
______ 24. Upang itayo ang ekonomiya ng bansa ay naging pryoridad ni Pang. Manuel Roxas ang
______ ng Pilipinas samantalang si Pang. Elpidio Quirino naman ay kinaharap ang malubhang banta ng
kilusang komunistang HUKBALAHAP.
A. Pilipinisasyon C. industriyalisasyon
B. kooperasyon D. administrasyon

______ 25. Ayon sa mga patakaran at programa nina Pang. ManuelRoxas at Pang. Elpidio Quirino ay
masasabi natin na ______.
A. nangamba at hindi mapalagay ang mga tao dahil sa banta ng HUKBALAHAP
B. nabaon sa utang sa kooperatiba at bangko ang mga magsasaka
C. naging maayos, payapa at maginhawa ang buhay ng mga Pilipino
D. nagsagawa ng kapistahan at salu-salo ang mga pamilya upang magsaya

______ 26. Ipinatupad naman ni Pang. Carlos P. Garcia ang Patakarang Pilipino Muna na nagpapakita ng
kanyang pagmamahal sa kanyang mga ______.
A. kababayan C. kamag-anak
B. kapwa D. kaibigan

______ 27. Ang mga programa ni Pang. Carlos Garcia ay nakatulong nang malaki sa buhay ng mga
Pilipino noon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga programa niya?
A. industriyalisasyon
B. First Filipino Policy
C. paglaganap ng kulturang Pilipino
D. pagrespeto sa karapatang pantao

______ 28. Ipinagamit ni Pang. Diosdado Macapagal ang pambansang wika natin sa iba't ibang bagay
katulad ng palatandaan sa trapiko. Ano ang epekto nito sa mga mamamayan?
A. Mas madaling naunawaan ng mga tao ang mga palatandaan ng trapiko
B. Naguluhan ang mga tao dahil mas madaling unawain ang wikang English
C. Nalungkot ang mga taong sanay magmaneho na ang traffic signs ay English
D. Nabawasan ang mga taong nais na maglakbay o magbiyahe

______ 29. Alin sa mga sumusunod na programa ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang nagdala ng malaking
halaga ng pera sa kaban ng pamahalaan?
1. epektibong pangongolekta ng buwis.
2. pagpapagawa ng mga gusali ng pamahalaan
3. pagtataboy sa mga mamumuslit
4. pagdeklara ng Batas Militar
A. 3 at 4 C. 2 at 4
B. 1 at 2 D. 1 at 3

______ 30. Sa panunungkulan ni Pang. Ferdinand E. Marcos ay dumanas ng malubhang krisis pang-
ekonomiya ang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang krisis na ito?
A. tumaas ang halaga ng piso kumpara sa dolyar
B. bumaba ang halaga ng piso kumpara sa dolyar
C. bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke
D. dumagsa ang mga produktong ibinibenta sa mga pamilihan

______ 31. Makatuwiran ba at nararapat na hiningi ni Pang. Carlos Garcia na bayaran ang pinsalang
idinulot ng Hapon sa Pilipinas dahil sa digmaan sa halagang 550 milyon?
A. Tama lamang dahil malaking kahirapan ang idinulot nila sa ating bansa.
B. Hindi dahil hindi naman pulubi ang mga Pilipino.
C. Tama upang maging kaawa-awa tayo sa paningin ng daigdig.
D. Mali dahil kailangan talagang pahirapan ng mga mananakop ang bansang sinakop nila.

______ 32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtatanggol sa ating pambansang interes?
A. hindi pagpapapasok sa mga dayuhang nais mamuhunan sa ating bansa
B. paghahain ng diplomatic protest dahil sa ilegal na pagpasok sa ating teritoryo
C. pagtanggap sa maraming produktong dayuhan na labis o sobra ang dami
D. pag-angkat sa mga produktong hindi naman kasama sa ating pangunahing pangangailangan

______ 33. Paano tinutugunan ng ating kasalukuyang pamahalaan ang usapin sa West Philippine Sea?
A. Pinapalubog ng ating mga sundalo ang mga bangkang pumapasok sa ating karagatan
B. Naghain ng diplomatic protest sa kinauukulan ang ating pamahalaan
C. Hinaharang ng mga mangingisdang Filipino ang mga dayuhang mangingisda
D. Pinapuputukan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga dayuhan

______ 34. Noong panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ay pinagbuti ang sistema ng edukasyon sa
bansa at nilinang ang damdaming nasyonalismo upang alisin ang ______.
A. pagkamakasarili C. kaisipang kolonyal
B. pagmamahal sa bansa D. pagnanais na mangibang bansa

______ 35. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay binigyan ng karapatang panatilihin ang pandaigdigang
halaga ng piso at ang katumbas na halaga kontra sa ______ ng ibang bansa.
A. dolyar C. pera
B. presyo D. ekonomiya

______ 36. Bakit walang soberanya ang Pilipinas noong tayo ay nasa ilalim pa ng pananakop ng mga
Kastila, Hapon at Amerikano?il
A. dahil iba ang namamahala sa ating bansa
B. dahil ibang patakaran ang ipinapasunod sa mga Pilipino
C. dahil ibang mga tao ang nasusunod sa ating teritoryo
D. lahat ng mga nabanggit na ito

______ 37. Dahil hindi kinilala ng China ang panalo ng Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea, anong
suliranin mayroon ang ating bansa?
A. kalayaan C. pulitika
B. soberanya D. ugnayan

______ 38. Si. Pang. Manuel Roxas ay maalalahanin at matulungin sa kapwa. Si Pang. Elpidio Quirino
naman ay isang matatag na pinuno at tinitingala ng kanyang ______.
A. nasasakupan C. pamilya
B. tagahanga D. kamag-anak

______ 39. Mas maraming naisagawang programa si Pang. Elpidio Quirino kaysa kay Pang. Manuel
Roxas dahil ______ .
A. sa tindi at laki ng pinsalang iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. mas bata at matalino si Pang. Quirino
C. maraming bansa ang tumulong kay Pang. Elpidio Quirino noon
D. hindi tumulong noon sa Pilipinas ang Estados Unidos ng Amerika
______ 40. Pinalaganap ni Pang. Carlos Garcia ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting
pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa. Samantala ay ipinatupad naman ang pagsusuot
ng Barong Tagalog at ang pagtatayo ng Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) ni Pang. Ramon
Magsaysay.
A. Ang tungkol lamang kay Pang. Ramon Magsaysay ang totoo.
B. Walang katotohanan ang binanggit tungkol kay Pang. Carlos Garcia.
C. Parehong tama ang mga nabanggit tungkol sa dalawang pangulo.
D. Ibang mga pangulo ang gumawa ng mga nasabing programa.

______ 41. Ano kaya ang naging reaksyon ng mga Pilipinong makabayan dahil ipinagamit ni Pang.
Diosdado Macapagal ang ating pambansang wika?
A. Nalungkot sila dahil mahirap isalin sa wikang Pilipino ang ibang mga salitang dayuhan
B. Nagtaka sila kung bakit ito naisip at ipinatupad ni Pang. Diosdado Macapagal.
C. Tumanggi sila dahil ayaw nilang ipagamit sa pang-araw-araw na buhay ang ating wika.
D. Natuwa sila at nagdiwang dahil lalong malilinang ang ating wika.

______ 42. Ito ang naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa panahon ng
pamamahala ni Pang. Ferdinand E. Marcos.
A. pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, paaralan at mga gusali
B. pagdaos ng Manila Summit Conference
C. pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan
D. pagdeklara ng Batas Militar

______ 43. Ang mga taong hindi nasiyahan o hindi nagustuhan ang pamamahala ni Pang. Ferdinand E.
Marcos ay tinawag na ______ .
A. anti Marcos C. antipatiko
B. anti Christ D. pro Marcos

______ 44. Sa panunungkulan ni Pang. Elpidio Quirino ay naisabatas ang Magna Carta of Labor at ang
Minimum Wage Law. Kaninong buhay ang napabuti ng mga ito?
A. magsasaka C. dayuhan
B. negosyante D. manggagawa

______ 45. Ito ay nagpapakita ng pagtatanggol sa ating pambansang interes.


A. pagtataboy sa mga dayuhang mangingisda na pumapasok sa West Philippine Sea
B. pag-aalis ng mga sundalong Pilipino sa kanilang kampo sa West Philippine Sea
C. pagbibigay daan sa mga dayuhan na mangisda sa ating karagatan
D. pagkitil sa buhay ng mga Pilipinong nakabilanggo sa ibang bansa

______ 46. Itinatag ito noong Enero 3, 1949 upang matiyak ang pagsulong ng ekonomiya at katatagang
pananalapi ng ating bansa.
A. Bangko Sentral ng Pilipinas C. International Monetary Fund
B. World Bank D. Development Bank of the Philippines

______ 47. Paano mo mapahahalagahan ang Patakarang Pilipino Muna?


A. Bilhin ang masasarap at mamahaling produkto mula sa ibang bansa
B. Tangkilikin at bilhin ang ating sariling mga produkto
C. Manood ng mga palabas o videos tungkol sa ibang bansa
D. Bumili at magsuot ng mga damit gawa sa ibang bansa

______ 48. Ang mga elemento ng isang estado ay ang mga mamamayan, teritoryo, pamahalaan at
soberanya. Ang Pilipinas ba ay isang estado na may soberanya?
A. Hindi C. Maaari
B. Oo D. Hindi ko tiyak.

______ 49. Ayon sa programa ni Pang. Diosdado Macapagal na ipagamit ang ating pambansang wika sa
mga Pilipino masasabi natin na siya ay ______ .
A. makakalikasan C. makatao
B. makabayan D. makaDiyos

______ 50. Dahil sa krisis na pang-ekonomiya sa administrasyon ni Pang. Ferdinand E. Marcos ay


maraming Pilipino ang _____ .
A. nabigyan ng hanapbuhay
B. nawalan ng trabaho
C. nakapagtayo ng sariling negosyo
D. naging matagumpay

You might also like