You are on page 1of 9

THIRD PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________________


Guro: ____________________________________Pangkat at Baitang: ___________

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik nang tamang sagot.
1.Naisabatas ito upang ang isang magsasaka ay magkaroon ng lupang masasaka.
A. Reporma sa Lupa C. Pagpaplano ng Pamilya
B. Programang Pilipino Muna D. Pagpapa-utang sa mga Mangangalakal

2. Sino ang mag-aaral na pina-paaral nang libre?


A. Mga naninirahan sa liblib na lugar. C. Mga batang mag-aaral sa elementary
B. Mga mahihirap ngunit matatalino D. Mga madaling matuto sa mga aralin
3. Ano ang pinakakailangang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas
ang iba’t ibang suliranin ng bansa?
A. Maging disiplinado
B. Nararapat na gumawa ng programa ang pamahalaan ukol sa suliranin ng bansa
C. Ang mga mamamayan ay kailangang sumuporta sa programang makakatulong
sa paglutas ng mga suliranin
D. Wala sa nabanggit
4. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating sariling produkto?
I. Nagdudulot ng mas madaming hanap-buhay sa loob ng bansa.
II. Nagpapalakas sa mga local na industriya at negosyo.
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan.
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
A. I, II at III C. III, IV at I
B. II, IV at I D. Lahat ng nabanggit
5.Ano ang kabutihang dulot ng pagtatayo ng Base Militar sa Pilipinas?
I. Tumaas ang seguridad ng bansa.
II. Naging pala-ibigan ang mga Pilipino.
III. Naging matapang ang mga Pilipino.
IV. Lumago ang turismo sa lokasyon kung saan naitayo ang mga base.
A. I at IV C. I at III
B. III at IV D. II at IV
6. Ano ang itinatag ni Pangulong Osmeña upang malutas ang isyu ng kolaborasyon?
A. Barangay Court C. People’s Court
B. B. Basketball Court D. Supreme Court

7. Sino ang tumulong kay Manuel Roxas na mapawalang sala sa kasong isinampa sa kanya?
A. Roosevelt
B. Heneral Luna
C. Pangulong Osmeña
D. Heneral MacArthur
8. Si Karina ay mahilig sa mga produktong galing sa Estados Unidos dahil naniniwala siya
na mas mainam gamitin ang kanilang produkto kaysa sa ating produkto. Anong kaugalian
mayroon si Karina?
A. Mapangahas
B. Crab Mentality
C. Colonial Mentality
D. Ambisyosa sa Crab mentality Mapangahas
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensya sa atin ng mga Amerikano?
A. Pagmamano sa magulang.
B. Pagbubuklod ng mag-anak.
C. Paggamit ng “po at opo”.
D. Pagbati gamit ang “hi”
10. Siya ang batang kongresista mula sa Zambales na dating gerilya.
A. Elpidio Quirino
B. Manuel Roxas
C. Ramon Magsaysay
D. Sergio Osmeña
11. Tungkulin ng programang ito na bigyan ng pagkain, gamot at damit ang mga
biktima ng Huk.
A. KKK
B. HukBaLaHap
C. Parity Rights
D. President’s Action Committee on Social Amelioration
12. Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas na nagdeklara ng kalayaan ng bansa
noong Hunyo 12, 1898 mula sa pananakop ng Spain.
A. Emilio Aguinaldo
B. Elpidio Quirino
C. Luis Taruc
D. Manuel Roxas

13. Alin sa sumusunod ang batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng United States na
binigyan ng 10 taon ang mga Pilipino upang maghandang makapagsarili at itatag ang
pamahalaang ito?
A. Commonwealth
B. Isip-Kolonyal
C. Malacañang Palace
D. Puppet Government

14. Aling bansa ang nakipag-ugnayan sa Pilipinas noong Abril 18, 1947?
A. China
B. Espanya
C. Estados Unidos
D. Japan

15. Alin sa sumusunod ang nagbigay ng pagkakataon tulad ng tirahan at lupang


sakahan sa mga nagsisukong Huk?
A. Land Reform tenure
B. “Puppet Government”
C. Economic Development Corporation
D. President’s Action Committee on Social Amelioration
16. Alin sa sumusunod ang naging programa ni Pangulong Magsaysay bilang pangulo?
A. “Pilipino Muna”
B. “Puppet Government”
C. “This country will be great again”
D. “Kaligayahan at katatagan ng karaniwang tao”
17. Ito ang programang ipinatupad ni Pangulong Magsaysay kung saan maaring makautang ang
mga magsasaka upang makabili ng sariling kalabaw at iba pang gamit sa pagsasaka.
A. Land Tenure Reform Law
B. Farmer’s Cooperative Marketing Association
C. Presidential Complaints and Action Committee
D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
18. Sino ang supremo ng HUKBALAHAP na sumuko sa panahon ni Magsaysay?
A. Guillermo P. Nakar C. Josefa Llanes Escoda
B. James Cushing D. Luis Taruc
19. Alin sa sumusunod ang pangalan ng bagong uri ng binhi na sinaliksik sa panahon ni
Pangulong
Magsaysay?
A. Mabango C. Masagana 99
B. Malagkit 4 D. Milagrosa

20. Alin sa sumusunod ang ipinatupad sa panahon ni Magsaysay na nagbibigay ng karapatan


sa mga manggagawa na magtayo ng union, pagwewelga at pakikipag- ayos sa pamahalaan?
A. Magna Carta of Labor
B. Magna Carta of Women
C. Magna Carta of the Poor
D. Magna Carta for Philippine Internet

21. Alin sa sumusunod ang HINDI ipinatupad na programa sa ilalim ng panunungkulan ni


Pangulong Magsaysay?
A. Land Tenure Reform Law
B. Farmer’s Cooperative Marketing Association
C. President’s Action Committee on Social Amelioration
D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
22. Pang ilang pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas si Pangulong Carlos P. Garcia?
A. Pangalawa C. Pangatlo
B. Pang-apat D. Panglima
23. Base sa Ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Garcia, sino ang dapat
humawak sa ating industriya?
A. Dayuhan C. Pilipinong negosyante
B. Mangangalakal D. Tsino
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging pagbabago sa mga ipinatupad ni Pangulong
Carlos P. Garcia?
A. Pagpapaigsi sa 25 taon na pag-upa sa mga base military sa halip na 99 taon.
B. Pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa
Maynila.
C. Pagkonsulta ng pamahalaan ng United States sa Pilipinas bago magtayo
ng lunsuran ng mga missiles.
D. Pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri
ng binhi tulad ng Masagana 99.
25. Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng Pamahalaan?
A. Upang maging matipid na paggasta at maunlad na kalakalan.
B. Upang maging matipid na paggasta at matapat na paglilingkod.
C. Upang maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas para sa katahimikan.
D. Upang maging maluwang sa pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis.

26. Ano ang programang kanyang inilunsad na naglalayong dapat unang mabigyan ng
hanapbuhay ang mga Pilipino?
A. Filipino First Policy
B. Land Tenure Reform Law
C. Filipino Retailers Fund Act
D. National Marketing Corporation Act
27. Paano naiwasan ang lumalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa?
A. Ipinatupad ang paghihigpit sa pagpapadala ng remittances.
B. Ipinatupad ang paghihigpit sa pag-aangkat ng mga produkto.
C. Ipinatupad ang mahigpit na pag-export ng mga kalakal sa bansa.
D. Ipinatupad ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa United States.
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging pagbabago sa mga ipinatupad ni Pangulong
Carlos P. Garcia?
A. Pagpapaigsi sa 25 taon na pag-upa sa mga base military sa halip na 99 taon.
B. Pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila.
C. Pagkonsulta ng pamahalaan ng United States sa Pilipinas bago magtayo ng
lunsuran ng mga missiles.
D. Pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng
binhi tulad ng Masagana 99.
29. Bakit naging isyu ang mga base militar ng mga Amerikano noong panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia?
A. Dahil sa pagkakaroon ng mga armas na nuclear dito.
B. Dahil sa di pagtataas ng bandilang Pilipino sa mga base.
C. Dahil sa di-pantay na paggawad ng katarungan sa loob ng mga base
militar ng mga Amerikano.
D. Lahat ng nabanggit
30. Ano ang dahilan kung bakit mala-kolonyal ang ating ekonomiya?
A. Batas Jones
B. Parity Rights
C. Global Education
D. Reparations Agreement
31. Kailan namahala si Ferdinand E. Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas hanggang ideklara nya ang
Martial Law?
A. Disyembre 25, 1965 - Setyembre 2, 1972
B. Disyembre 30, 1965 - Setyembre 2, 1972
C. Disyembre 30, 1965 - Setyembre 21, 1972
D. Disyembre 20, 1965 - Setyembre 2, 1972

32. Itinatag ang upang mamahala sa pamamahagi ng lupa.


A. Department of Agrarian Reform (DAR)
B. Farmer’s Cooperative Marketing Association
C. Presidential Complaints and Action Committee
D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
33. Sa pangunguna ni ____________ naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk
Arts Theater.
A. Ramon Magsaysay
B. James Cushing
C. Gng. Imelda Marcos
D. Luis Taruc
34. Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang paggamit ng ______na kayang
magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa.
A. Mabango
B. Miracle rice
C. Masagana 99
D. Milagrosa
35. Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga
Pilipino.
A. Department of Agrarian Reform (DAR)
B. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
C. Green Revolution
D. Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater
36. Alin sa mga sumusunod ang ipinatupad na programa sa ilalim ng panunungkulan ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos?
A. Land Tenure Reform Law
B. Farmer’s Cooperative Marketing Association
C. Green Revolution
D. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
37. Ang mga sumusunod ay ang mga programang nagawa ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos MALIBAN sa isa.
A. Paggawa ng Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge.
B. Pagtataguyod ng Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration
C. Pagsasaayos ng malalaki at maliliit na industriya
D. Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid aralan
38. Paano tinulungan ng pamahalaan Marcos ang mga magsasaka?
A. Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang
hatiin ang labis nilang lupain.
B. Binigyan ng pagkakataong mabili ang lupang sinasaka
C. Binigyan ng perang pampuhunan sa pangangalakal
D. Binigyan ng pera sa pag-aaral ng agrikultura sa kolehiyo
39. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan ng pagkadeklara ng Martial Law MALIBAN sa
isa.
A. Pagsilang ng MNLF o ang Moro National Liberation Front
B. Suliranin sa Pambansang Kapayapaan at Kaayusan
C. Pagsilang ng Aktibismo
D. Paalisin sa bansa ang mga dayuhan
40. Dahil sa mga programang ipinatupad ni Ferdinand E. Marcos nakilala siya bilang
A. “The Architect of the New Society”
B. “The one-man band”
C. “The one”
D. “The best Philippine President”
41. Ano ang kahulugan ng kalayaan?
A. Kasarinlan C. pagiging malaya
B. may kapangyarihan D. lahat ng nabanggit
42. Kailan ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng bansa?
A. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 4,1946
B. Hulyo 14,1946 D. Hunyo 12,1946
43. Ang lahat ay itinuturo sa pambansang interes na kayamanan bilang isang Pilipino
MALIBAN sa .
A. intelektuwal B. ispiritwal C. moral D. Pera
44. Sino ang itinuturing na isang Pilipino?
A. Nakatira sa Pilipinas.
B. Naipanganak sa Pilipinas.
C. Ang mga magulang ay isang Pilipino.
D. Lahat nang nabanggit
45. Ano ang kailangan upang makamit ang kalayaan ng isang bansa?
A. magkaisa B. magkapit-bisig
C. magtulungan D. Lahat ng nabanggit.
46. Ano ang kailangan upang maisulong ang tunay na pagbabago ng ating bansa?
A. Isipin ang sariling kapakanan.
B. Magpagalingan ang mga namumuno.
C. Magkaroon ng iisang ideyolohiya ang mga Pilipino.
D. Wala sa nabanggit.
47. Ano ang ibig sabihin ng “ang Pinoy ay taga-igib ng tubig sa sarili niyang bansa”?
A. Hari sa sariling bansa.
B. Alila sa sariling bansa.
C. Mahirap sa sariling bansa.
D. Katulong sa sariling bansa.
48. Ito ay nangangahulugang “Diwang Pilipino”.
A. Ideyoholiya C. Pilipinismo
B. Makabansa D. Pambansang Interes

49. Paano mapapahalagahan ang mga nagawa ng mga Pilipino noon sa pagtatanggol sa ating
bansa para makamtam ang kalayaan?
A. ikahiya C. ipagwalang bahala
B. B. ipagmalaki D. limutin
50. Ano ang dapat na maging katangian ng isang lider?
A. Isipin ang pansariling interes
B. Tulungan lang ang nasasakupan
C. Isipin muna ang ikabubuti ng nasasakupan bago ang pansariling interes.
D. Lahat ng nabanggit

Goodluck!!!

You might also like