You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan: ________________________________ Grade & Section: ______________________

Test I. Direksiyon: Basahain at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Sino ang pangulong namuno sa kinikilala nating Unang Republika ng Pilipinas?
a. Manuel L. Quezon c. Jose P. Laurel
b. Emilio Aguinaldo d. Jose P. Rizal
2. Anong kasunduan ang nilagdaan noong Agosto 30, 1951 na naglalahad ng pagtatanggol sa
isa’t-isa ng mga Pilipino at Amerikanong militar?
a. Military Assistance Agreement c. US – RP Mutual Offense Treaty
b. US – RP Mutual Defense Treaty d. Bell Trade Relations
3. Aling Inherent Power ng Estado ang tumutukoy sa pagbibigay ng restriksiyon sa pagtataguyod
at pangangalaga ng kaligtasan, moralidad at pangkalahatang kapakanan at pampublikong
interes?
a. Police Power b. Eminent Domain c. Taxing Power d. Sovereignty
4. Anu-anong ahensya ang bumubuo sa Philippine Navy?
a. Philippine Fleet at Philippine Marine Corp
b. Philippine Coast Guard at Philippine Marine Corp
c. Philippine Fleet at Philippine Coast Guard
d. Philippine Fleet, Philippine Marine Corp at Philippine Coast Guard
5. Ano ang itinatag ni Pangulong Magsaysay upang bigyan ng kaluwagan ang mga Pilipino sa
pagpapahayag ng kanilang pangangailangan?
a. Presidential Complaints Action Committee
b. Economic Development Corporation
c. Commission on National Integration
d. Agricultural Credit and Coop. Financing Admin.
6. Bakit ipinatupad ni Pangulong Garcia ang Filipino First Policy?
a. Upang una munang makapaglakbay ang mga Pilipino.
b. Upang unang mabigyan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
c. Upang unang mabigyan ng perang magagasta ang mga Pilipino .
d. Upang unang bibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa pagpapaunlad ng
kabuhayan
7. Hanggang sa kasalukuyan ay banaag parin ang kaisipang kolonyal sa ating mga Pilipino. Alin
sa mga sitwasyon ang nagpapatunay nito?
a. Marami ang nagtitinda at namimili ng ukay-ukay.
b. Bumili si nanay ng bakya sa Marikina.
c. Suman ang miryenda sa bahay.
d. Barong ang ginagamit tuwing may kasal.
8. Kaugnay ng pagpapatibay ng Bell Trade Relations noong Oktubre 1945, ilang taon ang
itinadhanang malayang pakikipagkalakalan ng United States sa Pilipinas?
a. 7 b. 8 c. 9 d. 10
9. Anong katangian ng soberanya ang tumutukoy sa kapangyarihan na hindi maaaring ipasa o
ipagkaloob kanino man?
a. Permanente b. may awtonomiya c. komprehensibo d. absolute

10 Alin ang HINDI kalakip sa kawanihan ng Department of National Defense?


a. Government Arsenal c. Office of Civil Defense
b. Department of Justice d. National Defense College of the Philippines
11. Magkano ang itinalagang halagang napagkasunduan ng Pilipinas at Hapon bilang bayad-
pinsala sa digmaan ayon sa Reparations Agreement noong May 9, 1956?
a. US $ 800,000 b. US $ 800,000,000 c. Php 800,000 d.Php 800,000,000
12. Saan nakatuon ang pangunahing palatuntunan sa pamumuno ni Pangulong Macapagal?
a. reporma sa lupa c. pagpapasiklab ng rebolusyon
b. pagtatayo ng mga gusali d. pagpapautang sa magsasaka
13. Ayon sa Bell Trade Act, alin sa mga produktong mula sa Pilipinas patungong United States
ang hindi kabilang sa may kota?
a. mga produktong de lata c. Abono at palay
b. Bigas at tabako d. Asukal at langis
14. Bakit pinakamahirap makamit ang soberanya ng isang estado?

a. Dahil wala pang bansa ang naging tunay na malaya


b. Dahil kailangan munang kilalanin ng ibang mga estadong may soberanya sa daigdig
c. Dahil para sa mga mayayamang bansa lamang ito
d. Dahil kailangang malawak ang sakop na teritoryo
15. May isang pangkat ng kalalakihang gumagawa ng kaguluhan sa baryo. Sino ang
pinamakatutulong sa sitwasyon?
a. Pulis b. Sundalo c. Air Force d. Marines
16. Paano naapektuhan ng colonial mentality ang kaugalian ng mga Pilipino?
a. Ipinalit ang pagbati ng “hi” sa pagmamano.
b. Naging maluwag ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino
c. Gumamit ang mga Pilipino ng mga banyagang pangalan tulad ng Charles at John
d. Lahat ng nabanggit.
17. Alin sa sumusunod ang lubos na nagbibigay-kahulugan sa salitang “estado”?
a. Ito ay binubuo ng mga mamamayan sa isang teritoryo na nagpapatupad ng kanya-
kanyang batas.
b. Ito ay binubuo ng mga mamamayang naninirahan sa isang nakatahdang teritoryo, may
pamahalaan na kinikilala ng karamihan at nakatatamasa ng soberanya.
c. Ito ay binubuo nga mga mamamayang nakatira sa isang teritoryo na pinamamahalaan ng
mga dayuhan.
d. Ito ay binubuo ng mga mamamayang naninirahan sa isang teritoryo na walang
kinikilalang batas.
18. Sa tuwing may mga kalamidad, bakit ang Office of Civil Defense ang kailangang manguna sa
pagtulong sa mga biktima?
a. Kailangan nitong magpabango sa media.
b. Tungkulin nito ang pangalagaan ang buhay at ari-arian ng mamayan sa tuwing may
kalamidad
c. Sila ang tagapamahala ng mga bombero at ambulansya
d. May malaking pabuyang naghihintay sa kanila
19. Bakit ipinagpatuloy ni Pangulong Roxas ang pakikipag-ugnayan sa United States pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan?
a. Dahil sa mga suliraning pangkatahimikan pagkatapos ng digmaan.
b. Dahil nagbanta ang mga Hapones na sila ay babalik muli.
c. Dahil maraming tanggapan ang nasira dulot ng digmaan.
d. Dahil kailangan ng Pilipinas ng tulong pinansyal mula sa mga Amerikano
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga mabubuting ginawa ni Pangulong Marcos
habang siya ay nanunungkulan?
a. Pagsasakatuparan ng mas malawak na reporma sa lupa
b. Pagpapatayo ng higit sa 80 000 silid-aralan
c. Pagdedeklara ang batas-militar
d. Pagpapasimula ng Green Revolution
21. Bilang mamamayan ng bansang napinsala ng digmaan, paano ka makakatulong upang
mabawasan ang kahirapan?
a. Umasa sa tulong ng ibang bansa
b. Hintayin ang mga programa ng gobyerno na makakatulong sa kabuhayan
c. Magtrabaho at magsumikap na makapagtanim para pantustos sa pamilya
d. Magnakaw sa mga kapitbahay para may makain ang pamilya
22. Bakit kailangang magtatag ng iba’t ibang ahensiya ang pamahalaan na mangangalaga sa
kaayusan at kaligtasan ng mamamayan?
a. Patunay ito na maunlad ang bansa
b. Kailangan ito ng mamamayan kapalit ng kanilang buwis na ibinabayad
c. Tungkulin at pananagutan ng pamahalaan ang pangangalaga ng sambayanan nito
d. Protektahan ang teritoryo ng bansa
23. Sa iyong palagay, bakit kailangang makipag-ugnayan ng pamahalaang Roxas sa bansang
Hapon pagkatapos ng digmaan?
a. Upang pakiusapan na wag ng guluhin ang ating bansa
b. Upang matiyak na susuportahan ang mga anak na naiwan sa bansa
c. Upang humingi ng bayad-pinsala sa mga nasira ng digmaan
d. Upang makahiram ng perang pampuhunan sa pagbangon ng bansa
24. Bakit napilitan ang mga Pilipinong sang-ayunan ang Parity Rights kahit hindi ito
makatarungan?
a. Dahil sa kapalit nitong tulong pinansyal mula sa United States
b. Dahil sa takot na umusbong muli ang labanan
c. Dahil sagana naman tayo sa likas na yaman
d. Dahil sa utang na loob
25. Paano nakatulong sa mga Pilipino ang programang National Marketing Corporation Act ni
Pang. Garcia?
a. Nagbigay puhunan sa maliliit na mangangalakal
b. Nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong mapaunlad ang kanuhayan bago ang mga
dayuhan
c. Nagpautang ng pera ang mga dayuhan sa mga Pilipinong mangangalakal
d. Nagbigay bayad sa pinsalang dulot ng digmaan

Test II. Tukuyin ang ipinapahayag ng mga sumusunod na pangugusap. Hanapin sa loob ng kahon
ang sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
a. Rehabilitation Finance Corporation d. Parity Rights
b. President’s Action Committee on Social Amelioration e. Military Assistance Agreement
c. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration f. Land Tenure Reform Law
__________26..Nagpapautang sa mga magsasaka upang makabili ng sariling kalabaw at iba pang
kagamitan
sa pagsasaka
__________27.Paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang ipamahagi ng
hulugan sa mga kasama
__________28.Tutulong sa mga tao at mga pribadong kompanya na makapagsimulang muli at
makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan.
__________29.Pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na malinang at magamit ang likas
na yaman ng bansa.
__________30.Tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap at nasalanta ng kalamidad.

Test III. Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ang mga nakasaad ay TAMA o MALI.
Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 31. Ang patakaran ni Pang. Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagn ng
bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa United States.
__________ 32. Ang pinakamahalagang element ng estado ay ang teritoryo o ang lupang naangkin
nito.
__________ 33. Ang Magna Carta ng Paggawa ay may malaking tulong sa mga manggagawa dahil
ito ay nagbibigay karapatan sa kanila na makapagtaguyod ng unyon, magwelga kung kinakailangan
at makipag-ayos sa pamahalaan.
__________ 34. Ang pagdeklara ni Pang. Marcos ng Batas Militar ay naging hudyat ng pagwawakas
ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
__________ 35.Binuksa ni Pang. Quirino ang Malacanang para sa masa kaya siya tinaguriang “ Idolo
ng Masa”.

Test IV.
36-38. Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng epekto ng kaisipang kolonyal ( Colonial Mentality ) sa
buhay ng mga Pilipino. ( 3 pts. )

39-40. Bilang mag-aaral, paano mo ipagmamalaki ang ating sariling mga produkto? Gumawa ng
slogan.
( 2 pts. ).

GOD BLESS!!!

You might also like