You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Sur
TABLE OF SPECIFICATION (TOS)
ARALING PANLIPUNAN VI

BILANG. NG KINALALAGYAN NG
KASANAYAN
AYTEM AYTEM
A. Nasusuri ang mga pangunahing
suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang 8 1-8
Pandaigdig

B. Nasusuri ang iba’t ibang reaksyon ng


mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag
ng ilang di-pantay na kasunduan tulad 7 9-15
ng Philippine Rehabilitation Act, parity
rights at Kasunduang Base Militar

C. Napahahalagahan ang pamamahala ng


mga naging pangulo ng bansa mula 5 16-20
1946 hanggang 1972

D. Naiuugnay ang mga suliranin, isyu at


hamon ng kasarinlan noong panahon ng
Ikatlong Republika sa kasalukuyan na 10 21-30
nakakahadlang ng pag-unlad ng bansa

E. Nakapagbibigay ng sariling pananaw


tungkol samga pagtugon ng mga
Pilipino sa patuloy na mga suliranin, 10 31-40
isyu at hamon ng kasarinlan sa
kasalukuyan

KABUUAN 40 40
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : __________

I - Basahing mabuti ang bawat pangungusap o parirala at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang wikang ginamit sa pagtuturo sa mga paaralan noong panahon ng mga Amerikano?
a. Ingles b. Tagalog c. Pilipino d. Espanyol
2. Alin sa sumusunod ang bagong uri ng sasakyang dinala ng Estados Unidos sa Pilipinas?
a. Kotse b. Van c. Jeep d. bus
3. Ano ang pamahalaang unang itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?
a. Militar b. sibil c. makasarili d. demokratiko
4. Anong batas pangkalayaan ang unang ipinagkaloob ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
a. Hawes Cutting c. Jones
b. Tydings-Mcduffie d. Wood-Forbes
5. Sino ang pangulo ng Estados Unidos na nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas?
a. Jonathan wainwright c. Harry s. Truman
b. Douglas McArthur d. Paul MacNutt

6- 10. Tukuyin kung anong karapatan ang binabanggit sa mga sumusunod na pahayag.
Piliin ang letra ng tamang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Karapatan sa kalayaan
B. Pantay na Pribilehiyo
C. Karapatan sa pagmamay-ari
D. Karapatang makipag-ugnayan
E. Karapatan sa saklaw na kapangyarihan

6. ______. Sa batas pandaigdig, ang bawat estado ay may pantay na karapatan ,tungkulin at
pribilehiyo anuman ang kanilang laki, yaman at kulturang mayroon.
7. ______Karapatan ng bawat estado ng pamahalaan ang sarili ng hindi pinakikialaman ng ibang
bansa.
8. ______ Karapatan ng estadong gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang
nasasakupan.
9. ______Ang pagpapadala ng mga diplomat sa ibang bansa at pagtanggap din ng mga embahada
nito sa ating bansa ay karapatan ng bansa.
10. ______ Ang mga likas na yaman ng bansa at iba pang nasa teritoryo nito ay bahagi rin ng
karapatan ng bansa.
11. Ano ang kahulugan ng soberanya?
a. pagkamatapat b. kayamanan c. kapangyarihan d. katungkulan
12. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa?
a. Disyembre 10, 1898 c. Hunyo 12, 1898
b. Hulyo 4, 1946 d. Setyembre 21, 1972
13. Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas?
a. leon b. agila c. araw at tatlong bituin d. lahat ng nabanggit
14. Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin?
a. Luzon b. Visayas c. Mindanao d. lahat ng nabanggit
15. Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas?
a. palagian at walang taning na panahon c. pansarili at lubos
b. malawak na saklaw d. lahat ng nabanggi
16. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya
a. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
b. isang ganap na malaya
c. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan
d. lahat ng nabanggit
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob?
a. pakikialam sa suliranin sa Tsina c. pag-alis sa bansa
b. pagpapatupad sa sariling batas d. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas?
a. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa
b. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o
pamamahala ng ibang bansa
c. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan
d. wala sa nabanggit
19. Ano ang sumasagisag sa Leon?
a. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol?
b. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos?
c. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa.
d. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya
20. Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan?
a. mga piling mamamayan c. mga pinuno sa pamahalaan
b. lahat ng Pilipino d. mga mamamayang may 21 taong gulang
21. Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating
bansa?
a. ROTC c. Hukbong Katihan ng Pilipinas
b. Sandatahang Lakas ng Pilipinas d. Kagawarang Panlakas
22. Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
a. mga estudyante c. mga kalalakihan
b. mga sundalo d. mga mamamayan
23. Kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika na nagpahintulot sa pagtayo ng base –militar
ng Estados Unidos sa Pilipinas.
a. Military –Base agreement c. Military Assistance Agreement
b. Philippine Trade Act d. Payne Aldrich act
24. Sinong pangulo ang lumagda at nagbigay higit kapangyarihan sa mga Amerikano sa paglagda
ng Military-Base Agreement sa Amerika?
a. Rodrigo R. Duterte c. Manuel Roxas
b. Cory Aquino d. Elpidio R Querino
25. Saan matatagpuan ang pamhimpapawid na Base-Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. Baguio City c Clark Pampanga
b. Pasay City d. Sangley Point
26. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng Base-Militar ng Amerika sa
Pilipinas?
I. Naging mayaman ang mga mamayang Pilipino dahil sa dolyar na dinadala dito.
II. Karamihan sa mga Pilipinong nakatira sa malapit sa base ay nagkaroon ng
hanapbuhay.
III. Napaunlad ang kakayahan sa pakikipaglaban ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
IV. Nakapag-asawa ang mga Pilipina ng mga sundalong
a. I ay tama c. II, III, at IV
b. II at III d. II at IV
27. Alin sa mga sumusunod ang di- magandang epekto ng pagkakaroon ng Military Agreement sa
Amerika?
a. Maraming Pilipinong sundalo ang naiangat ang kaalaman sa pakikipaglaban.
b. Nabigyan ng maraming sandata ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
c. Nasasali tayo sa mga usaping panseguridad sa loob at labas ng bansa na
may kaugnayan sa Amerikano
d.Naging mahusay an gang mga Pilipinong mandirigma
28. Anong patakaran ang tinutukoy ang ipinasa sa Kongreso ng Estados Unidos upang maglaan ng
pondo bilang bayad-pinsala sa mga nawasak sa Pilipinas?
a.Rehabilitation act c. Bell Trade act
b.Parity Rights d. Military Bases agreement
29. Anong soberanyang panlabas ang idinadaan sa halalan ang pagpili ng pinuno?
a.Pulitikal b. legal c. popular d. de facto
30. Anong ang tawag sa karapatan ng bawat estado na pangasiwaan o pamahalaan ang sarili?
a.Kalayaan c. pantay na pribileheyo
b.Pagmamay-ari d. kapangyarihan
31. Sa kaninong panunungkulan nabuo ang isang probisyonal na Saligang Batas na niratipikahan ng
mamamayang Pilipino?
a.Gloria Macapagal Arroyo c. Joseph Ejercito Estrada
b.Fidel V. Ramos d. Corazon C. Aquino
32. Aling Saligang Batas ang nagbigay-pahintulot kay Marcos upang ideklara ang Batas Militar?
a.Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng 1973
b.Saligang Batas ng 1986 d. Freedom Constitution
33. Anong katiwalian ang nabunyag sa publiko noong 2013?
a. PDOF b. PDAF c. FDAP d. PFAD
34. Ang taong may magandang edukasyon ay nakatutulong upang mapabuti ang kalagayan ng
pamayanang kanyang kinabibilangan at ng bansa sa kabuuan.
a. Alagaan ang sarili c. Palawakin ang kaalaman
b.Tangkilikin ang sariling produkto d. Maging matalinong mamimili
35. Ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas:
a. Manuel L Quezon c. Manuel Roxas
b. Sergio Osmeña d. Jose P. Laurel
36. Naganap noong Hulyo 4, 1946:
a. Ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
b. Ipinahayag ang kalayaan ng Amerika.
c. Naganap ang huling halalan sa ilalim ng Komonwelt.
d. Ipinahayag ni McArthur ang pagtatatag muli ng Pamahalaang Komonwelt sa
Tacloban.
37. Nilalaman ng Treaty of General Relations:
a. Binawi at isinuko ng Amerika ang lahat ng pag-aari, pangangasiwa,pananakupan, at
kapangyarihan sa buong kapuluan ng Pilipinas maliban sa mga base militar nila sa
bansa.
b. Pagkakaloob ng Amerika ng $20 M bilang tulong sa Pilipinas upang magamit sa
pagtatayong muli ng kabuhayan ng bansa.
c. Magpapadala ng tulong teknikal ang Amerika sa bansa.
d. Ipatutupad ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
38. Ang lahat ay naganap sa administrasyong Quirino maliban dito:
a. PACSA b. ACCFA c. RFC d. Kasunduang Quirino-Foster
39. Ang nakatulong nang lubos upang mapasuko ang mga Huk.
a. Ramon Magsaysay c. Carlos P. Garcia
b. Elpidio Quirino d. Diosdado Macapagal
40. Ang samahang naitatag matapos ang Manila International Conference noong 1954:
a. APEC b. MAPHILINDO c. ASEAN d. SEATO

Inihanda ni:

Bb. Juvy T. Salomon


Teacher I
Key To Corrections

1. A 11. C 21. B 31. D


2. A 12. B 22. B 32. C
3. A 13. C 23. A 33. B
4. A 14. D 24. A 34. C
5. C 15. A 25. C 35. C
6. B 16. A 26. B 36. A
7. A 17. B 27. C 37. A
8. E 18. B 28. A 38. C
9. D 19. C 29. A 39. A
10.C 20. B 30. A 40. D

You might also like