You are on page 1of 3

Ikatlong Markahang Pagsusulit

ARALING PANLIPUNAN 6
S.Y. 2022-2023

I. Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan sumuko ang mga Hapones sa mga sundalong Amerikano na hudyat ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
a. 1935 b. 1945 c. 1955

2. Alin sa mga sumusunod naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas?


a. Nawasak ang mga lupang sakahan, kagamitang pansaka at nangamatay ang mga hayop.
b. Tumaas ang antas ng ekonomiya ng bansa dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga Hapon
c. Marami ang nakapagtapos ng pag-aaral sa iba’t ibang larangan

3. Ano ang pangkat o armadong grupo ang patuloy na nakipaglaban sa mga Hapon bagama’t tapos na ang digmaan?
a. NPA b. Army c. HUKBALAHAP

4. Ang mga sumusunod ay ang naging suliranin at hamon sa pamumuhay at lipunan pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig, maliban sa isa. Alin ito?
a. Nagkaroon ng malawakang epidemya na dala ng mga peste tulad ng daga, lamok at balang.
b. Maraming tahanan at pampublikong gusali sa Maynila ang nasira tulad ng ospital, bangko, paaralan,
simbahan at iba’t ibang mga gusali ng pamahalaan.
c. Nagkaroon ng maraming supply ng pagkain mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

5. Ano ang tawag sa pagkontrol o pag-impluwensya ng mas maunlad na estado sa mga estadong papaunlad pa
lamang sa pamamagitan ng hindi tuwirang pamamaraan?
a. Neokolonyalismo b. Industriyalismo c. Kolonyalismo

6. Kailan napirmahan ang Military Bases Agreement at Military Assistance Pact bilang kasuduan ng Estados Unidos
at Pilipinas tungkol sa mga base-militar?
a. Marso 1947 b. Marso 1957 c. Marso 2023

7. Isa sa Karapatan ng Estados Unidos ay ang paggamit ng mga base military sa bansa. Ilang taon ang nakasaad sa
kanilang kasunduan?
a. 100 taon b. 99 na taon c. 9 na taon

8. Alin sa mga sumusunod ang nakasaad sa kasuduang Military Assistance Pact?


a. Pagpapalawak ng teritoryo ng mga base
b. Pagbibigay ng armas, amyunisyon at suplay ang Estados Unidos
c. Pagtatayo ng mga imprastruktura sa teritoryo ng mga base

9. Itinatag ang JUSMAG upang magpatayo at magsanay sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang mga sundalong
Amerikano. Anu ang ibig sabihin ng JUSMAG?
a. Japan U.S. Military Group b. Jesus U.S. Military Group c. Joint U.S. Military Group

Pag-ugnayin ang mga salita Hanay A at Hanay B tungkol sa ugnayang kalakalan sa Estados Unidos. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B

10. Batas Payne-Aldrich a. nagtakda ng 8 taong malayang kalakalan sa Pilipinas at Amerika


11. Batas Underwood-Simmons b. may limitasyon sa produkto ng Pilipinas patungong Amerika
12. Bell Trade Act c. Pantay na Karapatan ang Amerikano at Pilipinas
13. Parity Rights d. naging dahilan upang magkahilig ang mga Pilipino sa produktong Statesides
14. Tydings Rehabilitation Act e.mga produktong dinadala sa Amerika
15. bigas, asukal at tabako f. isinagawang batas ni Pangulong Harry Truman

16. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng matinding paghanga sa dating mananakop at sa kultura nito?
a. Coloniality b. Colonial c. Colonial Mentality

17. Alin ang isa sa pinagmulan o dahilan ng Colonial Mentality?


a. Ang epekto ng pamumuno at mga polisiya ng mga Amerikano
b. Ang antas ng pamumuhay ngayon
c. Ang pagpapasabog ng mga Hapon
18. Ano ang negatibong epekto ng Colonial Mentality?
a. Ang pagkakaroon ng maunlad at mataas na kalidad na mga sariling produkto
b. Mas maraming produkto ang pumasok sa Pilipinas mula sa Amerika na nkahiligang bilihin at tangkilikin ng
mga Pilipino
c. Pinagbawalang magdala ng produkto ang Estados Unidos sa bansa.

19. Ano ang tawag sa mga produktong mula sa ibang bansa na kinahiligan at mas lalong tinangkilik ng mga Pilipino
hanggang sa ngayon?
a. Foreigner b. State of mind c. Stateside

20. Sino ang mag asawang historyador na nagpahayag ng pinagmulan ng ugaling Colonial Mentality?
a. Letizia at Renato Constantino b. Imelda at Francis Constantino c. Robin at Mariel Constanti

Ibigay ang apat na element ng pagkabansa.

21. ___________________ 22. __________________________


23. ____________________ 24. __________________________

Isulat ang TAMA kung ang ipinapahayag kahalagahan ng panlabas at panloob na soberanya, at MALI kung hindi
wasto.

25. Nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa ayon sa panloob na soberanya.
26. May namumuno sa mamamayan, ari-arian at tanggapan ng nasasakupan nito.
27. Nakapagmamay-ari ng mga lupain, gusaling pambayan at mga tanggapan sa nasasakupan nito.
28. Hindi maaaring makipag-ugnayan sa ibang bansa.
29. Ayon sa panlabas na soberanya, may Kalayaan ang bansa na pamahalaan ang nasasakupan na hindi
pinapakialaman ng ibang bansa.
30. May Kalayaan ang estado mula sa control o paghihimasok ng dayuhang estado

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita na ngsasabi ng Karapatan ng isang Bansang Malaya.

31. NAAKAYAL -
32. ANTAYP AN OPIRBELIHIY-
33. WAKLAS AN HANRIYAANGKAP-
34. MAMARIYAAGP
35. APAPGUGNAKIYANKI

36. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang tagapangalaga ng Sambayanan ay ang _____________.
a. AFP b. PNP c. PMA

37. Ang magsagawa ng mabilis at tuloy tuloy na operasyong panlupa, ipagtanggol ang teritoryo, maging tanod ng
laban sa sinumang dayuhang nagnanais na sakupin ang bansa ay tungkulin ng anong ahensya?
a. Hukbong Katihan b. Hukbong Dagat c. Hukbong Himpapawid

38. Bakit malaki ang papel o tungkuling ginagampanan ng Hukbong Dagat o Philippine Navy sa bansa?
a. dahil sila ang nanghuhuli ng isda upang ang mga tao ay may mabiling isda sa palengke
b. dahil sila ang naghahatid ng mga taong nais pumasok o lumabas ng bansa na walang kaukulang pahintulot
c. dahil sila ang nagsisilbing bantay-dagat at nanghuhuli ng mga smuggler o mga taong nagpupuslit ng mga
produktong walang karampatang buwis

39. Nagpalipad ng sasakyang pandigma ang mga sundalo ng China sa himpapawid ng Pilipinas ng walang pahintulot,
Ano ang maaaring gawin ng Hukbong Himpapawid of Philippine Air Force dito?
a. bigyang babala at pasabugin kung hindi ito aalis
b. hayaan na lamang sila magpalipad kahit walang pahintulot
c. panuorin na lamang sila sa kanilang ginagawa

40. Anong ahensya ang may tungkuling pangasiwaan at alagaan ang mga likas na yaman na sakop ng teritoryo ng
Bansa?
a. DENR b. DPWH c. DSWD

41. Sino ang naging pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang DIgmaang Pandaigdig?
a. Manuel L. Quezon b. Manuel A. Roxas c. Manuel A Lopez

42. Alin ang hindi kabilang sa programang ipinatupad ni Manuel A. Roxas sa larangan ng ekonomiya?
a. Pagsasaayos ng elektripikasyon b. pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
c. pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang transportasyon
43. Nagtatag din ng iba’t ibang korporasyon para sa larangan ng agrikultura at upang matugunan ang
pangangailangan ng mga magsasaka tulad ng NACOCO. Ano ang ibig sabihin nito?
a. National Coconut Corporation b. National Corn Corporation
c. National Cocoa Corporation

44. Sinong pangulo ang tinaguriang Ama ng Industriyalisasyon?


a. Ramon Magsaysay b. Elpidio Quirino c. Carlos P Garcia

45. Malaking hamon at suliranin ng mga naging pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng digmaan ay ang patuloy na
paglaganap at paglala ng komunismo sa bansa. Anong pangkat o grupo ang ginamitan ng dahas ni Quirino ni
Pangulong Quirino upang supilin?
a. ISIS b. New People’s Army c. HUK

46. Sino ang namuno sa Bell Mission o Economic Survey Mission na naglalayong siyasatin ang kalagayang
pangkabuhayan ng bansa sa loob ng tatlong buwan?
a. Daniel Padilla b. Daniel W. Bell c. Daniel Terona

47. Sino ang lider ng komunistang grupo na nakipagusap at nakipagkasundo kay Pangulong Elpidio Quirino?
a. Luis Taruc b. Luis Manzano c. Luis Manok

48. Siya ang naging pangulo ng Pilipinas na kauna-unahang nagsuot ng Barong Tagalog sa araw ng kanyang
panunumpa bilang pangulo ng bansa?
a. Ramon Magsaysay b. Ramon Avila c. Ramon Revilla

49. Bakit tinaguriang Idolo ng Masa si Pangulong Ramon Magsaysay?


a. Sapagkat nagdadamit siya ng pangmahirap
b. sapagkat naniniwala siya na kung ano ang makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti rin sa bansa
c. sapagkat siya ay magaling magsalita sa harap ng mga tao

50. Bilang pangulo ng bansa, paano siya nakikipag-ugnayan sa mga karaniwang tao?
a. namimigay siya ng pera at pagkain sa mga mahihirap
b. nakikipagsalo-salo siya sa lahat ng okasyon saan mang dako ng bansa
c. binuksan niya ang pintuan ng Malacanyang para sa lahat ng mamamayan na nais siyang maka-usap

Inihanda ni:

MYLA R. QUIDOR
T-III

You might also like