You are on page 1of 16

Department of Education

Schools Division of Legazpi City


Legazpi District 1
BANQUEROHAN ELEMENTARY SCHOOL
Banquerohan ,Legazpi City
S.Y 2018-2019

Summative Test (Aralin 14)


ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : _____

Panuto: TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay tama at Mali kung hindi.

____1. Naging madalas ang pagrarali, pagpupulong, at demonstrasyon ng mga estudyante at mga
manggagawa.
____2. Ang laki ng gastos at katiwalaan sa pamahalaan ay nagdulot ng paglaki ng utang ng Pilipinas sa
ibang bansa.
____3. Naging magulo ang kalagayan ng politika sa ating bansa dahil sa pagsibol ng iba’t ibang
ideolohiya at paniniwala.
____4. Sa Mindanao, lalong lumala ang hidwaan ng Kristiyano at Muslim kaya nabuo ang Moro National
Liberation Front (MNLF).
____5. Marami ang pagdukot at pagpatay sa mga kawani ng pamahalaan na kinasangkutan ng NPA na
layuning pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas.

Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay dahilan o pagbabagong ibinunga ng batas militar. Isulat
ang bilang sa tamang kahon sa ibaba.

6. Pagiging makapangyarihan ng militar.


7. Pagkahuli sa barkong MV Karagatan sa Palanan, Isabela. Naglalaman ito ng mga di-rehistradong
armas.
8. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang mga serbisyong kailangan ng tao tulad ng kuryente at telepono.
9. Paglaganap ng gulo at kriminalidad sa bansa.
10. Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ng Unang Ginang Imelda Marcos.
11. Pag-alis ng mga namumuhunang dayuhan.
12. Pagkatatag ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines- New People’s Army).
13. Patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
14. Paghuli sa mga kumakalaban sa pamahalaang Marcos.
15. Pagkawala ng kalayaan ng midya.

Dahilan Pagbabago
2 1

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa linya at piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.

___________16. Ipinatupad ni pangulong Marcos na may layunin at alituntunin na dapat sundin sa


sampung taong edukasyon.
___________17. Ipinatupad ito upang hulihin ang mga taong nasa labas pa ng tahanan Kung nakalipas
na ang 10:00 na gabi.
___________18. Ang mga hospital na naipatayo sa ilalim ng pamahalaang Marcos.
___________19. Petsa kung saan nilagdaan ni Pang. Marcos ang Presidential Decree 27 na patungkol
sa reporma sa lupa upang mapaunlad ang kabuhayan.
___________20.Petsa kung kailan nilagdaan ni Pang. Marcos ang Proklamasyon Blg. 1081 na
napasailalim sa buong bansa sa Batas Militar.

a. Education Act of 1982


b. Heart Center at National Kidney Institute
c. September 21, 1972
d. Curfew
e. October 21, 1972

Panuto: Pagtambalin ang nasa Hanay A. At Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

A. B.

_____21. Petsa kung kailan nagkaroon ng paghalal sa pambansang kombensyon. a. Hunyo 1971
_____22. Isa sa mga programang pangkultural na inulunsad noong panahon ng b. Enero 26, 1970
Batas Militar. c. Plaza Miranda
_____23. Petsa kung kailan nagsimula ang pagpupulong ng kombensyon. d. Nobyember 10, 1970
_____24. Lugar kung saan idinaos ang rali ng mga tinawag na Rally ng Bayan e. Cultural Center of
laban sa mga katiwalian, pandaraya at nakawan sa pamahalaan. The Philippines
_____25. Petsa kung saan naganap ang napakalaking rali ng mga estudyante f. Abril 21, 1972
laban sa Pamahalaang Marcos

Panuto: Isulat sa linya ang tinutukoy na tamang sagot sa bawat pahayag.

___________26. Ang karapatan ng bawat mamamayan laban sa illegal o hindi makatarungang pagpigil o
Pagkapiit ng walang kasulatan ng utos ng hukuman at paglilitis ng kortekayam.
___________27. Ideneklara sa ating bansa noong 1972 sa pamamagitan ng pagpapahayag nito sa mga
Radyo at telebisyon.
___________28. Ito ay tinawag na Batas Republika Blg. 6132 na nagbigay pagkakataon sa paghahalal ng
Mga kinatawan na babalangkas sa bagong Saligang Batas.
___________29. Ito ay ang pagdedeklara ng mga kalatas ng Pag-uutos ng Pangulo.
___________30. Ang batas na tinatawag ng marami na Konstitusyong Marcos na kung saan ito ay
Kanyang ginamit upang ipairal ang kanyang sarili sa pamamahala.

Talaan ng Pagwawasto

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama

Dahilan Pagbabago

7 9 11 13 12 14 6 8 10 15

16. Education Act of 1982


17. Curfew

18. Heart Center at National Kidney Istitute

19. Oktubre 21, 1972

20. Setyembre 21, 1972

21. d. Nobyembre 10, 1970

22. e. Cultural Center of the Philippines

23. a. Hunyo 1971

24. c. Plaza Miranda

25. b. Enero 26, 1970

26. Writ of Habeas Corpus

27. Batas Militar

28. Constitutional Convention Act

29. Presidential Decree

30. Saligang Batas 1973


Summative Test ( Aralin 15)
ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : _____

Panuto: Pagtambalin ang nasa Hanay A. At Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

A. B

____1. Ikinulong at pinagbintangang may balak na ipapatay si a. Ninoy Aquino Jr.


Marcos dahil dito inangkin ng mga Marcos ang kanyang
mga kompanya. b. Lino Brocka
____2. Isang mahusay na director na ipinakulong din dahil sa
kanyang subersibong pelikula laban kay Marcos tulad ng c. Benjamin Cervantes
pelikulang Bayan ko.
____3. Isang propesor, aktor, director at freedom fighter na isa rin d. Enero 17, 1981
sa inakulong ni Marcos dahil sa pambabatikos nito.
____4. Isang senador bago pa ideklara ang Batas Militar na e. Eugenio Lopes
ipinakulong din dahil sa pagtutol niya sa pamamalakad ni
Pang. Marcos f. Ferdinand Marcos
____5. Petsa kung kalian nilagdaan ni Pang. Marcos ang
Proklamasyon Bilang 2045 na nagwakas sa Batas Militar.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa linya at piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.

____ 6. Petsa kung kailan pinaslang si Ninoy Aquino pagkababa sa eroplano na noo’y nasa
ilalim ng proteksyon ng Aviation Security Command. (AVSECOM)
____ 7. Petsa kung kailan pinagtibay ang panukalang Pagbabago ng Saligang Batas 1973 na si
Pang. Marcos pa rin ang gumawa ng lahat ng mahahalagang kapasiyahan.
____8. Petsa kung kailan pagkatapos ng batas militar ay nagdaos ng halalan para sa
panguluhan ng bansa kung saan si Pang. Marcos pa rin ang nagwagi.
____9. Petsa kung kailan ipinahayag nina Fidel V. Ramos at Juan Ponce Enrile na si Gng.
Corazon Aquino ang tunay na nanalo sa halalan at hiniling na magbitiw na si Pang.
Marcos sa pagka pangulo.
____10. Petsa kung kailan iprinoklama si Gng. Corazon Aquino bilang Pangulo ng bansang
Pilipinas.

Hunyo 16, 1981


Pebrero 22, 1986
Abril 7, 1981
Pebrero 25, 1986
Agosto 21, 1983

Panuto: TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay tama at Mali kung hindi.

______11. Itinatag ni Pang. Cory Aquino ang National Reconciliation and Development
Program.
______12. Ipinatupad ang Free Secondary Public Education Act 1986 upang mabigyan ng
Libreng edukasyon
______13. Marami ang mga paaralan na naipagawa at naitaas ang sahod ng mga guro sa ilalim
ng pamamahala ni Pang. Cory Aquino.
______14. Itinatag ang Community Employment and Development Program.
______15. Ang mga kabataan na hindi nakapag-aral ay hinikayat na magtrabaho ng walang
bayad.
______16. Walang naipapadalang manggagawa upang magtrabaho sa ibang bansa.
______17. Nagkaroon ng balangkas para sa pangmatagalang katahimikang pang-industriya.
______18. Nagkaroon ng napakalaking suliranin si Pang. Cory Aquino lalo na sa simula.
______19. Napatatag ni Pang. Cory ang pamahalaan sa ibig magpabagsak nito.
______20. Nakapagpatupad ng mga programang pang-ekonomiya na nakapagpa-angat nito.

Panuto: Isulat sa linya ang tinutukoy na tamang sagot sa bawat pahayag.

_________21. Ito ang pangyayari kung saan ang mga tao ay pumunta sa EDSA, sa Channel 4
at sa Mendiola Bridge na Malapit sa Malacañang upang ipakita ang kanilang
pagsuporta sa rebulosyon at mapaalis sa kapangyarihan ni Marcos.
________22. Siya ang pangulo na nagpawalang bisa ng Saligang Batas 1973, nagtatag ng
Presidential Commission on Good Governance (PCGG) at ng Constitutional
Commission (ConCom).
________23. Ang saligang batas na pinagtibay noong Pebrero 2, 1987 at nagbigay ng lubusang
pagkatatag ng Ikalimang Republika ng Pilipinas at saligan n gating pamahalaan
hanggang sa ngayon.
________24. Ito ay nakasaad sa Artikulo III ng Saligang Batas 1987 na dapat pangalagaan ng
pamahalaan.
________25. Pagkakaroon ng eleksyon para sa mga senador, alkalde, bise alkalde, konsehal
at pinuno ng barangay ayon sa Konstitusyong 1987.
________26. Malayang Pagtatag ng mga negosyo bilang pangkalahatang patakaran sa
pangangalakal.
________27. Ang pagbibigay kaluwagan, pag-alis sa mga kontro, at pagpapataw ng malaking
buwis sa mga kalakal na ipinapasok sa bansa.
________28. Ang pagbebenta ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan sa mga
pribadong mangangalakal.
________29. Nangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan at mag-aangat ng kanilang
kaalamang pangkabuhayan.
________30. Tumutulong sa mga kababaihan laban sa pang-aabuso, pambubugbog,
anghahalay, illegal recruitment, prostitusyon at marami pang iba.
ARALIN 15

Talaan ng Pagwawasto:

1. Eugenio Lopes
2. Lino Brocka
3. Benjamin Cervantes
4. Ninoy Aquino Jr.
5. Enero 17, 1981
6. Agosto 21, 1983
7. Abril 7, 1981
8. Hunyo 16, 1981
9. Pebrero 22, 1986
10. Pebrero 25, 1986
11. Tama
12. Tama
13. Tama
14. Tama
15. Mali
16. Mali
17. Tama
18. Tama
19. Tama
20. Tama
21. EDSA PEOPLE POWER I
22. Pang. Corazon C. Aquino
23. Saligang Batas 1987
24. Karapatan ng Mamamayan
25. Pambansa at Lokal
26. Free Enterprise System
27. Trade Liberalization
28. Asset Privatization Trust
29. Bureau of Women’s Welfare
30. Crisis Intervention Center

Summative Test ( Aralin 16)


ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : _____

Panuto: TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay tama at Mali kung hindi.

____1. Sa kampanya noong halalan ng taong 1992, naghain si Fidel V. Ramos ng plataporma tungo sa
maunlad na kabuhayan.
____2. Nanumpa sa Quirino Grandstand sa Luneta ang itinuturing na ikalabindalawang Pangulo ng
Pilipinas na si Fidel V. Ramos noong Hunyo 30, 1992.
____3. Upang maging isang Newly Industrialized Country o NIC ang Pilipinas itinaguyod ni Pang. Ramos
ang proyektong Philippines 2000.
____4. Patuloy na nakipaglaban ang Pamahalaang Ramos sa mga rebeldeng Muslim.
____5. Upang makalikom ng Pondo ipinagpatuloy ni Pang. Ramos ang Asset Privatation Trust.
____6. Dahil sa pag-alis ng kontrol sa presyo ng langis, bumaba ang presyo ng mga bilihin.
____7. Umaga ng Hunyo 30, 1998 nang nanumpa sa tungkulin si Pang Joseph Ejercito Estrada sa
simbahan ng Barasoain, Malolos Bulacan.
____8. Ipinangako ni Pang. Estrada na mabawasan ang kahirapan, alisin ang katiwalian at milyon-
milyong pisong napupunta sa bulsa ng mga kawani ng gobyerno.
____9. Hindi binigyang pansin ni Pang. Estrada ang Kalakalan o Pakikipagugnayang Panlabas.
____10. Sa pamahalaang Estrada binigyang prayoridad ang ekonomiya subalit may mga hadlang dito.
____11. Naharap si Pang. Estrada sa impeachment dahil sa akusasyong sangkot siya sa isang ilegal na
sugal na jueteng.

Panuto: Suriin kung kaninong pangulo ang mga tinutukoy na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Pamahalaang Ramos
B. Pamahalaang Estrada
C. Pamahalaang Arroyo

_____12. Itinatag niya ang Special Zone of Peace and Development (SZOPAD).
_____13. Nagkaroon ng mapayapang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARRM).
_____14. Sinasabing siya ang may pinakamalaking nautang sa mga unang taon ng kanyang
Panunungkulan bilang pangulo.
_____15. Sa kanyang panunungkulan nangyari ang EDSA PEOPLE POWER II.
_____16. Sinasabing hindi niya naiangat ang ekonomiya ng bansang Pilipinas upang mahango ang mga
mamamayan sa kahirapan.
_____17. Inereklamo ni Gobernador Chavit Singson dahil sa motibong sangkot sa ilegal na sugal.
_____18. Itinatag niya ang Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD).
_____19. Ginawa rin niya ang malawakang pangongolekta ng buwis sa pagpapairal ng expanded value
added tax (e-vat)
_____20. Siya ang lumagda ng kasunduang pangkapayapaan noong Setyembre 2, 1996.

Panuto: Isulat sa linya ang tinutukoy na tamang sagot sa bawat pahayag.

_____21. Petsa kung kailan naganap ang EDSA PEOPLE POWER II.
_____22. Siya ay nanumpa sa Quirino Grandstand sa Luneta bilang ikalabindalawang pangulo ng
Pilipinas noong Hunyo 30, 1992.
______23. Siya ay nanumpa sa kanyang tungkulin bilang ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas
noong Hunyo 30, 1998.
______24. Siya ay nanumpa bilang bagong pangulo ng Pilipinas noong Enero 20, 2001.
______25. Ang kaguluhan sa Mindanao at nagkidnap sa mga inosenteng mamamayan at dayuhan.
Panuto: Pagtambalin ang nasa Hanay A. At Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

A. B

___26. Ang isang prosesong konstitusyunal na makapagpapaalis a. pork barrel


Sa tungkulin sa isang pinuno ng pamahalaan kung
mayroon silang ginawang paglabag sa batas b. Artikulo II, Sec. 1
___27. Isang katiwalian tulad ng nawawalang pundo ng gobyerno.
___28. Nakasaad sa Artikulong ito ng Konstitusyong 1987 na ang c. smuggling
Pilipinas ay isang estadong republika at demokratiko
___29. Ito ang tawag sa paglala ng pagpuslit ng mga produkto mula d. impeachment
sa iabang bansa
___30. Ito ay isa sa dahilan upang maaaring mapatalsik ang isang e. Artikulo II, Sec. 2
pinuno sa pamahalaan ng ating bansa
f. panunuhol

ARALIN 16
Talaan ng Pagwawasto:

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama
11. Tama
12. A
13. A
14. C
15. B
16. C
17. B
18. A
19. A
20. A
21. Enero 16, 2001
22. Pang. Fidel V. Ramos
23. Pang. Joseph E. Estrada
24. Pang. Gloria M. Arroyo
25. Abu Sayyaf
26. d. Impeachment
27. a. Pork barrel
28. b. Artikulo II, Sec. 1
29. c. Smuggling
30. f. Panunuhol
Summative Test ( Aralin 17)
ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : _____

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay isa sa 10-point program ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo, maliban sa
isa.
a. Kuryente at tubig sa lahat ng barangay
b. Computerization ng halalan
c. Pagkakaloob ng 6 hanggang 10 milyong trabaho
d. Patuloy na paglaban sa mga rebelde

2. Isa sa suliraning ikinaharap sa administrasyong Arroyo ay ang mataas na antas ng kriminalidad


sa buong bansa.
a. tama b. mali c. di sigurado d. wala sa nabanggit

3. Pinaniniwalaang siya ang tunay na nanalo sa halalan bilang pangulo at hindi si Pang. Arroyo
dahil sa nagkaroon daw ng malawakang dayaan sa eleksiyon.
a. Joseph Estrada c. Fernando Poe Jr.
b. Fidel V. Ramos d. Binigno Aquino III

4. Petsa kung kailan pumutok ang iskandalo ukol sa “Hello, Garci” tape.
a. Hunyo 2005b. Hulyo 2005 c. Abril 2005 d. Mayo 2005

5. Executive Order na pinalabas ni Pang. Arroyo na nagbabawal sa mga opisyal ng militar at mga
nanunungkulan sa pamahalaan na tumestigo sa imbestigasyon nang wala siyang pahintulot.
a. Executive Order 464 c. Executive Order 467
b. Executive Order 465 d. Executive Order 468

6. Ang ideneklara ni Pang. Arroyo sa mismong araw ng pagdiriwang ng EDSA I na ipinagbabawal


ang pagtitipon at pagrarali.
a. State of Constitution c. State of Calamity
b. State of Emergency d. State of Recreation

7. Petsa kung kailan inendorso ni kinatawan at dating Speaker of the House Jose de Venecia ang
impeachment complaints laban kay Pang. Arroyo.
a. Nobyembre 6, 2008 c. Nobyembre 4, 2008
b. Nobyembre 5, 2008 d. Nobyembre 3, 2008

8. Si Pang. Gloria Macapagal Arroyo ay inakusahan ng mga sumusunod maliban sa.


a. Betrayal of public trust
b. Culpable violation of the Constitution
c. Bribery, graft and corruption
d. Kidnapping

9. Petsa kung kailan muling nagsampa ng walong impeachment cases sa kongreso ang mga
oposisyon o kalaban ni Pang. Arroyo.
a. Hunyo 26, 2009 c. Hunyo 26, 2007
b. Hunyo 26, 2008 d. Hunyo 26, 2006

10. Taon kung kailan isinagawa ang paglilitis sa mga kasong korupsiyon laban kay Pang. Arroyo
matapos itong umalis sa kanyang termino sa pagkapangulo.
a. 2013 c. 2015
b. 2014 d. 2016
Panuto: TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay tama at Mali kung hindi.

11. Malaki ang paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan dahil patuloy ang paglala ng
ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pamahalaang Arroyo
12. Ang mga halaga ng bilihin ay bumaba dahil sa pagpapatupad ng bagong batas noong 2005.
13. Ang mga mangangalakal ay hindi nagbigay ng tulong sa mga nais magpaalis kay Pang. Arroyo
sa pagkapangulo.
14. Ipinapatay ni Pang. Arroyo ang mga sundalong ayaw sumuporta sa kanya.
15. Ang fertilizer scam at ZTE-Diwalwal Scandal ay isa sa mga katiwalian napabalita sa ilalim ng
administrasyong Arroyo.
16. Isa sa layunin ni Pang. Binigno Aquino III ay ang ipagpatuloy ang kaguluhan sa pagitan ng mga
rebelled.
17. Binigyang pansin ang pagsusulong ng katahimikan sa Mindanao sa ilalim ng administrasyong
Binigno Aquino III.
18. Pagbawas ni Pangulong Aquino III ng tulong sa mga magsasaka sa usaping irigasyon.
19. Sa ilalim ng administrasyong Aquino III ay nakapagbigay ng serbisyong pangkalusugan tulad ng
Philhealth para sa lahat.
20. Pagtatag ng Lie Commission upang mabigyan ng linaw ang mga kahinahinalang isyu sa
administrasyong Aquino III.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa linya at piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.

“Hello Garci” Tape calibrated preemptive response Dinky Soliman

Rep. Risa Hontiveros Juan Ponce Enrile Gloria M. Arroyo

21. Ang senador na naghatol kay Chief Justice Renato Corona, at tumayong bilang presiding officer
ng korteng impeachment.
22. Ang dating DSWD Secretary na inaresto nang walang warrant of arrest habang nakikipag-usap
sa sa ilang myembro ng oposisyon.
23. Ito ay naglalaman ng pakikipag-usap ni Pang. Arroyo kay COMELEC Commissioner Garcillano
na siguraduhing lalamang siya ng isang milyong boto sa kanyang kalaban.
24. Isa sa mga raliyista na laban kay Pang. Arroyo na dinakip at dinala sa Camp Karingal.
25. Ito ay isang marahas na pamamaraan upang sugpuin ang paglaganap ng pagrarali.

Panuto: Isulat sa linya ang tinutukoy na tamang sagot sa bawat pahayag.

26. Siya ang ika- 23 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.


27. Petsa kung kailan sinampahan ng kasong impeachment na nilagdaan ng isang-katlong boto ng
kagawad ng kapulungan.
28. Petsa kung kailan si Chief Justice Renato Corona ay nahatulang nagkasala kaugnay ang Article
II saw along kasong inakusa sa kanya.
29. Ang pangulong nanumpa sa kanyang tungkulin bilang pangulo noong Hunyo 30, 2010 sa Quirino
Granstand sa Maynila.
30. Petsa kung kailan matapos ang 17 taong negosasyon, ang pamahalaan ng ating bansa at ang
Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay pumirma sa Comprehensive Agreement on the
Bangsamoro.
ARALIN 17

Talaan ng Pagwawasto:

1. D
2. A
3. C
4. A
5. A
6. B
7. D
8. D
9. D
10. B
11. Tama
12. Mali
13. Tama
14. Mali
15. Tama
16. Mali
17. Tama
18. Mali
19. Tama
20. Mali
21. Juan Ponce Enrile
22. Dinky Soliman
23. “Hello Garci” tape
24. Rep. Risa Hontiveros
25. Calibrated preemptive response
26. Renato Corona
27. Disyembre 12, 2011
28. Mayo 29, 2012
29. Benigno Aquino III
30. Marso 27, 2014
Summative Test ( Aralin 18)
ARALING PANLIPUNAN VI

Pangalan : ________________________________ Petsa : ________________ Iskor : _____

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay indikasyon ng Pambansang Kaunlaran maliban sa.


a. Kasaganaan at Kasarinlan
b. Sapat na mga lingkurang panlipunan
c. Katarungang Panlipunan
d. Pagrebelde sa Maayos na pamahalaan

2. Ang mga sumusunod ay sukatan ng kaunlaran ayon sa mga nagkakaisang


bansa(United Nation) maliban sa.
a. Pagpapaunlad ng Bansa c. Paglubog sa utang
b. Umuunlad na Bansa d. Maunlad na bansa

3. Ang mga sumusunod ay kontemporaryong isyu ng lipunang pampulitika maliban sa.


a. Usaping pangteritoryo sa Philippine Sea c. Terorismo
b. Pang-aabuso d. Graft and Korupsiyon

4. Ang mga sumusunod ay kontemporaryong isyu ng lipunan sa pang-aabuso maliban sa.


a. Child abuse c. Gender abuse
b. Drug abuse d. Charity abuse

5. Ang mga sumusunod ay kontemporaryong isyu ng lipunan sa pangkapaligiran na


nakakaapekto sa kalusugan ng tao maliban sa.
a. Water Pollution c. Land Pollution
b. Air Pollution d. Noise Pollution

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga pahayag na naglalarawan ng ng indikasyon ng


Pambansang kaunlaran at ekis ( X ) kung hindi.

6. Maraming mamamayan ang umalis ng bansa.


7. Laganap ang Krimen at paglabag sa batas
8. May sapat na hanapbuhay para sa lahat
9. Nabibigyan ng pantay-pantay na proteksiyon ng batas ang lahat.
10. Napipilitang maghanapbuhay ang mga bata.

Panuto: Pagtambalin ang sanhi nasa Hanay A. at bunga na nasa hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

A. B

11. Marami ang walang trabaho a. Mataas ang kriminalidad

12. Hindi naipatutupad ang mga batas b. lumalabas ang pera ng bansa

13. Produktibo ang mga tao c. may katarungang panlipunan

14. May sapat na lingkurang panlipunan para sa lahat d. bumubuti ang kabuhayan

15. Mataas ang gastusin para sa mga produkto mula e. naghirap sila
sa ibang bansa
f. may pagkakaisa sila

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa linya at piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.

Graft Open trade Globalisasyon

Korupsiyon Overseas Filipino Workers (OFW) Climate Change

Terorismo Deforestation Polusiyon

16. Ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga


gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pangteknolohiya at kultura.
17. Ang pagkuha ng pera sa o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable.
18. Ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na
nagpapainit sa mundo.
19. Isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran na patungkol sa pagkawasak ng
kagubatan.
20. Ang mga nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng daigdig upang umunlad ang kanilang
pamumuhay at nakakatulong sa ekonomiya ng ating bansa.
21. Ang tinatawag na malayang kalakalan na kung saan napadali nito ang pagluluwas at
pag-aangkat ng mga produkto.
22. Ito ay isinasagawa ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang kanilang
adhikaing pulitikal o kriminal.
23. Ito ay isang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang
opisyal sa pamahalaan.

Panuto: Ibigay ang siyam (9) na tungkulin para sa pag-unlad ng bansa.

24. __________________________________________________________
25. __________________________________________________________
26. __________________________________________________________
27. __________________________________________________________
28. __________________________________________________________
29. __________________________________________________________
30. __________________________________________________________
31. __________________________________________________________
32. __________________________________________________________

Panuto: Ipaliwanag ang sagot. Sabihin kung bakit.

33-34. Bakit kailangang tangkilikin ang mga produktong Pilipino?


______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
35-36. Bakit kailangan nating mapagbuti at mapaunlad ang mga produkto ng ating
bansa?
_______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

37-38. Bakit dapat gamitin muli ang mga mahahalagang bagay o kagamitan?
________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

39-40. Bakit kailangan nating magtipid ng enerhiya?

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Talaan ng Pagwawasto:

1. D
2. C
3. B
4. D
5. D
6. /
7. X
8. /
9. /
10. X
11. E
12. A
13. D
14. C
15. B
16. Globalisasyon
17. Graft
18. Climate Change
19. Deforestation
20. Overseas Filipino Workers (OFW)
21. Open trade
22. Terorismo
23. Korupsiyon
24. Mahalin natin ang ating bansa.
25. Lagi nating sundin at igalang ang mga batas.
26. Alagaan natin ang ating kapaligiran at mundo.
27. Tumulong tayo sa pagpuksa sa katiwalian o korupsiyon sa pamahalaan
28. Linangin at gamitin ang sariling mga kakayahan at talent.
29. Maging produktibo
30. Pagbutihin at paunlarin ang mga produkto ng bansa.
31. Tangkilikin ang produktong Pilipino.
32. Makilahok sa gawaing pansibiko.

33-40. “Answers may vary”


Inihanda ni:

MAR MAGPEN

You might also like