You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
School Division of _________________
_____________________ District
_____________________ SCHOOL
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6
Table of Specification

ITEM
COMPETENCIES NO. PERCENTAGE NO.
PLACEMENT
OF OF
DAYS ITEM
1. Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon ng
6 13% 7 1-7
mga amerikano
2. Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag
6 13% 7 14-20
ng nagsasariling pamahalaan
3. Nasusuri ang pamahalaang komonwelt 6 13% 6 21-26
4. Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga amerikano 5 12% 6 8-13
5. Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
6 13% 6 27-32
mga Hapones
6. Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones 5 12% 7 33-39,
7. Naipaliliwanag ang paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa
5 11% 6 41-45
Kalayaan laban sa Hapon
8. Napahahalagahan ang ibat-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan 40,46-
6 13% 6
ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan 50
TOTAL 45 100% 50

Prepared by:

__________________________
Teacher

Noted

________________________
School Principal
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

NAME:_______________________________________________________________ SCORE: _________

I. Panuto: Basahin nang maayos. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang unang gobernador ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. Heneral Wesley Meritt
b. Heneral Artemio Recarte
c. Commodore George Dewey
d. Fermin Jaudenes
2. Ito ang patakarang ipinatupad ng mga Amerikano na may layuning masupil ang diwang makabayan ng mga
Pilipino.
a. Mga Patakarang Pasipikasyon
b. Pamahalaang Mlitar
c. Parusang Kamatayan
d. Habang buhay na pagkabilanggo
3. Ano ang batas na ipinatupad ng mga Amerikano na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga
samahan at kilusang makabayan?
a. Reconcentration Act noong 1903
b. Flag Law ng 1907
c. Brigandage act ng 1902
d. Sedition Law ng 1901
4. Ito ay ang batas na nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag o
anumangginamit ng mga kilusang labansa Estados Unidos.
a. Reconcentration Act noong 1903
b. Flag Law ng 1907
c. Brigandage Act ng 1902
d. Sedition Law ng 1901
5. Kailan pinasinayaan ang unang pamahalaang sibil ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. Hulyo 4, 1901
b. Hulyo 5, 1901
c. Enero 12, 1901
d. Hunyo 3, 1901
6. Ano ang tawag sa mga gurong ipinadala ng mga amerikano sa Pilipinas upang magturo sa mga Pilipino?
a. American
b. Thomas
c. SS Thomas
d. Thomasites
7. Alin sa mga sumusunod ang pagbabago na naganap sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa pananakop ng mga
Amerikano?
a. Marami ang nakapag-aral dahil libre ang pagpasok sa mga pampublikong paaralan.
b. Binigyang diin sa pagtuturo ang mga kaalamang pangmamamayan at demokratikong pamumuhay.
c. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga Pilipino ng medisina, abogasya,
inhenyeriya,agrikultura, at komersiyo.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Ano ang hindi magandang naidulot ng pagbabago sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng mga
Amerikano?
a. Nagkaroon ng kolonyal na kaisipan ang mga Pilipino.
b. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-aral
c. May mga Pilipinong nakapag-aral ng libre sa Amerika
d. Maraming Pilipino ang natutong bumasa at sumulat.
9. Alin sa mga sumusunod ang naitayo sa panahon ng mga Amerikano?
a. San Juan De Dios Hospital
b. Philippine General Hospital
c. San Lazaro Hospital
d. Cardinal Santos Medical Center
10. Ito ang batas para sa malayang kalakalan kung saan lahat ng produkto maliban sa bigas ay makakapasok sa
pamilihan ng Amerika nang walang buwis.
a. Batas Payne-Aldrich
b. Batas Kalakalan
c. Homestead Law
d. Quota
11. Ang batas na ito ay nagtadhana ng pagbibigay ng hindi hihigit sa 25 ektaryang lupa sa mga Pilipino na gusting
magsaka sa pasubaling ang lupang ito ay kanilang lilinisin at tatamnan.
a. Batas Payne-Aldrich
b. Batas Torrens Title
c. Homestead Law
d. Land Title Law
12. Ito ay itinatag upang matulungan ang mga magsasaka at maitaguyod ang pananim at sakahan ng bansa.
a. Kawanihan ng kalusugan
b. Kawanihang Pangkabuhayan
c. Kawanihan ng Agrikultura
d. Kawanihan ng Ekonomiya
13. Sino ang arkitektong Amerikano na nagplano ng mga gusaling ipinatayo ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. Daniel H. Burnham
b. Charles M. Hudson
c. David V. Bland
d. Macarioo Sakay
14. Ito ang batas na naglilipat sa Kongreso ng Amerika ng Pamamahala sa Pilipinas.
a. Phillipine Organic Act of 1902
b. America Organic Act of 1902
c. Susog Spooner Act
d. Public Instruction Act
15. Kailan idinaos ang halalan para sa Asamblea ng Pilipinas?
a. Hulyo 1907
b. Hulyo 1908
c. Enero 1907
d. Enero 1908
16. Kalian naitatag ang Asamblea ng Pilipinas?
a. Ika -16 ng Oktubre 1907
b. Ika-15 ng Oktubre 1907
c. Ika-12 ng Mayo 1907
d. Ika-16 ng Mayo 1907
17. Sino ang Pangulo ng America na sumang-ayon sa pagsasarili ng Pilipinas noon 1912?
a. Andrew Jackson
b. Woodrow Wilson
c. Thomas Jefferson
d. John Adams
18. Ang act na ito ang nagging daan ng pagbilis ng Pilipinisasyon ng bansa kung saan ang mga kawani ng
pamahalaan na nakapaglingkod nang mula anim na taon pataas ay maaari nang magretiro.
a. Civil Retirement Act No. 2581
b. Civil Retirement Act NO.102
c. Phillipiine Autonomy Act of 1986
d. Philippine Autonomy Act of 1916
19. Ano ang kauna-unahang batas na pinagtibay sa Kongreso ng Estados Unidos para sa Kalayaan at kasarinlan ng
Pilipinas?
a. Batas Hare Hawes Cutting
b. Batas Tydings-Mcduffie
c. Philippine Autonomy Act of 1916
d. Philippine Organic Act of 1902
20. Ito ang batas na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong 1934 at isang pederal na batas ng Estados Unidos
na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos)
pagkatapos ng sampung taon.
a. Batas Hare Hawes Cutting
b. Batas Tydings-Mcduffie
c. Philippine Autonomy Act of 1916
d. Philippine Organic Act of 1902
21. Sino ang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?
a. Manuel L. Quezon
b. Sergio Osmeńa
c. Jaime De Veyra
d. Victorino Mapa
22. Kalian pinasinayaan ang Pamahalaang Commonwelath
a. Nobyembre 15, 1935
b. Nobyembre 12, 1935
c. Setyembre 15, 1935
d. Setyembre 12, 1935
23. Ito ang kautusan na nagtalaga ng Wikang Tagalog bilang Wikang Pambansa at gamitin sa pagtuturo sa mga
paaralan.
a. Kautusan Blg. 134
b. Kautusan Blg. 225
c. National Council for Education Act
d. Pambansang Wika Act
24. Paano nagbago ang Sistema ng edukasyon sa panahon ng Commonwealth?
a. Ginamit ang Wikang Ingles sa pagtuturo sa lahat ng asignatura sa paaralan,
b. Isinama sa curriculum ang buhay ng mga dakilang tao sa Pilipinas tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio
at Marcelo H. Del Pilar
c. Isinapribado ang ilan sa mga pampublikong paaralan
d. Ipidala ang mga matatalinong mag-aaral sa ibang bansa upang doon mag-aral
25. Alin sa mga sumusunod ang nagging paghahanda ng pamahalaang Commonwealth pagdating sa pagtatanggol
ng bansa?
a. Nagtadhana ng sapilitang pagkakaloob ng serbisyong militar at pagtatatag ng Hukbong Pilipino.
b. Nagkaroon ng libreng pagsasanay para sa mga anak na lalaki sa base military ng Pilipinas
c. Naglaan ng karagdagang pondo para sa mga kagamitan sa pagtatanggol ng bansa
d. Lahat ng nabanggit
26. Alin ang isa sa mahalagang nagawa ng Pamahalaang Commonwealth para sa mga kababaihan?
a. Pagbibigay ng mga pagsasanay sa pananahi at pagluluto
b. Pagkakaloob ng gantimpala sa mga kababaihan na tumulong sa pakikipaglaban ng mga Pilipino.
c. Pagkakaloob ng karapatang bomoto.
d. Lahat ng nabanggit
27. Kalian binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawii sa utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon?
a. Ika-8 ng Disyembre, 1941
b. Ika-7 ng Disyembre, 1941
c. Ika-8 ng Nobyembre, 1940
d. Ika-7 ng Nobyembre, 1941
28. Kailan nangyari ang Death March kung saan ang 30,000 sundalong bihag ay pinalakad mula Bataan hanggang
Tarlac.
a. Abril 9, 1942
b. Abril 8, 1942
c. Mayo 2, 1942
d. Hunyo 4, 1942
29. Kailan lubusang nasakop ng mga Hapones ang Maynila?
a. Enero 2, 1942
b. Enero 5, 1945
c. Hunyo 2, 1942
d. HUnyo 5, 1942
30. Ito ang tanging partidong tinangkilik ng mga Hapones kapalit ng mga lapiang pampolitika.
a. Samahang Makabayan
b. Nacionalista
c. KALIBAPI
d. HALIBAPI
31. Sino ang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas?
a. Benigno Aquino Sr.
b. Jose P. Laurel
c. Jose Vargas
d. Marcos Agustin
32. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakikipagtulungan sa mga hapones bilang espiya?
a. Kempeitai
b. Pilipinos
c. Makapili
d. Taksil
33. Ito ay samahan ng mga Pilipino na naghahangad na wakasan ang pananakop ng mga hapon at maging Malaya.
a. HukBaLaHap
b. KALIBAPI
c. Samahan ng Mga Pilipinong Makabayan
d. Samahan ng mga Babaeng Iskawt
34. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas?
a. Nagkaroon ng malawakang taggutom at bumagsak ang ekonomiya.
b. Nawalan ng karapatang pantao ang mga Pilipino
c. Inabuso ang mga kababaihan at ginawang comfort women
d. Lahat ng nabanggit
35. Alin sa mga sumusunod ang nagging pagbabago sa Sistema ng edukasyon sa pananakop ng mga Hapones?
a. Pagtuturo ng Wikang Niponggo at pagtigil sa paggamit ng Ingles
b. Pagdating ng mga gurong nagmula sa bansang hapon
c. Pinagbawalan ang mga babae na makapag-aral
d. Pagpapahalag at pagpapaunlad sa kulturang Pilipino
36. Ano ang nagging ambag ng pananakop ng mga Hapones sa Sining at Panitikan ng Pilipinas?
a. Naging masigla ang pagsusulat ng mga Pilipino sa Wikang Tagalog.
b. Ipinagbawal ang pagsusulat sa mga Pilipino
c. Itinuro ang Niponggo bilang kapalit ng Wikang Ingles
d. Maraming manunulat ang lumisan ng bansa.
37. Kailan bumalik c MacArthur sa Pilipinas bilang pagtupad niya sa kanyang pangakong babalik muli sa
Pilipinas?
a. Oktubre 20, 1944
b. Oktubre 3, 1944
c. Nobyemre 20, 1944
d. Setyembre 3, 1944
38. Ito ay tinawag na pinakamatinding labanang naganap sa tubig sa buong mundo na naganap noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
a. Labanan sa Golpo ng Leyte ( Battle of Bulls)
b. Labanan sa Pearl Harbor Hawaii
c. Pagbagsak ng Corregidor
d. Labanan sa Golpo ng Lingayen
39. Kailan ipinahayag ni Heneral MacArthur ang Kalayaan ng buong Pilipinas laban sa bansang Hapon?
a. Hulyo 16, 1945
b. Hunyo 5, 1845
c. Hulyo 6, 1945
d. Hulyo 5, 1945
40. Sino ang bumuo ng Pambansang Samahan ng mga Kababaihan at tumulong sa mga sundalong lumaban sa mga
hapones?
a. Josefa Llanes-Escoda
b. Josefa Singson
c. Maria Concepcion De Jesus
d. Maria Macaraig

41-45. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan laban sa mga Hapon? ( 5 puntos)
46-50. Magbigay ng halimbawa ng mga natatanging Pilipino/Samahan ng mga Pilipino na nagpamalas ng pagmamahal sa
bayan at pakikipaglaban sa panahon ng digmaan.
Ipaliwanag ang kanilang kontribusyon sa pakikipaglaban para sa Kalayaan.

Prepared by:

_______________________
Teacher

Noted:

____________________
School Principal

Key to correction:

1. A
2. A
3. C
4. B
5. A
6. D
7. D
8. A
9. B
10. A
11. C
12. C
13. A
14. A
15. A
16. A
17. B
18. A
19. A
20. B
21. A
22. A
23. A
24. B
25. A
26. C
27. B
28. A
29. A
30. C
31. B
32. C
33. A
34. D
35. A
36. A
37. A
38. A
39. D
40. A
41-50. Teacher’s Perpective ( Answers may vary)

You might also like