You are on page 1of 5

Ang Parity Rights…111

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 6 Araling Panlipunan/106.8 FM, Pakpak ng Pangarap


Topic: Ang Parity Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos

Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Jeric R. Pacat
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 6
Araling Panlipunan ay natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados Unidos

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga minamahal naming mag-aaral ng Ika-anim na

4 baitang! Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan! Nagagagalak

5 ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6 inyong lingkod, __________ mula sa Papaac Elementary School.

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 HOST: Siguruhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at

9 maayos na naririnig ang ating broadcast. Matanong ko lang… kumain na ba

10 kayo? (PAUSE) Mabuti kung may laman ang inyong mga tiyan upang

11 maging alerto ang inyong mga pag-iisip at maayos na maunawaan ang ating

12 tatalakaying aralin ngayong araw.

13 BIZ: MSC UP AND UNDER

14 HOST: Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong LAS, ang ating paksa sa araw

15 na ito ay tungkol sa Parity Rights at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos.

16 Sige, hawakan niyo na ang inyong LAS!


Ang Parity Rights…222
1 BIZ: MSC OUT

2 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

3 BIZ: MSC UP AND UNDER

4 HOST: Alam ko handa na kayo para sa panibagong aralin! (PAUSE) Kung kailangan ninyong

5 mag-banyo, gawin n’yo na iyan ngayon dahil sa ilang saglit lang ay ihahatid ko na ang

6 ating bagong leksyon!

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 BIZ: MSC OUT

10 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-

11 RADIO TEACHER: Kunin na ang inyong ballpen, papel, LAS at magsisimula na

12 tayo. Tara at lakbayin natin ang mundo ng Araling Panlipunan!

13 BIZ: MSC UP AND UNDER

14 RADIO TEACHER: Aking babasahin ang isang kuwento ng isang magkaibigan.

15 May dalawang magkaibigan na sina Lita at Tina. Sila ay magkababata kaya masaya

16 at malapit sila sa isa’t isa. Isang araw, pumunta si Lita sa bahay ni Tina upang

makipaglaro.

17 Mabait ang mga magulang ni Tina kaya malaya siyang pumili ng anumang laruan.

18 Kung si Tina naman ay pupunta sa bahay nila Lita limitado lang ang kanyang lalaruin

dahil magagalit ang kanyang ina na gamitin ang mamahaling laruan. Iyan ang kuwento ng

dalawang magkaibigan.

19 BIZ: MSC UP AND UNDER


Ang Parity Rights…333

20 KATANUNGAN. 1Sino ang dalawang magkaibigan? (pause) TAMA, sina Lita at Tina

21 2. Paano sila naging magkaibigan? (pause) TAMA, sila ay magkababata kaya masaya at

22 malapit sila sa isa’t isa. 3. Sa iyong palagay, pantay ba ang kanilang karapatan sa

23 paglalaro? Bakit?

-MORE-

1 RADIO TEACHER: Ang karapatan ng isang tao ay napakamakahalaga sapagkat malaya itong

2 gumawa ng mga bagay na ikabubuti at ikasasama niya. Kaya lang minsan ito ay

3 inabuso nang iba. Ngayon ay malalaman natin sa araling ito ang Parity Rights at ang

4 ugnayang kalakalan sa Estados Unidos. Aking babasahin ang ating aralin, ang

5 PATAKARANG “PARITY RIGHTS” AT ANG UGNAYANG KALAKALAN SA

6 ESTADOS UNIDOS.

Malayang Kalakalan
Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pamamaraan ng paniningil ng iba’t ibang buwis na
nasimulan noong panahon ng mga Kastila. Mayroong mga ginawang pagbabago gaya ng
pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta ($0.10) at pagaalis ng mga monopolyo sa pagbibili
ng opyo, sabungan at alak. Ang mga salaping nakokolekta ay inilalagak sa isang pampublikong
tesorero na pinangasiwaan ng Kagawaran ng Tesorero.

Batas Payne-Aldrich
Noong taong 1909 ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas PayneAldrich. Ito’y naglalayong
papasukin ang mga piling produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Naglagay ng limitasyon sa
pagpasok ng bigas, asukal, niyog, langis at tabako sa Estados Unidos dahil sa pagtutol ng mga
magsasakang Amerikano. Ito’y kanilang ginawa dahil sa posibleng malaking kompetisyon ang
mangyayari sa mga nabanggit na produkto. Samantalang ang produkto ng mga Amerikano ay
malayang makapapasok sa ating pamilihan ng walang limitasyon sa bilang o dami nito.
Batas Underwood-Simmons
Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa Kongreso ng Amerika. Inalis ng batas na
ito ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa dalawang bansa. Dahil dito, naging
depende ang Pilipinas sa mga kalakal na galing sa Estados Unidos. Naging positibo din ito sa
pagdami ng mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang ng mga
iniluluwas na produkto. Batay sa istatistika noong taong 1914 at 1920 ay umabot ang iniluluwas na
produkto sa 50%-70%. Nang taon 1939 ay 85% ang ating nailuwas na produkto sa Estados Unidos
ngunit 65% naman ang ating inangkat. Nakinabang nang malaki ang Estados Unidos sa nasabing
patakaran dahil kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa pamilihan ng Pilipinas at
nagdulot ng mas malaking tubo sa kanila. Naging mahilig kasi ang mga Pilipino sa anumang
produktong “stateside”.
Ang Parity Rights…444

Parity Rights
Hindi lamang ang kalakalan ang pinakinabangan ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pamamahala sa Pilipinas kundi maging ang ating mga likas na yaman. Bago pinagkaloob ng mga
Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas ay itinali muna tayo sa isa pang patakaran: ang Parity Rights.
Ang patakarang ito inaprubahan ng kongreso ng Pilipinas noong Hulyo 2, 1946. Ito ay nagbigay ng
pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na
yaman ng Pilipinas. Madaling napaunlad nito ang pangangalakal at industriyang itinayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Ang pagtatatag ng mga industriyang Amerikano ay naging daan ng pagdagsa
ng mas maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.

-MORE-

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 RADIO TEACHER: Ngayon ay atin naming ilista sa graphic organizer ang mga produktong

3 iniluwas ng Pilipinas sa Amerika. Handa na ba kayong magsagot sa inyong LAS? (pause)

4 Kung handa na, kayo ay magsimula na. (pause) bibigyan ko kayo ng 1-2 minuto na sumagot.

5 Magaling, Ngayong tapos na nating pagyamanin ang ating natutunan. Dumako naman tayo sa

6 isa pang sagutin (pause) 1-2 minuto ISAISIP, Nagsimula ang malayang kalakalan sa pagitan ng

7 Pilipinas at ________________nang panahon ng pamamahala ng mga Amerikano.

8 Ang ________________ay naipasa noong taong 1909 ng Kongreso ng Amerika at

9 naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa bigas, asukal at

10 tabako. Ang Batas ________________ naman ay naipasa noong 1913 ng Kongreso ng

11 Amerika at naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa

12 pamilihan ng Pilipinas at Amerika. Ang ________________ay nagbigay ng pantay na

13 karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga

14 ________________ng Pilipinas. GOOD JOB GRADE 6!

-MORE-

Ang Parity Rights…555


15 Atin naming isagawa ang inyong natutunan sa leksyon natin ngayon.

16 Paano ang gagawin? Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa

17 sumusunod na sitwasyon. Bibigyan ko kayo ng sapat na panahon upang sagutan ito.

18 A. Sa palagay ninyo, ano ang maaaring mangyari sa ating likas na yaman kung
hindi inalis

19 o tinanggal ang patakarang “Parity Rights”?

20 B. Sa kasalukuyan, napapatupad pa ba ang patakarang “Parity Rights”

-MORE-

1 RADIO REPORTER: Ngayong tapos na ang ating leksyon, oras na para sukatin ang

2 ating kaalaman ukol sa tinalakay nating aralin sa radyo. (PAUSE)

3 BIZ: MSC OUT

4 BIZ: QUIZ MSC THEME UP FOR 6 SECONDS AND THEN UNDER

5 RADIO REPORTER: Maglista ka ng limang produktong gusto mong mabili na galing sa Amerika.

6 Pagkatapos ay ipaliwanag mo kung bakit gusto mong magkaroon ng mga produktong iyon.

7 Isulat ang iyong magiging sagot sa inyong LAS.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Handa na kayo? Tara’t magsimula na.

1 BIZ: MSC OUT

2 RADIO TEACHER: Diyan na nagtatapos ang ating pagsusulit. Isang leksyon na naman ang ating

3 natapos. Nawa’y madami kayong natutunan. Maraming salamat at manatiling maging ligtas!

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

5 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like