Professional Documents
Culture Documents
Ugnayang Kalakalan sa
Estados Unidos
1. Ano ang kasunduang nilagdaan ni Pangulong Manuel A. Roxas kasama ang kanyang pangalawang Pangulo
Elpidio Quirino at US Ambassador Paul V. Mcnutt sa loob ng Malacañang Palace?
A. Bell Trade Act C. Batas Tydings-McDuffie
B. National Defense Act D. Military Bases Agreement
2. Kailan nalagdaan ang kasunduang Base Militar sa pagitan ng Pilipinas at Amerika?
A. Mayo 21,1947 C. Agosto 30,1951
B. Mayo 14,1947 D. Abril 15,1948
3. Ilang taon ang bisa ng kasunduang Base Miltar ng Pilipinas at Amerikano sa panahon ng Ikatlong Republika
ng Pilipinas?
A. 45 taon C. 99 taon
B. 87 taon D. 100 taon
4. Isa sa mga natatag na Base Militar ng Amerika dito sa Pilipinas na matatagpuan sa Angeles, Pampangga na
may 37 km. kwadrado. Ano ito?
A. Mariveles Military Reservation C. Apari Naval Air Base
B. Subic Bay D. Clarck Air Field
5. Sino ang pangulo nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Manuel A. Roxas C. Elpidio Quirino
B. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo
Parity Rights
01 Pagkakaroon ng pantay na
karapatan ng Pilipino at
Amerikano na linangin at
paunlarin ang likas na yaman na
pag-aari ng Pilipinas
Malayang
Kalakalan
01 Malayang pagpasok ng mga
produktong Amerikano sa bansa
na walang pataw na buwis.
Ang Dalawang Magkakaibigan
May dalawang magkaibigan na sina Tita at Tina. Sila ay magkababata kaya
masaya at malapit sila sa isa’t isa.
Isang araw, pumunta si Tita sa bahay ni Tina upang makipaglaro. Mabait ang
mga magulang ni Tina kaya malaya siyang pumili ng anumang laruan. Kung si
Tina naman ay pupunta sa bahay nila Tita limitado lang ang kanyang lalaruin
dahil magagalit ang kanyang ina na gamitin ang mamahaling laruan.
Tanong:
1. Sino ang dalawang magkaibigan?
2. Paano sila naging magkaibigan?
Sa iyong palagay, pantay ba ang kanilang karapatan sa paglalaro? Bakit?
Ang Parity Rights at ang
Ugnayang Kalakalan sa
Estados Unidos
niyog tabako
Malayang Kalakalan
Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pamamaraan ng
paniningil ng iba’t ibang buwis na nasimulan noong panahon
ng mga Kastila. Mayroong mga ginawang pagbabago gaya
ng pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta ($0.10) at
pagaalis ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan
at alak. Ang mga salaping nakokolekta ay inilalagak sa isang
pampublikong tesorero na pinangasiwaan ng Kagawaran ng
Tesorero.
Batas Payne-Aldrich
Noong taong 1909 ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas
PayneAldrich. Ito’y naglalayong papasukin ang mga piling produkto ng
Pilipinas sa Estados Unidos. Naglagay ng limitasyon sa pagpasok ng
bigas, asukal, niyog, langis at tabako sa Estados Unidos dahil sa
pagtutol ng mga magsasakang Amerikano. Ito’y kanilang ginawa dahil
sa posibleng malaking kompetisyon ang mangyayari sa mga nabanggit
na produkto. Samantalang ang produkto ng mga Amerikano ay
malayang makapapasok sa ating pamilihan ng walang limitasyon sa
bilang o dami nito.
Batas Underwood-Simmons
Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa
Kongreso ng Amerika. Inalis ng batas na ito ang mga restriksiyon sa
lahat ng produktong pumapasok sa dalawang bansa. Dahil dito, naging
depende ang Pilipinas sa mga kalakal na galing sa Estados Unidos.
Naging positibo din ito sa pagdami ng mga iniluluwas na produkto ng
Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang ng mga iniluluwas na
produkto. Batay sa istatistika noong taong 1914 at 1920 ay umabot ang
iniluluwas na produkto sa 50%-70%. Nang taon 1939 ay 85% ang ating
nailuwas na produkto sa Estados Unidos ngunit 65% naman ang ating
inangkat. Nakinabang nang malaki ang Estados Unidos sa nasabing
patakaran dahil kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa
pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng mas malaking tubo sa kanila.
Naging mahilig kasi ang mga Pilipino sa anumang produktong
“stateside”.
Parity Rights
Hindi lamang ang kalakalan ang pinakinabangan ng mga
Amerikano sa panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas kundi
maging ang ating mga likas na yaman. Bago pinagkaloob ng mga
Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas ay itinali muna tayo sa isa pang
patakaran: ang Parity Rights. Ang patakarang ito inaprubahan ng
kongreso ng Pilipinas noong Hulyo 2, 1946. Ito ay nagbigay ng pantay
na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at
pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas. Madaling
napaunlad nito ang pangangalakal at industriyang itinayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Ang pagtatatag ng mga industriyang
Amerikano ay naging daan ng pagdagsa ng mas maraming bilang ng
mga produktong Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.
Ano ang Parity Rights? Ano-ano pa ang
ibang ugnayang pangkalakalan ng
Pilipinas at Estados Unidos ang ipinatupad
noong pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Estados Unidos
Batas Payne-Aldrich
Batas Underwood-Simmons
Parity Rights
likas na yaman
Panuto: Napag-aralan na natin ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa isyung pangmilitar. Tukuyin ang
wastong sagot sa bawat bilang at isulat ang salitang nabuo sa iyong kwaderno.
1. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa Estados Unidos?
A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya
B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya
3. Ano ang batas na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at
pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas?
A. Batas Payne-Aldrich C. Parity Rights
B. Batas Underwood-Simmons D. Malayang Kalakalan
4. Base sa istatistika nang taong 1914-1920, ilang porsyento ang iniluwas na produkto ng Pilipinas
patungong Amerika?
A.30%-60% B. 40%-60% C. 50%-70% D. 40%-70%
01 different cultures.
02 language.
03 different areas.
Assignment
Over the weekend, talk to 2-3 of your neighbors. Like with our activity, ask them about
things that they believe are unique to your area.
Happy designing!