Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Kwarter 3 Modyul 3:
Reaksiyon ng Pilipino sa Epekto ng
Pagsasarili ng Bansa
Pag-aralan natin ngayon ang reaksyon ng mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights.
Gawain 1
Napag-alaman mo na ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng
Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights, Kasunduang Base Militar .Lagyan ng masayang
mukha kung ito ay kabilang sa mga reaksiyon ng Pilipino at lagyan naman ng malungkot
na mukha kung hindi. Iguhit ang sagot sa iyong kwaderno.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon ang iyong
tamang sagot at isulat sa kwaderno.
1. Alin sa sumusunod ang naging reaksyon ng karamihang mga Pilipino sa epekto ng Parity
Rights?
A.natuwa C. nabigla
B. tumutol D. nabahala
2. Ano ang Parity Rights?
A. Hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at amerikano.
B. Karapatan ng lahat ng Pilipino na makinabang sa likas na yaman.
C. Pantay ang pakinabang ng mga Amerikano at Pilipino sa likas na yaman ng bansang
Pilipinas.
D. Pagbigay karapatan sa mga Amerikano sa pagpapaunlad sa lahat ng lupang
agrikultural at likas na yaman.
3. Paano ipinahayag ng mga mamamayan ang kanilang damdamin tungkol sa di- pantay na
kasunduan ng base militar?
A. pagwewelga
B. pagkakaroon ng malaking handaan
C. pagpupunit ng papel ng kasunduan
D. pagkakaroon ng sayawan,at kantahan
4. Bakit nagkaroon ng kasunduan ang Amerika at ang bansang Pilipinas?
A. Nagkaroon ng malaking suliranin na idinulot ng digmaan.
B. Nagalit ang ibang bansa kaya nakiisa sa bansang Amerika.
C. Nabaon sa utang ang bansang Pilipinas.
D. Nawalan nang pagkakakitaan ang bansang Amerika.
5. Bakit sumang-ayon si Manuel A. Roxas sa kasunduang inilatag ng mga Amerikano?
A natakot siyang patayin ng mga Amerikano
B. masaya siya sa ipinapatupad na kasunduan
C. nais ng mga Amerikano na umunlad ang Pilipinas
D. gusto niyang makabangon ang Pilipinas mula sa digmaan
Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo
2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit
may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
3. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang Amerikano?
A. Mapaunlad ang mga ito.
B. Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
4. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?
A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act
5. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika?
A. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
B. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
C. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas
dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
D. makuha ang bansang Amerika.
Gawain 4
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMA kung ito ay nagpapahiwatig
ng reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights,
Kasunduang Base Militar at isulat ang MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____1. Nagkaisa ang lahat ng Pilipino na sundin ang kasunduan.
_____2. Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa kasunduan.
_____3. Mas malaki ang kinita ng mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.
_____4. Umunlad ang pangangalakal at industriya.
_____5. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.