You are on page 1of 7

Basahin natin!

Si Carlos P. Garcia ang ika-walong Pangulo ng Republika ng


Pilipinas (Marso 18, 1957–Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang
pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia.
Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay.

MGA KONTRIBUSYON PANGULONG CARLOS P. GARCIA NA


NAKAPAGDUDULOT NG KAULARAN SA LIPUNAN AT
BANSA
Sa kanyang panahon ay ipinatupad niya ang Patakarang
Pilipino Muna sa bansa sa batas ng Resolusyon Blg 204 na
nagsaad ng tiwaling pakikitungo ng mga dayuhan sa mga Pilipino.
Binigyan pansin din niya ang pag papaunlad ng antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan kaya inilunsad niya ang mga
sumusunod.

1. Austerity Program- layunin ng kanyang panunungkulan na


bigyan ng maayos at matipid na pamumuhay ang mga Pilipino:
Ang pamahalaan ay maging matalino at masinop sa paggasta at
higit na maayos ang paglunsad at paggawa.
2. Pag papairal ng Pilipino First Policy- Ito ay nagbibigay ng
prioridad sa mga Pilipino para paunlarin ang kayamanan ng
bansa kaya hinikayat niya ang mga mamamayan na tangkilikin
ang produktong sariling atin.
3.Filipino Retailer’s Fund Act (1955) na nagpapautang sa mga
Pilipino.
4.NAMARCO (National Marketing Corporation) na nagtutustos
sa maliliit na Pilipinong mangangalakal.
MGA NAGING AMBAG SA ASPETONG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Sa pagiging masigasig ni Pangulong Carlos P. Garcia ay nagkaroon ng
pagbabago sa kasunduan pamamalakad ng base- militar sa bansa.

1. Pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasama ang bandila ng Estados


Unidos sa lahat ng base- military sa bansa simula Mayo 1, 1957

Pinalawig din ni Pangulong Carlos P. Garcia ang pakikipag-


ugnayang panlabas na sinimulan ni Pangulong Ramon F.
Magsaysay. Pinairal niya muli ang patakarang “Asya Para sa mga
Asyano” kalakip nito ang pagtutol niya sa paglaganap ng
komunismo. Nabuo rin sa kangyang panunungkulan ang (ASA)
Association of Southeast Asia noong Hulyo 1961, na naglalayong
pag –isahin at buklurin ang mga kaanib ng bansa na magtulungan
sa pangkabuhayan at pangkultura. Binigyang halaga niya ang
Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng taunang pagdaraos ng
Republic Cultural Heritage Awards. Nagpapadala rin ng mga
cultural troupe sa ibang bansa upang palakasin ang turismo sa
bansa.
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang posisyon ni Pangulong Garcia nung


nabubuhay pa si Pangulong Ramon Magsaysay?
-------------------------------------------------------------------------------------

2. Ano ang ikinamatay ni Pangulong Ramon


Magsaysay?
-------------------------------------------------------------------------------------

3. Sa kaniyang panahon, anong patakaran ang


kaniyang ipinatupad?
-------------------------------------------------------------------------------------

4. Kaninong bandila ang itinaas noong Mayo 1, 1957?


-------------------------------------------------------------------------------------

5. Kung ikaw ay mamumuno balang araw tutularan


mo ba si Pangulong Carlos Garcia? Ipaliwanag?
-------------------------------------------------------------------------------------
B. Panuto: Isulat ang T kung tama at
M kung mali.

___1. Layunin ng Austerity Program na


bigyan ng maayos at matipid na
pamumuhay ang mga Pilipino.
___2. Filipino Retailer’s Fund Act (1964) na
nagpapautang sa mga Pilipino.
___3. Ang kahulugan ng ASA ay
Association of Southeast Asia.
___4. Ang kahulugan ng NAMARCO ay
Nation Marketing Corporation.
___5. Ang Pilipino First Policy ay nagbibigay
ng prayoridad sa mga Pilipino para
paunlarin ang kayamanan ng bansa.
C. Punan ang patlang
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
pangkabuhayan nangangalakal
karapatan
nagpapautang bandila

1. Sa panunungkulan ni pangulong Carlos P. Garcia ang


NAMARCO na nagtutustos sa maliit na Pilipinong
_______________.

2. Ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Gracia ang


patakarang Filipino Retailer’s Fund Act 1955 na siyang
____________ sa mga Pilipino.

3. Ang Association of Southeast Asia ay naglalayong


pag–isahin at buklurin ang mga kaanib ng bansa sa
magtulungan sa ________ at pangkultura.

4. Pag- alis ng mga _________ ng mga Amerikano sa


pag control sa Olongapo.

5. Pagtataas ng ______ ng Pilipinas kasama ang bandila


ng Estados Unidos sa lahat ng base- military sa bansa
simula Mayo 1, 1957.
D. Isulat ang 1, 2, 3, 4 batay sa
pagkasunod-sunod.

_______ NAMARCO (National Marketing


Corporation) na nagtutustos sa maliit na Pilipinong
mangangalakal.

_______ Pag papairal ng Pilipino First Policy. Ito ay


nagbibigay ng prayoridad sa mga Pilipino para
paunlarin ang kayamanan ng bansa kaya hinkayat
niya ang mga mamamayan na tangkilikin ang
produktong sariling atin.

_______ Ang layunin ng Austerity Program sa


kanyang panunungkulan ay bigyan ng maayos at
matipid na pamumuhay ang mga Pilipino: Ang
pamahalaan ay maging matalino at masinop sa
paggasta at higit na maayos ang paglunsad at
paggawa.

________Filipino Retailer’s Fund Act (1955) na


nagpapautang sa mga Pilipino.

You might also like