You are on page 1of 9

Paaralan Baitang VI

Guro Asignatura AP
LESSON UNANG
EXEMPLAR Petsa Markahan
MARKAHAN
Bilang ng
Oras 3
Araw

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon sa


kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. Napahahalagahan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino para sa
kasarinlan ng matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
3. Nakagagawa ng graphic organizer sa pagtugon ng mga hamon
at suliranin ng kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
A. Pamantayan Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga
Pangnilalaman sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga
suliranin , isyu at hamon ng kasarinlan
B. Pamantayan sa Nakakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga
Pagganap nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at
hamon ng kasarinlan

C. Mga Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan


Kasanayan sa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagkatuto
Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos 15 ng
digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin
Learning Delivery Online Synchronous Distance Learning Modality
Modality
D. Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaaharap ng
Pinakamahalagan mga Pilipino mula 1946 hanggan 1972
g (MELC#16)
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC)

E.
Pagpapayamang
Kasanayan
Dahilan at pangyayaring naganap sa panahon ng himagsikang
II. NILALAMAN
Pilipino
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga pahina MELC AP G6 Q1 PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum A Guide p.
sa Gabay ng 135 AP6SHK-IIIb-1
Guro
b. Mga pahina Araling Panlipunan,
sa Kagamitang
Pang-mag-
aaral
c. Mga pahina
sa Teksbuk
d.
Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal
ng Learning
Resource
B. Iba pang powerpoint presentation, video clip mula sa Youtube
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pagbibigay ng mga panuntunan na dapat tandaan at sundin sa
online class o distance learning.

Balitaan - Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais


magbabahagi ng balita tungkol sa napapanahong isyu.

Bago natin simulan ang ating talakayan, balikan muna natin ang
ating huling tinalakay noong nakaraang markahan.
Sa pamamagitan ng slides, pasasagutan ng guro ang isang Gawain
bilang pagbalik sa nakaraang aralin.

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap/pahayag. Isulat sa


inyong show me board ang W kung ang isinasaad ng pangungusap
ay wasto at DW kung hindi.

1. Ginamit ng mga kababaihan ang kanilang katalinuhan upang


linlangin ang mga Hapones.
Sagot: W
2. Ang mga sibilyan ay nakibaka sa pamamagitan ng pagiging
espiya.
Sagot: W
3. Hindi naging sagabal ang kakulangan nila ng armas at
kagamitang pandigma maisulong lamang ang kanilang
Karapatan.
Sagot: W
4. Binawian ng buhay si Josefa Llanes-Escoda sa bilangguan
noong Enero 1945 .
Sagot: W
5. Ipinakulong si Jose Abad Santos sa Lanao dahil pumanig
siya sa mga Hapones
Sagot: DW

Magpapakita ng isang larawan ang guro.

Itanong:
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Tungkol saan ang mga datos na nakalagay sa Census?

Ano sa tingin ninyo ang kinalaman nito sa araling na


tatalakayin ngayong hapon?

Magpapakita ang guro ng mga larawan.


Itanong:
Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan?
Tukuyin kung ano ang mga naging sanhi at bunga ng mga suliranin
at Hamon na kinaharap ng mga Pilipilo pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig,

Pagbagsak ng ekonomiya
- Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa bansa. Libo-libong buhay
ang nawala at maraming ari-arian ang nasira, kasama na rito ang mga
hayop na katulong sa pagsasaka, industriya, pabrika at bahay-kalakal.
Lumaganap ang kahirapan.
Pagbagsak ng ekonomiya
- Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa bansa. Libo-libong buhay
ang nawala at maraming ari-arian ang nasira, kasama na rito ang mga
hayop na katulong sa pagsasaka, industriya, pabrika at bahay-kalakal.
Lumaganap ang kahirapan.
Sanhi -dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan. Hindi
magamit ang mga pasilidad sa transportasyon tulad ng mga lansangan,
tulay, at sasakyang pandagat at panghimpapawid. Nasira rin ang mga
patubig at sakahan.
Bunga -humina ang produksiyon ng bansa at nagkulang sa pagkain.
Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na nagbunga ng
kakapusan sa pananalapi ng pamahalaan.

Kapayapaan at kaayusan

Sanhi- dahil sa kakulangan ng mga trabahong maaaring pasukan at


pagkaabalahan, natuon ang pansin ng nakararami sa mas madaling
paraan upang magkapera.

Bunga- Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga sa mga lungsod,


bayan, at maging sa mga lalawigan

Higit na nagpalubha sa kalagayan ng bansa ang suliranin sa


pagsasaka. Nagpatuloy ang kawalan ng gana ng mga magsasaka
laban sa mayayamang hacendero. Marami sa mga ito ang naging
Huk o kasapi ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap.
Nagsimula ang Hukbalahap bilang samahang gerilya noong
panahon ng mga Hapones. Pagkatapos ng digmaan, tumanggi ang
mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata nang hindi ipagkaloob
ng pamahalaan ang kanilang kahilingan sa repormang pansakahan.
Komunismo-sosyalismo and ideolohiya ng mga Huk. Layunin nila
na pabagsakin ang pamahalaan. Lumaban sila sa pamahalaan at
inakit ang mga hindi nasisiyahang magsasaka na umanib sa kanila.
Maraming magsasaka ang sumali, lalo na sa Gitnang Luzon, na
naging sentro ng pakikibaka ng samahan.

Suliraning Panlipunan

Sanhi- dahil kapos sa pagkain ang mga mamamayan, lalo na sa


mga lugar na sentro ng labanan
Bunga- nanirahan ang marami sa dikit-dikit at sirasirang mga
bahay at gusali.

Buy-and-sell ng anumang bagay ang naging pangunahing


hanapbuhay ng mga mamamayan sa panahong ito. Dahil sa
kakulanngan ng paninda at salapi, tumaas ang halaga ng mga
bilihin. Dahil sa kawalan ng katiyakan sa buhay, nalimot ng marami
ang kagandahang asal at pamantayang moral ng lipunan. Nawalan
ng tiwala ang mga tao sa isa’t isa. Lumaganap ang katiwalian.
Ginamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa pagpapayaman at nagkaroon ng pandaraya at
suhulan sa pamahalaan.

Kakapusan ng Pananalapi

Sanhi- dahil nahinto ang produksiyon ng mga pangunahing


produkto tulad ng palay, asukal, at niyog, nawalan ng hanapbuhay
ang mga Pilipino

Bunga- Natigil ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa at kakaunti


lamang ang nalikom na salapi
B. Ngayong natutuhan na natin ang mga suliranin ng republika
Pagpapapunlad matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin ang mga
sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: sa pamamamagitan ng slides.


Hanapin ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (5 SALITA).Isulat
ang sagot sa inyong show-me-board.

Sagot:
-HANAPBUHAY
-KATIWALIAN
-PANANALAPI
-PANLIPUNAN
-KAPAYAPAAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Suriing mabuti ang mga
pangungusap. Isulat ang T kung tama, kung mali, isulat ang M. Isulat ang
iyong sagot sa inyong show-me-board.
__________1. Tumaas ang halaga ng mga bilihin dahil sa
kakulangan ng paninda at salapi.
__________2. Naging maayos ang ekonomiya, madaming
hanapbuhay ang nagbukas sa mga tao.
__________3. Lumaganap ang nakawan dahil sa kakulangan ng
pagkakakitaan.
__________4. Buy and sell ang naging pangunahing hanapbuhay
ng mga mamamayan matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
__________5. Naging madali sa pamahalaan ang makalikom ng
buwis

C. Pangkatang Gawain
Pakikipagpalihan
Papangkatin ng guro ang klase sa 5. Sa papamagitan ng slides,
bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng iba’t ibang Gawain.

Pangkat 1: Epekto
Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng pamahalaan
pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala ang mga naging epekto
nito sa mga mamamayan

Pangkat 2: Graphic Organizer


Gumawa ng isang graphic organizer ng mga naging tugon sa mga
suliranin pagkatapos ng digmaan.

Pangkat 3: Larawan
Base sa larawan. Magbigay ng isang pangungusap na
naglalarawan sa mga naging suliranin at hamon na kinaharap ng
mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pangkat 4: Sanhi at Bunga.
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng guhit ang sanhi at
kahon naman ang bunga.
1. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan.
Hindi magamit ang mga pasilidad sa transportasyon tulad ng
mga lansangan, tulay, at sasakyang pandagat at
panghimpapawid. Nasira rin ang mga patubig at sakahan,
humina ang produksiyon ng bansa at nagkulang sa pagkain.
Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na nagbunga
ng kakapusan sa pananalapi ng pamahalaan.
2. Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga sa mga
lungsod, bayan, at maging sa mga lalawigan dahil sa
kakulangan ng mga trabahong maaaring pasukan at
pagkaabalahan, natuon ang pansin ng nakararami sa mas
madaling paraan upang magkapera.
3. dahil kapos sa pagkain ang mga mamamayan, lalo na sa
mga lugar na sentro ng labanan, nanirahan ang marami sa
dikit-dikit at sirasirang mga bahay at gusali
4. Natigil ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa at kakaunti
lamang ang nalikom na salapi dahil nahinto ang produksiyon
ng mga pangunahing produkto tulad ng palay, asukal, at
niyog, nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino

Pangkat 5: Reaksiyon
Gumawa ng reaksyon kung paano naka-apekto sa buhay ng mga
Pilipino ang Ikalawang digmaang pandaigdig.

Basahin: Dahil sa kawalan ng katiyakan sa buhay, nalimot ng


marami ang kagandahang asal at pamantayang moral ng lipunan.
Reaksyon:_____________________________________________
_

Basahin: Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na


nagbunga ng kakapusan sa pananalapi ng pamahalaan.
Reaksyon:_____________________________________________
__

D. Paglalapat Sa ating tinalakay, Ano-ano ang mga naging pangunahing suliranin


ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

Paano mo mapapahalagahan ang mga ginawa ng mga Pilipino


para makamit natin ang kasarinlan ng ating bansa?

Pumili ng suliranin noon na maaring nararanasan sa panahon


ngayon, bilang isang mag-aaral paano ka tutulong sa pamahalaan
o sa komunidad na iyong kinabibilangan?

V. ASSESSMENT A. Panuto: Piliin ang SP kung ang pahayag ay nagpapakita ng


suliraning pangkabuhayan at T kung tugon sa suliranin.
______1. Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa
pananalapi ang pamahalaan
______2. Nagsimula ang Hukbalahap bilang samahang gerilya
noong panahonng mga Hapones
______3. Buy-and-sell ng anumang bagay ang naging
pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan.
______4. Dumanas ng krisis sa pananalapi ang pamahalaan.
______5. Lumikha rin ng mga hanapbuhay ang pamahalaan upang
magkaroon ng pagkakakitaan ang mga tao.

B. Panuto: Piliin ang naging mga pangunahing suliranin at hamon


sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng
mga Pilipino.
A. Pagbagsak ng Ekonomiya B. Suliranin sa Kapayapaan at
Kaayusan
C. Suliraning Panlipunan D.Kakapusan ng Pananalapi

________6. Ginamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang


kapangyarihan na magpayaman.
_________7. Humina ang produksiyon at nagkaroon ng kakulangan
sa pagkain.
_________8. Maraming magsasaka ang sumanib sa Hukbalahap
dahil sa kawalan nila ng gana sa mga mayayamang hacendero.
_________9. Nahirapan ang pamahalaan na makalikom ng buwis
sapagkat maraming mamamayan ang walang hanapbuhay.
_________10. Marami ang nakalimot ng kagandahang asal at
pamantayang moral sa lipunan dahil sa walang katiyakan sa buhay.

VI. PAGNINILAY Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa


kakayanan upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran
tungkol sa tinalakay na aralin ngayon ay magagawa mo ng ihayag
ng buong pagmamalaki.

Panuto: Gumawa ng katulad nitong graphic organizer sa iyong Ap


Class at ilahad dito ang iyong natutuhan at kahalagahan nito.

You might also like