You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite
Lesson Exemplar in HEALTH Using the IDEA Instructional Process
Learning Area MAPEH- ARALING PANLIPUNAN
Learning Delivery Modality ONLINE Distance Modality
School Alapan 1 Elementary Grade Level
III
LESSON School
EXEMPL Name of Teacher Alana Mae G. Learning Area ARALING
AR Granado PANLIPUNA
Teaching Date and Quarter UNANG
Week 4
Time KWARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang unawa sa kinalalagyan ng mga
Pangnilalaman lalawigan sa rehiyong kinabibilangan ayon sa katangiang heograpikal nito.
Matukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at
topographiya nito.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapaglalarawan ng pisikal na kapaligiran ng mga lalawigan sa rehiyong


kinabibilangan gamit ang mga batayang impormasyon tungkol sa
direksiyon, lokasyon, populasyon at paggamit ng mapa

C. Mga Kasanayan sa Mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon topograpiya


Pagkatuto

D. Pinakamahalagang *Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa


Kasanayan sa lokasyon at topograpiya nito (MELC – Q1 Week 7)
Pagkatuto
(MELC)
E. Pagpapayamang Nakagagawa ng mga hakbang ng pagtugon bilang paghahanda sa
Kasanayan mga posibleng sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon
II. NILALAMAN Mga lugar na Sensitibo sa Panganib
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga pahina sa MELC AP G3 Q1 PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide
Gabay ng Guro
b. Mga pahina sa Araling Panlipunan , Kagamitang Pang- mag aaral pp. 84-97
Kagamitang Pang-mag-
aaral
c. Mga pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang Mapa ng Cavite, slide deck, video clip
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sa pagsisimula ng aralin ,panoorin ang short clip na ito tungkol sa
mga panuntunan na dapat tandaan at sundin sa online class o
distance learning.
https://youtu.be/VMGembV5euc

Balik-aral :
1. Ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng mapa?

B. Pagpapapunlad Tingnan ang mga larawan at tukuyin kung ano ang dahilan at
nagiging dulot nito sa mga tao.

Ang pagguho ng lupa ay tumutukoy sa ilang


anyo ng paggalaw ng dalusdos kabilang ang
ilang mga paggalaw ng lupa tulad ng pagguho
ng mga bato, pagkabasak ng napakalalim na
dalusdos, pagbaha ng putik at pagdaloy ng
mga tirang bagay.

Kumplikadong kumbinasyon ng panahon,


climate at mga Gawain ng tao.
Karaniwang gawa ng mahina at malakas na
ulan sa isang lugar.

naglalabas ito ng m’agma na tinatawag na lava


kapag nakalabas na.

Ang bagyo ay isang malaking unos na


mayroong isang pabilog o spiral sistema ng
marahas at malakas na hangin at may
dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-
daang kilometro o milya sa diameter ang
laki. Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay
maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na


nang-gagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng
pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo
C. Pakikipagpalihan Gawain 1 :

Sa inyong kuwaderno, gumuhit ng mga bagay na dapat nating


ihanda sa panahon ng kalamidad. Ipaliwanag sa klase kung
bakit ito ang iyong ginuhit.

May mga mapanganib na naidudulot ng ating kapaligiran.


Mahalagang malaman kung ano- ano ang mga likas na panganib na
ito upang mapaghandaan at maiwasan. Ang anumangsakuna
maaaring maidulot nito. Maraming kalamidad ang nararanasan
natin gaya ng bagyo, pagyanig ng lupa, pagputok ng bulkan.

Pag-aralan at alamin ang mga salita.

Typhoon belt - mismong daanan ng bagyo ang lokasyon ng ating


bansa

Ang Pilipinas na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ito ay


nakalatag sa daanan ng bagyo o typhoon belt kaya naman
itinatayang nasa 20 hanggang 25 bagyo ang dumadaan dito bawat
taon.

Ang ulan at hanging dala ng bagyo ay nagdudulot ng mga panganib


tulad ng storm surge sa mga lalawigan o rehiyong nakaharap sa mga
dalampasigan, pagbaha sa mababang lugar, at pagguho ng lupa sa
mga lugar na malalapit sa mataas na lugar tulad ng bundok, bulkan,
burol, at talampas.

Ang dalúyong o dalúyong-bagyo (Ingles: storm surge) ay ang


bahang mala-tsunami sa mga baybayin na dulot ng pagtaas ng tubig
dahil sa mga bagyo o iba pang mga kaugnay na sistema. Lumalagpas
ang taas ng daluyong sa normal na antas ng tubig tuwing nagtataog
(high tide).

Matatagpuan din ang Pilipinas sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.


Mataas ang posibilidad ng pagsabog ng mga bulkang nasa paligid
nito na nagiging sanhi ng lindol o paggalaw ng lupa.

Mga Sakunang Naranasan sa Ilang Lalawigan at Rehiyon

1. Ang Bagyong Ondoy ay nanalanta sa NCR noong Setyembre 26,


2009. Kasama ang Rehiyon III, NCR, at CALABARZON sa
napinsala ng bagyo. Ang Metro Manila ay nakaranas ng matinding
pagbaha dulot ng bagyo.

Ang Bagyong Glenda naman ay nanalanta sa lalawigan ng Quezon at


Laguna noong Hulyo 14, 2014. Umaabot sa mahigit P10 bilyon ang
iniwang pinsala at maraming buhay ang nawala.

Ang super typhoon ay nagdala ng napalakas na hangin at ulan na


nagiging sanhi ng storm surge at matinding pagbaha. Isang
halimbawa nito ang Bagyong Yolanda na naranasan ng mga taga-
Tacloban noong Nobyembre 3, 2013

2. Ang pagputok ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero 2020 sa


Taal, Batangas ay nagbuga ng abo na umabot sa mga rehiyon ng
CALABARZON, NCR, at Rehiyon III. Ito ay nagdulot ng
pagsuspinde ng mga pasok sa paaralan, trabaho, at paliparan.

3. Noong Enero 15, 2020, matapos ang pagputok ng Bulkang Taal,


ang NDRRMC ay nakapagtala ng 156 na lindol na nasa magnitude
4.1. Ang mga pagyanig ay naramdaman sa ilang bayan at lungsod ng
Cavite, Laguna, at Batangas.

Ano ang Hazard Map?

Ang mapa ay talaan ng nasa panganib na lugar, Nakikita ditto kung


saang lugar delikado at maaaring magkaroon ng panganib. Hazard
mapping ang tawag dito.

Sagutan ang tanong. Punan ang grapic organizer.


Isang araw, binuksan ni Mario ang telebisyon para manood ng
balita. Napanood nila na may paparating na malakas na baryo
malapit sa kanilang lugar. Ang kanilang lugar ay sensitibo sab aha
sapagkat malapit ito sa baybayin kung ikaw lang ang nasa panahong
iyon, ano ang gagawin mo?

D. Paglalapat PANGKATANG GAWAIN :

UNANG PANGKAT : Unawain at punan ng nawawalang letra ang


mga sumusunod :

IKALAWANG PANGKAT : Tukuyin ang mga sumusunod na


larawan kung anong mga sakuna ang pinapakita nito at magbigay
ng ilang mga paalala upang mapaghandaan ang mga sakunang
ito.

IKATLONG LINGGO : Basahin ang pangungusap at sagutin kung


ano ang pwedeng gawin sa sitwasyong ito.

IKAAPAT NA LINGGO : Gumawa ng mga hakbang ng pagtugon bilang


paghahanda sa mga posibleng sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon.
V. PAGNINILAY Piliin ang tamang letra sa bawat ulap upang matukoy ang tamang
sagot sa bawat bilang.
A. PAGBAHA
B. PAGGUHO NG LUPA
C. PAGLINDOL
D. PAGPUTOK NG BULKAN
E. STORM SURGE
_____1. Nakatira sina Malou sa tabing dagat. Anong panganib ang
dapat nilang iwasan, lalo na kapag may malakas na bagyo?
_____2. Mababa ang lugar nina Jervyn. Anong panganib ang
maaring mangyari sa kanilang lugar kapag umuulan nang malakas?
_____3. Sa tabi ng isang mataas na bundok nakatayo ang bahay
nina Marissa. Anong panganib maaaring mangyari lalo na kung
masama ang panahon?
_____4. May bulkang malapit sa tirahan ng pamilya ni Joel. Anong
panganib ang kaugnay ng kanilang lokasyon?
_____5. Nasa Pacific Ring of Fire ang lokasyon ng Pilipinas. Anong
panganib ang dapat paghandaan ng mga tao kaugnay nito maliban sa
pagsabog ng mga bulkan?

Nauunawaan ko na ________________.
Nabatid ko na ________________

You might also like