You are on page 1of 9

DETAI Grade

School: 4
LED Level:
LESSON Learning
Teacher: MAPEH-HEALTH
PLAN (DLP) Area:
Principal
Section: BONIFACIO
:
Teaching
Dates
Quarter: 4TH QUARTER
and
Time:

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad,
Pangnilalaman sakuna, at kagipitan o mga hindi inaasahang pangyayari (emergency).
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nailalarawan ang iba’t ibang uri ng kalamidad at ang epekto
Pagganap nito.
C. Mga Kasanayan Recognizes disasters or emergency situations (H4IS-IVa-28)
sa Pagkatuto
K – natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad
S – nailalarawan ang pangkalahatang epekto ng iba’t ibang uri ng kalamidad
A – natutunan ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran
V – naipapakita ang pamamaraan sa pangangalaga ng ating kapaligiran
upang makaiwas sa climate change o sa anumang banta ng kalamidad.

Subject Integration:
Science/ SDRRM – Experiment, Climate Change
AP- Ahensya ng Gobyerno

II. Nilalaman Mga Uri ng Kalamidad


A. Sanggunian
Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Uri ng Kalamidad
1. Mga pahina sa
Unang Edisyon, 2020
Gabay ng Guro
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IM). Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, Patnubay ng Guro. Unang
Edisyon. Pasig City :VICARISH Publication and Trading, Inc., 2015
Powerpoint presentation, Youtube videos, Manila papers, Cartolina, tape,
laptop
2. Kagamitan clay, baking soda, vinegar

links:
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa 1. Panalangin
nakaraang 2. Pagbati
aralin at 3. Energizer
pagsisimula ng
4. Checking of Attendance
bagong aralin
5. Balik-aral
Panuto: Piliin ang larawan na angkop sa pagsasalarawan.

1) Ito ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nakatutok para magbigay-


alam sa mga kilos at kalagayan ng mga bulkan, lindol at mga tsunami.
2) Ito ay ahensya ng pamahalaan na nagbabantay sa mga namumuong sama ng
panahon at nagbibigay ng babala para sa mga bagyo.

3) Ito ay sangay ng gobyerno na kung saan nagbibigay babala, impormasyon,


abiso o mga mahahalagang anunsiyo tuwing may sakuna o kalamidad sa
Pilipinas.

4) Ito ang madalas na nagbibigay ng babala sa banta ng sakuna mula sa


NDRRMC.

5) Alin sa mga larawan ang epekto ng Climate Change?

Itanong sa mga bata ang mga sumusunod.

B. Paghahabi sa 1. Ano ang ating ginagawa para sa paghahanda sa banta ng lindol?


layunin ng
aralin 2. Ano kayang panganib ang maaring idulot sa atin ng labis nap pag-ulan
sa ating Barangay?

C. Pag-uugnay ng Paghahawan ng Sagabal:


mga
halimbawa sa Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ayon sa hinihinging
bagong aralin sagot mula sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_________1. Ito ay pagkuha ng mga materyales A. SOCIAL MEDIA


tulad ng bato at buhangin sa
pamamagitan ng paghuhukay at pagpapasabog.

_________2. Kumukulong putik B. QUARRYING

_________3. Pang-ibabaw na bahagi ng mundo C. SAKUNA


_________4. malaking kapinsalaan o kalamidad D. LAVA

_________5. Iba't ibang mga aplikasyon sa internet E. CRUST

Pagganyak: 4 Pics 1 Word

Panuto: Iayos ang mga puzzles at tukuyin ang ipinapakita ng mga larawan
sa puzzle.

D. Pagtalakay ng Mga Uri ng Kalamidad


bagong
konsepto at Ang kalamidad ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon
paglalahad ng ng kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng
bagong mga ari-arian at kapahamakan sa buhay ng tao. Ilan sa mga ito ay
kasanayan #1 bagyo (pagbugso ng malakas na hangin), storm surge (daluyong ng
dagat), lindol (paggalawa ng lupa), volcanic eruption (pagputok ng
bulkan), landslide (pagguho ng lupa) at baha (pagtaas ng tubig).

Ang bagyo ay isang uri ng kalamidad, mayroon itong isang pabilog o spiral
na sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan
na may kasamang kulog at pagkidlat. Ang pagdami ng bagyo ay maaring
epekto ng climate change o pagbabago ng klima. Tinatayang may 20-22
bagyong pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kada taon.

Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig na natatakpan ang lupa. Ito’y


tumatagal ng ilaw araw o linggo.
Ang Flash flood ay biglaang pagbaha. Ito ay rumaragasang baha dulot ng
matinding pag-ulan. Hindi lalampas sa 12 oras ang pangyayaring ito.

Ang landslide o pagguho ay ang pagbaba ng lupa, bato, burak at iba


pang mga bagay mula sa mataas na lugar na sanhi ng laganap na pagputol ng
mga puno sa kagubatan at quarrying.

Storm Surge o daluyong ay ang hindi pangkaraniwang


pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapitang bagyo sa baybayin.

Pagsabog ng Bulkan ay pagsabog na nagbubuga ng mainit na bato at abo na


may kasamang lava.Nagdudulot ito ng malaking pinsala sa mga tao at sa
komunidad na malapit dito.

Ang lindol o earthquake ay ang pagyanig ng lupa. Ito ay maaaring dulot ng


pagsabog ng bulkan (volcanic earthquake) o paggalaw ng tectonic plates sa
ilalim ng lupa o earth’s crust (tectonic earthquake).

Tsunami ay serye ng malalaking alon na nalikha sa ilalim ng tubig tulad ng


lindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o maliit na bulalakaw.
Ang mga alon ay maaring umaabot ng 100 talampakan o 30 metro pataas.

Ang mga kalamidad tulad ng bagyo ay lumalakas dahil sa Global Warming


Na dulot ng Climate Change. Mababawasan natin ang epekto ng mga sakuna
sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kapaligiran.
E. Pagtalakay ng
bagong Ang pagiging handa lalo na sa panahon ng sakuna o
konsepto at kalamidad ay mahalaga upang makaiwas sa posibleng masamang
paglalahad ng epekto nito. Maaaring malaman ang pinakabagong impormasyon tungkol sa
bagong kondisyon ng panahon sa radyo, telebisyon o social media platforms at maging
kasanayan #2 sa ating Barangay.

Ligtas ang may alam.

F. Paglinang sa Gawain 1.
kabihasnan Panuto: Isulat ang nawawalang mga letra para mabuo ang pangalan
ng mga sumusunod na mga kalamidad
A Y T N A I

U
T G
R
L D S D

L N L B

Gawain 2.
Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian sa kahon ang tinutukoy ng
bawat pangungusap.

______________1. May dalang malakas na hangin at ulan


______________2. Pagguho ng lupa
______________3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan
______________4. Pagyanig ng lupa
______________5. Pagsabog o pagbuga ng usok
______________6. Hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang papalapit ang bagyo
sa baybayin
Gawain 3. Pangkatang Gawain (Science)

Experiment 1: Erupting Volcano

Experiment 2: Earthquake (Shaking Ground)

1. Bumuo ng isang maliit na tore gamit ang mga bloke na gawa sa kahoy at
ilagay ito sa isang tray.

2.Bumuo ng isa pang tore, katulad ng laki, gamit mga bloke ng Lego. Ilagay
ito sa parehong tray.

3.Hayaang kalugin sa harap ng mga kamag-aaral ang tray at gumawa ng mga


obserbasyon tungkol sa anong nangyayari.
Experiment 3: Crossword Puzzle

G. Pag-uugnay sa Sagutin ang sumusunod na tanong.


pangaraw-
araw na buhay 1. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto ng kalamidad sa ating buhay?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Anong mga kalamidad ang madalas maranasan sa ating komunidad?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, sa papaanong paraan mo mababawasan ang epekto
ng Climate Change? (SDRRM)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sa inyong napag-aralan, ano ang natutunan ninyo sa ating aralin?

Ang mga kalamidad tulad ng bagyo ay lumalakas dahil sa Global Warming


Na dulot ng Climate Change. Mababawasan natin ang epekto ng mga sakuna
sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kapaligiran.
H. Paglalahat ng
aralin
Ang pagiging handa lalo na sa panahon ng sakuna o kalamidad ay mahalaga
upang makaiwas sa posibleng masamangepekto nito. Maaaring malaman ang
pinakabagong impormasyon tungkol sa kondisyon ng panahon sa radyo,
telebisyon o social media platforms at maging sa ating Barangay.

IV.Pagtataya
Pagtataya:
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong papel.
1. Ito ang pagguho ng lupa dahilan sa pagbaha o pagyanig nito.
a. Kanal b. Sink hole
c. Landslide d. Storm surge
2. Bumubuga ng usok ang Bulkang Mayon. Maaari itong maging sanhi ng ?
a. biglaang pag-ulan b. malakas na hangin
c. pagtaas ng tubig d. pagyanig ng lupa
3. Nasa loob ka ng iyong bahay at naabutan ka ng malakas na lindol.
Ano ang iyong gagawin?
a. sumilong sa marupok na lamesa
b. sumigaw at umiyak
c. maghanap ng matibay na gamit at sumilong dito
d. tumalon sa bintana
4. Ito ay nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng hangin.
a. storm surge b. tsunami
c. bagyo d. lindol

5. Ito’y sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa


ilalim ng lupa na nagiging dahilan ng paggalaw nito
a. baha b. tsunami
c. storm surge d. lindol
6. Ano ang tawag sa biglaang pagbaha na nararansan ng isang lugar?
a. landslide b. flashflood
c. bagyo d. baha

7. Lumindol sa inyong lugar. Anong ahensiya ng pamahalaan ang mabilis na


tutugon upang matulungang iligtas ang mga biktima?
a. barangay tanod b. NDRRMC
c. pulis d. barangay health worker
8. Ito ay ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda kung gaano kalakas ang
lindol.
a. PHILVOCS b. DILG
c. PAGASA d. MMDA
9. Alin ang mapanganib na pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng
pagbagsak ng malalaking gusali?
a. sunog b. lindol
c. bagyo d. baha
10. Alin ang isinasagawa sa paaralan o gusali upang maiwasan ang anumang
sakuna kung may lindol?
a. nutrition program b. earthquake drill
c. athletic meet d. barangay fun run

Panuto: Magtala ng limang (5) karagdagang kalamidad na hindi natalakay


sa ating aralin.

1. ________________
V.Takdang - Aralin 2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

Prepared by:

Teacher I
Checked by:

Principal IV

You might also like