You are on page 1of 18

4

EDUKASYONG
PANGKALUSUGAN
Quarter 4 - Module 4
SAKUNA AT KALAMIDAD,
ATING PAGHANDAAN, BUHAY
AY MAHALAGA, ATING PAG-
INGATAN

1
Panimula
Sa modyul na ito ay nauunawaan ninyo ang mga gawaing pangkaligtasan
at pang-unang lunas sa oras ng kalamidad, sakuna, at kagipitan o mga
hindi inaasahang pangyayari (emergency)
Pagkatapos basahin, suriin at pag-aralan kayo ay inaasahang:
• nakatutukoy ng iba’t ibang uri ng kalamidad, sakuna, at kagipitan o
mga hindi inaasahang pangyayari (emergency)
• nakapagpapakita ng mga angkop na tugon bago, tuwing, at
pagkatapos ng isang kalamidad, sakuna, at oras ng kagipitan
• naiuugnay ang mga paghahanda at angkop na tugon sa oras ng
kagipitan sa pagsasalba at pagpapanatili ng buhay.
Ang modyul na ito ay may apat na aralin:

• Aralin 1 at 2– Mga Uri ng Kalamidad sa Aking Komunidad


• Aralin 3 at 4 – Sa Panahon ng Kalamidad, Sakuna at Kagipitan

Subukin
Panuto: Basahin at intindihin ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng
wastong sagot. (Isulat ang inyong pangalan, baitang, seksyon/pangkat,
asignatura at bilang ng modyul).
1. Anong ahensiya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng signal
upang malaman ang lakas at bugso ng hangin dala ng bagyo?
A. DILG B. DOH C. DOST D. PAGASA
2. Ito ay ang mapanganib na pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng
pagbagsak ng malalaking gusali?
A. baha B. bagyo C. landslide D. lindol
3. Anong ahensiya ang nagtatakda kung gaano kalakas ang lindol?
A. DILG B. DRRM C. PAGASA D. PHILVOCS

2
4. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng
hangin?
A. bagyo B. lindol C. storm surge D. tsunami
5. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umaabot sa 61-
100 kph, nasa anong Signal/bilang ang bagyo?
A. Signal No. 1 B. Signal No. 2 C. Signal No. 3 D. Signal No. 4
6. Ano ang maaaring gamitin upang maililigtas natin ang ating buhay sa
pagbaha?
A. bag B. karton C. payong D. gallon
7. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umaabot sa 30-
60 kph, anong lebel ang walang pasok?
A. pre-school B. elementarya C. sekondarya D. lahat na lebel
8. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin bago ang bagyo?
A. Huwag pumasok sa paaralan
B. Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
C. Magdala ng payong, magsuot ng kapote kapag lumabas.
D. Magkulong sa bahay dahil may hangin at malalakas na ulan.
9. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin pagkatapos ng pagputok ng
bulkan?
A. Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
B. Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
C. Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng koryente,
tubig, at telepono,
D. Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan
upang makaiwas sa mga ito.
10. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin habang may lindol?
A. duck, cover, hold
B. Makinig ng balita sa radio at TV.
C.Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.
D. Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa
bagyo.

3
ARALIN
Mga Uri ng Kalamidad sa
1-2 Aking Komunidad

Alamin
Pagkatapos basahin, suriin at pag-aralan kayo ay inaasahang:
1. nakatutukoy ng iba’t ibang uri ng kalamidad, sakuna, at oras ng
kagipitan o mga hindi inaasahang pangyayari (emergency)
Aralin
2. nakauunawa sa epekto ng iba’t ibang uri ng kalamidad sa ari-arian at
1
buhay ng tao

Balikan
Ano ang mangyayari kapag umiinom ng expired na gamot?

Tuklasin/Suriin
Anong mga salita ang
iyong maiuugnay sa
larawan?
Ano ang ibig sabihin ng
sakuna? kalamidad?

https://www.facebook.com/watch/?v=297269325043854

4
Sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad. Ito ay
aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.
Kalamidad ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon ng
kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-
arian at kapahamakan sa buhay ng tao at sa lipunan. Ilan sa mga ito
aybagyo (pagbugso ng malakas na hangin), storm surge (daluyong ng
dagat), lindol (paggalaw ng lupa), volcanic eruption (pagputok ng bulkan),
landslide (pagguho ng lupa), at baha (pagtaas ng tubig).
Mga Uri ng Kalamidad
BAGYO LINDOL

https://tl.wikipedia.org/wiki/Bagyo https://tinyurl.com/v8b6hpjk
PAGPUTOK NG BULKAN FLASHFLOOD

https://tinyurl.com/v5xfnkma https://tinyurl.com/539b8trb
LANDSLIDE STORM SURGE

5
https://tinyurl.com/28ch63eb https://tinyurl.com/4t4cvn4m
BAHA LA NIŇA

https://tinyurl.com/3nu6khcd
https://tinyurl.com/snj7e2hw

EL NIŇO
https://tinyurl.com/fcbfr8cr

BAGYO
Isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid
ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na
inilalabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin.Kadalasang
nagaganap ito tuwing Mayo hanggang Nobyembre.
Ang pilipinas ay nakararanas ng 19 hanggang 30 bagyo sa loob ng
isang taon. Ang bugso ng hangin, lakas ng pagbuhos ng ulan, at maging
ang dami nito ay lubhang nakapamiminsala. Madalas ang dulot nito ay ang
pagtaas ng naipong tubig (baha), storm surge, at landslide pagguho ng
lupa.
Ito ay kadalasang nabubuo sa karagatan katulad ng Dagat Pasipiko.
Mayroon itong dalawang bahagi: ang eye wall at ang mata ng bagyo. Ang
Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration
o PAGASA ay nagbibigay ng signal upang malaman ang lakas o bugso ng
hangin na dulot ng bagyo.

Signal Bugso ng Signal Bugso ng


Hangin Hangin
Signal No. 1: 30-60 kph Signal No. 3: 101-185 kph
Signal No. 2: 61-100kph Signal No. 4: 186 kph pataas

6
LINDOL o EARTHQUAKE
Ang lindol o pagyanig ng lupa ay isang biglaan at mabilis na pag-uga
ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim
ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang
panahon. Maaaring dulot ito ng pagsabog ng bulkan (volcanic earthquake)
o paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa o earth’s crust.

PAGSABOG NG BULKAN
May dalawang uri ang bulkan: aktibo at hindi aktibong bulkan. Ang
aktibong bulkan ay pumuputok o sumasabog sa huling 600 na taon. Ang
hindi aktibong bulkan ay natutulog o walang anumang pagsabog o
pagbuga ng usok sa loob ng mahabang panahon subalit hindi ito
nangangahulugang hindi na ito sasabog muli. Kung kaya’t mas
makabubuting alamin ang panganib na dulot nito upang maiwasan ang
anumang sakunang dulot nito.
Ang Pilipinas ay mayroong 200 na bulkan, 24 dito ang mga aktibo.
Isang halimbawa nito ay ang Mayon Volcano sa Albay natinaguriang
“Perfect Cone” na pumutok ng 48 na beses. Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (PHILVOCS)- Tungkulin nilang bantayan ang
siguridad ng bansa sa mga naglalagablab nagalit ng kalikasan at ipaalam
sa lahat ang mga pwedeng mangyari sa pagsabog ng bulkan.

FLASHFLOOD
Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy,
at iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring
sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok at pagmimina.
LANDSLIDE O PAGGUHO SA LUPA
Maaari itong maganap kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan
sa mga matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol. Maaari ding
magkaroon nito dahil sa quarrying o pagmimina. Nagiging sanhi rin ng
landslide ang pagputol ng mga puno sa kagubatan dahil nawawala na ang
mga ugat nito na humahawak sa lupa.

7
STORM SURGE
Ang Storm Surge o Daluyong Bagyo ay isang abnormal na pagtaas
ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na panahon, na
nagdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan, na maaaring mamuo
bilang bagyo.
BAHA
Ang baha ay ang pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, at iba
pang anyong-tubig na umaapaw sa mabababang lugar. Maaari itong
magdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay ng tao.
EL NIŇO
Isang natural na kaganapan sa equatorial rehiyon na nagiging sanhi
ng pansamantalang mga pagbabago sa klima ng mundo. Pagkaranas ng
matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang pangkabuhayan, lalo
ng mga bansang agrikultura.
LA NIŇA
Kabaliktaran ng El Niňo. Nagkakaroon ng matinding pag-ulan na
nagiging sanhi rin ng pagbabaha.
Ano-ano ang iba’t ibang kalamidad sa ating bansa?
Ano ang epekto nito sa atin at sa ating pangkabuhayan?

Pagyamanin
Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan. Buuin ang
salita sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.
1. Pagguho ng lupa LA_ _S_I _ _
2. Pagyanig sa lupa _ I _D_ _
3. Pagsabog o pagbuga ng usok _A_PU_ _K N_ B_ _ K _ N
4. May dalang malakas na hangin at ulan _ A _ _ O
5. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B_H_

8
Isaisip
Kalamidad ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon ng
kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-
arian at kapahamakan sa buhay ng tao at sa lipunan. Ilan sa mga ito ay
bagyo (pagbugso ng malakas na hangin), storm surge (daluyong ng dagat),
lindol (paggalaw ng lupa), volcanic eruption (pagputok ng bulkan), landslide
(pagguho ng lupa), baha (pagtaas ng tubig) El Niňo at El Niňa.

Isagawa
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod ay kalamidad sa Pilipinas
at Mali kung hindi
__________1. Bagyo
__________2. Tsunami
__________3. Lindol
__________4. Baha
__________5. Storm Surge

ARALIN
Sa Panahon ng Kalamidad,
3-4 Sakuna at Kagipitan
Di-maging Sakitin
Alamin
Pagkatapos sa araling ito kayo ay inaasahang:
Aralin
1. nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago,
1
tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad o sakuna, at
kagipitan,

9
2. nakapagbibigay ng mungkahi at paraan upang makaiwas sa hindi
mabuting dulot ng mga sakuna at kalamidad,
3. nakatutukoy ng mga mabuting maidudulot ng maagap at maagang
paghahanda sa pagdating ng anumang kalamidad o sakuna at
kagipitan

Balikan
Ano ang kalamidad?
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng kalamidad?

Tuklasin/Suriin

Ano ang tawag nito?


Saan ito kadalasang makikita?
Ano ang gamit nito?
Ano ang nasa loob nito?

https://tinyurl.com/44d6w66p

Survival Kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa oras ng


sakuna gaya ng flashlight, radio, reserbang baterya, pagkain, tubig at
kumot.

10
Mga Bagay na Dapat Ilagay sa Emergency Bag/ Suvival kit:
Di nasisira kaagad. Ilagay ang pagkain sa loob ng
Pagkain isang “zip-lock” o plastic bag. Magdala ng Protein at
granula bars, trail mix, dried fruits, crackers, at cereals.
Tubig na Magdala ng mas madaling bitbitin. Gumamit ng military
Inumin type canteen, sports water bottles o water bladder.
Komportableng damit at undergarment na madaling
Kumot at damit iimpake at hindi masyadong kumakain ng lugar.
Magdala ng portable sleeping bags, kumot, at blankets.
Personal Magdala ng first aid kit, mga gamot (ibuprofen,
supplies at antihistamines, pain-reliever), toiletries, at supply sa
gamot paglilinis.
Magdala ng Swiss knife, lapis, at papel, gamit sa
Tools pagkain, tubig at duct tape
Magdala ng emergency lamps, flashlight, baterya,
Gatong at ilaw flares kung mayroon, lighter o waterproof na posporo.

Dokumento at Birth/marriage certificates, passport, credit cards, at


pera insurance. Ilagay ito sa waterproof na lalagyan.

Sa bawat uri ng kalamidad, ang sakuna ay maiiwasan kung tayo ay laging


handa. Ano-ano ang kailangang gawin BAGO, HABANG, AT
PAGKATAPOS ng isang kalamidad?
PANAHON NG BAGYO
BAGO dumating ang bagyo:
• Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radio ukol sa lagay ng
panahon.
• Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay at
mahalagang papeles.
• Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
• Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad ng baterya
ng radyo, flashlights, at first aid kit.
• Itsek ang bubong ng bahay at ang mga puno sa bakuran na
posibleng bumagsak dahil sa malakas na hangin.

11
HABANG may bagyo
Signal No.1
• Makinig sa balita sa radio o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok ang pre-school sa paaralan.
• Magdala ng payong, kapote, at bota kung lalabas.
Signal No. 2
• Makinig sa balita sa radio o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok sa elementarya at sekondarya.
• Manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
• Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat, at himpapawid.
• Maging handa sa posibleng pagbaha.
• Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa mataas at mas
ligtas na lugar.
Signal No. 3
• Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa opisina.
• Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
• Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas mataas at mas
ligtas na lugar.
• Iwasan ang pagpunta sa anumang uri ng anyong tubig.
Signal No. 4
• Ipagpaliban ang anomang gawain at manatili sa loob ng bahay.
• Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng pagbaha o landslide.
• Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring maapektuhan.
• Umantabay sa mga ulat sa mass media.
• Putulan ang mga sanga na malapit sa bahay.
• Siguraduhing walang nakaharang sa kalsada para sa pagdaan ng
emergency vehicles. Maghanda ng emergency kit.
• Kapag bumaha patayin ang main switch.
• Huwag lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. Huwag gumamit
ng gas o kasangkapang nalubog sa baha.

12
PAGKATAPOS NG BAGYO
• Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran
kung mayroon.
• Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa sakit.
• Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anomang pinsala sa linya ng
koryente, tubig, at telepono.
• Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kailan ligtas
nang bumalik sa inyong bahay.
LINDOL
BAGO ang lindol
• Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang iyong
pinagtatrabuhaan.
• Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa
bagyo.
• Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan
itong maisara sa pagsapit ng lindol upang maiwasan ang sunog.
• Iwasang maglagay ng mga bagay na maaaring mahulog at magdulot
ng malaking panganib.
• Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.
HABANG may lindol
• Manatiling kalmado. Maging alerto kung saanman abutan nito.
• Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa
sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na maaaring pagsilungan
habang lumilindol.
• Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying
matapos ang pagyanig.
• Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog na
bagay at mabuwal na puno o poste.
• Duck, cover, hold

13
PAGKATAPOS ng lindol
• Suriin ang sarili kung may natamong anumang sugat.
• Suriin ang linya ng tubig, koryente, at gasul sa anumang pagtagas.
Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul, buksan ang
bintana at lumikas sa ligtas na lugar. Ipagbigay alam sa kinauukulan
ang pangyayari.
• Makinig ng balita sa radio at TV.
• Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.
PAGPUTOK NG BULKAN
BAGO pumutok ang bulkan
• Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
• Ihanda ang kinakailangan sa paglikas; damit, pagkain, at
mahahalagang kagamitan.
• Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at tubig sa panahon
ng paglikas.
• Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
• Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan
upang makaiwas sa mga ito.
PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan
• Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa posibleng pagbalik sa
tirahan.
• Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng koryente,
tubig, at telepono.
• Pag-aralan kung paano maaring magamit ang lupa na may halong
mga bato mula sa bulkan.
Ano ang mabuting naidudulot ng maagang paghahanda ng anomang
kalamidad?
Ano ang nararapat gawin bago darating ang bagyo?
Habang may lindol?
Pagkatapos ng pagputok ng bulkan?
Bakit dapat nating paghandaan ang mga kalamidad?

14
Pagyamanin
Suriin ang sumusunod kung Tama o Maling gawain sa mga panahon ng
sakuna. Lagyan ng tsek ang tamang hanay ng iyong sagot.
Kalagayan Tama Mali
1. Walang pasok sa elementarya kong may bagyo
na may Signal No. 2
2. Mas mainam magbiyahe kung may bagyo.
3. Kung may lindol dapat na gawin ang sumusunod
duct, cover at hold
4. Maghanda ng emergency kit/survival kit palagi
5. Mas mainam na huwag ka nang makinig ng radio
kung may kalamidad upang hindi ka matatakot.

Isaisip
Sa bawat uri ng kalamidad, ang sakuna ay maiiwasan kung tayo ay laging
handa. Maghanda ng emergency kit/survival kit sa bahay. Laging tandaan
ang mga nararapat gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng kalamidad
upang maiwasan ang sakunang maidudulot nito sa atin at sa lipunan. Ang
Emergency Response Team ang isang grupo ng samahan na tutulong sa
oras ng kalamidad.

Isagawa
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng sariling
opinion tungkol dito.
1. Naghahanda na si Renier Vhan pumasok sa paaralan at biglang
ibinabalita sa radio na Signal No. 2. Ano ang dapat niyang gawin?
_______________________________________________________
2. Nasa paaralan ka at biglang lumindol. Ano ang nararapat mong
gawin?

15
Tayahin
Panuto: Basahin at intindihin ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng
wastong sagot. (Isulat ang inyong pangalan, baitang, seksyon/pangkat,
asignatura at bilang ng modyul).
1. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin habang may lindol?
A. duck, cover, hold
B. Makinig ng balita sa radio at TV.
C.Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.
D. Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa
bagyo.
2. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin bago ang bagyo?
A. Walang pasok ang pre-school sa paaralan.
B. Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
C. Magdala ng payong, magsuot ng kapote kapag lumabas.
D. Walang pasok sa elementarya at secondarya pati na koliheyo.
3. Anong ahensiya ang nagtatakda kung gaano kalakas ang lindol?
A. DILG B. DRRM C. PAGASA D. PHILVOCS
4. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin pagkatapos ng pagputok ng
bulkan?
A. Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
B. Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
C. Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng koryente,
tubig, at telepono,
D. Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan
upang makaiwas sa mga ito.
5. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umaabot sa 30-
60 kph, anong lebel ang walang pasok?
A. pre-school B. elementarya C. sekondarya D. lahat na lebel
6. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umaabot sa 61-
100 kph, nasa anong Signal/bilang ang bagyo?
A. Signal No. 1 B. Signal No. 2 C. Signal No. 3 D. Signal No. 4
7. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas natin ang ating buhay sa
pagbaha?
A. bag B. karton C. payong D. galon
8. Anong ahensiya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng signal
upang malaman ang lakas at bugso ng hangin dala ng bagyo?
A. DILG B. DOH C. DOST D. PAGASA

16
9. Alin ang mapanganib na pagyanig ng lupa na pagyanig ng lupa na
maaaring dahilan ng pagbagsak ng malalaking gusali?
A. baha B. bagyo C. landslide D. lindol
10. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng
hangin?
A. bagyo B. lindol C. storm surge D. tsunami

Susi sa Pagwawasto
5. MALI
4. TAMA
3. TAMA
2. MALI
1.TAMA

Isagawa
Aralin 1 -2

Pagyamanin
Aralin 3-4
PAGYAMANIN
Aralin 1-2

5.
4.
3.
2.
1.
5. BAHA
4. BAGYO

3. PAGPUTOK NG
2. LINDOL
1. LANDSLIDE

TAMA MALI
BULKAN

/
/

/
/

Sanggunian
Main References
K to 12 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
Mga Manunulat:
Mila C. Taňo, Maria Teresita Garcia-Aguilar,
Juvy B. Nitura EdD, Maria Fe B. Estilloso,
Mark Kenneth Camiling, Minerva David
Aidena Nuesca, Reyette Paunan
Jennifer Quinto, at
Giselles Ramos
Mga Pahina: Pahina 372- 400
Teachers Guide in Health 4
Mga Pahina: Pahina 189 - 207

17
Internet Sources
Retrieved from:
https://www.academia.edu/9346146/Mga_uri_ng_kalamidad_at_mga_kailangan_paghahanda_n
a_dapat_gawin: Retrieved on May 25, 2021
Retrieved from:
https://apkpure.com/prescriptionmaker/com.mohitatray.prescriptionmaker:Retrieved on May 25,
2021
Retrieved from: https://www.scribd.com/doc/271302276/Ano-ang-El-Nino :Retrieved on May 25,
2021
Retrieved from: https://www.facebook.com/watch/?v=297269325043854; Retrieved on May 25,
2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/v8b6hpjk Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tl.wikipedia.org/wiki/Bagyo; Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/28ch63eb;Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/4t4cvn4m; Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/3nu6khcd; Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/snj7e2hw; Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/fcbfr8cr; Retrieved on May 26, 2021
Retrieved from: https://tinyurl.com/44d6w66p; Retrieved on May 26, 2021

18

You might also like