Professional Documents
Culture Documents
BAGYO
Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos ng paikot, na madalas ay may kasamang malakas at matagal na
pag-ulan. Ang bagyo ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang
hangin sa eyewall nito.
Public Storm Warning Signal (PSWS) – ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kung
gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang
dadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na
maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo.
• PSW Signal Number 1 – hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras.
• PSW Signal Number 2 – hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras.
• PSW Signal Number 3 – hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras.
• PSW Signal Number 4 – napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras.
1. Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng
bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
2. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
3. Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila,
posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit;
4. Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang
lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan;
5. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
6. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at
nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency.
BAHA
1. Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa
kapatagan.
2. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa
pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.
FLASHFLOODS
1. Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy, at iba pa.
2. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa.
3. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging
mapaminsala ang bagyong Ondoy).
Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o
tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang
agos nito at hindi matantya ang lalim.
Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang
ilog.
Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.
Pakuluan ang tubig bago ito inumin.
LANDSLIDE
1. Ang pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok.
2. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol.
3. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang
paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng anumang
istruktura sa mga lugar na ito.
Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad ng landslide.
Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking makapagtukoy ng mga
ligtas na relocation site.
Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala kung
kinakailangan.
Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng ulan.
Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay kailangang
mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng
pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge.
Maiging laging may nakahandang mga relief good ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas ang
posibilidad na makulong o maisolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga bundok.
Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim ng mga
punong-kahoy.
Kalamidad sa Pilipinas
Sa ulat ng Center for Research and Epidemiology Disasters (CRED) noong Agosto, ang Pilipinas ay nangunguna sa
buong mundo sa pinakamaraming kalamidad sa bilang na 25.
Ayon din sa Citizen’s Disaster Response Center (CDRC), isang non -government organization na pangunahing
humaharap sa usaping kalamidad, mayroon nang 99 na kalamidad ang tumama sa Pilipinas sa loob ng anim na
buwan ngayong taon. Dalawampu rito’y likha ng kalikasan. At nakaapekto sa 579,540 pamilya o 3,405,707
katumbas na indibidwal.
Maging baha man, landslide, tagtuyot o iba pang kalamidad dulot ng kalikasan, naranasan ng Pilipinas ang halos
lahat ng klase ng kalamidad.
Nagdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian ng mga mamamayang Pilipino ang mga kalamidad na tumama sa iba’t
ibang panig ng bansa. Ayon ito sa inilabas na Post Disaster Needs Assessments ng World Bank at mga ahensiya ng
gobyerno noong Nobyembre. Sa pinagsamang pinsala nina Ondoy at Pepeng noong nakaraang taon, umabot sa 956
ang namatay, 736 ang sugatan. May 84 pa ring katao ang patuloy na nawawala.
Mahigit 9 milyon katao ang apektado nito at nagkakahalaga ng US$4.38-Bilyon ang pinsalang dulot nito. At batay sa
rekomendasyon ng World Bank, nangangailangan ng halos kasinlaking halaga ($942.9-B sa pagrekober at $3,480.1-B
para sa reconstruction) upang makapanumbalik muli ang Pilipinas mula sa pinsalang idinulot ng dalawang bagyo.
Kailangang maramdaman ito simula noong Enero 2010 hanggang 2011, depende sa bilis at kakayahan ng Pilipinas sa
pagtugon sa recovery at reconstruction.
Sinasabi sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa sa kapaligiran, sa loob ng nakalipas na dekada’y dumadalas ang mga
pagbaha, tagtuyot, at baha, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ng Asya at Aprika. Dulot daw ito
ng paglala ng pagbabago ng klima o climate change na ang ibig sabihi’y makabuluhang pagbabago sa klima
(temperatura, hangin at pag-ulan) sa buong daigdig o mga rehiyon sa loob na tumatagal ng ilang dekada o milyong
taon. Maaaring ang dahilan ng climate change ay mga natural na proseso ng pagbabago o likha mismo ng tao.
Para sa CDRC, hindi lamang paghahanda ng relief goods ang kailangang gawin bago ang kalamidad. Kailangang
paghahanda ang buong disaster management.
Kadalasang biktima ng kalamidad
May direktang kaugnayan ang pagharap sa kalamidad sa plano ng pag-unlad ng isang lugar, lalo na sa bahaging pang-
ekonomiya, ayon sa CDRC. “Kadalasan, ang pang-ekonomiyang plano ng mga probinsiya ay nakasalalay sa pag-
maksimisa sa likas-yaman nito,” ani Padolina. Ngunit ang hindi naiuugnay sa mga planong ito ang maaaaring mga
epekto sa tao ng eksploytasyon sa kalikasan.
Sa dokumentong “Philippine Environmental Situation 2009” ng Kalikasan (People’s Network for the Environment),
aabot na lamang sa 8,000 kilometro kwadrado ang natitirang sakop ng kagubatan ng bansa noong 2006, mula sa
270,000 kilometro kwadrado sa pagtatapos ng kolonyalismong Espanyol noong 1898.
Pinalala pa ito ng nakaraang administrasyong Arroyo: Muling nanumbalik ang pagtrotroso (logging) sa pamamgitan
ng pamamahagi ng timber license agreement (TLA) at integrated forest management agreement (IFMA). Sa ilalim
ng IFMA, hindi lamang troso ang kinukuha ng mga kompanyang may hawak ng IFMA. Lahat ng produktong
nasasaklawan ng kanilang konsesyon ay maaari nilang kunin. Ayon sa Kalikasan, ito ang isang dahilan ng di mabilang
na landslide sa mga lugar na mayroong aplikasyon ng IFMA, tulad ng mga landslide sa mga lalawigan ng Aurora at
Quezon na saklaw ng kabundukan Sierra Madre.
Taong 2004 nang magkaroon ng malalang landslide dulot ng bagyong Winnie sa mga bayan ng Infanta at Gen. Nakar
sa Quezon. Bukod sa mahigit 1,000 kataong namatay, hanggang sa kasalukuya’y di pa rin natataniman ang maraming
lugar doon dahil sa makapal na putik na tumabon dito.
Sa pagragasa naman ng bagyong Ondoy, nilamon ng malaking baha ang relokasyon ng mga maralitang tagalunsod sa
tabi ng Marilao River. Sila ang mga dinemolis sa tabi ng riles sa Caloocan upang bigyan daan ang modernisasyon ng
Philippine Natiional Railways na bahagi ng proyektong C-5 Extension.
Kung kaya’t mga magsasaka at maralitang tagalungsod ang kalakhan ng mga biktima ng kalamidad. Sila din ang
pinakabulnerable sa pagsasamantala ng dambuhalang mga korporasyon ng pagmimina, logging at mga negosyanteng
nagtatayo ng mga subdibisyon at iba pang negosyo, lokal man o dayuhan. Silang mga tulad nina Corazon Austral, ang
mga mamamayan ng Bagong Silangan, at iba pang maralita.
Unawain ang lagay ng panahon at mga krisis na walang kaugnayan sa panahon na maaaring makaapekto sa iyong
pamilya at tahanan. Pag-usapan ninyong madalas ang mga ito sa isang mahinahong paraan. Pag-aralan ninyo ang
istruktura ng iyong tahanan at ang inyong rehiyon – kung kayo ba ay nasa panganib ng bagyo, baha, o pagguho ng
lupa.
Abangan lagi ang mga anunsiyo o alerto (sa radyo, TV, Internet) tungkol sa bagyo, buhawi, baha o lindol kung ang
lugar ninyo ang laging tinatamaan nito; dito mahalaga ang pagkakaroon ng radyo.
Magtalaga ng isang ligtas na silid o pinakaligtas na lugar sa inyong tahanan at tiyaking alam ito ng lahat ng miyembro
ng pamilya at kung bakit. Kapag naging isyu ang evacuation o paglikas, alamin kung anu-anong lugar ang maaari
ninyong puntahan. Doon mag-stock ng emergency supplies na hindi nasisira (bigas, de-lata, noodles, batteries para
sa flashlight, gaas, atbp.)
Tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaari ninyong pagtipunan. Magtalaga ng isang
miyembro ng pamilya (yung responsable ha?) na magiging point of contact. Tiyaking madali itong maabot ng text o
tawag sa telepono.
Maglagay ng listahan ng emergency telephone numbers sa tabi ng inyong telepono (pati na rin sa inyong cellphone
phonebook) at tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata, kung kailan tatawagan ang
bombero, pulis, doktor, at kung ano ang dapat nilang sabihin.
Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat matuto ng First Aid, CPR, at iba pang mga kaalaman upang mailigtas ang
buhay.
Sa ganitong mga sitwasyon na dumadaan sa buhay ng tao, kailangang gumawa ng mga paraan na lagi tayong handa sa
anumang pagsubok na dumadaan sa atin. Nagiging matipid ang mga mamamayang pilipino sa panahon ng tag-ulan at tuwing
may bagyong dumaraan sa Pilipinas. Dahil sa nasisira ang mga pananim at hindi nakakapagtrabaho ang karamihan sa mga
mamamayang pilipino, nagiimbak sila at pumipili ng mga pagkaing madaling lutuin at mga pagkaing ligtas sa mga bata. Tulad ng
mga delatang hindi na kailangang lutuin pa. Mga noodles at tinapay sa mga bata at mga pampainit na inumin tulad ng kape sa
mga matatanda. Mga pagkaing pwedeng pagsaluhan ng isang buong pamilya tulad ng lugaw na sadyang nakakabusog. Ang mga
ilan naman ay tsamporado. Samantalang ang iba ay talagang napakatitiyagang naghahanap ng mga makakain sa mga lugar na
hindi gaanong nasira ng kalamidad.
Mga Delata
Iyan ang pangunahing problemang pinagdadaanan ng mga pilipino. Ngunit sa kabila ng mga pinagdadaanang hirap, nakakaranas
din ng masasaganang pamumuhay ang mga pilipino. Malayang nakakapili ng mga pagkaing gustong-gusto na kainin. Nakakakain
sa mga iba’t ibang lugar na pinagkakainan na masasarap na pagkain. Sa mga sikat na restaurant at carinderya. Sa mga panahong
nakakasama ang mga pamilya at kaibigan na kumain sa labas. Nakakakain ng iba’t ibang pagkain. At may pagkakataon na kahit
hindi masyadong kinakain ang pagkain, napipilitan ka. Ngunit may mga di-inaasahang pagkakataon na tayo’y kumakain kahit
saan.
INFORMATIONAL BROCHURE
Unang Grupo:
Aguilar, Mark Anthony
Garin, Jonard
Ordillano, Rommiel
Paras, Alwin
Estocado, Rosalyn
Morata, Aiza
Millor, Kris-Ann
A.P Teacher
MGA PARAAN UPANG MAKAIWAS SA MASAMANG EPEKTO NG
MGA KALAMIDAD