You are on page 1of 5

Lindol

Dahil alam ko, Ito ang gagawin ko.

Narito ang mga dapat gawin kapag may lindol at matapos ang lindol.
Ang lindol ay sanhi ng biglaang pag galaw ng lupa, maraming pinsala ang maaring
idulot nito. Kaya alamin natin ang mga dapat gawin kapag lumilindol at matapos
ang lindol. Kung maari lumayo sa mga bagay na puwedeng mabasag o bumagsak
kagaya ng mga salamin, bintana, o bumbilya at mag tago sa ilalim ng matibay na
bagay tulad ng mesa o upuan habang lumilindol. Kung walang puwedeng silungan,
silungan takpan ng kamay ang mukha at ulo. Mag duck cover and hold.at
pagkatapus ng yanig tsaka lang lumabas sa gusali.

Maaring nagkaroon ng sira ang mga kable ng kuryente na puwedeng maging sanhi
ng short circuit, pagka kuryente o sunog. Kung nasa labas habang lumilindol
lumayo sa mga matataas na gusali, poste at puno na puwedeng bumagsak
anumang oras. Dahil maaring magkaroon ng mga sunod-sunod na mga
afterschock, Ang paalalang ito ay handog ng DSDRRMC NG TALA HIGH SCHOOL.
Bagyo/ Trophical Cyclone

Narito ang mga dapat gawin kapag may bagyo o tropical cyclone. Ang Pilipinas ay
madalas mapinsala dahil sa mga bagyong dumarating, ayon sa PAGASA o
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
humigit kumulang sa 20 na bagyo bawat taon ang pumapasok sa Philippine Area
of Responsibility, kaya alamin natin ang mga dapat gawin bago dumating ang
bagyo, kapag bumabagyo, at matapos ang bagyo.
Bago dumating ang bagyo: Pagtibayin o lagyan ng reinforcement ang parte ng
ating mga bahay, mag-imbak tayo ng mga ready to eat na mga pagkain tulad ng
tinapay, biskwit, delata na nasa lalagyan at madaling buksan, mag ipon tayo ng
malinis na miinom na tubig na magtatagal ng tatlong araw, tiyakin nating may
sapat tayong kasuotan at handa ang ating emergency survival kit, kasama dapat
sa ating survival kit ang mga gamot kapag nasusugatan, may lagnat, masakit ang
ulo, at pag nag LBM, Radyo at flashlight na de batterya, kandila at posporo at pito.
Siguraduhin nating puno ang batterya ng ating cellphone at may hawak tayong
listahan ng mga importanteng numero, kung kinakailangan nang lumikas agad
itong gawin, huwag din kalilimutang ilikas ang ating mga alagang hayop sa mas
matataas na lugar at paala sa may mga taniman, anihin na natin ng mas maaga
ang mga gulay at prutas na maari nang pitasin, para naman sa mga mangingisda,
huwag na tayong pumalaot dahil delikado at maaring magkaroon ng storm surge.
Habang bumabagyo at matapos ang bagyo kung puwedeng iwasan huwag nang
lumabas ng bahay o evacuation center, huwag sumuong sa baha, subalit kung
kailangan itong gawin siguraduhing mag suot ng bota, huwag ng tumawid ng ilog
kung ang tubig dito ay tumaas ng ½ metro o hangang tuhod sa normal nitong
level. Mag masid sa paligid at mag iingat sa mga landslide at mga ligaw na hayop
tulad ng ahas na maaring inanod ng tubig. Ang paalalang ay handog ng_______.
Sunog/ Fire

Dahil alam ko, Ito ang gagawin ko.


Narito ang mga dapat gawin kapag may Sunog. Laging isipin na ang unang
depensa laban sa sunog ay ang pagpigil nito. Responsibilidad ng bawat isa na
mapigilan ang anumang sanhi ng sunog. Tandaan ang salitang E.D.I.T.H o Exit
Drills in the Home, kinakailangan na meron tayong tinatawag na fire safety escape
plan, Kapag nakarinig ng alarma ng sunog agad lumabas ng bahay. Ang
katamtamang oras para makalabas ay nasa 2 minuto at 30 segundo. Ugaliing
sundin ang inyong fire escape plan. Kung kayo naman ay nagluluto bantayan ang
inyong stove at patayin ito pag katapos, iwasang mag suot ng damit na may
mahabang manggas habang nagluluto. Itabi at itaas ang mga posporo at lighter sa
isang lugar na hindi kayang abutin ng mga bata. Kapag meron nang apoy,
gumapang sa pinaka ilalim na bahagi sapagkat ang usok at init ay pumapaitaas.
Kung sakaling naabot ang inyong damit tandan ang acronym na SDR o Stop, Drop
and Roll. Ipaskil malapit sa telepono ang mga Bureau of Fire Protection at iba
pang emergency numbers kung sakaling may sunog o iba pang sakuna tumawag
lamang sa pinakamalapit na fire station. Ang paalalang ito ay handog ng_______.

aha
Narito ang mga dapat gawin kapag may baha. Magtabi ng mga emergency
supplies kagaya ng delata, tubig, kandila, flashlight, batterya, transistor radio, at
first aid kit, mas Mabuti ding tumutok sa radio, tv o internet upang malaman ang
pinaka huling balita tungkol sa baha. Hangat maari huwag tayong lumusong sa
baha lalo na kung malakas ang agos ng tubig upang hindi malunod o makuryente
dahil sa mga nabasang kable ng kuryente at upang makaiwas din sa nakakamatay
na leptospirosis. Alamin din natin kung mayroong mga ilog, lawa, lambak at
bundok na malapit sa ating mga bahay , Malaki ang posibilidad na magkaroon ng
mga flashflood sa mga lugar na malapit dito kung malakas ang ulan. Kung malapit
sa mga ganito sa panaho ng baha umakyat sa pinakamataas na palapag o bubong
ng bahay at maghintay ng tulong. Maari ding mag lista ng mga numero ng
istasyon ng bumbero , police, ambulansiya, at mga ahensyang pwedeng hingan ng
tulungan sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ilagay natin ang mga numero sa
ating mga cellphone o ipaskil sa mga mga lugar na madaling makita.Bagyo o
Tropical Cyclone

Landslide

Dahil alam ko, Ito ang gagawin ko.


Narito ang mga dapat gawin kapag may Landslide. Malaki ang epekto ng
matinding pag ulan sa pagkakaroon ng Landlside, dahil sa pagkababad ng lupa sa
ulan, napapadali ang pagguho nito. Ang landslide ay walamg babala kaya naman
dapat alam natin ang gagawin bago at kapag naglalandslide. Kung nakatira tayo
malapit sa bundok at mga lugar na palaging nagkakaroon ng landlside
siguarduhing may evacuation plan ang ating pamilya at komunidad. Protektahan
ang ating mga tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga matitibay na pader
na puweeng maging panangalang mula sa bumabagsak na lupa at bato, pwede din
mag hukay ng mga canal na pwedeng daanan ng rumaragasang tubig at putik
mula sa matataas na lugar. Kapag may bagyo o ulan,maging alerto sa paligid at
tumutok sa mga balita. Kung nakatira naman malapit sa mga sapa, bundok, at
lambak tignan kung ang tubig na dumadaloy ay malinaw o maputik para
malaman kung marami nang lupa ang natatangay ng ulan at makalikas ng maaga.
Ang paalalang ay handog ng_______.

You might also like