You are on page 1of 3

TRAVELOGUE

BANSANG KAYLINIS

Kilala na isang maunlad na bansa ang Singapore. Kahit saan tumingin ay walang
makikitang basura na nakakalat sa paligid. Maikukumpara mo ito sa ibang bansa sa
kalinisan at pagkakaroon ng disiplina sa mga mamamayan ng bansang ito. Noong ika-
18 ng Hulyo hanggang 23 ay nagawa kami sa bansang ito. Makikita mo pa lamang sa
kanilang paliparan na tinatawag na Changi Airport na ito'y napakaayos, napakalinis,
napakamakabago at napakaorganisa. Iba't iba rin ang transportasyon dito. Marami sa
mga ito ay ang taksi, "grab", at subway. Madalang lamang ang trapik dito at laging
nasa oras ang dating ng mga sakayan. Kung sa pagkain naman ay marami silang mga
manok at bibe na masarap sa panlasa. Marami ring makikita na destinasyon at isa sa
mga napuntahan namin ay ang Universal Studio na may malaking globo at mga
sakayan na nakakaaliw. Dahil sa may kasama kaming bata ay aliw na aliw ito sa mga
nakitang iba't ibang karakter na napapanood sa telebisyon. Para naman sa mga
kabataan at matanda ay maaaring sakyan ang mga roller coaster at iba pang
nakakatindig balahibo na mga sakayan. Sikat na sikat din sa Singapore ay ang
milktea. Maraming mga kabataan ang bumibili nito dahil sa uso at sarap nito. Marami
rin ang mga pamilihan dito na makikita mo lamang sa mararangyang pamilihan. Nakita
rin namin ang Merlion Park o ung napakalaking leon na naglalabas ng tubig. Ito ay isa
sa mga sikat na atraksyon na maraming napuntang tao sa ganda at libre lamang. May
kamahalan man ang mga pagkain, ito naman ay masasarap na masasabing sulit pag
iyong kinain. Nagpunta rin kami sa kanilang Cloud Forest at Flower Dome kung saan
makakakita ka ng mga puno at iba't ibang uri at klase ng halaman at bulaklak na
nakakaakit sa paningin. Sa huling parte ng Cloud Forest ay ipinapalabas ang
kahalagahan ng ating kapaligiran para sa atin. Pinapakita rin kung paano nila
pinapangalagaan ang kanilang mga atraksyon kahit na dumadami ang mga turista sa
lugar na iyon. Sa panahon ngayon, importante na pangalagaan natin ang ating
kapaligiran na tinitirhan dahil ito ay makakaapekto sa atin at para mabawasan natin
ang global warming na nagiging sanhi ng pagbabago sa ating mundo. Sa ating
paglalakbay kung saan saan man ay hindi sana tayo mag iwan ng kahit na anong
basura at magkusa na pag may nakita ay pulutin agad para sa ikauunlad ng bawat
isa.
NATATANGING LATHALAIN

AABUTIN ANG PANGARAP

Pangarap ng ilan ang maging Certified Public Accountant. Ngunit malaking


kalbaryo muna ang kailangan mong tahakin bago makamit ito. Noong isa pa lamang
akong mag-aaral na may kursong Accountancy ay akala ko madali lang ang lahat.
Nag aaral ako ngunit hindi gaano at hindi gagawa ng asignatura dahil alam ko naman
sa sarili ko na may tutulong sa akin. Ginusto kasi ng aking mga magulang na kunin
ang kursong ito. Kahit may retention policy o dapat ang grado mo ay mas mataas sa
2.25 ay pumapasa naman ako. Dumating ang qualifying exam para malaman kung
magtutuloy ba sa kursong ito o hindi. Hindi rin ako nag aral kasi alam ko naman na
may aasahan ako. Ngunit noong dumating ang resulta ay hindi ko nakita ang pangalan
ko sa mga pumasa, tinanggap ko ito at kinuha ang ibang kurso na Accounting
Technology. Hindi naging masaya ang aking mga magulang ukol dito. Hinayaan ko na
lamang at namuhay pa rin ako ng umaasa sa iba sa Accounting na aralin. Ako ay
nakatapos ng pag-aaral. Akala ko doon na matatapos ang aking paghihirap sa pag-
aaral. Hanggang sa nagpasya ang aking mga magulang na ako ay mag aral ulit at
ipagpatuloy ang Accountancy. Ako ay nagtanong tanong sa mga paaralan na malapit
sa amin at napunta ako sa Philippine Christian University (PCU). Napili ko ang
unibersidad na iyon dahil sa kagustuhan ko rin na maging isang varsity at makalaro
sa iba't ibang patimpalak. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako maaaring maglaro
dahil kailangan magkaroon ng isang taon na pag aaral sa unibersidad bago makalaro.
Akala ko ay makakapagtapos ako agad ng isang taon sa PCU ngunit dahil may
retention policy ay inulit ko pa ang ilang subyek ko at ang napakarami kong maynor
na subdyek kaya ako ay lalampas pa sa dalawang taon kaya nagpasya na ako na
lumipat pa ng paaralan. Nakita ko ang NCST. Dahil wala akong mga kakilala dito ay
natuto akong maging mag isa, mag isang nag aaral, kumakain at natutong lumaban
sa napakahirap na mundo ng Accountancy. Noong nakita ko ang pangalan ko sa mga
kandidato sa mga magsisipagtapos ay natuwa ang puso ko. Iba pala kapag
pinaghirapan mo ang isang bagay. Iba kapag ipinagsaDiyos mo. Marahil ay hindi man
ako singtalino ng iba, pero kung may pangarap ka, makakamtan mo iyon. At sa pag
abot ko ng aking mga pangarap ay sana maidikit ko sa dulo ng aking pangalan at
makamtan ko ang pinakahinahangad na CPA.
PAMPANITIKANG PITAK

UNANG PAG-IBIG

Ang panahon ng kabataan ang pinaka masarap sa parte ng buhay ng isang


tao. Dito mo mararanasan ang maraming bagay tulad ng pakikisalamuha sa iba't-
ibang tao, panahon na mas makikilala mo iyong sarili. Ang pagbibinata at
pagdadalaga, at kung anu-anong mga bagay na ibig mong masubukan tulad ng pag-
inom, ang pag-attend sa JS Prom at pag-uwi ng dis oras ng gabi kasama ang iyong
barkada. Si Hope ay kasalukuyang nag-aaral bilang isang "4th year highschool",
maganda si Hope at iniidolo ng maraming kalalakihan. Kaklase niya si Zee mula sila
ay nasa unang baitang pa lamang. Masyadong malapit si Hope kay Zee. Sila ay
matalik na kaibigan. Kilala na nila ang ugali ng bawat isa. Tampulan ng tuksuhan ng
mga kaklase nila sila parehas. Sa mga taong dumaan, nararamdaman ni Hope na
may iba na siyang pakiramdam kay Zee. Di pa niya lubusang naiintindihan ang
kahulugan ng pag-ibig. Si Zee ay matipuno at makisig, marami ang nagkakagusto sa
kanyang mga kababaihan. At sa mga taon pang lumipas mas lalong lumalim ang pag-
ibig ni Hope kay Zee. Di niya alam ang kung paano ito ipagtatapat kay Zee. Isang gabi
nagkayayaaan ang barkada, nalasing si Hope. Inihatid siya ni Zee sa bahay nila. Dahil
sa kalasingan at sa bigat ng nararamdaman niya kay Zee, di niya napigilang ipagtapat
ang kanyang nararamdaman. "Zee, mahal kita bakit ang manhid mo?" wika ni Hope.
Di alam ni Zee ang ang magiging reaksiyon nito. Kinaumagahan pagapasok sa
paaralan nagkakailangan ang dalawa. Ngunit sa mga araw na dumating
nagkamabutihan din ang dalawa at naging magkasintahan. Mas lalong sumaya ang
buhay pag-ibig ni Hope at naging inspirasyon nila ang isa't isa. Hindi nila hinahayaan
na maghilahan sila pababa at ginawang motibasyon ang bawat isa na makamtan ang
pangarap.

You might also like