You are on page 1of 1

Liham Patnugot

Kapuri-puri ang patakarang isinulong ng mga guro sa paaralan kung


saan ipinatupad nila ang pagpulot ng mga mag-aral ng mga nagkalat
na basura sa paaralan, bago sila pumasok sa kani-kanilang silidaralan sa umaga at hapon.
Nakatutuwa sapagkat halos lahat ay nakikiisa sa layunin at sa
simpleng paraan ay napadadama ng mga mag-aaral ang
kahalagahan ng kalinisan.
Naipakikita rin nila sa aspetong ito ang kanilang kalinga at
pagmamahal sa ating paaralan. Natutulungan pa nila ang mga
dyanitor sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kampus upang
lalo itong gumanda.
Gayunpaman, may ilang mga-aaral na tila hindi nakikisali sa
gawaing ito. Sa halip na tumulong sa pagpupulot ng basura, sila pa
mismo ang nagkakalat.
Hangad ko po na mahikayat sila na makiisa at maging disiplinado
upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng ating minamahal
na paaralan.

Angelika Del Rosario

Gumagalang,

You might also like