You are on page 1of 2

Paksa: Bawat Bata Bumabasa— EDITORYAL

SUSI NG KAUNLARAN
By: Jayselle Gazzingan

Bilang suporta sa pagpapatupad ng Department of Education (DepEd) Memo No.173, series


2019 na kilala rin bilang "Hamon: Bawat Bata Bumabasa (3B's Initiative)", ang mga guro ng iba't ibang
paaralan sa iba't ibang panig ng bansa ay nagbayanihan upang matulungan ang kanilang mga mag-aaral
na maging mahusay na mambabasa at upang makamit ang kalidad na edukasyon sa bansa. Tumpak ang
hakbang na ito lalo pa't kasalukuyan parin tayong nahaharap sa hamon ng pandemya at higit na
kailangan ng mga mag-aaral ang gabay upang lubos na maunawaan ang mga salik sa pagkakaroon ng
kalidad na edukasyon.

Ang inisyatiba ng 3Bs ay nakabatay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at bubuo ng mga
susunod na interbensyon para sa kanila na magkaroon ng mga kasanayan sa pagbasa at pag-unawa.
Inirerekomenda din ng inisyatiba ang anim na elemento ng pagbabasa (wikang oral, kamalayan sa
phonological, palabigkasan, bokabularyo, kahusayan sa pagsasalita, at pag-unawa) na dapat maunawaan
at makamit ng mga mag-aaral nang magkakasama upang matutong magbasa.

Sinabi ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na magiging
prayoridad ang pagpapabuti ng mga programa sa pagbabasa dahil ang DepEd, sa pangunguna ni
Secretary Leonor Magtolis Briones, ay nagsisimulang tumutok sa globalisasyon ng kalidad ng batayang
edukasyon sa Pilipinas. Ang pagbabasa ay isang napakahalagang salik sa pagkakaroon ng kalidad na
edukasyon kung kaya't kinakailangan ang kooperasyon ng mga mag-aaral, magulang at ng mga guro sa
programa ng Departamento upang makamit ang maunlad na bansa.

Ayon sa mga pag-aaral sa mga nagdaang taon, nasa sampung milyon ng kabuuang populasyon
ng Pilipinas ang hindi makabasa at makasulat. Base na rin sa nakaraang pambansang pagsusuri, ang mga
mag-aaral ay nangangailangan pa ng pagpapabuti sa mga kasanayan sa pagbabasa, agham at
matematika. Pinapakita ng sitwasyong ito ang agarang aksiyon na kinakailangan upang hindi mapag-
iiwanan ang Pilipinas sa larangan ng edukasyon. Upang makamit ang layuning ito, dapat lalo pang
paigtingin ng DepEd ang inisyatiba ng 3B's.

Ayon kay USEC. San Antonio, ang inisyatiba ng 3B's ang nararapat na pinakaunang gawin. "We
can never pursue quality education if the kids do not know how to read. This is the basic tool for lifelong
learning. We will never expect a Filipino or any human being to continue to learn without actually being
equipped with the fundamental reading skill," wika nito sa Ingles. Dagdag pa niya, aayusin muna ang
pagbabasa ng mga mag-aaral bago isunod ang iba pa. Ang hakbang na ito ay isang malaking tulong sa
mga kabataan upang maging responsable at mahusay na mamamayan na maituturing na pag-asa ng
bayan.

Sa kabuuan, nararapat na gumamit ang mga guro ng panibagong paraan ng pagtuturo kung saan
ay may kalakip na tiyaga at interes na maturuan ang mga kabataang higit na nangangailangan ng sapat
na gabay lalo na ngayong nahaharap pa tayo sa matinding krisis. Sa resultang ito ay hangad natin ang
pagbabago, pagpapabuti at pagtuklas ng kakaiba. Bilang paglilinaw, kinakailangan na paigtingin ng
DepEd maging ng mga guro ang paglunsad ng mas mabisang hakbang, paraan at mga epektibong
alternatibo upang makamit ang kalidad at pantay na edukayon para sa lahat at masiguro na walang
batang maiiwan. Isang matandang kasabihan na hindi mapapasubalian na “ang karunungan ay lakas.”
Ang susi ng isang maunlad at malakas na bansa ay ang karunungan ng mga mamayan nito. Kung kaya't
nararapat na turuan at gabayan ang pag-asa ng bayan sapagkat sila ang susi ng kaunlaran.#

You might also like