You are on page 1of 17

Republic Act No.

7079
(Campus Journalism Act of
1991)
Ang Pamahayagang Pangkampus ay
ang kawili-wiling gawaing
pampaaralan ng mga kaanib sa
patnugutan gaya ng pangangalap,
pagbuo at paglalahad ng mga balita;
pagsulat ng editoryal, pitak at mga
lathalaing pampanitikan; pagguhit ng
kartun at pagkuha ng mga larawan.
Idagdag pa rito ang pagwawasto ng
mga kopya o sipi, pagaanyo,
pagsulat ng ulo ng balita,
pagwawasto ng pruweba tungo sa
isang hangaring makapagpalabas ng
isang pampaaralang pahayagan.
Bilang mag-aaral na mamamahayag ng
iyong paaralan at kasapi ng
pamahayagang pangkampus,
mahalagang malaman mo at
maunawaan ang iyong mga tungkulin,
responsibilidad at karapatan na naayon
sa batas..
Ang Republic Act No. 7079 o kilala na
Campus Journalism Act of 1991 ay
naisabatas noong Hulyo 15, 1991.

Ito ay idineklarang patakaran ng Estado na


kilalanin at protektahan ang Kalayaan sa
Pamamahayag kahit sa antas ng paaralan
upang mapaunlad ang pamahayagang
pangkampus sa lahat ng paaralan sa
elementarya, sekondarya at kolehiyo
Layunin ng RA No. 7079 na itaguyod ang mga
sumusunod:

 Kalayaan ng Pamamahayag sa mga paaralan sa


elementarya, sekondarya at Kolehiyo
 Pagpapaunlad at pagyabong ng pamahayagang
pangkampus bilang isang paraan sa pagpapalakas
ng mga pang-etikang pagpapahalaga, pagbibigay
daan sa mapanuring pag-iisip at pagpapaunlad ng
kaugaliang moral at personal na disiplina ng mga
kabataang Pilipino
Layunin ng RA No. 7079 na itaguyod ang mga
sumusunod:

 Pagsasagawa ng mga programa at mga


proyekto na naglalayong paunlarin ang
pamahayagang kasanayan ng mga mag-
aaral at itaguyod ang mapanagutan at
malayang pamahayagan
Layunin din ng nasabing batas na matulungan
ang mga mag-aaral na lalo pang mapaunlad
ang kanilang iba’t ibang kasanayan tulad ng:

 Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-


aaral sa pagsasanay sa nakawiwiling
pagsulat
 Maging tagapaghatid ng impormasyon at
hinaing ng mga kapwa mag-aaral sa
tamang kinauukulan sa paaralan
Layunin din ng nasabing batas na matulungan
ang mga mag-aaral na lalo pang mapaunlad
ang kanilang iba’t ibang kasanayan tulad ng:

 Magsisilbing tulay ng mga mag-aaral,


kaguruan at pamunuan ng paaralan tungo
sa pagkakaisa
 Mahubog ang pagiging responsable at
mapanuri hindi lamang sa larangan ng
pamamahayag kundi sa lahat ng
pagkakataon
Layunin din ng nasabing batas na matulungan
ang mga mag-aaral na lalo pang mapaunlad
ang kanilang iba’t ibang kasanayan tulad ng:

 Maisabuhay ang pagiging matapat,


makatotohanan at walang kinikilingan
 Maging mulat at makibahagi sa mga
kapaki-pakinabang na kaganapan sa
komunidad at maging kapaki-pakinabang
na mamamayan ng lipunan sa murang
edad
Layunin din ng nasabing batas na matulungan
ang mga mag-aaral na lalo pang mapaunlad
ang kanilang iba’t ibang kasanayan tulad ng:

 Lalo pang mapaunlad at mapasigla ang


pag-aaral at magkaroon ng wastong
panlasa at lugod sa pagbabasa
 Mabigyan ng karapatang maipahayag ang
kanilang saloobin para sa kanilang
kapakanan
BUMUBUO NG PATNUGUTAN

 Ang pahayagang pampaaralan ay


inilalathala ng mga piling mag-aaral na
bumubuo ng patnugutan na dumaan sa
masusing proseso.
 Kinakailangang ang bawat kasapi ay
maging responsable sa lahat ng kanilang
mga gawain at desisyong gagawin.
BUMUBUO NG PATNUGUTAN

 Pinakamabisang paraan ng pagpili ay ang


pagbibigay ng pagsusulit, gaya ng
pagsulat ng iba’t ibang artikulo gayundin
ang pagsusulit pansikolohiya at
pakikipanayam sa kanila. Dahil dito,
mababatid ang kanilang kakayahan at
angkop na posisyon sa bawat kasapi.
BUMUBUO NG PATNUGUTAN

 Kinakailangang mapanatili ng bawat


kasapi ang kanilang magandang grado
upang patuloy na maging bahagi ng
patnugutan.
 Hindi maaaring suspendihin o patalsikin
sa paaralan ang isang kasapi dahil lamang
sa kanyang artikulong isinulat.
 Sa kolehiyo, ang pagkakaroon ng
tagapayo ay opsyonal lamang.
BUMUBUO NG PATNUGUTAN

 Sa elementarya at sekondarya ay
kailangang pumili ng isang guro na
tatayong tagapayo ng patnugutan.
Maaaring ito ay pinili ng administrasyon
ng paaralan o rekomendasyon ng
publikasyon, ayon na rin sa kanyang
kakayahan.
 Ang tagapayo ay kasangguni ng
patnugutan na nasa likuran lamang.
Sa Section 8 ng RA No. 7079

nakasaad dito na ang Kagawaran ng


Edukasyon ay magsasagawa ng mga
programa at paligsahan na lalahukan ng
mga mag-aaral at mga gurong tagapayo.
Ito ay upang lalo pang mahubog ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan
ng pagsulat. Ang isang halimbawa ng
paligsahang ito ay ang National Schools
Press Conference (NSPC) na isinasagawa
taon-taon.
Tandaan:

 Ang Republic Act No.7079 o Campus


Journalism Act of 1991 ay naglalayong
protektahan at itaguyod ang kalayaan ng
pamamahayag sa mga paaralan. Ang
pagpapaunlad ng pamahayagang pangkampus
ay magsisilbing daan upang lalo pang
mapalakas ang etikang pagpapahalaga,
mapanuring pag-iisip, kaugaliang moral at
disiplina sa kabataang Pilipino.

You might also like