You are on page 1of 24

Pagsulat ng Editoryal

Clarice N. Montealto
FPFMNHS
Ang Maglalatik

Aksyon para sa edukasyon


Napakagandang balita ang ipinahayag ni
Pang. Benigno Aquino III noong nakaraang
buwan na napunan na ang lahat ng
pagkukulang sa mga silid-aralan sa bansa,
kaya’t isa itong kapurihan at katagumpayan
sa kasalukuyang panahon.
“There is no more classroom shortage in
the country.” Sinabi ni PNoy sa kanyang
talumpati sa pagpapasinaya sa mga silid-
aralan sa Carmona National High School,
Cavite na nagpapahiwatig na ng simula ng
magandang pag-aaral sa bansa.
Ayon kay PNoy, binibigyang papuri niya
si Education Secretary Armin Luistro sa
pagpapatayo ng 66,813 na silid-aralan na
mas mataas sa 66,800 lamang na target
kaya’t bagama’t 13 lamang ang labis,
malaking karagdagan pa rin ito sa bilang ng
mga silid-aralan sa bansa.
Gayundin, kasabay ng pagpapatayo ay
ang pagsasaayos ng 4,599 na silid-aralan sa
Visayas region at 13,021 sa Palawan na
nasira ng mga kalamidad na humagupit sa
bansa na pinatutunayan lamang ang
pagpupuno sa mga kakulangan sa silid-
aralan at kagandahang ihahatid ng
administrasyong Aquino sa edukasyon ng
bansa.
Kaugnay nito, ang pondo ng mga
ipinapatayong silid-aralan ay nagmula sa
national at local government funds at mga
donasyon mula sa mga pribadong sector
kaya’t masasabing ang bawat mamamayan
ay kaisa sa malawakang proyektong ito.
Samantala, sinabi ni Luistro na
magpapatayo pa ang DepEd ng mas
maraming silid-aralan ngayong taon para sa
paghahanda sa implementasyon ng senior
high school sa 2016 kaya tuluy-tuloy na ang
ginagawang aksyon ng pamahalaan upang
mas magandang kalidad ng edukasyon ang
mapasakamay ng mga kabataan.
Sa kabilang banda, maging ang backlog
na 62 milyong mga textbooks ay unti-unti
na ring mareresolba. Sa katunayan, sinabi
ito ni PNoy, at ang mga librong nakuha ay
mas mura ng 40 porsyento kumpara noong
nakaraang administrasyon.
Dagdag pa rito, ang 2.5 milyong
kakulangan sa upuan ay naresolba na rin ng
kasalukuyang administrasyon sa
pamamagitan ng pagrerecycle ng mga troso
na ginagawang silya para sa mga mag-aaral.
Gayunpaman, nararapat ang tuluy-tuloy
na pagpapatayo ng mga silid-aralan
gayundin ang pagpupuno ng mga natitirang
kakulangan sa pag-aaral ng mga kabataan
para sa taun-taong pagtaas ng enrolment
rate sa bansa hindi ngayong tila
nagpapakitang-gilas ang administrasyon sa
kanilang nalalabing dalawang taon sa
panunungkulan.
Subalit pinatutunayan lamang ng
administrasyong Aquino ang kahalagahan
ng edukasyon sa pamamagitan ng aksyon
upang makamit ang mataas na kalidad nito
dahil naniniwala siyang “Education is the
central strategy in reducing poverty and
building national competitiveness.”
Rekomendasyong aprub!
Napakagandang ideya ang
inirekomenda ng Parish Pastoral Council
for Responsible Voting (PPCRV) na
maglagay ng satellite voters registration
sa mga simbahan at barangay sapagkat
makatutulong ito sa mas mabilis na
pagrerehistro.
Bilang paglilinaw, ang paglalagay ng
mga satellite voters registration sa mga
simbahan at barangay ay iminungkahi ng
PPCRV sa Commssion on Election
(COMELEC) para sa mga may malalaking
populasyon upang maging mas
accessible sa mga botante ang
pagpaparehistro.
Ayon nga kay PPCRV chief at dating
ambassador Henrietta de Villa,
naniniwala siyang mas madali para sa
mga mamamayan ang
makapagparehistro sa ganoong paraan
sapagkat kapag araw ng Linggo ay
marami ang nagsisimba.
Gayundin, sa ganitong paraan,
marami ang hindi na tatamarin sa
pagpunta sa mga limitadong voters
registration na itinalaga ng COMELEC sa
kani-kanilang lugar dahil magiging abot-
kamay na ang pagpaparehistro bilang
botante para sa nalalapit na eleksyon sa
2016.
Kaugnay pa sa isyu, iminungkahi rin
ng PPCRV sa COMELEC ang
pagpapaigting ng information campaign
sa pamamagitan ng pag-aanunsyo nito
sa mga misa tuwing Linggo kaya’t hindi
lang mas mabilis na access sa
pagpaparehistro ang maidudulot nito
kundi pati na rin ang kaalamang
maipapabatid sa mga botante tuwing
Sabbath day.
Dagdag pa ng PPCRV, makatutulong
din ng malaki ang voters education and
campaign sa mga paaralan tulad ng
pagsasagawa ng seminars at conferences
para ipaalam sa mga estudyante ang
kahalagahan ng kanilang boto sa pagpili
ng karapat-dapat na uupong mga opisyal
ng bansa.
Sa kabila ng mga rekomendasyon ng
PPCRV, marahil ay makadaragdag
lamang ito sa gawain ng simbahan at sa
ngayo’y nararapat munang resolbahin
ang hindi pa rin naipapatupad na
“biometrics” o finger printing process na
tutugon sa problema sa halalan tulad ng
flying voter, na ipinagtataka ng PPCRV.
Samakatuwid naman, malaki ang
maitutulong ng magandang ideya ng
PPCRV na paglalagay ng voters
registration sa mga simbahan at
barangay gayundin ang pagbibigay ng
voters education and campaign para sa
mga botante.
Maling aksyon
Hindi tama ang ginawang
pagbomba ng water cannon ng
Chinese Coast Guard sa mga
mangingisdang Pinoy sa
Scarborough Shoal sapagkat
makadaragdag lamang ito sa
lumalalang alitan sa pagitan ng
Pilipinas at China.
Ayon kay AFP Chief of Staff
General Emmanuel Bautista,
ang insidente ay nangyari
noong Enero 27, sa may 124
nawtikal na milya ang layo sa
Masinloc, Zambales, base sa
patuloy na monitoring sa
pinagtatalunang teritoryo.
Sinabi ni Bautista na
intension lamang ng mga Tsino
na paalisin ang mga Pinoy sa
Scarborough Shoal na bukod sa
Spratly Islands sa Palawan ay
kabilang rin sa kanilang
inaangking mga isla na higit
naming mas malapit sa bansa
kaya’t anupaman ang kanilang
naging intensyon sa
pambobomba, hindi
makatarungan ito lalo pa’t hindi
pa nakukumpirma kung sino
ang nagmamay-ari ng nasabing
isla.
Bilang aksyon ng Pilipinas sa
insidente, nagprotesta ang
bansa sa pangunguna ng
Department of Foreign Affairs
(DFA) at ipinagpapaliwanag ang
China, sapagkat wala silang
karapatang ipagtabuyan ang
mga mangingisdang Pinoy dahil
ang Bajo de Masinloc na
pinangyarihan ng insidente ay
nasa hurisdiksyon n gating
bansa kaya’t malaya at may
karapatan ang mga naging
biktima sa naturang lugar.
Gayundin, napakasama ng
ipinakitang pakikitungo ng mga
Chinese troops sa mga
mangingisdang Pinoy na
naghahanap lamang ng ligtas
na lugar upang makublihan sa
kabila ng masungit na lagay ng
panahon sa nasabing lugar.
Kaugnay nito, nakatanggap
din ang DFA ng siyam pang
kahalintulad na insidente ng
pangha-harass sa pagitan ng
Chinese vessels at ng mga
nabibiktimang mangingisdang
Pilipino sa nakalipas na taon, na
nagpapakita lamang ng hindi
magandang pakikisama ng
China sa mga Pinoy at lalong
umiigting dahil sa alitan sa
teritoryo.
Sa kasalukuyan, humihingi ng
paliwanag ang gobyerno ng
Pilipinas sa China kung bakit
nagawa ng mga Tsino ang
pambobomba sa mga
mangingisdang Pilipino, na
nararapat lamang upang hindi
na sumiklab ang away at
magkaintindihan na lamang ang
bansa at ang China.
Samantala, marahil ay iisa
lamang ang intensyon nila sa
insidente, ang paalisin ang mga
mangingisdang Pinoy sa
kanilang lugar at parte lamang
iyon ng kanilang operating
security system, tulad ng
paunang paliwanag ng mga
Tsino.
Samakatuwid, nararapat ay
gumawa na lamang ang
Chinese Coast Guard ng aksyon
sa mas magandang paraan
dahil ang ginawa nilang
pambobomba ng water cannon
ay nagbigay ng posibilidad na
makapagpalala ng alitan dahil
sa mga islang pinag-aagawan.
Agarang modernisasyon
ng PNR
Kasalukuyang bumibigat ang
daloy ng trapiko dahil sa mga
ipinapagawang imprastruktura
ng gobyerno kaya’t
makatutulong ang hinihikayat
ng isang mambabatas sa
pamahalaan na madaliin na ang
modernisasyon ng Philippine
National Railway (PNR) sa pag-
iibsan nito.
Ayon kay Buhay Partylist
Rep. Lito Atienza, dapat
tutukan ng pamahalaan ang
modernisasyon ng PNR upang
magsilbing alternatibong
transportasyon ng publiko.
Sa pamamagitan nito,
mababawasan ang pagsikip ng
daloy ng trapiko sa kalsada
bunsod ng mga ipinapatayong
imprasktruktura ng
pamahalaan.
Gayundin, magsisilbing
kapakipakinabang ang PNR na
ngayo’y nakadidismaya dahil sa
lagay ng mga tren, na hindi
nalilinis at lumang luma n,
maging ang mga riles.
Kaugnay pa nito, makikita
ang pangangailangan ng
rehabilitasyon ng PNR dahil sa
tila napababayaang lagay nito.
Samantala, dahil sa dami ng
mga rekomendasyon at paraan
kung paano magagawan ng
solusyon ang kasalukuyang
pagbagal ng daloy ng trapiko sa
Metro Manila na dulot ng
konstruksyon ng mga
proyektong imprastruktura ng
pamahalaan sa alternatibong
paraan.
Gayunpaman, marapat na
ang pagmamadali ng
modernisasyon ng PNR ay
bigyang pansin upang ang
kasalukuyang suliranin sa daloy
ng trapiko ay maibsan.

You might also like