You are on page 1of 3

Makiisa sa Brigada Eskwela - DepEd

MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na makiisa at


tumulong sa Brigada Eskwela na isasagawa sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bukas, araw ng
Lunes at magtatagal hanggang Mayo 25 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ang tema ng 2019 Brigada Eskwela ay “Matatag na Bayan para sa
Maunlad na Paaralan,” na ang layunin ang maihanda ang lahat ng pampublikong paaralan para sa nalalapit na
school year 2019-2020.

Sinabi ni Sec. Briones, nagkaroon na sila ng ‘kick-off program’ sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite
noong nakalipas na Huwebes upang maiwasan ang pagkakaroon ng suliranin at iba pang problema sa
pagbubukas ng klase.

Anang Kalihim, pagkatapos ng Brigada Eskwela ay agad nilang isusunod ang Oplan Balik Eskwela mula naman
sa Mayo 27 hanggang Hunyo 7, 2019.

Ngayong school year 2019-2020 ay tinatayang nasa 27-milyong estudyante sa Elementary at High School level
na magbabalik-paaralan sa Hunyo.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali, sa Hunyo 3, ang pormal na pagsisimula ng school
calendar of 2019-2020.

Ani Usec. Umali, ang 27-milyong mag-aaral na papasok sa Hunyo ay posibleng madagdagan pa dahil marami
pa ang humahabol sa enrollment.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/05/19/1919038/makiisa-sa-brigada-


eskwela-deped#y1Esa0HETyiy2GCy.99

Grade 6 pupil na biktima umano ng bullying, nabalian ng tadyang matapos suntukin ng kaklase

Nagpapagaling ngayon sa ospital sa Camarines Sur ang isang grade six pupil matapos mabalian ng tadyang
nang suntukin umano ng kaklase na dati na raw nambu-bully sa biktima.

Basahin: Batas laban sa bullying, pinirmahan na ni Aquino

Sa ulat ni Charissa Pagtalunan ng GMA-Bicol sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes,
sinabing naganap ang insidente ng pananakit sa biktima noong nagdaang Pebrero 13, sa La Opinion Elementary
School sa Nabuan, Camarines Sur.

Kuwento ng nakaratay na biktima, nasa klase sila ng physical education nang suntukin siya nang malakas ng
kaniyang kaklase.
Ang naturang insidente ay nasaksihan mismo ng iba pa nilang kamag-aral.

Kaagad daw nagsagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng paaralan sa nangyaring insidente at hindi naman
daw nagpabaya ang nakatalagang guro nang mangyari ang insidente.

Gayunman, lumitaw na hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa ng inirereklamong estudyante ang
pambubully sa biktima.

Problema naman ng magulang ng biktima ang pagkukunan ng pera para sa gastusin sa pagpapagamot sa bata.

Nagbabala ang ama ng biktima na magsasampa sila ng kaso laban sa paaralan kapag hindi sila tinulungan sa
mga bayarin sa ospital.

Ayon sa punongguro ng paaralan, nag-alok sila ng tulong sa magulang ng biktima pero tinanggihan daw ito.
Maging ang pamilya ng suspek ay nag-alok din daw ng tulong pinansiyal pero hanggang P10,000 lang. -- FRJ,
GMA News

Grade 6 may graduation pa rin

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon din ng
graduation ceremony ang mga mag-aaral na magsisipagtapos sa ikaanim na baitang (Grade 6) ngayong School
Year 2018-2019, taliwas sa unang mga ulat na sasailalim lamang sila sa moving-up ceremony.

“This memorandum clarifies that at the end of school year rites for Grade 6 completers this School Year 2018-
2019 shall be a graduation ceremony, as stated in the attached DepEd Order No. 2, series of 2019, issued on
February 18, 2019,” nakasaad sa DepEd Memorandum No. 025 na inilabas nitong Marso 1, 2019 ni Education
Secretary Leonor Briones.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ng DepEd, na ‘under discussion’ pa lamang ng Executive Committee kung
graduation ceremony pa rin o moving-up ceremony na lamang ang ipagkakaloob sa mga Grade 6 completers,
at sakali anilang maaprubahan ito ay kaagad nila itong ipapaalam sa kinauukulan.

Humingi rin ng paumanhin ang DepEd sa inconvenience at kalituhan na idinulot ng mga unang balita na
naglabasan.

Matatandaang napaulat na sa ilalim ng K to 12 program ng pamahalaan ay tanging ang mga Grade 12 students
lamang ang magkakaroon ng graduation ceremony, habang magkakaroon naman ng moving-up ceremony ang
mga mag-aaral na makakakumpleto ng Kindergarten, Grade 6 at Grade 10.

Inaatasan naman ng DepEd ang pamunuan ng mga pampublikong paaralan na idaos ang kanilang mga End-of-
School-Year (EOSY) rites, nang hindi mas maaga sa Abril 1 at hindi naman lalampas sa Abril 5, 2019.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/03/1898093/grade-6-may-
graduation-pa-rin#0O4WykQdzBD3sEai.99

NAT sa Grade 6 at 10, ipinagpaliban


Pansamantalang ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng 2017 Language and
Assessment for Primary Grade at (LAPG) National Achievement Test (NAT) para sa Grade 6 at 10 na
nakatakdang isagawa sa susunod na buwan.

Naglabas si DepEd Secretary Leonor Briones ng DepEd Memo No. 25 series of 2017, na nagpapahayag ng
pagpapaliban sa mga nasabing aktibidad.
Itinakda ng DepEd, sa pamamagitan ng Bureau of Education Assessment (BEA), ang mga pambansang
pagsusulit sa DepEd Order No. 23 series of 2016 o ang “School Calendar for School Year 2016-2017” at DO
No. 55 series of 2016 o ang “Policy Guidelines on the National Assessment of Student Learning for the K to 12
Basic Education Program.”
Batay sa inilabas na schedule, ang NAT para sa Grade 10 ay itinakda sa Marso 2; ang LAPG na binago at
ginawang Early Language, Literacy and Numeracy Assessment (ELNA) ay sa Marso 7; at ang NAT para sa
Grade 6 ay sa Marso 9.
“However due to administrative and logistical limitations, test administration shall be postponed indefinitely,”
ani Briones. Maglalabas ng isa pang memorandum ang DepEd para ipahayag ang bagong petsa para sa
pagsasagawa ng mga nabanggit na pagsusulit.
Ang NAT ay pagsusulit na dinisenyo para tukuyin ang academic levels, lakas at kahinaan ng mga estudyante.
Layunin naman ng LAPG na suriin kung naging epektibo ang Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MTB-MLE) instruction sa 19 na lengguwahe. (Merlina Hernando-Malipot)

You might also like