Professional Documents
Culture Documents
Buod ng Nobela:
Ang nobelang ito ay tumatalakay sa kwento ng isang lalaki at ang kanyang pagkahilig sa mga
kakaibang mga pangayayari.
Si Fransisico o Cisco ay isang emleyado sa opisina ng Wishnoff & Co. Simple lamang ang
uri ng pamumuhay ng Ciso. Papasok sa opisina, gigimik at pag walang pasok ay sa bahay lamng
siya tumatambay. Siya ay nakatira sa Tundo. Bagamat magulo sa kanilang lugar ay masaya
siyang naninirahan dito dahil sa ang mga tao dito ay marunong tumulong at may malasakit sa
kanilang mga kapwa. Sa opisina naman ay may isang babae na palagian nakakasama si Cisco,
siya si Christy na nagtratrabaho din sa nasabing kompanya. Palagain niya itong nakakasabay sa
kanyang pag-uwi , pagkain ng pananghalian at meryenda. Sa una ay okey lang sa kanya ang
pagsasabay nila ngunit napapansin ni Cisco na parati na siya ang sumasagot sa kanilang
pamasahe at minsan pa nga ay pati sa meyenda kaya naman nakakramdam na siya ng inis pero
hinyaan na lamang niya para wala nang gulo. Hindi naman kagandahan si Christy pero
gumaganda ito dahil sa kahihiligan sa paglalagay ng mga make-up , sa opisain alam na magbata
siya ngungit kung si Cisco ang tatanungin hindi nya rin alam dahil wala namang ligawang
naganap sa pagitan nila kumbaga masaya sila sa ginagawa nila. Pagdating ng hapon ay sabay na
naman nilang binagtas ang daan paauwi sa kani-kanilang tahanan hanggang sa sila ay
maghiwalay.
Sa pagtahak ni Cisco sa kalye patungo sa bahay nila ay natanawan niya ang babaeng si
Magda. Si Magda ay tatlong beses ng ng nabalo. Ang unang napangasawa niya ay namatay sa
gulang labingwalong taon , taga Hagunoy , Bulacan ito at kasamang nagtapos ni Magda ng
hyskul. Ang kasalan nila ay naganap sa Maynia at ang handaaan ay ginawa sa bahay nila
Magda , sapagkay laking parobinsya ay ang asawa nito ay tumulong sa pagsisisbak ng kahoy sa
bisperas ng kanilang kasal ngunit sa kasamaang palad ay napulmonya na siya nitong
ikinamatay. Ang iklawang asawa naman ni Magada pagkaraan ng dalawang taon ay taga
Caloocan . Nagpakasal di sila at lumipat sa bahay nila sa Maynila. Makaraan ang dalawang ang
wala pang isang buwan ay bumalik ulit sa Tondo si Magda sapagkat namatay ang kanyang asawa
sa isang aksidente. Pagkalipas ng isang taon ay nagasawa muli si Magda, sa pagkakataon ito ay
may kagulangan na ang napangasawa ni Magda at kung tawagi ito sa kanilang pook ay Mr.
Simeon. Si Mr. Simeon ay may kagulungan na nga mag-aaapatnapung taon na ang lalaki.
Negosyante ito at maayos ang pagdadala sa sarili sa kadahilanang ito ay nakakariwasa. May
palaisdaan , kotse at malaki ngnnit lumang bahay ngunit sa kasamaang palada ay naaksidente ito
wala pang dalawang buwan na kasal ang dalawa.
Bagaman ang magulang ni Cisco ay galit sa kanyang ginagawng panliligaw hinidi pa rin siya
tumigil hangggang sa mapasagot niya si Magda. Isang araw ay sinadya ni Cisco na mahuli sila
ni Magda ng ina nito na si Aling Ulpiana na may ginagawa silang kalokohan upang sila ay
piloting magpakasal. Nagtagumpay nga si Cisco sa kanyang balak na magpakasal sila ni Magda.
Ito ay labis na kinagalit ng kanyang ina. Kahit napapabalitang maraming nagpapakita sa bahay
na kwago ay dito na rin tumira sa Cisco.
Nang malaman ito ni Christy ay nagalit ito ngunit paglipas ng ilang lingo ay naintindihan din
nito ang kanyang ginawa. Simula ng ikinasal sila ni Magda ay palgian ng nang nagtitirik ng
kandila ang ina ni Cisco at ang lahat ng tao sa kanila ay pinagpustahan siya. Ang pangyayaring
ito ay ikanagagalit ni Magda ngunit wala naman siyang magawa. Sa araw- araw ay palagiang
kinkabahan si Cisco kaya naman binilugan niya ang tintayang huling araw niya sa muno. Palagi
di siyang panipayuhan ni Magda na mag-ingat ngunit nainiwala si Cisco na kung mamatay siya
ay walng pipiliing lugar na kapag oras mo na ay oras mo na. Ang araw-araw na pagpasok ni
Cisco sa opisina ay isang pagsubok sa kanya. Nakakaramdam siya ng kaligayahan sa tuwing
nakakarating siya ng maayos sa opisina at sa kanilang tahanan. Si Christy ay palagian din kung
kamustahin siya wala nagbago sa kanilang samahan. Minsan ay nagsaasabay pa di silang
uumuuwi at ginagawa ang mga bagay na dati nilang ginagawa.
Isang araw ay nalaman niyang muling bumalik ang dating kasintahan ni Chiristy. Ito ay
may asawa na. Nainis si Cisco sapagkat nalaman niyang nagkikita pa ang dalawa at natuklasan
niya ginagawa ng dalawa ang mga bagay na dati nilng ginagawa. Inaway niya ang kasintahan ni
Christy na si Ramiro kaya naman nasaktan siya nito ng sobra dahil sa higit na malaking tao ito.
Akala ni Cisco ay tuluyan na siyang mamatay ngunit hindi pala. Simula noon ay iniwan na niya
si Christy , hindi niya napansin na tapos na pa la ang taning sa kanya at siya ay buhay pa rin .
Labis- labis ang kasiyahan ng kanyang pamilya lalo na si Magda. Dito niya napatunayan na
dapat siyang magpasalamat sapagkat mahal na mahal siya ng ng kanyang asawa. Iang tagumpay
ang natamo ni Cisco at hinsgaan pa siya ng kanyang mga kapit-bahay at ang hula ng matanda ay
hindi pala totoo.
ANALISIS NG NOBELA
Ang nobelang Babaeng Misteryosa ay ginamit ang Bahay na Kwago bilang simbolo ng
mga kakaibang hilig ni Fransisco. Ito ay ang pagtuklas at pagsubok sa mga kakaibang bagay. Isa
na nga rito ay ang pagpapakasal kay Magda sa kabila ng mga balitang namamatay ang mga taong
nagiging asawa nito. Inihalintulad si Fransisco sa bahay na kawago sapagkat katulad ni
Fransisco ang bahay na kwago ay may mga itinago ding mga kababalagahan.
Narito ang banghay ng nobelang Babaeng Misteryosa. Ipapakita sa diagram na ito ang mga
pangyayari sa nobela:
Sa daialogong ito naipakita ang paggamit ng awtor ng teoryang eksistensyalismo kung saan
ang pangunahing tauhan ay may kakanyhang pumili ng desisyon para sa kanyang sarili anuman
ang maging kapalit nitong responsibilidad at panganib.
Ang Romamantisismo din ay ginamit na awtor sa nobelang ito kung saan ang nobela ay
kikitaan nga pagpapalutang na mga kahigawaan at kababalagahan . Ang bahagi ito ng nobela ay
ginamitan ng teoryang romanatisismo:
“ Ano ho ang maari makita naming, Aling Ulpiana ?” tanong niya.
“Hindi siguro kaila sa inyo ang bali-balitang—kung ano-ano ang nakikita riot sa aming bahay,” sabi ni Aling
Ulpinana.
“ Totoo ba ‘yon, Aling Ulpiana?” tnsong niya uli
“ Hindi ako magkakaila sa inyo ,” sagot ni Aling Ulpiana . “ Sa mga naging eksperyensiya ko, sasabihin kong
totoo.”
Sa Karakter
Sa Paksa
Sa Tagpuan
Hanggang nagyon ay tinatanong niya sa kanyang sarili kung maganda nga si Christy . Pwede na
rin ang mukha , matatangap nang “ mukha” nga, ngunit matagal na niyang napagwari-wari na
gumaganda lamang ito sa tingin dahil sa magandang tindig nito at magandang katawan. Ang
mukha ni Christy , kung bagama’t puwede na nga , ay hindi naman masasabing pwedeng-
pwede. Wala roon ang gandang hinahanap niya sa isang babae. Unangg-una nagbubunot ng kilay
si Christy –at away niya sa babaeng dinodoktor ang kilay. Ang gusto niya sa babae ay natural
ang kilay , kahit hindi maganda ang porma. May klakihan din ang mga mata ni Christy , madilat
at hindi yung mga matang kung titingnan ay mapungay: ang mga mata ni Christy ay medyo usli.
Ang maganda sa mukha ni Christy ay tinging nagbabadaya ng anking talino . May
hinahon ang mukhang iyon—parang nagbabadaya ng anking malawak na eksperinsya .
Maganda rina ang mga pisnging walang bakas ng taghiyawat , ang buo at mpuputing ngipin , at
ang may kanipisang labi. Ilang beses na niyang nahalikan ang mga labing iyon . Alam niya kung
gaano iyon klamabot kung inilalaban sa kanyng bibig.
nang hinhintay kundi siya’y magkamali at hindi siya magkakamali . Hindi siya handang patali
rito nang husto.
Naalala niya ang babae sa malaki at luamang bahay. Kung bakit ang larawang naiwan sa
kanyang balintataw nang pululin niya ito ng tingin mula sa malayo ay waring nkapanikit sa
kanyang isip: Itim na itim na buhok na sa dunidilim na dapit-hapon ay nakapagbibigay dito ng
mala-multong anyo, at mga mata na—sa kanyang pakiwari ay naging matiim ang pagtutok sa
kanya. O baka naman kaya lamang ganon ay alam niya ang bahay ay pinangingilagan. Baka
inilgaw laamang siya ng kanyang imahinasyon. At maaring hindi nga siya sinalubong ng tingin
nito kanina. Maaring kanina pa ito roon at napatingin lamang sa kanya . Ngunit ilang
hapon nang nakikita niyang nkatayo ito sa bintana ng lumang bahay kung nagdaraan
siya . Maari kayang –hinhintay ang pagdaraan niya? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang
pangyayaring iyon nang isang araw ng Linggo ay makasalubong niya si Magda sa Herbosa sa
may tapt ng palengkeng Pritil. Sa kanilang pagsaaslubong , maisumpa niya na umanyo ang
babae na babatiin siya ng salita o ngiti o pagtataas ng kilay , na hindi lamanh ituloy nang
maunahn ng hiya o sa pangingilag . ngunit sinundan siya ng tingin sa sulok ng mga mata.
Kung napagtutuunan nga siya ng pansin ni Magda, naisip ni Cisco , ano naman ang maaring
nakita nito sa kanya ? Hindi siya masasabing gwapo, bagama’t malayo namang matatawag
na pangit.
Upang huwag maglangis ang kanyang mukha , nagpahid si Cisco ng kaunting pulbos , sa harap
din g salamin , sa pamamagitan ng panyo . Nagsusupetsang lumpit sa kanya ang kanyang ina .
“ Sa’n ba lajkad mo Kikoy?” ang tanong.
“ Maglalakad-lakad lang ho.”
“ Maglalakad-lakad ka niyang asta mo’y papahink ka ng ligaw?”
Nasa isip ng kanyang ina ang naging pag-uusap nila nang sinundang hapon at ang hinla nito au
pumopormal siya kay Magda.
Hindi makaiiwas sa pagsasabi ng totoo . At ang dapat sabihin niya ya totoo . Malamlam di
lamang ng kanyang matanda sa malao’t madali ang apanliligaw niya kanya Magda , kailangang
ngayon pa lamang ay ihanada n aniya ito roon.
“Ihahanap ko kayo ng mamanugangin , “ sabi niyang pabiro
“ Sino ?”
Hindi siya makasagot.
“ Sino ka ko Kikoy ? ”
Nakatawang humarap siya sa kanyang ina. Heto na. “ Ano’ng magsasabi n’yo Inay. Kung
sasabihin kong ang byuda?”
Nagsiklab agad ang kanyang ian . “ kikoy , Huwag kang makapanoong ng bahay!?
“ Hindi sa babaeng iyon!?
“ Karapatan kong manligaw ng kahit kanino.”
“ Huwag kang makapananoog ng bahay , Kikoy!”
“ Gusto kong ipaalala sa inyo , Inay , nasa hustong gulang na ako-beinte siyeteng
kakunatan—at me karapatan akong humanap na ,mapapangasawa.”
“ Hindi ang babaeng ‘ Yon , Humanp ka ng iba –Kahit uwian mo ko ng galisin ,”
bilang mamanugangin di. Ang lagay ho’y natatakot siya sa hula. Nataatkot sigurong mamatay rin
ako . Maasahan lang naman ho ‘ yon sa nanay ko, na hindi naman ga’nong nakapag-aral. Natural
lang ho siguro na mag-aala siya sa maaring mangyari sa ‘ kn.”
Lalong lumungkot ang mukha ni Magda .
“Nakita mo! ” sabi ng Aling Ulpiana sa tono na waring sinabing
“ Sinabi ko na sa ‘yo , e!”
“ Pero iba ho ang isip niya sa isip ko, “ sabi niya
“ Pa’ no ngayon ?” sabi ni Aling Ulpiana .
“ Nagkakagustuhan din lang ho kami ni Magda , itutuloy naming ang kasal.”
“Nang ayw ng nanay mo sa anak ko?”
“Pero ipagwawalang –bahala mo na lang ba ang pangyaayring habang nagsasama kayo ni Magda
e sinisisi ka araw-araw ng nanay mo—at siguro’y nilalait araw-arwa ang anak ko?’
“ Pag napatunayan ho niya na mali siya—na hindi pala naman ako mamatay—magpaapsalamat
pa siya sa nangyari.” Nginitian niya si Magda at naisip na magbiro upang alisin ang lungkot sa
mukha nito. “ Suwerte ng anak niya na nakatagpo ng kasingganda ni Magda.”
Ngunit wala ring saya ang ngiti ni Magda.
Matiim na nakatingin ngayon sa kanya si Aklin Ulpiana . “ Pa’no kung mamatay ka . Kikoy?
“Problema ko na ho yon . ”
“ Kikoy …!” Waring hanga sa kanya si Aling Ulpiana
“ Si Batman yata ito!” sabi niya sa sarili nang maalaala ang sinabi ng kanyang ina nang
sinundang haapon.
“ Hindi ko kilalang msyado ang nanay mo, Kikoy , ” sabi ni Aling Ulpiana. “ Mahirap ba
siyang kausapin?”
Waring iniisip ni Aling Ulpiana na ito ang kumausap sa kanyang ina. Dapat niyang pigilan—
iyon ngayong ang kanyang ian ay nasa sandal ng paglalayas.
“ Sa ngayon ho’y hindi siguo madali, “ sabi niya . “ Hindi na nman ho kailangan ‘yon . Nasa
Edad na ‘ko—beinte siyete na.
pagmamalaki . Nabigo ang hula at ipnalgay ni Magda na ang sarili ay katulad din ng karaniwang
nilang mga kapit-bahay na babae. Muli, ang palagay ni Magda sa sarili ay “ kabilang “ na naman
sa kanilang pook .
Dumating sila sa bahay ng kanyang ina at pinapanhik muna sila nito. May natanaw na
naman siyang upos ng kandila sa altaran—ang huling kandilang sisindihan ng kanyang ina sa
pagdarasal sa ikaliligatas ng kanyng kaluluwa.
“ Maraming natalo sa pustahan sa lugar nating’ to ,” tatawa-tawang sabi ng kanyang ina
na sa malas ay nagagawa nang bumanggit tungkol sa pustahan ng kanilang mga kapok sa kung
mamatay siya o hindi . “ Huwag kayo’t nanalo si Selmo ng limampu!”
Nang gabing iyon ay hindi talagang balak ni Cisco na puntahan na si Christu sa apartment .
Gusto nga niyang iukol sa pamamahinga ang tatlong araw na bakasyong kinuha niya, kahit ang
buong araw man laamng na iyon. Ngunit kung bakit sumagi sa isip niya si Ramiro at nagbalisa
siya. Paano kung puntaan ni Ramiro si Christy sa apartment? Paano kung pinupuntahan na sa
ilang gabing nakaraan na ang isip niya ay abala sa pagdqating ng kamatayang? Kaya pagkakain
ng hapunan ay nagpaalam siya kay Magda na pupuntahan si Campones par balitaaan ito ng
magandang nangyari sa kanya.