You are on page 1of 1

B9

Leo Andrew E. Delos Reyes 03/27/2023


9 - Mapagpunyagi
BASILIO
Magandang hapon po! Ako nga po pala si Basilio at ako po ay sampung taong gulang
lamang at may kapatid ako na si Crispin na pitong taong gulang lamang. Ang aking mga
magulang ay sina Sisa na mapagmahal sa amin at si Pedro na isang sabungero na minsan
lang namin nakikita. Nagtatrabaho kami dati bilang sakristan sa simbahan sa San Diego sa
ilalim ni Padre Salvi. Lagi kaming inaabuso sa trabaho namin pero kinakailangan namin
magtrabaho para magkaroon kami ng pera para sa pamilya. Isang madilim na gabi ay
nawala ang aking kapatid habang kami ay inaabuso nina Padre Salvi at ng sakristan mayor
dahil inakusahan si Crispin ng pagnanakaw. Nakatakas ako sa pang aabuso nila at
nakauwi ako ngunit nadaplisan ako sa ulo ng bala dahil sa guwardiya sibil. Ng nakauwi
ako hinilom ni nanay ang aking sugat at nakatulog ako. Napanaginipan ko na namatay si
Crispin ngunit di ako naniniwala na totoo ito at nawawala lang siya. Hinanap ni nanay si
Crispin samantala may mga guwardiya sibil na pumunta sa bahay at tumakbo ako
hanggang mawalan ako ng malay sa pagod. Nagising ako sa isang kubo kung saan may
pamilya na tinulungan ako. Nanatili ako doon hanggang sa gabi bago mag noche buena.
Nagpaalam ako sa kanila at umalis ako pabalik sa bahay namin sa San Diego para hanapin
ko sina nanay at si Crispin. Ng nakauwi nako nahanap ko si nanay pero nung nakita niya
ako tumakbo siya, mukhang nawawala na siya sa sarili. Hinabol ko si nanay hanggang
makaabot kami sa lawa. Nagtago si nanay sa libingan at nung tumakbo siya mabilisan ko
siyang niyakap pero nawalan ako ng malay. Paggising ko napansin ko na patay na ang
aking ina habang niyayakap ako. Maya-maya may dumating na duguang lalaki ipinayo niya
sakin na sunugin ko siya at ang aking nanay hanggang maging abo. Ipinayo din niya na
kunin ko ang kayamanan sa buntod ng libingan at gamitin ko ito para makapag-aral.
Sinunod ko ang payo ng lalaki at sinunog ko sila. Hindi ko man kilala ang lalaking ito pero
alam ko marami siyang pinagdaanan kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na
ibinigay niya sakin.

You might also like