You are on page 1of 1

Testado, Medz Angelus B.

9 – Bernoulli

MONOLOGO NI CRISPIN
Inay! Kuya Basilio! Inay! Nakita po ba ninyo ang aking ina? Pasensiya na po! Ako si Crispin,
pitong taong gulang. Ako ang bunsong anak ng aking ina. Ako nga pala ang naatasan na
magpatunog ng kampana sa simbahan. Ang aking ina ay si Sisa. Siya ay mapagmahal at
maaruga sa amin. Kahit mahirap lamang kami, punong puno naman kami ng pagmamahal
mula sa aming ina na hindi matutumbasan ng kahit ano pa man. Ang nakatatanda ko
namang kapatid ay si Kuya Basilio. Kami ang mga sakristan sa parokya ng San Diego.

Ngunit sa kasamaang palad, ako’y napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa o


katumbas na tatlumpu’t dalawang piso. Sinabi ko kay kuya na siya muna ang magbayad
niyon, ngunit kung gagawin namin iyon, wala na kaming maipapakain kay inay at wala nang
matitira sa suweldo namin.

Kuya Basilio! Kuya! Bilisan mo! Umuwi na tayo, siguradong hinihintay na tayo ni ina sa ating
tahanan. Matagal tagal na rin kase nung huli natin siyang nakita. Sigurado akong nananabik
na siyang makita tayo. Siya nga pala kuya, magkano ang suweldo mo ngayon? Ah, dalawang
piso. Pwede ba na bayaran mo muna ang utang ko na sinasabi nila. Sapat na ba iyon? Pero
sa tingin mo ba gagawin ko ang magnakaw? Alam kong mahirap tayo, pero hindi ko
magagawa iyon dahil tiyak na mapapagalitan ako ni inay. Paano kung hindi ko mabayaran?
Kuya! Ha! Ano! Pinapatawag ako ni Padre Salvi? Padre, kung maaari po sana na sa pagbalik
ko nalang po babayaran ang utang ko sa inyo dahil gustong gusto ko na pong makita ang
aking ina. Parang awa niyo na po! Maawa po kayo sa akin! Hindi ko po ginawa iyon!

Hindi ako pinakain, pinainom at pinauwi sa amin. Nangungulila na ako kay inay. Hindi ko
alam kung paano ko mababayaran ang utang na sinasabi nila. Pinalo, hinampas, at
sinampal-sampal ako ng mga sacristan mayor.

Bakit hindi niyo ako pinaniniwalaan?! Dahil ba isa lang akong bata, musmos at mahirap?
Dahil ba isa akong Pilipino? Dahil ba isa akong Indiyo? Hindi naman ibig sabihin na isa
akong bata, Pilipino o Indiyo man, wala na akong dangal. Bakit, hindi ba kayo nagkakasala?!
Perpekto ba kayong mga Kastila?! Kung makapanghusga at makapang-abuso kayo, parang
wala man lang kayong nilabag ni isang batas ng pamahalaan o sa Panginoong Diyos!.. Wag
po! Maawa po kayo! Inay! Kuya!

You might also like