You are on page 1of 5

MONOLOGO NI CRISOTOMO

IBARRA
(1)-Magandang umaga mga panauhin.
(courtesy) Natutunan ko sa Alemanya na
isang uri ng paggalang ang pagpapakilala ng
sarili. Ako nga pala si Juan Crisostomo Ibarra
y Magsalin.
--Masaya akong makita kayo, at mas masaya
ako dahil nakabalik na muli ako sa aking
Inang Bayan matapos ang pitong taon kong
pag-aaral sa Europa.
---Huwag po sana kayong magkamali na
nakalimutan ko na ang bayang ito. Sa
katunayan, ang isip ko'y laging nasa bayan sa
araw-araw nung ako'y nasa Europa pa. Higit
sa lahat, umuwi ako upang malaman ang
pagkamatay ng aking ama.
---Ah, Padre Damaso! Kayo po pala.
Nagagalak akong makita ang isang matalik na
kaibigan ng aking ama!--Mukhang nagkamali
po ata ako. Hindi po ata kayo si Padre
Damaso, ngunit masaya po akong makilala
kita. Halina't kumain na po muna tayo.
---Reberensya, huwag po sana kayo magsalita
ng ganyan!
----Wala pa rin pa lang pagbabago ang mga
kura dito. Kapitan, patawad ngunit kailangan
ko nang umalis dahil marami pa akong
gagawin. Salamat po.

(2)-Nalaman ko kay Tenyente Guevarra ang


kinahantungan ng aking ama. Nakulong siya
dahil prinoktektahan lamang niya ang isang
musmos mula sa isang malupit na kolektor.
---Mga walang awang Kastila! Nakulong ang
aking ama gayong ginawa lamang niya ang
tama!
---Ngunit nawala saglit ang pait na iyon nang
makita ko muli ang aking Maria. Sabi niya sa
akin ay nalimutan ko na raw siya. Maaari ko
ba siyang malimutan? Ah, Maria.
Napakapalad ko talaga dahil ikaw ay aking
nakilala. Salamat nga pala sa bulaklak. Alam
kong matutuwa ang aking mga magulang sa
langit sa iyong munting alay.

(3)-Mas lalong naging malinaw sa akin ang


tunay na kinahantungan ng labi ng aking
ama. Nasaan ang hustisya? Ang inosenteng
labi ng aking ama, itinapon lamang sa lawa!
--Hindi ko napigilan ang aking galit at inatake
ko si Padre Salvi, ngunit naniniwala naman
ako sa kanyang pagpapatotoo. Wala na rin
akong magagawa dahil wala na ang labi, kaya
kailangan ko na lamang itong kalimutan.

(4)-Unti-unting nawala ang poot nang mag-


picnic kami ni Maria kasama ng kanyang mga
kaibigan. Sana ganun na lang ang buhay.
Kaunting lungkot, at mas maraming
masayang pagkakataon ang nawa'y
dumarating sa atin.
--(Lapit to Elias, pat) Hinding-hindi ko rin
malilimutan noong sagipin ko si Elias mula sa
mabangis na buwaya. Sadyang mapaglaro
talaga ang buhay. Hindi mo alam kung kailan ito
manggugulo. Magugulat ka na lamang.

(5)-Ika-onse ng Nobyembre. Pista ng San


Diego de Alcala. Napakaraming bisita. May
katuwaan, tugtugan, paputok, kainan, at
moro-moro. Nakinig ako ng misa, ngunit
hindi ko naman inasahan na patatamaan rin
pala ako ni Padre Damaso sa kanyang
mensahe.
--Tila nag-iba ang aking tingin kay Ginoong
Tasyo. Eto ang isang matalinong tao, ngunit
tinutulan ang pagpapatayo ng aking
paaralan? Ngunit hindi ako nagpapigil. Para
naman ito sa kabataan ng San Diego, hindi
ba?
---Sa kabilang banda, laking pasasalamat ko
kay Elias nang ako'y iligtas niya mula sa isang
pagtatangka ng aking buhay. Ngunit nanaig
pa rin ang tama! Nahulog ang aking mga
kalaban sa sarili nilang patibong! (Smirk)
----Sa isa na namang pagkakataon ay tama
lamang na tambangan ko ang bastos na
Padreng ito dahil sa kanyang kawalang-
respeto sa aking ama. Ngunit dahil sa bugso
kong iyon ay tuluyang naputol ang relasyon
namin ni Maria. Maria ….
(6)-Nakulong ako, ngunit hindi kailanman
makukulong ang liwanag ng katotohanan!
Salamat sa aking kaibigan na si Elias nang
tulungan niya akong makatakas mula sa
kulungan, ngunit dahil sa kanyang
kabayanihan, buhay niya ang naging
kapalit.Kawawang Elias! Tuluyan na siyang
nilamon ng buwaya.

You might also like