Professional Documents
Culture Documents
(courtesy)
Natutunan ko sa Alemanya na isang uri ng paggalang ang
pagpapakilala ng sarili.
Ako nga pala si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.
--Masaya akong makita kayo, at mas masaya ako dahil
nakabalik na muli ako sa aking Inang Bayan matapos ang
pitong taon kong pag-aaral sa Europa.
---Huwag po sana kayong magkamali na nakalimutan ko na ang
bayang ito. Sa katunayan, ang isip ko'y laging nasa bayan
sa araw-araw nung ako'y nasa Europa pa.
Higit sa lahat, umuwi ako upang malaman ang pagkamatay ng
aking ama.
Ah, Padre Damaso! Kayo po pala. Nagagalak akong
makita ang isang matalik na kaibigan ng aking ama!
--Mukhang nagkamali po ata ako. Hindi po ata kayo si
Padre Damaso, ngunit masaya po akong makilala kita.
Halina't kumain na po muna tayo.
---Reberensya, huwag po sana kayo magsalita ng
ganyan!
----Wala pa rin pa lang pagbabago ang mga kura dito.
Kapitan, patawad ngunit kailangan ko nang umalis
dahil marami pa akong gagawin. Salamat po.
2
-Nalaman ko kay Tenyente Guevarra ang kinahantungan ng
aking ama. Nakulong siya dahil prinoktektahan lamang niya
ang isang musmos mula sa isang malupit na kolektor.
--Mga walang awang Kastila! Nakulong ang aking ama gayong
ginawa lamang niya ang tama!
---Ngunit nawala saglit ang pait na iyon nang makita ko muli
ang aking Maria. Sabi niya sa akin ay nalimutan ko na raw
siya. Maaari ko ba siyang malimutan? Ah, Maria. Napakapalad
ko talaga dahil ikaw ay aking nakilala. Salamat nga pala sa
bulaklak. Alam kong matutuwa ang aking mga magulang sa
langit sa iyong munting alay.
3
-Mas lalong naging malinaw sa akin ang tunay na
kinahantungan ng labi ng aking ama. Nasaan ang
hustisya? Ang inosenteng labi ng aking ama, itinapon
lamang sa lawa!
--Hindi ko napigilan ang aking galit at inatake ko si
Padre Salvi, ngunit naniniwala naman ako sa kanyang
pagpapatotoo. Wala na rin akong magagawa dahil
wala na ang labi, kaya kailangan ko na lamang itong
kalimutan.
4
-Unti-unting nawala ang poot nang mag-picnic kami ni
Maria kasama ng kanyang mga kaibigan. Sana ganun na
lang ang buhay. Kaunting lungkot, at mas maraming
masayang pagkakataon ang nawa'y dumarating sa atin.