You are on page 1of 1

B-10

Prince Andrei A. Echave

9-Mapagpunyagi

ALFONSO LINARES

Buenas tardes sainyo mga Binibini at Ginoo! Ako nga pala si Alfonso Linares. Ako ang pinaka
matalinong meymbro ng pamilyang de Espadaña. Bakit ko ito nasabi? dahil ako ay nakapagtapos
ng pagiging abogado sa Univesidad Central, Madrid. Isa akong mistisong lalaki na nais lamang
pagandahin ang kinabukasan ng Las Filipinas. Si Donya Victorina ang aking pinsan at ako rin ang
malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Dahil sa mainit na labanan ng dalawang Donya na sina
Donya Victorina at Donya Consolacion, inutusan ako ni Donya Victorina na makipag duwelo laban
sa Alperes at kung hindi ko daw ito ginawa, sasabihin niya sa lahat ang aking tunay na pagkatao.
Isang gabi, ako ay nababahala sa ibinigay na liham ng aking pinsan. Ang nakalagay sa sulat ay
tungkol sa duwelo, kung napatay ko ba ang Alperes o kung ako ang napatay. Seryosong seryoso
nga ang Donya Victorina! Ibibigay niya sa akin ang lahat para hamunin lang ang Alperes, ngunit
wala akong padrino. Nais ko rin umibig at mag asawa kaya natuwa ako nung nireto ako ng aking
pinsan na si Donya Victorina kay Maria Clara. Agad akong umuwi sa Las Filipinas upang makita at
makausap ang aking magiging kasintahan pati narin si Padre Damaso. Si Padre Damaso ay ang
ninong ni Maria Clara. Namangha ako sa kagandahan ni binibini Maria Clara sa una naming pag
kikita. Nalaala ko pa ang una naming pag kikita o pag bobonding, masaya kami nag aayos mga
bulaklak at halaman at don ko naramdaman na siya na nga ang aking papakasalan. Pumayag din
si Padre Damaso na magkaisang dibdib kami ni Maria Clara. Nalaman ko rin na meyroon rin pala
akong karibal kay Maria Clarra. Walang iba kung hindi si Juan Crisostomo Ibarra! Isa lamang laro-
laro ang kanilang pag-ibig, at kung malakas man ang kanilang pag mamahalan pwes, gagawin ko
ang aking nakakaya upang mapasakin lamang ang puso at tingin ni Maria Clara. Ngunit…hindi
natuloy ang aming kasal, ako ay nabigla at nawasak ang aking damdamin. Hindi ko maisip ang
rason kung bakit hindi natuloy ang kasal naming dalawa. Pero kahit gayon pa man, mamahalin ko
siya ng malayo. Ngunit ako ay namatay dahil sa sakit na disenterya at sa maling reseta na ibinigay
ni Don Tiburcio. Yun lang ang mga ginampanan ng aking karakter, ako nga muli si Prince Andrei A.
Echave bilang Alfonso Linares, maraming salamat!

You might also like