You are on page 1of 4

NOLI ME TANGERE KABANATA 24-27

SCENE 1 KABANATA 24: Sa Kagubatan

NARRATOR: Nagpahatid si Padre Salvi sa kagubatan matapops makatanggap ng misteryosong


liham. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mga tinig. Nagtago siya sa mga puno at kawayanan. Nakita
niya ang mga dalaga na naglalakad. Pinigil na lamang niya ang kaniyang sarili na sundan ang mga
dalaga at sa halip ay hinanap na lang ang mga lalaki. Nakita niya ang mga lalaki na naghahanda para
sa maliit na pagsasalo-salo. Aalis na sana siya ngunit nakita siya ng isang alperes.

ENT; ALPERES

ALPERES: Napaano kayo Padre?

PADRE SALVI: Nawawala yata ako.

ALPERES: Halina po kayo, sumama na lamang kayo sa salo-salo na ihinanda ni Maria Clara at
Ibarra.

EXT; ALPERES, PADRE SALVI

NARRATOR: Sumama nga si Padre Salvi sa alperes upang makisalo kina Maria Clara, Ibarra, at
Victoria. Sa kanilang munting handa, hindi naiwasan ni Padre Salvi na magkwento patungkol sa
nangyari kay Padre Damaso.

PADRE SALVI: Alam ba ninyo kung sino ang nanakit kay Padre Damaso?

ALPERES: Sino ang pinaghihinalaan, Padre?

PADRE SALVI: Siya ring naghagis sa iyo sa putik!

ENT; SISA

IBARRA: Nariyan ka pala Sisa, halina’t sumama ka muna sa amin para makapagmeryenda ka.

SISA:[tatakbo palayo na parang natatakot]

EXT; SISA, IBARRA

NARRATOR: Sinundan ni Ibarra si Sisa ngunit bigla na lamang siyang pinigil ng isang sundalo.

SUNDALO: Alam mo ba kung nasaan si Elias?

IBARRA: Matagal ko na siyang hindi nakikita.

SUNDALO: Bali-balita sa buong bayan na kinupkop mo si Elias. Hindi kaya’t itinatago mo lamang
siya?
IBARRA: Sa tingin ko ay wala na kayong pakialam sa mga kung sinong ipinapatuloy ko sa aking
bahay.

SUNDALO: Bueno. Magpapatuloy pa rin kami ng paghahanap kay Elias. Maraming salamat Ibarra.

[end of scene 1]

SCENE 2 KABANATA 25: Sa Bahay ng Pilosopo

NARRATOR: Hindi sigurado si Ibarra sa plano niyang magpatayo ng eskwelehan sa San Diego kaya
naman sinadya niya ang bahay ni Mang Tasyo upang konsultahin ito.

IBARRA: Magandang hapon po Mang Tasyo.

TASYO: Aba, nariyan ka pala Crisostomo Ibarra. Umupo ka muna

IBARRA: [uupo] Mukhang nakakaabala yata ako sa inyong pagsusulat Mang Tasyo.

TASYO: Di na bale, ano ba ang ipinunta mo dito?

IBARRA: Nais ko pong isangguni sa inyo ang aking pagpapatayo ng paaralan. Sino po ang dapat
kong lapitan?

TASYO: Huwag mo akong tatanungin kalianman, sapagkat pagkakamalan ka rin nilang baliw katulad
ko. Ang payo ko sayo ay sumangguni ka sa kura, sa kapitan, at sa mga mayayaman. Bibigyan ka nila
ng masasamang payo ngunit ang pagsagguni ay hindi nangangahulugang pagsunod. Kunin mo
lamang ang kanilang loob at magkunwari kang sinusunod mo ang kanilang mga payo.

IBARRA: Hindi kita maintindihan, Mang Tasyo. Kailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang
katotohanan?

TASYO: Iyan ang dahilan kung bakit walang nagmamahal sa katotohanan, Ibarra.

NARRATOR: Nagpatuloy si Ibarra at Mang Tasyo na mag tunggalian dahil sa paniniwala. Iginigiit ni
Mang Tasyo na ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Hindi naman sumasang-ayon
doon si Ibarra. Sa huli, nagwika si Mang Tasyo na hindi man magtagumpay ang plano ni Ibarra,
magiging isang mabuting halimbawa naman siya sa mga tao ng San Diego.

[end of scene 2]

SCENE 3 KABANATA 26: Bisperas ng Piyesta

NARRATOR: Ang pagsapit ng ika-10 ng Nobyembre ang hudyat ng pagsisimula ng bisperas ng


piyesta ng San Diego. Ang lahat ng mga bahay ay napapaligiran ng mga palamuti at mga antigong
gamit. Ipinagmamalaki ng mga mayayaman ang mga masasarap na putahe sa kani-kanilang hapag at
ipinagmamayabang nila ang dami ng kanilang mga bisita. Sa kabilang dako naman ay abalang-abala si
Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang eskwelahan.
IBARRA: Juan, kamusta na ang ipinapatayo kong eskwelahan?

NOL JUAN: Dito natin itatayo ang silid para sa mga lalaki, at doon naman ang para sa mga babae.
Huwag kang mag alala sapagkat magagawa natin ang gusaling ito ayon sa iyong kagustuhan.

LALAKI(1): [nagbubulungan sa malayo] Napakagaling talaga ni Ibarra.

LALAKI(2): [nagbubulungan sa malayo] Kaya naman hangang-hanga ako sa kanya.

[end of scene 3]

SCENE 4 KABANATA 27: Sa Pagtatakipsilim

NARRATOR: Sa lahat ng may handa para sa pista ng San Diego, ang bahay nina Kapitan Tiyago ang pinaka-
magarbo. Pinasadya niya ang kaniyang mga handa para kay Maria Clara na kaniyang anak at kay Ibarra na
kaniyang mamanugangin. Kagagaling lang niya sa Europa kaya naman napakarami niyang pasalubong para sa
kaniyang unica hija. Kabilang na dito ang mga magagandang brilyantes at esmeralda na mula sa bangko ng San
Pedro.

KAPITAN TIYAGO: Maria Clara! Pumunta ka muna dito.

ENT; MARIA CLARA

MARIA CLARA: Bakit po?

KAPITAN TIYAGO: Narito ang regalo ko sayo. Isang kwintas galing Europa. Napaka-ganda, hindi ba?

[isusuot ang kwintas kay Maria Clara]

MARIA CLARA: Gracias, papa.

[kakatok sa pinto si Ibarra]

ENT; IBARRA

IBARRA: Magandang hapon, senor [magmamano]. Magandang umaga, Maria Clara. Narito ako upang
mapag-usapan natin ang tungkol sa pagpapatayo ko ng paaralan dito sa San Diego. [uupo]

KAPITAN TIYAGO: Buenos tardes, Ibarra. Anong nais mong ipangalan sa eskwelahan na ito?

IBARRA: Nais ko po itong pangalangang Colegio de San Diego, senor.

[kakatok si Victoria sa pinto]

ENT; VICTORIA

VICTORIA: Magandang hapon, Kapitan Tiyago [magmamano]. Nais ko pong yayain ang anak niyong si
Maria Clara sa aking paglalakad.

KAPITAN TIYAGO: Bueno. Isama niyo na rin si Ibarra. At huwag kang magpapagabi Maria. Darating si
Padre Damaso mamayang gabi.
MARIA CLARA: Muy bien, papa.

[tatayo sina Maria Clara at Ibarra at susunod kay Victoria palabas]

KAPITAN TIYAGO: Siya nga pala Ibarra, dito ka na maghapunan maya-maya.

IBARRA: Gracias, senor. Ngunit may bisita akong hinihintay. Marahil ay sa susunod na lamang?

KAPITAN TIYAGO: Bueno. Humayo na kayo upang makabalik na kayo ng maaga.

EXT; VICTORIA, IBARRA, MARIA CLARA

NARRATOR: Nakarating ang magkakaibigan sa bayan kung saan nagaganap ang mga kasiyahan para sa
kapistahan. May nadaanan silang isang matandang ketongin na namamalimos.

MATANDA: [kakanta tapos biglang aalis]

EXT; MATANDA

NARRATOR: Naawa ang mga babae sa matanda kung kaya’t natigilan sila at naglagay ng pera sa maliit na
bakol ng matanda. Ngunit ang binigay ni Maria Clara ay ang kaniyang kwintas.

VICTORIA: Bakit mo naisipang ibigay ang iyong kwintas Maria?

MARIA CLARA: Hanga ako sa kanya.

ENT; SISA

SISA: [hahawakan ang kwelyo ng damit ng matanda at yayakapin]

SISA: Nakikita mo ba ang ilaw sa kampanaryo na iyon? Naroon ang anak ko na si Basilyo. Natatanaw mo ba
ang ilaw ng kumbento? Nandoon naman ang anak ko na si Crispin.

[bibitawan ang matanda at kakanta habang umaalis]

[darating ang isang sundalo upang dakpin si Sisa]

IBARRA: Bakit mo siya dadakpin?

SUNDALO: Hindi mo ba nakikita na nanggugulo siya?

EXT; SISA, SUNDALO

MARIA CLARA: May mga tao pala talagang kulang-palad.

[end]

You might also like