You are on page 1of 4

Noli me tangere kabanata 27-28-29

1. 1. KABANATA 27: SA PAGTAKIPSILIM KABANATA 28: SULATAN KABANATA 29:


KINAUMAGAHAN
2. 2. MGA LAYUNIN: • Mabasa at maunawaang lubos ang mga kabanata • Maihalintulad ang mga
nangyari sa kasalukuyan • Masagutan ang binigay na pagsusulit
3. 3. BALIK-ARAL: • Kailan ang bisperas ng Pista ng San Diego? • Sino ang namamahala sa
pagpapagawa ng bahay-paaralan? • Ano ang tinanggihan ni Ibarra mula sa mga mayayaman at
mga kura? • Saang mga bayan magmumula ang mga inaasahang darating na mayayaman? • Sino
ang arkitekto ng bahay-paaralan?
4. 4. MAHALAGANG TANONG: • Para sa Kabanata 27: MADALI KA BANG MANDIRI? (Kung
ikaw si Maria Clara, tutulungan mo din ba siya? Bakit?) • Para sa Kabanata 28: SINO ANG
GAGAWIN LAHAT PARA SA PAG- IBIG? (Kung nasa kalagayan ka ni Ibarra at Maria Clara,
hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Bakit?) • Para sa Kabanata 29: PARA
SAAN/KANINO KA GUMIGISING? (Kung ikaw si Tasyo, gagawin mo ba ang ginawa niya?
Bakit?)
5. 5. PANO KUNG INLOVE KA NA SA BESTFRIEND MO?
6. 6. KABANATA 27: SA PAGTAKIPSILIM
7. 7. Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya
ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa
Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa
mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa
kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato
tulad ng agnos na may brilyante, Esmeralda, at kahoy mula sa Bangka ni San Pedro.
8. 8. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na
mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na
pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat
darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra.
9. 9. Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang
kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang
liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si
Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga
kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang
kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-
kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Nakita naman ni Maria
Clara na kausap ni Sisa kanina yung ketongin.
10. 10. Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging
lingid sa kanyang kaalaman.
11. 11. KABANATA 28: SULATAN
12. 12. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng
San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang
mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang
komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang
nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman
ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon.
13. 13. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa
na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan
Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli.
14. 14. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng
dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng
binata ng bahay-paaralan. Si Andeng ang nagsilbing tagahatid ng sulat ni Maria Clara.
15. 15. KABANATA 29: KINAUMAGAHAN
16. 16. Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin
ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok.
Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa.
17. 17. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainam na kasuotan at mga alahas.
Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang
tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya,
paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang
dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi
natutugunan. Sang- ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit wala siyang lakas ng loob
upang salungatin ang pari.
18. 18. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso
naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa
lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habang siya ay may sakit.
19. 19. Sinimulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa
prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga
nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na
inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.
20. 20. HALAGANG PANGKATAUHAN: • Hindi lahat ng dapat ay pwede. At hindi lahat ng pwede
ay dapat.
21. 21. MGA KANSER: • KAHINAAN NG KABABAIHAN • KATIWALIAN SA
PAMAHALAAN Ipinanggastos nila ang pera para sa kapistahan ng San Diego sa halip na
gamitin ito sa ibang bagay na mas importante at para sa mga problema ng bayan. SOLUSYON: •
Huwag masyadong padala sa damdamin. • Buksan ang mga mata para makita ang totoo sa hindi.
22. 22. EBALWASYON
23. 23. 1. Sino ang naging tagahatid ng sulat nila Maria Clara? 2. Bakit nasabi iyon ni Pilosopo
Tasyo? 3. Ano ang ibinigay ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara? 4. Sino ang nakita ni Maria
Clara na kausap ang ketongin? 5. Bakit naiiba ang prusisyon na naganap sa Kab. 29 kaysa sa
ibang prusisyon?
24. 24. TAKDANG-ARALIN: • Basahin ang susunod na Kabanata
Title of the project: FRYING-
Shanghai, Meatballs, Fried siomai
OBJECTIVES: at the end of the day, students will,
1. Prepare and cook the ff recipe.
2. Follow the recipes correctly
3. Apply the methods of cooking under frying.
MATERIALS TO BRING: • Frying pan • Spatula • Strainer • Grater • Knife • Chopping board •
Tongs • Trays • Spoon and fork • Mixing bowls
PROCEDURE:
• The student of each section will group into 3 members
• Every each member will assign to prepare the recipe
• They will bring the ingredients for their group and divide it to 3 recipe
INGREDIENTS: • Molo wrapper (10 pcs)
• Lumpia wrapper (10 pcs) • Oil (1/2 liter)
• 1 whole onion(white) chopped
• Carrots medium size- grated
• Kinchat (2tbsp) chopped • 2 whole egg(beat)
• ¼ kilo all purpose flour
• Salt ½ tsp • Ground pepper ½ tsp
• 1 magic sarap
• 1 med size turnips cut into small cube
• ½ kilo ground meat
PROCEDURE: 1. Combine meat, carrots, onion, kinchay and turnips
2. Add salt, pepper, magic sarap,beaten egg mix together set aside
3. Divide the mixture into 3
4. Get the molo wrapper and make a siomai style
5. Get the other set of mixture to make shanghai
6. Get the last mixture add 2 tbps of flour then mix it, make a small ball shape
7. Heat the frying pan, put oil and fry one by one then wait until golden brown. Set aside
. 8. Serve with catsup.
CRITERIA: • Preparation- 30% • Presentation- 20% • Taste- 40% • Appearance- 10% Total:
100%

You might also like